bc

BE MY SUGAR (Be My Valentine)

book_age16+
1.5K
FOLLOW
10.7K
READ
love after marriage
fated
friends to lovers
manipulative
boss
drama
sweet
bxg
humorous
humiliated
like
intro-logo
Blurb

“I have loved you from the start, sugar. But this time, I’m falling in love with you every single day.”

Jack Rheus and Maria Portia, best of friends since birth.

Nang talikuran si Portia ng lalaking pakakasalan nito, si Jack ang umalalay sa kanya. Jack even created a speacial event for her. Para makatulong daw sa pagmu-move on niya. But Jack got broken-hearted, too.

Naisip ni Portia, tutal pareho silang sawi, bakit hindi na lang silang dalawa ang magpakasal? Pero hindi niya makumbinse ang binata. Jack wanted to marry for all the right reasons. At kahit anong pangungulit niya dito ay ayaw nitong pumayag. Hanggang sa sumuko na siya at tinanggap na lang na hanggang magkaibigan na lang sila.

Isang araw ay nagising siyang nakatunghay sa kanya si Jack. Magpapakasal daw sila sa araw na iyon.

Divine intervention, she thought! Aleluya!

chap-preview
Free preview
Prologue
February 14, 2014   “SINABI ko na sa inyo, I don’t wanna be disturbed!” singhal ni Porsche nang maramdamang bumukas ang pinto ng kuwarto niya. Mahigit isang linggo na niyang tinalikuran ang buong mundo at ang espasyong iyon lang ang iniikutan niya. Ang pagkain niya na dinadala ng yaya ay tahimik na inilalagay lamang sa sariling dining area ng napakalaki niyang silid. Her bedroom suite was at the farthest corner of the Ilustre mansion’s left wing. Hindi kalabisang sabihin na ang kinaroroon niya ngayon ay silid sa loob ng silid. Walang makapagtangka na kumausap sa kanya. Wala siyang sinisino. Ang sumuway ay nakakatikim ng angil mula sa kanya. Minsan nang nagtangka ang Kuya Leandro niya na kausapin siya. Pinairal niya ang kamalditahan at inangilan ito na parang siya ang nakakatanda. Siguro sadya lang siyang mahal ng nag-iisa niyang kapatid kaya pinalampas nito iyon. O marahil ay iniintindi na lamang ang sitwasyon niya. Sa huli, nag-alok ang kuya niya na kung gusto niyang mangibang-bansa ay bukas para sa kanya ang flat nito sa New York para tuluyan niya. She was also indulged by her parents. Ibinilin na lamang ng kanyang papa sa mga katulong na huwag siyang kalimutang dalhan ng pagkain. Pero tanging yaya lang niya ang may lakas ng loob na pumasok sa kuwartong iyon kapag ganoon na matindi ang alburuto niya. At madalas din kaysa hindi, halos hindi naman nagagalaw ang mga pagkaing iyon. She barely ate. Kahit nararamdaman niya ang gutom ay hindi niya magawang lunukin ang pagkain. Nilulunod na lamang niya ang sarili sa pag-inom. Her personal ref was stocked with lots of beverages at meron din siyang inuming nakalalasing. But ironically, sa kabila ng pagmumukmok niya ay hindi niya pinapansin ang alak. She was just there on her bed. Halos hindi siya kumikilos. Nakatulala lang madalas. Nakatitig sa marangyang disenyo ng kanyang kisame na napipintahan ng kulay maputlang rosas. At tiyak niya, sa tagal ng pagmumukmok niya doon, kung sinubukan niyang bilangin ang mga kristal sa magarbong aranya sa kuwartong iyon ay malamang na nabilang na nga niya. Pero madalas kaysa hindi, nakadapa siya at tinitigmak sa luha ang fire-retardant na unan niya. Her bed was a big mess. She was also a big mess herself. “Kahit ba ako, hindi puwedeng mang-istorbo sa iyo?” Mula sa pagkakabaon ng mukha niya sa malambot na unan ay lalo pang kumunot ang kanyang noo. Ni hindi niya kailangang tingnan kung sino ang pangahas na iyon. “Go away, Jack. I just want to be alone.” Lumambot ang tinig niya at idiniin pa ang mukha sa unan. “Come on, sugar. Get up.” “Ayoko. And please, go away. Utang-na-loob.” “At paano kung ayaw ko?” tila hamon nito. “Jack Rheus, utang-na-loob, iwan mo ako. Ayoko talagang makipag-usap kahit na kanino. Magpasalamat ka at mahinahon pa ako sa iyo.” And it was so true. Hindi rin niya alam kung bakit. Maybe she could credit it to their almost quarter-of-a-century-old friendship. Nasa tiyan pa lang siya ng mama niya ay kinakaibigan na daw siya nito, na anak naman ng best friend ng mama niya. Lumang tugtugin na ang kuwento na palagi siyang kinakausap ng four-years old pa lamang noon na si Jack habang ipinagbubuntis niya. Nag-iisang anak pa lamang noon si Jack at sabik din sa kalaro. Twelve years ang age gap nila ng Kuya Leandro niya. At no-pansin kay Leandro ang apat na taong gulang na si Jack. Iba na ang interes ng dose anyos kaya siya na nasa tiyan pa lamang ng mama niya ang kinasabikan ni Jack. They almost grew up together. He was a constant friend, playmate, a hero and sometimes, played the role of another older brother. Pero kailanman ay hindi niya ito tinawag na kuya. At hindi rin ito nagpapatawag na kuya--- sa kanya at kahit naman maging sa naging mga kapatid nito. Bahagya siyang napakislot nang kalabitin siya nito. “Sige na, bumangon ka na diyan.” Nilangkapan nito ng lambing ang tinig nito. “For the millionth time, Jack. Please leave me alone.” Ni hindi siya tuminag. “Ganoon, ha!” Nagtitili siya nang walang sabi-sabi na hinila nito ang dalawang paa niya at lumagpas ang hanggang kalahati ng katawan niya sa kama. Kumawag siya nang kumawag na walang iniwan sa isda na iniahon sa tubig. Bumiling siya patihaya habang hindi maipinta ang mukha niya sa katitili at sikad pa rin ng sikad ang mga paa. “Damn you, Jack!” “Yes, damn me,” sabi nito na tila bulong sa sarili. Napatitig siya sa binata. Para itong naestatwa sa pagkakatayo. His eyes was fixed on something. At isang pagtataka sa kanya ang tila sunud-sunod na paglunok nito. Sinundan niya ng tingin ang direksyon ng mga mata nito. And she was shocked, too. Nakabilot sa bewang niya ang laylayan ng night shirt na suot niya. Her long and shapely legs were exposed, and the small triangle of her purple bikini, too! Bumalik ang tingin niya kay Jack. Saan ito eksaktong nakatingin? Sa mga legs niya o sa gitna ng legs niya? Hindi niya alam ang eksaktong sagot. But his eyes were fixed on her. And it seemed dark with... passion? Passion?! Natigagal siya. Kelan pa nauso iyon sa pagitan nilang dalawa? Kinipit niya ang bahagyang magkahiwalay na mga hita at hinila ang comforter upang takpan ang sarili. “Jack, bakit ba kasi nandito ka?” kaswal na sabi niya. Ayaw na niya itong tingnan uli. Ayaw niyang pag-isipan pa kung bakit tila iba ang ekspresyon nito. Inabot niya ang isang unan at tinakpan ang sariling mukha. Hindi niya maintindihan kung bakit tila bumilis ang t***k ng puso. Maybe it was just because of adrenaline rush. Hiningal siya sa pagkawag. “It’s the fourteenth of February today,” narinig niyang sagot nito. Umasim ang mukha niya. “And so? Walang kuwenta sa akin iyan. Sa iyo, tiyak na meron. Saan ang date ninyo ni Via? O baka naman magpo-propose ka na sa kanya?” May pakla sa tinig niya. Hiniklas nito ang unan sa mukha niya. “Sugar, get up, okay? It’s Valentine’s Day.” Inirapan niya ito. “Just come back on Christmas time.” “Maria Portia, huwag mo akong pikunin! Move your ass!” Napilitan siyang bumangon. Kilala niya ito. Malapit na nga itong mapikon. “What’s wrong with you, Jack? I know it’s Valentine’s day. Don’t you think I wouldn’t know? Pero alam mo naman ang nangyari sa akin, di ba? Valentine’s day is equal to Doomsday!” Lumubog ang tuhod nito sa malambot niyang kama nang lumapit pa ito. Hindi siya nakahuma nang hawakan ng dalawang kamay nito ang ulo niya. Sininghot-singhot nito ang buhok niya na parang may hinahanap na kung ano. “My god, sugar. You stink!” Tinabig niya ito. “I don’t care about my hygiene. Why the hell do you care?” Tumigas ang anyo nito bago napailing at walang babala na binuhat siya. Inilang hakbang lang nito ang banyo niya at ibinaba siya sa malaking bath tub. Bago pa siya nakapiyok, binuksan na nito nang todo ang gripo maging ang shower na nakatapat din sa kanya. “Jack!” singhap niya. Pakiramdam niya ay isa siyang halaman na sabay na binabaha at inuulan doon. Nagtangka siyang tumayo doon subalit pigil ng isang kamay nito ang balikat niya. Parang napakalaki rin ng binata na naharang sa kanya para makaahon siya sa bath tub. Gustong-gusto niyang magsisigaw. Nanunuot sa kalamnan niya ang malamig na tubig. Bago sa kanyang pakiramdam ang dampi ng tubig. Kung kailan siya huling naligo ay hindi na niya natatandaan. “Jack, hindi ako makahinga!” Inawas niya sa pamamagitan ng sariling kamay ang tubig na patuloy na bumubuhos sa mukha niya. Parang wala itong narinig. Hindi nito isinara ang shower habang hindi siya basang-basa. Parang wala din itong pakialam kung natitilamsikan na rin ito. Pero patuloy pa rin ang malakas na pagtulo ng gripo at unti-unti siyang inilulubog ng tubig. Tikom ang mga labi na kumuha ito ng bubble bath at talagang itinaktak ang buong laman niyon sa tumataas na tubig. Kinawkaw nito ang tubig at nagsimulang bumula ang laman ng tub. Initsa nito ang basyong bote sa trash bin. “Now, tell me, ako pa ba ang magpapaligo sa iyo?” walang emosyon na sabi nito. “Why are you doing this?” tanong niya na parang basang sisiw. Sumiksik siya sa sulok ng bath tub at ipinatong ang baba sa mga nakatiklop na tuhod. “Dahil hindi kita kayang tiisin. Kung kaya nilang lahat na makitang nagkakaganyan ka, puwes ako, hindi. I care a lot about you, sugar. I love you, for god’s sake. Hindi mo pa ba alam iyon hanggang ngayon?” Kumibot-kibot ang mga labi niya at saka bumunghalit ng iyak. “Mabuti ka pa, mahal mo ako. I loved him with all of my heart, pero niloko lang niya ako. Sinaktan lang niya ako.” “Kaya nga mas dapat mong ayusin ang sarili mo. Sinaktan ka na nga ng gagong iyon, sasaktan mo pa rin ang sarili mo? Sige na, tapusin mo na iyang walang kuwentang pagmumukmok mo. I want to see the fiery Porsche that I know. I created an event at Belle’s Pepper. Hindi puwedeng mawawala ka doon. Party starts at eight tonight. Now, tell me, babalikan ba kita o pupunta ka na lang doon?” “Jack, I don’t wanna go out.” She was mortified. Isipin pa lang na lalabas siya sa lungga niya ay hindi na niya matanggap, at mas lalo pa sa araw na iyon. Everybody was having a date. Hahayaan pa ba niyang makita ng ibang tao na nag-iisa siya? No, kahit magunaw ang mundo ay hindi siya lalabas. Ano na lang ang sasabihin ng makakakita sa kanya? Sila-sila din naman ang magkakakilala sa maliit na sirkulong ginagalawan niya. Hindi siya makapapayag na putaktihin siya ng mga paulit-ulit na tanong, na siya mismo sa sarili niya ay hindi rin niya alam ang sagot. Bakit hindi na matutuloy ang kasal nila ni Kit? He simply quit. Bagay na bagay sa pangalan nito ang ginawa nito sa kanya. “Kilos na,” untag sa kanya ni Jack. Sumandal si Jack sa malapad na granite counter and looked at her indulgently. Nakatanaw siya ng katiting na pag-asa. Maybe, just because he cared for her, maiintindihan din nito ang pinagmumukmok niya. Sinong sawi sa pag-ibig ang magkakaroon ng lakas ng loob na lumabas sa gabi ng Valentine’s Day, lalo at walang date? Kung mayroon, isa lang ang tiyak niya. Definitely not her. May kinuha si Jack sa inner pocket ng blazer nito. At noon lang niya napansin na higit kaysa sa kaswal ang suot nito. Malamang ay galing ito sa meeting o may pupuntahan pang meeting. Pero naisip niyang sana ay tapos na ang meeting nito. His suit was also soaked. Tilamsik marahil ng shower kanina at namumuti pa ngayon sa bubble bath. But as always, he looked gorgeous. Hindi na bagong bagay ang magkadarapa ang mga kababaihan dito. He was a good catch, no, he was a perfect catch. Kaya naman suwerteng-suwerte talaga si Via na tatlong taon nang girlfriend nito. “Do you see this?” he asked. Itinaas nito ang kulay itim na card. “This is the event I am telling you. I pushed this event because of you. And for you,” puno ng kahulugang sabi nito. “Now, do you think I will let this happen na wala ka doon?” “What kind of event is that?” mabilis na tumayo siya mula sa bath tub at umahon doon. “Let me see.” She stretched her hand toward him. “Oh, s**t!” Biglang tumalikod sa kanya si Jack. “What’s the matter?” kunot-noong tanong niya. “You.” Naghagilap ito ng tuwalya sa rack at patalikod na initsa iyon sa kanya. “Cover yourself.” Napaawang ang bibig niya. She was next to naked. Balewala ang suot niyang nightshirt dahil basang-basa siya at nakabakat doon ang buong katawan niya. Pero hindi naman bago iyon. Lumaki silang halos magkasama sa buong buhay nila. Ano at parang conscious na conscious ito ngayon sa itsura niya? Wala sa loob na isinampay lang niya ang tuwalya sa balikat. “Patingin ng papel,” kaswal na sabi niya. Ipinatong ng binata ang papel sa counter at ginamit na paper weight ang isa sa mga hair brush niya. “I better go. I’ll just call you later.” Ni hindi siya nito nilingon at lumabas na. Tikwas ang mga labi na sinundan lang niya ito ng tingin. Jack was so weird, she thought. Tinuyo niya ng tuwalya ang kamay saka kinuha ang papel na iniwan nito. Her jaw dropped. “Jack!!!” tili niya. “Sasakalin kita!” Hinabol niya ito subalit nakalabas na ito ng bedroom suite niya. Nagdadabog na bumalik siya sa banyo. Binasa niya uli ang nasa papel. At hindi nga siya nagkamali ng basa. Belle’s Pepper presents... Valentine Party for Singles. “I hate you, Jack,” she muttered.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Faithfully

read
266.1K
bc

Wicked Seduction (R-18)

read
337.5K
bc

Seducing My Wife (R-18)

read
338.6K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.4K
bc

Chasing Cold Heart (Completed)

read
286.9K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
64.2K
bc

He's Cold Hearted

read
160.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook