bc

Rebound Romance (Now, that I love You)

book_age18+
10.3K
FOLLOW
44.6K
READ
family
second chance
goodgirl
dare to love and hate
CEO
drama
twisted
bxg
office/work place
betrayal
like
intro-logo
Blurb

Nakilala ni Mara si Xander sa panahon kung kailan ay wasak ang kaniyang puso. Inalok nito sa kaniya ang sarili para maging rebound guy, para raw makapag-move on siya. Pumayag ang dalaga at nakipag-live in siya kay Xander.

Alam ni Mara na totoong minahal siya ni Xander. Ngunit may nangyari na naging dahilan para lalong matakot ang dalaga na pumasok muli sa isang relasyon.

Pinalaya ni Mara si Xander. Pero kung kailan naman siya handa nang mahalin ang binata, saka naman malalaman ni Mara na ikakasal na pala ito.

Ikakasal na si Xander at sa bestfriend pa niya...

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Napahinto sa pagpasok sa restaurant si Mara nang makita niya ang dalawang tao na sweet na sweet na kumakain. Feeling niya ay nabiyak ang kaniyang puso habang pinagmamasdan ang lalaki na sinusubuan ang kasamang babae. Hindi niya kinaya ang eksenang iyon kaya napaatras siya palabas ng restaurant. Gumilid siya at saka kinalma ang dibdib na nagsimula nang magtaas-baba. Kahit ang kaniyang mga mata ay nagbabadya na ring lumuha. Ayaw niyang makasira ng relasyon kaya nagpasiya si Mara na pigilan ang sarili at lumayo na lang sa lugar na iyon. Ngunit nang tumayo ang babae at iniwanan sa lamesa ang lalaki,nakakita siya ng pagkakataon na agawin ang lalaki... Agawin ang lalaking dating kaniya. Nag-ipon muna ng lakas ng loob si Mara bago pumasok sa restaurant at nilapitan ang dating minamahal."X-Xander..." tawag niya rito na halos hindi lumabas sa kaniyang bibig. Para itong nakakita ng multo nang makita siya. "M-Mara! A-anong ginagawa mo rito?" Kinagat ni Mara ang ibabang labi habang tinitigan niya nang matiim si Xander. He was still the same man she had fallen in love with deeply three years ago. "N-nandito ako, Xander, para sumubok... Para subukan na ialok ang sarili ko sa'yo." Sandaling tumigil sa pagsasalita ang dalaga nang manikip ang dibdib niya. "P-puwede bang ako na lang? Ako na lang ang pakasalan mo at huwag na si Abigail, huwag na ang bestfriend ko" Natigagal si Xander. May kung anong emosyon ang sumungaw sa mga mata nito. Gustong umasa ni Mara na pagmamahal iyon. Ngunit ang pag-asang iyon ay naglahong parang bula nang tumawa nang nakakaasar ang binata. "Hindi ko natatandaang isang clown ang babaeng dati kong minahal.Pero in fairness, natawa ako sa sinabi mo. Nakakatawa ka, Mara." Nanikip lalo ang dibdib ng dalaga. Feeling niya ay sasabog iyon... Kung paanong sumabog na rin ang luha sa kaniyang mga mata. Sa nanlalabong paningin dahil sa dami ng luhang bumabalong sa kaniyang mga mata, tumayo si Mara at tumabi kay Xander. Walang ano-ano na niyakap niya ito nang mahigpit. "M-mahal na mahal kita, Xander...Hindi ko kayang makita ka na ikinakasal ka sa iba. Kaya akin ka na lang... Akin ka na lang ulit." Ilang sandaling hinayaan siya ng binata na yakapin ito. Lalong dumami ang mga luha ni Mara nang maramdaman niya ang napakainit na katawan nito. Kasing init nang mga pinagsaluhan nila noon sa Las Vegas. "How dare you, Mara!" Ramdam ng dalaga na mabilis na kumalas sa kaniya si Xander nang magsalita sa likuran nila ang fiancee nito. Madilim ang mukha at nanlilisik ang mga mata nito nang lingunin niya. "A-Abigail..." tawag niya sa pangalan ng kaibigan sa pagitan nang nangangatal na mga labi. "I'm begging you... Ibalik mo na sa'kin si Xander. Akin na lang siya uli." Nang-uuyam na tumawa si Abigail. "You're the smartest among us. Pero bakit kung hingin mo ang fiance ko, parang nanghihingi ka lang ng lumang laruan? Yes, maybe, dating pag-aari mo siya. Pero itinapon mo siya, Mara. Itinapon mo pagkatapos mong wasakin..." Nagkibit-balikat ito. "At pinulot ko siya, inayos ko, at binuo ko ulit. So, he's mine now. At klarong-klaro iyon sa paningin ng lahat. Masiyado lang talaga makapal ang mukha mo para hingin at bawiin siya sa'kin." Walang balak na magpatalo si Mara. Mas lalong wala siyang balak na i-give up si Xander. "Ikaw na rin mismo ang nagsabi na dati ko rin siyang pag-aari. Meaning, dalawa tayo ang may karapatan sa kaniya." Ikinisap niya nang dalawang beses ang mga mata at buong tapang na nakipagtitigan kay Abigail."Bakit hindi natin hayaan na siya ang mamili kung kanino niya gustong magpakasal?" Malakas ang loob ni Mara na gawin iyon dahil sa nangyari sa kanila ni Xander, dahil sa klase ng pagmamahal nito sa kaniya noon. Umaasa ang dalaga na ganoon pa rin iyon hanggang ngayon. Namutla ang mukha ni Abigail nang marinig ang sinabi ni Mara. Mukhang kulang ang tiwala nito sa pagmanahal ng nobyo. But she knew her. Palaban din ito katulad niya. Nilingon nito si Xander. Ngunit bago pa man may makapagsalita sa kanilang dalawa ay unti-unti nang lumapit si Xander kay Abigail at hinapit ito sa beywang. At doon na tuluyang nawasak ang puso ni Mara...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Hottest Billionaires 3: Kieran Balinger(The Bad Boy)

read
398.7K
bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
424.7K
bc

Be Mine Again

read
98.6K
bc

Seducing The CEO - (COMPLETED) Filipino

read
549.5K
bc

Wicked Seduction (R-18)

read
337.5K
bc

OSCAR

read
226.0K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
852.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook