bc

NEVER ENOUGH

book_age0+
12
FOLLOW
1K
READ
fated
playboy
badgirl
drama
tragedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

"Luha? Luha lang iyan. Your tears was never enough to pay off the pain I had. Masyado kang ma-drama. Ang boring mong panuorin."

chap-preview
Free preview
POLOGUE
"It's not really that hard to win me back, alam mo yan. Kasi nung naging tayo hindi ko pinatagal masyado ang panliligaw mo. Nakinig ako sa sinabi nilang hindi panliligaw ang pinatatagal kundi relasyon. Pero siyempre kailangan mo naman pagbayaran ang ginawa mo dati... I'm not as stupid as before to give you chance nang wala kang kahirap-hirap. 'Di katulad dati na kapag umiyak ka, iiyak na lang din ako at babalik sa'yo." I managed to tell my ex boyfriend at tuluyan ko nang pinakawalan ang luhang kanina pang gustong kumawala sa mga mata ko. "Pero umiiyak ka din ngayon! It's because of me, right? And what you did to me is not giving me a chance. It's a revenge! But you don't have to do this. You don't have to continue doing this." Umiiyak siya habang sinasabi niya iyon ngunit di ko magawang paniwalaan dahil takot ako, at alam kong nagawa na niya akong paniwalain dati sa lahat ng kasinungalingan niya. "You love me, isn't it? Tell me. Tell me you love me, too. Please tell me you love me again." Sabi niya na may halong emosyon at kitang-kita ko sa mga mata niya. Parang sinasabi niya na sigurado siyang mahal ko siya. Gusto niyang sabihin ko na mahal ko rin siya. Nakikiusap siyang sabihin kong mahal ko siya ulit. Eh ano ba naman kung umiiyak ako ngayon? "So what if you see me crying now? Sinasabayan lang naman kita sa pag-iyak mo kasi nakakaawa ka. Para kang telenobelang pinapanuod ko. Nadadala ako kaya napapaiyak ako, kahit alam ko naman na drama lang yung nakikita ko." Patuloy lang siya sa pag-iyak. Naiinis ako sa nakikita ko! Kung makaiyak siya akala mo inapi ko. Kung tutuusin ako yung nadehado! Gusto ko lang naman ibalik 'yong nawalang pride ko. 'Yong nawasak na ego ko dahil niloko niya ako! "Nagpakatanga ako noon at binigyan ka ng hindi lang isa, dalwa, tatlo kundi mas maraming pagkakataon. Kahit alam kong pare-pareho ang dahilan ng paghihiwalay natin binigyan kita ng chances kasi umaasa ako na magbabago ka! Pero anong ginawa mo? Niloko mo ko, pinili mo pa siya, pinagmukha n'yo 'kong tanga! Tapos iyan ka ngayon bumabalik na parang wala kang ginawang masama? E, 'di Wow!" Pinunasan ko ang mga luhang nag-uunahan ng pagdaloy sa pisngi ko at tumalikod na ko. "Sorry ha? Di kasi ako nakaregister sa UnliTanga. Pasensya ka na." at tuluyan na akong naglakad palayo sa kanya. Tumakbo na ako dahil hindi ko na kayang makita pa ang sunod na manyayari. "Kylie!" naririnig kong tawag niya. "Kylie!" Habang tinatawag niya ako ay tila lumalapit din ang boses ng tumatawag. Alam kong sumusunod siya. "KYLIE!" Napamulat ako sa malakas na sampal na naramdaman ko. Panaginip. Isang panaginip lang pala. Panaginip na gusto niyang mahalin ko siya ulit; kung saan umiiyak siya dahil gusto niya akong bumalik; kung saan napaluha ko din yung taong nagpaluha sa akin. Pero ano'ng ibig sabihin ng panaginip na ito? Babalik nga kaya siya? Babalik pa ba siya, o hanggang panaginip na lang talaga?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Broken Mate

read
858.1K
bc

Sold To The Alpha

read
150.5K
bc

Alpha Witch

read
144.7K
bc

Sold to the Billionaire Alpha

read
1.6M
bc

Requiem (Lost Mates Book 3)

read
112.2K
bc

A Game of Love

read
70.3K
bc

Revolting (Rebel Moon Series 1-3)

read
582.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook