bc

Luma Sa Bago

book_age0+
1
FOLLOW
1K
READ
drama
tragedy
like
intro-logo
Blurb

Nakapagtataka, ibang-iba ang hitsura ngayon ng aming bayan. Ito ay dapat magulo, maingay, puno ng iyakan ngunit base sa aking nakikita ngayon ay may madaming estraktura, disente ang pananamit at kaaya-aya ang kanilang mukha samatalang ako rito'y madungis, puno ng dugo ang suot-suot na saya.

-

Collaboration with my friend, ate Brythie WIlem

chap-preview
Free preview
Luma sa Bago
Disclaimer: This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. No parts of this book may be reproduced or transmitted in any form or by means, without the permissions of the author. Luma sa Bago written by: caliessel with Brythie Wilem --- Pagod at halos mawalan na 'ko ng hininga habang patuloy pa ring tumatakbo papalayo sa lugar na kung saan nagsimula ang digmaan laban sa mga Americano at Espanyol.  Habang ako'y tumatakbo, may nakita akong isang maliit na lagusan roon kaya nama'y agad akong nagtago sa nasabing maliit na lagusan. Nang mapansin kong hindi nila ako rito pansin ay hinayaan ko na lang ang sarili kong manatili habang nag-aantay na matapos ang gulo. Hinang-hina na 'ko at uhaw na uhaw. Kakaunti na lang ay bibigay na rin ang aking katawan dahil sa sobrang panghihina. Buong magdamag ay wala na rin akong kain. "O Diyos ko." Pumikit ako. "Tulungan niyo po ako. Sana po'y matapos na ang gulong 'to," patuloy na pagsasalita ko habang tumutulo ang aking luha dahil sa takot at pangamba na nararanasan ko ngayon. Nagsimula akong ginawin nang biglang umihip ang malakas na hangin kasabay ang pagkakaroon ng ulan. Napatakip na lamang ako sa aking teynga nang makarinig ng malakas na putok ng baril. Narito na sila. Taimtim akong nagdasal.  Ang akala ko'y papasok sila rito sa lugar na kung saan ako nakatago ngunit hindi at nilagpasan lang nila ako. Nakahinga ako nang maluwag.  "O Diyos ko, salamat," pagpapasalamat ko dahil hindi niya ako pinabayaan. Tumingin ako sa butas ng kinaroroonan ko ngayon. Nang sumilip ako sa butas, kahit papano'y nakahinga ako ng maluwag dahil sa aking nakita. Kaunting ingay na lang rin ang naririninig sa paligid. Bumuga ako ng hangin at napapikit. Sana matapos na ang gulo na ito. 'Di ko na kaya pa. Nang magmulat ako ng aking mata ay ganoon na lang ang aking pagkagulat nang makita kong may isa pang maliit na butas sa gilid. Sinilip ko ito. Kumunot ang aking noo sa aking nakita.  "Ano ito?" tanong ko sa aking sarili. Aakmang papasok sana ako sa butas nang marinig ko na naman ang malakas na ingay.  "Stupid people must die!" ani nila sa Ingles na lengguwahe. Napalunok ako.  "Boss, there's a little hole." Nanlaki ang mata ko.  Hindi nila ako maaring makita! Agad akong lumipat sa kabilang butas na aking kinaroroonan kanina. Hindi nila ako maaaring makita! Marami pa akong gustong gawin—marami pa akong pangarap na gustong matupad! Hindi maaari. Nang mahanap ko ang aking puwesto, agad kong tinakpan ang aking bibig upang ako'y hindi makagawa ng kahit anong ingay. "Look inside," rinig kong sabi ng isa. Napapikit ako nang biglang may sumilip.  "Boss, confirm! There's someone inside!" Napadilat ako at nakita ang Amerikano. "Get her!" Aakmang papasok ang Amerikano nang sumuot na 'ko sa isang butas na nakita ko.  Mabuti na lamang at may nakita pa akong isang butas na maaari kong pag-taguan. "Siguro nama'y hindi na nila ako maaabutan rito," bulong ko sa aking sarili. Sa ngayon, hindi pa ako maaaring gumawa ng ingay dahil 'di pa ako sigurado kung nandiyan pa sila. Tumingin ako sa butas kung saan makikita ang mga nangyayari sa labas ngunit nakakapagtaka nang makita kong wala na ito. Naramdaman ko na lang na nahilo ako. Siguro naman ay hindi na nila ako mahuhuli ay umidlip muna ako. Nagising ako dahil sa ingay na nasa aking paligid.  "Na'san ako?" bulong ko sa aking sarili. Nakakapagtaka, ibang-iba ang hitsura ngayon ng aming bayan. Ito'y dapat magulo, maingay, puno ng iyakan ngunit base sa aking nakikita ngayo'y madaming estraktura, disente ang pananamit at kaaya-aya ang kanilang mukha samantalang ako—madungis, puno ng dugo ang aking katawa't damit at di kaaya-aya ang mukha. Umayos ako ng tayo at pinagpagan ang sarili. Anong mayron at bakit ganito ang nangyari? Ang naalala ko lang ay lumusot ako sa isang butas ng lagusan. Mabilis akong lumapit sa isang dalagitang kita na ang kaniyang buong kaluluwa sa kaniyang suot. Ipinagbibili niya ba ang kaniyang sarili? "Binibi, maaari ba kitang matanong kung bakit ganiyan ang iyong porma? Dapat 'di ba'y nakasuot ka ng saya at hindi ganiyan?" mahinhin kong tanong. Tinaasan niya 'ko ng kilay. "So? Wala kang pake. Mind your own business, duh," sabi niya sa'kin habang nakataas ang kanyang kilay. "Ang sungit naman nito," sabi ko sa aking sarili. "May sinasabi ka ba diyan?" tanong ng aking kausap sa'kin. "Ah, wala 'ho. Sabi ko 'ho paumanhin dahil hindi ko alam na nakakasama na pala yung tanong ko," palusot ko na lamang. Inirapan naman niya 'ko at naglakad. Napakamot na lang ako ng ulo at nagsimulang maglibot sa lugar na ito. Napatakip na lamang ako sa aking ilong nang maamoy ang 'di pamilyar na amoy na nanggagaling sa isang makinang kusa na lamang umaandar.  Masyado itong magara. Nasaan ba talaga ako? Nang makita kong may tatawid na isang matanda sa kabila ay mabilis akong nagtungo roon sapagkat wala man lang nagbalak na tulungan ito. "Lola, tulungan ko na ho kayo," saad ko. Napatingin siya sa akin at nginitian ako. Nagsimula kaming maglakad. Hindi ko pinansin ang mga bagay na umaandar at patuloy lang kaming naglakad. "Hija, salamat ha?" Nginitian ko siya. "Ano palang pangalan mo at bakit ganiyan ka manamit?" "Lola, ito ho naman dapat ang suot nating mga babae, hindi po ba? Ang saya." Inilibot ko ang tingin ko. "Hindi ko nga ho alam ang dahilan kung bakit karamihan sa mga babaeng naririto'y kung makapagsuot ng kanilang damit ay halos ipinapakita ang kanilang kaluluwa. Saya ang ginagamit ng mga babae at hindi ganiyan!" "Tama ka diyan, hija. Noong kapanahunan ko rin naman e ganyan rin ang kasuotan ko. At saka nga pala hija, bakit ka may dugo sa katawa't damit mo? Kasali ka ba sa dula-dulaan sa inyong paaralan?" tanong sa akin ni lola habang nakangiti sa akin. Bago pa ako makasalita ay muli siyang nag-kuwento. "Sa totoo lang, nalulungkot ako sa kinahinatnan ng ating bayan. Ang ibang kababaihan, nagsusuot ng maiikling damit. Walang bawal-bawal, lahat maaari. Nasa modernong panahon na kasi tayo ngayon e, kung saan--" "Na'san po ulit tayo, lola?" pagputol ko aa pagkukwento niya. "Nasa modernong panahon, hindi mo ba alam iyon?" "Modernong panahon? Ibig sabihin wala ako sa panahon ko?! P-papaanong napunta ako dito? Samantalang umidlip lamang ako sa butas na pinagtataguan ko?" gulat na tanong ko sa aking sarili. "H-ha? Anong pinagsasasabi mo diyan hija? A-anong butas?" gulat rin na tanong sa akin ni lola. "Doon sa nalusutan ko, lola! Doon sa lugar na kung saan doon po ako nagtago para 'di mahanap ng mga Amerikano," sagot ko.  Kumunot ang kaniyang noo."Hija, nagbibiro ka ba? Kasi kung oo ay hindi magandang biro ang ganiyan." Mabilis akong umiling. "Lola, totoo po ang lahat ng mga sinasabi ko! Nasa panahon po ako ng mga kastila kung saan nagsimula na po ang digmaan." Kumunot ang kaniyang noo. "Ano bang pangalan mo, hija?" "Teresita Portia Gomez ho. Ang anak ng gobernador sa aming bayan, lola." Tila 'di makapaniwala si lola sa aking sinambit. "Halika sa aming bahay at doon natin pagkuwentuhan kung papaano ka napunta rito sa modernong panahon." Sumakay kami ni lola sa traysikel, traysikel raw kasi ito sabi ni lola. Nang bumaba si lola sa kaniyang bahay, nagbayad ito sa lalaking naghatid sa kanya. "Ito na ang bayad ko, salamat," sabi ni lola habang inaabot niya ang bayad rito. Pumasok na kami sa bahay ni lola at ang laki nito, kasinlaki lang rin nito ang mansiyon na aking tinitirhan."Ang laki naman 'ho ng bahay niyo, lola." "Nako, hindi talaga 'to akin. Sa nanay ko 'to, pinamana niya sa'kin kasi no'ng namatay ang isa kong kapatid ako nalang ang natira niyang anak." "Ano po ang pangalan ng nanay niyo, lola?" tanong ko.  "Maria Elandje Dawin, hija." Nanigas ako. Ayan ang napagkasunduan namin ng aking kapatid kapag magkakaroon kami ng anak na babae. Sa kung sino sa aming dalawa ang manganak na babae.  "Lola, ayan ang ipapangalan sa anak namin ng aking kapatid ayon sa aming kasunduan."  Tumango-tango siya."E ikaw, hija? Ano ba ang pangalan ng ate mo?" "Teresa Gomez ho, lola. Bakit po?" tanong ko. Nang mabanggit ko ang pangalan ng aking ate ay parang 'di makapaniwala si lola. "Lola, bakit po? May problema po ba?" naga-alalang tanong ko. "Ah, wala hija. Ayos lang ako. Kaya pala kanina ko pa napapansin na may pagkakahawig kayo ng aking lola, kasi magkapatid kayo." Natigil lamang ang aming pag-uusap nang may tumunog sa labas ng kanilang bahay, hudyat ito na may tao doon kaya naman tumayo si lola upang malaman kung sino ito. "Hija, diyan ka muna ah? Titignan ko lamang kung sino ang nasa labas." "Sige po lola, dito lang po ako. Hihintayin ko nalang po kayo," tugon ko. Inilibot ko ang aking paningin sa buong malaking bahay."Ibig sabihin, ito ang aming bahay ngayon?" tanong ko sa aking sarili at nagsimulang maglakad.  Kumunot ang aking noo nang may makita akong mga larawan, sa ibabaw niyon ay mga pangalan.Ang pangalan ni Ama ang nauna kong nakita kasama ng kaniyang larawan, sumunod ang larawan ng aking ina, kay Ate Teresa at sa akin.  Hindi ko na kilala pa ang iba at halos lahat ng iyon ay puro sa gawi ng aking ate. Anong nangyari at bakit wala man lang akong kasamang iba pa? Namatay ba 'ko nang panahong iyon? "Kiel, hijo! Huwag kang magdabog dito! May bisita tayo!" Napatingin ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses ni Lola. Bumungad sa akin ang isang binata na maayos ang pananamit. Umawang ang aking bibig. Napakagandang binata.Kahit din siya ay nanlaki ang mata at umawang ang bibig.  "Sino 'to?" pasigaw na tanong niya. Yumuko si Lola sa akin. "Pasensya na, hija sa kinikilos ng aking apo. Hijo, gumalang ka sa dalagang nasa harapan mo!" Dumako ang aking tingin sa binata. "Ginoo, maaari bang huminahon ka muna? Kung maaari 'wag mong pagtaasan ng boses ang lola mo?" Lumingon siya sa'kin. "At sino ka naman para diktahan ako, ha?! Bisita ka lang rito at hindi mo 'ko kilala. Bwiset, maka-akyat na nga," sabi niya at nagsimula na siyang umakyat nang padabog. 'Bastos. Parang walang pinag-aralan,' sabi ko sa aking isip. "Hija, pasensya ka na sa apo ko, ha? Sadyang ganoon siya. Siguro may nangyari lang na hindi maganda kaya galit na naman siya," sabi sa akin ni lola habang paupo na siya. Naiiling na lang akong umupo rin. "Ganito na ba ang ugali ng mga bata, lola? Parang hindi alam ang salitang paggalang sa matatanda. Sila na nga ang mali, sila pa ang may ganang magalit," naiiling na saad ko.  Nginitian lang ako ni Lola. "Kamukha mo nga talaga ang aking lola," aniya. Nginitian ko siya. "Lola, pupwede po bang kuwentuhan niyo po ako kung anong nangyari? Hindi ko po talaga alam." Tumango sa akin si Lola at tumayo. "Saan po kayo pupunta, Lola?" "Kukuha muna ng makakain, hija. Alam kong gutom ka. Mamaya na muna ako magkukuwento at ikaw na," aniya. Tumango ako. "At oo nga pala, hija. Puwede bang sumunod ka sa akin at doon mo na pala ikuwento. Para mamaya pagkatapos kong maghanda ay ako na magkukuwento," dagdag niya. Sinunod ko na lang ang ginawa niya. "Lola, saan po ba ako magsisimulang magkuwento?" tanong ko nang makapunta na kami sa kusina na kaniyang sinabi. "Sa kung paano ka napunta rito sa aming mundo, hija," mahinhin niyang sabi. Sumang-ayon naman ako at nagsimula nang magkuwento. Halos 'di siya makapaniwala sa nangyari. Tinanong niya rin ako nang kung ano-ano na may kinalaman sa pamilya namin, sa huli ay sinabi niyang ako talaga ang Lola niya. Nahiya naman ako sapagkat para sa akin ay masyado pa 'kong bata para tawaging bata. "Lola, ikaw naman po ang magkuwento." Nginitian ko siya. "Ay oo nga pala, hija. Ako na pala ang magku-kwento. Saan ko ba sisimulan?" tanong niya sa'kin habang nakangiti. "Sa kung ano pong pagkakakilala niyo sa ate ko." "Siya, sige. Sisimulan ko na." Ngumiti na lamang ako. "Ang sabi sa'kin ng aking ina, ang lola ko raw ay maaalalahanin. Naalala pa nga raw niya noong may malubha siyang sakit ay 'di pumasok sa trabaho ang aking lola para lamang maalagaan ang aking nanay. Matalino rin siya. Minsan na rin siyang may minahal na lalaki, itago na lamang natin siya sa pangalang Itoy. Nagmahalan sila—nabuntis si lola. Pinalayas siya sa aming tirahan dahil minahal niya ang aming hardinero. Hindi ipinalaglag ni lola ang bata sa kanyang sinapupunan noon dahil ang batang yaon daw nalang ang natitirang ala-ala niya kay Itoy. Ang bunga ng kanilang pagmamahalan ay ang aking nanay," kuwento ni lola sa'kin na tila nasaksihan niya ang mga pangyayaring iyon. Napatango-tango ako sa kaniyang kuwento. Naalala ko ngang siya lagi ang bukang bibig ng aking ate sa akin kapag palagi kaming nagkukuwentuhan sa isa't isa. Pero, sa pagkakaalam ko ay tinanggap naman iyon ni Ama pagkatapos 'di ba? "Lola," tawag ko sa kaniya. "Alam mo rin po ba na agad din pong tinanggap ang kapatid ko ni Ama?" Ay, oo naman, apo! Ayon ang masayang kinuwento sa akin ng aking lola—ang ate mo. Sinabi nga niya sa amin na ang ina niyo raw ang nagpumilit sa aking Lolo sa tuhod." Napangiti ako.  "Lola! Nagugutom na 'ko! May niluto ka na?" Agad na naagaw ng aking atensyon ang sumigaw. Siya ang ginoong nambastos sa aking Lola—apo.  Tinignan ko si Lola at nginitian. "Lola, maaari ko po bang kausapin ang inyong—ating apo?" Tumango na lang sa akin si Lola. Yumuko ako sa kaniya bilang paggalang at sinalubong ang binata na kakababa lamang sa hagdanan.  "O, bakit ka riyan nakaharang sa dinadaanan ko? Tabi!" aniya.  Tinaasan ko lamang siya ng kilay. Hindi niya ba alam na ako ang Lola niya? Maaari nga dahil sa hindi niya pa alam.  "Ginoo, talaga bang lalaki ka?" tanong ko sa kaniya. Bumalatay sa kaniyang mukha ang pagkagulat. "Ang iyong pagsasalita ay tila walang bahid na respeto sa nakakatanda. Sa aking pagkakaalam ay ang mga ginoong katulad mo ay nararapat na gumalang ng nakakatanda lalo na't sa mga babae. Bakit, ginoo? Sa tingin mo'y mabubuhay ka rito sa mundong ibabaw at marmaing matutunan kung wala sila? Ginoo, pinapangaral lamang kita at huwag mong masamain ang lahat ng aking sinasabi sapagkat iyon ay aking rason lamang base sa aking nakiktia sa iyong kilos." Agad siyang tumikhim at nag-iwas ng tingin. "Ah..." Tila'y wala na siyang masabi. Ano ngayon, ginoo? Bakit tila natahimik ka yata diyan?" sabi ko sakanya. "Tsk. Wala kang pake kung natahimik ako," naiiritang sabi niya sa'kin. Dumako ang tingin niya kay lola. "Lola, matagal pa ba iyan? Gutom na 'ko e." "Eto na apo," sabi ni lola habang hinahain ang pagkain ng kaniyang—aming apo. Tumingin si lola sa'kin. "Hija, magpalit ka muna ng iyong damit. Samahan na kita." Sinamahan ako ng aking apo sa taas. Tinanong niya rin ako kung bakit ambata pa ng itsura ko samantalang lola niya ako. "Hindi ko rin alam apo, siguro'y dahil nabuhay ako sa ibang katawan dito sa modernong panahon." "Ah, ganon ba?" tanong niya sa'kin. "Oo. Sa ngayo'y dapat wala munang makaalam nito dahil sigurado akong hindi sila maniniwala." Natigil na lamang ang aming pag-uusap nang makarating kami sa pinto ng pagpapalitan ko ng damit. "Dito ka muna magpalit, hija. Dahil sa madungis at marumi ang iyong saya kaya pagtiisin mo muna ang modernong damit ngayon," aniya habang inaabot sa akin ang mga telang tantya ko ay lahat ng kaluluwa ko ay makikita. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. "Maaari po bang huwag munang magpalit ngayon? Sapagkat ako'y naiilang sa damit na iyan. Hindi ako maaaring magsuot ng ganiyang klaseng damit sapagkat hindi iyan ang nakasanayan kong suotin. Maliban sa saya ko." Napakamot ng ulo si Lola sa aking sinabi. "Pakiusap, hija—ang ibig kong sabihin lola ay ito muna. Kung pupwede ay lalabhan ko na lang mamaya para ang saya mo na mismo ang suotin mo mamaya." Bumuga ako ng hangin at kinuha sa kaniya ang tela.  "Wala na akong maaaring gawin kundi sundin kayo. Nasa moderno na akong panahon at hindi sa kapanuhan ng mga Espanyol," aking saad. Pagkatapos naming mag-usap ni Lola ay nagbihis na 'ko.  Naghanap ako ng mahabng tela upang takpan ang aking hita na halos kita na. Hindi maaari! Nang makabalik sa kwarto na aking pinagbibihisan si lola ay natawa na lamang siya. "Hindi ka nga talaga sanay," ani lola.  "Hindi po kasi ito ang nakasanayan ko," sabi ko.  " O siya, matulog ka na muna. Gabi na."  "Sige po." Nginitian ko siya.  --- Lumipas ang ilang buwan at mas lalo pa kaming nagkakilala ni lola at ni Kiel. Talagang lagi siyang naiirita sa mga bagay-bagay kaya ganoon siya. "Magandang umaga, Kiel." Nginitian ko siya.  "Goodmorning, too," sabi niya sa'kin habang nakangiti rin. Ngayon ko lamang napansin na ngumiti siya—bagay na 'di ko pa nakita kailanman. Nakaramdam ako ng pag-iinit ng aking pisngi at bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi maaari! Tandaan mo, Teresita. Apo mo siya! Apo! Hindi ka maaaring mahulog sa kaniya. Tumango na lamang ako sa kaniya at dumeretso sa kusina. Maraming bagay na rin akong natutunan dito sa modernong panahon pero mas nanaig sa akin na huwag kong tanggalin sa akin ang lahat ng aking nakasanayan sa aming panahon. Mabilis kong kinuha ang kawali at nagsimulang magplanong magluto. Si lola na aking apo ay naroon sa kaniyang kuwarto at nanghihinang nakahiga. Nabalitaan ko na lang kay Kiel na nagkaroon na raw ng sakit ang aking apo dahilan para hindi na siya makagawa ng gawain dito sa bahay. Buti na lang at naturuan niya 'ko sa mga gagawin habang narito ako sa panahon nila. Habang nagluluto ay umupo sa isang upuan at nag-isip. Nag-iisip sa kung paano makakabalik sa aming panahon. Bumuga ako ng hangin at tumayo upang tignan ang aking niluluto. Hindi sa minamadali ko ang pagbalik ko sa aking panahon dahil masaya naman dito sa totoo lang. Marami akong natutunan na wala roon sa aking panahon, ngunit ang nangyari kani-kanina lamang sa pagitan namin ni Kiel ay pakiramdam ko delikado na. Nararamdaman ko na rin na nagkakaroon na rin ako nang pagtingin sa aking apo na ito'y mahigpit na ipinagbabawal. Dahil nuong nakaraang araw ay umamin siya sa akin. Nakakakilig ngunit nakakatakot. Apo ko siya at lola naman niya ako. At hindi maaari na mangyari iyon. Kiel's POV Lumipas ang isang taon... "Kiel, apo! Halika na, bumaba ka na riyan," sabi ni lola sa'kin.  "Okay," tinatamad kong sagot.  Sa lumipas na isang taong paninirahan ni Teresita sa aming bahay, mas lalo pang tumindi ang aking pagmamahal sakanya ngunit alam kong hindi kami pwede dahil ikakasal na siya ngayon sa aking bestfriend, si Andy.  "Bro, congrats! Ikakasal ka na," sabi ko kay Andy habang pine-peke ko ang aking ngiti.  "Salamat, bro. Kung 'di naman kasi dahil sayo ay hindi kami aabot sa ganito," masayang sabi niya.  Sana nga'y hindi nalang ako pumayag sa gusto mo—na magsilbi akong tulay sa inyong dalawa.  Nagsimula na ang seremonyas. Kitang-kita ko ang ngiti sa labi ni Andy. Naiinggit ako. Sana'y ako ang nasa kalagayan niya ngayon. Sana ay ako ang pakakasalan ni Teresita.  Bumukas ang pinto. Nakikita ko ba si Teresita. Ang ganda niya. Kitang-kita ko rin ang kanyang tuwa sa kanyang mga mata.  -- Ito na ang pinakahinihintay ng lahat. "You may kiss the bride," anunsyo ng pari.  Umalis na ako habang sila'y nagsasaya sa loob. Paniguradong hindi ba nila ako kailangan. Wala na 'kong magagawa. Kasal na sila. At heto ako, umaasa pa rin kay Teresita. Kung sinabi ko lamang ang aking nararamdaman sayo Teresita, ako kaya'y mamahali't pakakasalan mo rin? Agad akong dumeretso sa 7/11 upang bumili ng beer na aking paborito at nagtungo sa aking lugar na kung saan ko siya unang nakita bago niya 'ko nakilala.  Sa punong itinamin ng aking ina bago siya mamatay. Sa tabi kasi niyon ay may parang lagusan doon na hindi raw pinapasok ng mga tao. Doon ako nagtungo at nagpakalasing sa mga beer na binili ko.  "Bakit, Teresita? 'Di porket may past akong naging masama ako, hindi mo ba 'ko kayang mahalin? Teresita, pakiramdam ko'y binalik mo'ko muli sa dati. Sa dating ako." Napapikit ako.  Naramdaman ko ang mainit na likidong dumadausdos sa aking pisngi. Dumilat ako at mabilis na pinunasan iyon.  "Napaka ko naman talaga! Ano ba, Kiel?" Natawa na lang ako sa aking sarili. Bumuga ako nang hangin at napadako ang tingin sa kawalan.  Kumunot ang aking noo nang makita si Teresita na tumatakbo papunta sa aking gawi. Mabilis akong tumayo at ngumiti.  "Teresita, b-bakit ka naririto?" tanong ko. Nakabalatay sa kaniyang mukha ang pag-aalala at nasisiguro kong nagmamadali siya.  "Kiel, maaari bang huwag kang magulat sa aking sasabihin?" hingal niyang tanong. Umayos ako ng tayo. "Oo naman. Bakit?" "Sinabi sa akin kasi ni Lola ang lahat. T-Totoo ba na mahal m-mo ako?" nauutal niyang tanong. Marahil dahil sa kalasingan ay natawa na lang ako na parang baliw. "Buti naman at alam mo na. Ang manhid mo lang kasi." Nginitian ko siya ng matamis. "Pero huli na ang lahat e. Naikasal ka na." Umiwas siya ng tingin. "Hindi sa ganoon, Kiel." "Anong hindi sa ganon?" "Mahirap ang sitwasyon, Kiel! Sobra!" Sumama ang tingin ko sa kaniya. "Sinasabi mo lang 'yan dahil naguguilty ka." Ngumisi siya. "Mukhang kailangan ko pang sabihin ang mga rason para lamang maging maliwanag sa iyo ang lahat, Ginoong Kiel. Ako ang lola mong si Teresita Portia Gomez. Ang Lola mo sa tuhod na namatay!" Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. "Imposible." "Talagang imposible, Ginoo. At imposible rin na mahalin ka dahil magkadugo tayo."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
442.8K
bc

The Sex Web

read
130.3K
bc

THE BILLIONAIRE'S SÊX SLÂVÊ R-18 (COMPLETE)

read
603.3K
bc

Sweet Temptress (Completed)

read
1.7M
bc

Just A Taste (SPG)

read
892.2K
bc

Lucas Sebastian III - SPG

read
2.7M
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook