bc

Your Love is Killing Me

book_age16+
153
FOLLOW
1K
READ
dominant
inspirational
dare to love and hate
mafia
billionairess
lighthearted
office/work place
first love
virgin
surrender
like
intro-logo
Blurb

"Violet and I broke up." Lakas loob kong sabi. "For real."

Tinapik ni Kuya ang balikat ko. "It's okay brother. Ganyan talaga ang buhay, girls will come and go." Ngumiti ito sakin at napatingin sa pagdaan ni Rana. "There's a lot of pretty girls out there. Forget about her." Sa aming magkakapatid si Kuya Kyle Jr. ang pinakaplay boy. Marami sa kanyang nauugnay na babae, ang iba pa nga ay anak ng artista.

"Yes Kuya." Maikli kong sagot.

His right. I need to move on.

Masyado pa akong bata para problemahin ang pakikipagrelasyon.

Gusto ko munang ienjoy ang buhay ko habang single ako.

Tsaka marami pang babae diyan na magmamakaawa na mahalin ko, yung babaeng kaya akong ipaglaban.

chap-preview
Free preview
Your Love is Killing Me
Violet's POV Napakagat ako sa labi nang hawakan ni Khalel ang hita ko, umaatake na naman ang kalandian ko. Pinalo ko ang kamay niya. "Khalel stop, baka may makakita satin." Mahina siyang tumawa. "Sorry. Hindi ko mapigilan ang sarili ko." Binasa niya ang kanyang labi. "Thank you for three days. Sana magextend pa ang parents mo sa Dubai para masolo pa kita." Hinawan ko ang kamay niya. "Konting tiis nalang magkakasama na tayo." "Gusto mo ako nalang ang magsabi sa kanila ng relasyon natin." "Diba napag-usapan na natin to. Kailangan mo na nating matupad ang mga pangarap natin sa buhay." Pilit itong ngumiti. "Alam ko naman yun eh. Sabi ko nga sayo--- never mind." Yumakap ako ng mahigpit dito. Marami akong rason kung bakit ko minahal ang isang Khalel Mayer. Pitong taon na kaming may relasyong dalawa. Nagkakilala kami way back in highschool, niligawan niya ako ng limang buwan bago ko siya tuluyang sagutin. Khalel is my first in everything, siya ang unang lalaki na minahal ko, siya ang inalayan ko ng p********e ko na kahit kailan hindi ko pinagsisisihan. I'm Violet Foss. Lumaki ako sa mayamang pamilya. Parehong politician ang parents ko kaya nag-iingat kaming magkakapatid sa reputasyon namin. Dapat palagi kaming mabango sa mata ng mga tao kundi gagamitin nila yun para mapa-alis si Dad sa pwesto niya ngayon. Ilang minuto ang lumipas nang dumating na ang order namin. "This is for you Baba." Sabi niya at sinandukan ako ng pasta. "Here's your favorite buttered shrimp." "Thank you Baba." Pasasalamat ko. Baba ang tawagan namin sa isa't isa. Alam kong weird sa ibang tao but for me it's sweet. "Wait. Bathroom lang ako sandali." "Okay." Hindi muna ako kumain, hinintay ko munang bumalik ito. Ilang minuto ang lumipas, biglang may humawak sa balikat ko. "Ba--" "Violet? What are you doing here?" Nanlaki ang mata ko nang makilala ang boses na kasalukuyang nasa likuran ko. "Mom. What are you doing here?" "Ikaw ang tinatanong ko anak. By the way, we have a meeting here. Kasama ko ang Daddy mo. Bakit parang nagulat ka? May kasama ka ba?" Umiling ako. "Akala ko kasi bukas pa ang balik niyo. Wala po akong kasama, marami lang talaga akong inorder." "Okay, sumabay kana samin kumain. Kasama namin si Tj at ang parents niya." "Violet your here anak." Si Daddy. "Yes Dad." Humalik ako sa pisngi nito bilang paggalang. "Hi Tito and Tita." Nagbeso din ako sa mga magulang ni Tj. Nagpareserved pala sila sa kabilang table kaya sumunod nalang ako sa kanila. Nakita kong papalapit sakin si Khalel kaya kaagad ko itong sinenyasan. Bigla itong sumeryoso at umupo sa kabilang lamesa. "Are you okay Violet?" Tanong ni Tj. "Oo naman." Maikli kong sagot. Pilit akong ngumiti sa harapan nilang lahat. Nagserved na ng pagkain sa lamesa. Kung kanina gutom ako, ngayon nawalan na ako ng gana. "You should eat rice Violet." "Okay lang ako." "Look at them. They look good together." Napatingin kami ni Tj sa mga magulang namin. Anong pinagsasabi nila? "Baka pwede na natin pag-usapan ang proposal ni Tj kay Violet." "What proposal?" Naguguluhang tanong ko. Business proposal ata ang tinutukoy nila. "Nagpaplano na kami ng wedding niyo anak." Biglang may nahulog na baso sa kabilang lamesa kung saan naka-upo si Khalel. "What's that?" Tanong nila. "Sorry Ma'am and Sir." Nagtama ang mga mata namin ni Khalel. Naguguilty ako kasi hindi ko masabi na hindi ako sang-ayon sa kasal na pinag-uusapan nila. "Clumsy." Umiling sila. "So, where are we?" "About the wedding." Mommy ni Tj ang nagsalita. "Excuse me. I need to go. I have an emergency in the office." "Okay. Be careful anak." Tumango ako at pilit na ngumiti sa harapan nila. --------- Hindi naman ako nahirapan sumakay, pagpara ko may huminto na kaagad na taxi. Mabuti nalang at walang traffic kaya mabilis akong nakarating sa condo ko. Bukas ang pinto kaya mabilis akong pumasok dito. "What are you doing?" Tanong ko nang makita itong nagiimpake ng mga damit niya. "Hey! Answer me." "I'm going home." "What! No. Don't leave me." Sabi ko. Hindi ito nagsalita kaya pinaharap ko ito sakin. "Please Baba." "Yan na naman tayo eh. Paulit ulit nalang. Sige, ayaw mo akong umalis pwes sabihin natin sa pamilya mo ang relasyon natin. Sabihin natin kung ano ba talaga ako sa buhay mo." "But Khalel---" "Yan! Diyan ka magaling. Puro ka ganyan. Mahirap ba talaga akong ipaglaban? Ilang taon na ang lumipas Violet. Hindi na tayo bata para magtagu-taguan sa mga magulang mo." Napaupo ako sa kama. "I'm sorry." Pilit kong hinawakan ang kamay niya. "7 years Violet." Alam kong galit na ito, kasi pangalan ko na ang binabanggit niya. "Hindi pa ba sapat yun? Ilang taon pa ba akong maghihintay?" "Nahihirapan din ako Khalel. Akala mo ba madali sakin to?" Umiling ito. "Alam kong hindi ito madali sayo, kaya sasabihin ko sayo na unahin mo muna sila. Unahin mo muna ang mga magulang mo tapos isunod mo yung pangarap mo. Isantabi mo muna ako katulad ng paulit ulit mong ginagawa." Naguguluhan akong tumingin sa kanya. "Are you breaking up with me?" "Yes." Nagsimula nang tumulo ang luha ko. "Isipin mo muna kung ano ba talaga ang gusto mong gawin sa buhay mo." Sinara niya ang kanyang maleta. "I have to go." Umiwas ito ng tingin sakin. Gusto ko siyang habulin, gusto kong magmakaawa sa kanya pero nanlalambot ang mga paa ko. Ilang minuto ang lumipas nang may kumatok sa pinto. Nabuhayan ako ng loob kasi akala ko bumalik siya. Pagbukas ko ng pinto isang malakas na sampal ang sinalubong sakin ni Mommy. "Sino ang lalaking yun Violet? Anong ginagawa niya dito?" Galit na bungad niya. "I'm sorry Mom." Napahagulgol ako. Ang sakit sakit lang na mawala ng parang bula ang lalaking mahal ko. Hindi ito makapaniwala sa inasal ko ngayon. "How dare you do this to us?" "I love him Mom." "You can't love him. Umayos ka Violet. Fix yourself now. Don't cry because of that guy." "But I love Khale-" Isang malakas na sampal ulit ang binigay niya sakin. "Hindi ka talaga titigil? Wala kang utang na loob samin ng Daddy mo. We are doing our best para mabigyan ka ng magandang buhay tapos babagsak ka lang sa lalaking yun." "Mommy please." Hinawakan ko ang kamay niya. "Please hayaan mo na akong sumaya. K--kahit sa maikling panahon lang ng buhay ko." Bigla itong napatigil. "What are you talking about?" "I have a Leukemia." Napapikit ako. "Last month ko lang nalaman. Katulad ni Lola mamamatay din ako ng maaga kaya hayaan niyo na akong maging masaya. Hayaan niyo na akong makasama ang taong mahal ko." "No! Violet." ---------- Khalel's POV Sinara ko ang pinto ng condominium ni Violet. Nasasaktan ako sa naging desisyon ko pero kailangan kong gawin to para sa sarili ko. Hindi habang buhay ako ang mag-aadjust sa relasyon namin. Lilipat nalang ako ng hotel na medyo malapit sa airport. Bukas ang flight ko pabalik sa Manila. Anniversary ng parents ko kaya kailangan ko talagang bumalik ng Pinas. Mag-iisang taon na akong nandito sa Canada, live in kami ni Violet. I'm here because of her. Nagpunta ako dito para sundan siya, para makasama siya. I really love her. Siya lang ang babaeng minahal ko sa buong buhay ko kaya mahirap sakin ang naging desisyon ko. ---------- Safe akong nakarating dito sa Manila. Actually pagod pa ako pero kailangan kong habulin ang dinner namin. Ayaw na ayaw pa naman ni Mommy na may nalalate lalo na't okasyon ito para sa pamilya. Nang makarating ako sa mansion saka ko lang tiningnan ang phone ko. I have 40 missed calls. Lahat yun galing kay Violet. Huminga ako ng malalim at napasabunot sa buhok. Hindi ko na dapat siya iniisip lalo na't wala na kaming relasyon. Nakita kong naguusap ang dalawa kong kapatid kaya lumapit ako sa kanila. "Sorry I'm late." Tumingin sila sa likuran ko. "Hindi ko kasama si Violet." "Good for you. Kamusta ang Canada?" Tanong nila. Ang alam kasi nila nagmamasteral ako sa Canada kasama si Violet. "Violet and I broke up." Lakas loob kong sabi. "For real." Tinapik ni Kuya ang balikat ko. "It's okay brother. Ganyan talaga ang buhay, girls will come and go." Ngumiti ito sakin at napatingin sa pagdaan ni Rana. "There's a lot of pretty girls out there. Forget about her." Sa aming magkakapatid si Kuya Kyle Jr. ang pinakaplay boy. Marami sa kanyang nauugnay na babae, ang iba pa nga ay anak ng artista. "Yes Kuya." Maikli kong sagot. His right. I need to move on. Masyado pa akong bata para problemahin ang pakikipagrelasyon. Gusto ko munang ienjoy ang buhay ko habang single ako. Tsaka marami pang babae diyan na magmamakaawa na mahalin ko, yung babaeng kaya akong ipaglaban. ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
11.4K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
31.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
117.6K
bc

The Sex Web

read
127.3K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
89.5K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
65.6K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook