bc

THE BOSS NEW WOMAN (TAGALOG COMPLETED)

book_age18+
48.4K
FOLLOW
286.6K
READ
sex
family
pregnant
playboy
dominant
confident
drama
sweet
coming of age
virgin
like
intro-logo
Blurb

WARNING! R-18 | Mature-Content | Rated SPG

================================

Anne Lorien Gonzalez is a probinsyana girl, sumama sa kaibigan upang makipagsapalaran sa Maynila. Ngunit sa kaniyang ginawa 'ay iba ang kanyang naging kapalaran. Kapalaran kung saan 'ay panghahawakan siya ng isang Boss, isang makapangyarihan na tao na ang alam lang sa buhay ay pera, pagpatay na walang alinlangan.

Steven Cuervo, isang makapangyarihan na bilyonaryo lahat ng gusto niya ay nagagawa niya. At kahit saang sulok ka pa 'ay mahahanap ka ng kakayahan niya. At higit sa lahat masarap siya sa kama.

The Boss New Woman, hindi basta-basta pumupili ng babae si Mr. Cuervo dahil gusto niya ay malinis ito. Hindi siya pumapatol sa mga babaeng galing sa club, dahil kahit kilala niya ang may ari dito hindi siya nagbalak. But not, Ann Lorien Gonzalez. Nakuha ang atensyon niya ng isang simpleng babae na kahit kailan ay hndi ito nangyari sa kanya.

Siya na kaya ang makakapagpabago sa pananaw ng isang Boss Steven Cuervo?

--------

I hope na magustuhan niyo ito sa permiso na paggamit sa pangalan niya... Finding_Mnemo

Date started: 03-23-2020

Date Finish: 05-10-2020

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Stay sa house lang at magbasa-basa, darating ang araw na magiging ok rin ang lahat... Salamat pala sa mga mainit na support. Asahan niyo hindi ko kayo bibiguin. ❤❤❤ ------------------------ "Ito na talaga to, Day! Mapakadto na tayo sa Manila!" Napatawa ako dito sa kabigan kong si Shiela habang umaakyat kami ng bus papuntang Maynila. "Sus! Ayaw pagbinisaya dahil ang mga tao sa Maynila 'ay ginagawa nilang katatawanan na tayo kapag naririnig nila ang bisaya na salita natin." Saway ko dito at tinaasan ko siya ng kilay na kunwari ay nagsusungit ako sa kanya. Napatakip naman ito ng bibig na nangingiti, ako kasi dahil tagalog na puro ang aking ama kaya kahit paano 'ay napag-aralan ko ang tamang pagsambit ng mga tagalog na salita. Tahimik na magkatabi kami ni Shiela sa pandalawahang upuan, yakap ang dalawang bag na hindi naman ganon kalaki. Naglalaman ito ng mga ilang mahahalagang gamit namin. No'ng una nagdadalawang isip talaga akong magpunta sa Maynila, dahil sa takot at ayaw kong malayo sa mga magulang dahil may katandaan na ang mga ito. May edad na kasi sila noong magsama sila ni mama at magkaanak. "Anne, tingnan mo 'yung na sa pangalawang upuan sa unahan. Ka-gwapo niya oy!" Binangga ko naman siya sa braso na at tiningnan ng look na huwag masyadong malakas ang boses.  Humahagikgik siya at napapailing nalang ako na napapangiti dahil talagang lukaret ito, ako rin naman minsan may ganon na pag-uugali kapag sinumpong lang. Natahimik naman ang katabi ko dahil na-busy na sa hawak na cellphone, napatingin ako doon sa lalaki na sinabi ni Shiela at kahit naka-side view ito ay mukhang magandang lalaki nga ito. Pinikit ko na lamang ang mata upang makatulog na, muling pumasok sa isip ko ang mga magulang at dalawang kapatid na naiwan. Sa kagustuhan kong kahit paano makaranas na magaan na buhay ang magulang, ito ang naisip kong bilang panganay sa magkakapatid. Sa edad na bente anyos 'ay high school lang ang aking natapos dahil sa tumulong na ako agad mga magulang ko. Nagising ang diwa ko ng maramdaman ang pag-andar na ng bus. Kinakabahan at excited na ako, napatingin pa ako labas kung saan ang bayan na pamilihan sa lugar namin. Sinulyapan ko ito dahil siguradong mamimiss ko ito. "Nagmessage pala si Aling Merna, magtext daw tayo kapag na sa terminal na tayo ng Maynila bukas." Tumango lang ako sa sinabi nito at si Aling Merna pala ang ang kontak namin doon sa Manila, na kung saan ay siya ang magpapasok sa amin sa isang Chinese Restaurant. May kakilala raw siya doon kaya madali kaming makakapasok, kaya naman tuwang-tuwa kami dahil malaki raw ang sahod doon. Ipinikit ko na ang mga mata dahil sa sariwang hangin na pumapasok sa binta at hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. "Anne!" "Anne Lorien!" Bigla akong nagising at nagulat pa sa kaibigan na titig na titig sa akin ngayon. "B-Bakit?" Tila ba wala pa ako huwesyo pa dahil nabigla ako sa pagtawag niya sa akin. Bigla akong napatawa dahil sa itsura ni Shiela na para bang napatanga sa tanong ko na bakit. "Ano ka ba Inday? Hindi ka ba nagugutom? Bus stop na tayo tanghali na, gutom na gutom na talaga ako." Himas nito sa tiyan niya at nakaramdam na rin ako ng gutom, tumayo na ako at inaayos ang sarili. Halos nakababa na ang lahat kaya nagmamadali na bumaba kami ni Shiela. Pagpasok sa loob ng kainan halos wala na kaming maupuan dahil sa daming pasahero na kumakain. Nagpalinga-linga kami at napansin ko ang lalaking nag-iisa lang sa lamesa at kumakain na. "Anne, ayon pala kay pogi meron." Kinikilig na hawak nito sa braso ako dahil 'yung kanina na tinitingnan nilang lalaki na tinutukoy ni Shiela. Walang nagawa at lumapit na kami doon. "Hi, puwede bang maki-share dito?" Matamis ang pagkakangiti na tanong ni Shiela, ewan pero nailang ako sa klase ng pagkakatingin nito sa kaibigan ko at sa akin. "Oo naman para may kasabay ako." Masayang sagot nito at umurong pa ng konti kahit medyo maluwag pa naman ang puwang. "Ako na lang ang mag-order ng ulam natin ilabas mo na lang ang masarap na kanin natin, Anne." Napangiti tuloy ako dahil sa sinabi ng kaibigan ko tungkol sa kanin na inihanda pa ng kanilang magulang. Kasi masarap ang kanin namin may dahon ng pandan. "Magkapatid ba kayo?" Napaangat ang mukha ko ng marinig ko ang boses nitong lalaki, umiling ako dito na nakangiti. "Aaa... Akala ko magkapatid kayo, magpinsan?" "Matalik na magkaibigan." Sagot ko na dahil mukhang hindi ito titigil magtanong sa akin. "Nice, ako nga pala si, Arjay Sevilla. At pabalik na ako sa Manila galing sa bakasyon." Alanganin man na abutin ang pakikipagkamay nito ay inabot ko pa rin upang hindi ito mapahiya. At isa pa mukhang friendly naman siya. "Anne Lorien." Sagot ko lamang at bumitaw na agad ako dahil sa mahinang pagpindot nito sa palad ko. "Nako, grabe ang haba ng pila." Nakahinga ako ng maluwag nang dumating na ang si, Shiela. "Arjay Sevilla pala." Pakilala din nito kay Shiela at ang maharot biglang natatameme at parang kinikilig na pinigilan ang itsura ang sarap sabunutan. "Ha-Hi, Arjay. Ako naman si Shiela Agustin, nice to meet you." Ngiting-ngiti na sagot nito at matapos iyon naghiwalay na ang kamay nila, tumingin pa sa akin si Shiela na kinikilig ang mga mata. "Hindi naman sa masiyado na akong feeling close sa inyo. Hmmm... Magbabakasyon ba kayo sa Maynila?" Natigil naman ako sa pagsubo sa tanong nito at tumingin kay Shiela. "Hindi kami magbabakasyon sa Maynila, magtatatrabaho kami nitong kaibigan ko. Alam mo bang first time namin na magpunta sa Maynila?" Nakinig na lamang ako sa kanilang dalawa habang kumakain ako at ito namang si Shiela na nagsasalita at panay ang subo. "Ganon? Mabuti at hindi kayo natatakot na magpunta sa Manila? Alam niyo naman na magulo doon at maraming masasamang tao." Nag-aalalang sabi nito at nagpalipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa ni Shiela. "Hindi naman, lakasan na lang ng loob para sa pamilya namin at isa pa may kilala naman kaming susundo sa amin pagdating sa Maynila. Taga doon ito sa probinsya namin kaya kahit paano hindi kami nag-aalala." Patuloy lang akong nakikinig at napapansin ako na panay ang tipa nitong lalaki sa phone na hawak niya habang kausap ang kaibigan ko. "Magsibalik na ang lahat dahil babiyahe na ulit tayo." Napamadali ang kain namin dahil narinig namin ang kundoktor na pinapabalik na kami. Mabilis na inayos namin ang aming kagamitan at naghandang tumayo na. "Sandali, maaari bang mag-picture tayong tatlo remembrance lang. Malay niyo magkita tayong muli." Napatingin naman ako kay Shiela na nakangiti na ngayon, wala ng sagot-sagot pa dahil agad na pumuwesto itong lalaki sa tabi namin at nag-capture agad ng picture. Nakailang click din ata 'yon at nakangiti na itong lalaking isinilid sa bulsa ng pantalon ang cellphone niya. "Maraming salamat sa inyo mga magagandang binibini." Todo ngiting pasasalamat nito tumango na lang ako at hinatak ko na si Shiela upang bumalik na sila sa bus. Tahimik na umapo na kami  samantalang ang kaibigan ko ay panay ang sulyap doon sa lalaki. "Nakakaloka, imagine? Talagang nagpa-picture pa siya sa atin?" Hindi pa rin maka-move on na wika ni Shiela at tila ba nangangarap pa ito habang nakatingala. "Hay nako, itulog mo na 'yan at bukas na bukas 'din nasa Maynila na tayo." Sabi ko na lamang dito upang manahimik na siya, natahimik naman ito at nagtalukbong ng bimpo sa mukha siguro ay matutulog na ito. Kaya naman ipinikit ko na ang mga mata upang paggising ay namin na sa Maynila na kami. ---------- Masayang bumaba kami ng bus at hindi makapaniwala na naririto na Maynila. Medyo may kadiliman pa kaya hindi pa nila gaano makita ang mga nagtataasan na mga gusali. Tanging iba't ibang kulay mula sa mga bahay at building ang nakikita namin. "May gad! Anne! Nandito na talaga tayo. Nakikita mo ba ang iba't ibang ilaw sa paligid at sa mga nagtataasan na mga building?" masayang bulalas ni Shiela. Inosente at manghang-mangha ako sa mga nakikita ko at sa mga ilang taong palakad-lakad dito. May iba na pauwi ng probinsya at 'yung iba naman ay kaniya-kaniyang sundo ng mga kamaganak nila. Napapangiti na lang ako dahil sa munting pangarap na natupad ngayon. "Ano nasaan na si Aling Merna?" Maya'y tanong ko dito dahil excited na rin akong makarating sa papasukan naming trabaho. "Sandali at tatawagan ko." Sagot naman nito habang kinukontak niya sumenyas ito sa akin na doon kami tumambay sa isang sarado na store upang makaupo. Lumakad naman kami ng biglang may humalbot sa bag na suot ko at sapilitan itong tinanggal sa katawan niya. Halos mabalian ako ng braso sa sobrang sakit. Kusang gumalaw ang mga paa ko upang habulin ang magnanakaw, dahil naroon ang ilang mahahalagang mga papeles ko at ang kaunting pera na pinabaon sa akin ni papa. Hindi puwedeng nakawin lang ito dahil pinaghirapan ito ng ama ko. "Anne!" Lumingon pa ako ng makitang tumatakbo na rin ang kaibigan ko, pero binalik ko rin agad ang paningin sa hinahabol. Mas binilisan ko ang pagtakbo dahil mabilis tumatakbo ang lalaki. Lahat ng madaanan kong mga tao ay nabunggo ko na pero wala na akong pakialam. Nakita kong pumasok ito sa may eskinita kaya nagpunta rin ako doon. "Anne, dito ako sa kabilang eskinita basta mag-message na lang tayo sa isa't isa." Tumango lang ako at pumasok na dito sa eskinita ngunit may kadiliman kaya nakaramdam ako ng konting takot. "Hoy! Ibalik mo naman sa akin ang bag ko, maawa ka naman hindi ako tagarito kaya ibalik mo na." Sigaw ko na halos habulin ko ang paghinga sa pagod sa pagtakbo. May nakita akong paparating na babae ngunit nilagpasan lang ako nito. "Ate may nakita po ba kayong lalak-" "Wala akong nakita." Sagot agad nito na kinagulat ko nawala agad ang babae dahil sa bilis nitong maglakad. Wala akong nagawa kung hindi pasukin ang lugar na iyon dahil sa kagustuhan na makuha ang bag ko. Gamit ang cellphone na nasa bulsa ng pantalon ay ginawa ko itong ilaw dahil sa may kadiliman sa nilalakaran ko. Sarado pa ang ilang bahay na nadaanan ko dahil alas tres palang pasado ng madaling araw. Hanggang sa makarating ako sa dulo at namataan ko na may maliwanag doon banda. Pero napaatras ako at napakapit sa bibig ko dahil sa nakitang kong maraming lalaki na nag-iinuman doon.  Umatras ako ng dahan-dahan at sa bawat atras ko ay ang takot na baka marinig nila ako o makita. Hanggang sa may nasagi akong parang tao mula sa likod ko. Bigla akong humarap dito at laking gulat ko na si Arjay pala ito. Bigla akong nabuhayan ng loob dahil sa may makakatulong na sa akin. "Hi, Anne. Nice to see you again." Ngiting-ngiti na wika niya. "Mmm...Mamili ka? Makukuha mo ang bag mo sa kanila... Pero kapalit nito ang pagpapasa-pasahan nila ang katawan mo?" Nakangisi nitong sabi sa akin at kinilabutan ako bigla dahil sa sinabi niya. Nanlaki ang mata ko dahil hindi niya inaasahan na ganito ang sasabihin niya sa akin. Nakaawang ang bibig at hindi ko makuhang magsalita, dahil tanging takot ang nasa dibdib ko ngayon at samo't saring emosyon. "O, kaya naman ay sasama ka sa akin?" Nakangiting wika pa niya ulit. Dito mas lalo akong kinabahan at natakot na rin para sa sarili ko. Kumilos ako upang tumakbo para makatakas, ngunit mabilis na nahawakan niya ang braso ko. Sobrang higpit ng pagkakapit niya sa akin, gumawa pa rin ako ng aksyon at sinipa ito, ngunit walang saysay ang ginawa ko. Hanggang sa sampalin niya ako ng ubod ng lakas na halos ikaliyo ko, kasunod ang malakas na suntok sa sikmura ko na dahilan ng pagbagsak ko sa malamig na semento. Lumabas ang laway sa bibig ko habang namimilipit sa sakit. "Pota! Gusto ko ng yariin itong babae na 'to dito. Kung hindi ko lang nasabi kay Boss G na may dadalhin akong bagong babae malamang tapos 'to sa akin." "Oo nga ma-itsura pa naman 'yan at mukhang bata pa at sariwa. Yung kasama niya na isa isasabay na ba natin?" "Huwag, 'yon na lang muna ang dalhin mo sa hide out natin at gagawin nating pulutan mo na. Sabihin na lang natin na nakatakas." "Yon! Sinasabi ko na at hindi tayo mawawalan sa'yo. Pero bakit hindi na lang iyang isa? Dahil mukhang mas masarap siya." "Hindi puwede dahil ng makita ito ni Boss no'ng i-sent ko ang picture nila kanina. Gusto niya madala ko 'to sa kanya kaya kailangan kahit 'yang babae  na 'yan ay madala ko sa kanya." "Ganon ba, tara na. Puwede na yong kaibigan niya maganda rin naman kahit paano, pero parang hindi na virgin yon." Narinig ko na usapan ng mga 'to. Napapamura ako sa isipan ko sa mga hayop na 'to. Nakakalokong mga tawanan na mala demonyo at doon na ako tuluyang nawalan ng malay. ----------------

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.2K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.6K
bc

Contract - Tagalog

read
753.4K
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
825.7K
bc

YOU'RE MINE

read
893.1K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
698.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook