bc

The Wicked Billionaire's Son

book_age12+
192
FOLLOW
1K
READ
billionaire
arrogant
mystery
city
highschool
rebirth/reborn
crime
school
seductive
lords
like
intro-logo
Blurb

Ano pa nga bang mga bagay ang hindi kayang bilhin ng mga bilyonaryong katulad ni Master Querube.

Oo sya lang naman ang nagiisang anak ng tuso at walang pusong negosyante na si Kojin Montereal. Kahit pa kaluluwa ng sinumang tao na humahadlang sa mga plano nito ay kaya nyang bilhin. Siya na yata ang batas sa mundong kanyang ginagalawan.

Si Mirae Alfonso, isang dalagang kinagigiliwan ng lahat,magalang ,masunurin sa magulang at kahit anong pintas ay sadya yatang umiwas sa kanya nang ipanganak siya. Napakaganda ni Mirae ,na tipo bang hindi mo na ibabaling ang iyong paningin sa ibang bagay kapag nakaharap mo na siya, mayumi ang bawat kilos at higit sa lahat napakasipag magaral.

May magawa kaya ang kayamanan ni Querube para mapasuko ang kalooban ni Mirae?

chap-preview
Free preview
Prologue: Escape from the Island
Taong 2000..... Sa isang mahiwagang isla na kahit kailanman ay hindi pa napupuntahan ng mga ordinaryong nilalang dahil sa napapalibutan ito nang makakapal na ulap at mga naglalakihang bato na pumapalibot sa lugar ay may mag-asawang hindi na malaman ang gagawing pagtakbo upang makaiwas sa haharaping malupit na kaparusahan. Isang gabing walang habas na bumubuhos ang tila walang katapusang ulan na sinasabayan pa ng mga sibat ng kidlat at pagtungayaw ng nakabibinging kulog. "Hindi kayo makakatakas sa akin kahit anong mangyari!!! Ibigay mo ang anak mo sa akin Kojin!!! Kahit saang lupalop pa kayo magtago, kahit saang mundo pa kayo pumaroon ay hahanapin ko kayo!" Ito ang pumapailanlang na tinig ng sumisigaw na hari ng mga Diablong Pula sa kahariang iyon. "Mga alipin, sundan ninyo at huwag ninyong hahayaang makalayo ang traydor na iyan! Dalhin ninyo sa akin at huwag hahayaang mamatay ang sanggol sa sinapupunan ng mortal na tagalupang 'yan, bwuahahaha bwuaaahahahhaaa!!!" Mahigpit naman ang pagkakahawak ni Kojin sa malaking buslo na pinaglagyan niya sa walong buwang buntis na si Annabel. Ginagamit niya ang buong lakas upang hindi mahulog sa kanyang balikat ang asawa habang patuloy pa rin sa pagtakbo. Walang magawa ang kahit na anong palasong umuulan sa likuran niya, maging ang mga sibat na ipinupukol ng mga aliping kawal ng hari. Bago pa siya matamaan ay alistong nararamdaman na niya ang direksiyon ng mga mapanganib na armas na iyon. Bilang kanang kamay ng hari ay siya ang pinakamalakas sa lupon ng mga kawal na tumutugis sa kanya ngayon. Dahil sa sobrang pagmamahal sa asawa ay sinuway niya ang batas ng kanilang angkan. Saan kaya hahantong ang ginawang kataksilan ni Kojin sa kanilang kaharian?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
40.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.4K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
117.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook