bc

My Handsome Hater

book_age18+
33.9K
FOLLOW
200.0K
READ
possessive
sex
comedy
sweet
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Angelo Hoffman really hates Liza Loraine Veroone, Isang babaeng maingay , pasaway, rebelde at higit sa lahat kakaiba ang mga trip nito sa buhay. Anak ito ni aling bebang which happens to be his mom's best friend! Palagi nitong nasisira ang kanyang araw. Na-aasiwa siya sa tuwing nakikita niya ang itsura nito lalo na napakaraming hikaw nito sa ibat ibang bahagi ng katawan, Makapal ang makeup nito na para bang rakistang sabog with her black lipstick, Kakaiba din ang mga sinusuot nitong damit kulang nalang mag hubad na ito. Mukha din itong parrot dahil ibat iba ang kulay ng buhok nito . Sino ba naman matinong lalake ang magkakagusto sa isang katulad nito?

chap-preview
Free preview
Prologue
(15 years old) "INAY!!! tama na po!!" Pawis na pawis na si Liza habang nakatali ang kanyang mga kamay at paa sa apat na sulok ng kama. Kanina pa siya nag mamaka-awa sa kanyang inay na tigilan na ang ginagawa ng albularyo sakanyang katawan. "Tumigil ka! Lumayas ka sa katawan ng babaeng ito!" Isang hampas nanaman ng malaking dahon ang natamo niya sa kanyang katawan. Kanina pa siya hinahampas hampas ng albularyong ito upang mawala ang masamang espirito sa kanyang katawan Aray ko! Punyeta naman oh?! Wala nga akong sapi!! "Aray! Ikaw mamang albularyo ipupukpok ko talaga sayo yang dahon na yan pag nakawala ako dito! Humanda ka sakin!" Sigaw niya habang dinadasalan siya nito ng kakaibang lenguwahe. "Gooo Gaaaaa Dooooo Meeeee Reeeeee... Layuan mo ang katawan ng babaeng ito.. Ooooooo Goooo gaaaaa Gooooo" Bwisit! Parang minumura lang ako nitong albularyo na to eh! "Tumigil kana manong! Wag mong lokohin ang inay ko! Wala akong sapi!!!" "Tumahimik ka! Hindi ka makakawala sa gapos ng lubid! Lumayas ka sa katawan ng babaeng iyan! Alang alang sa aking kapangyarihan lumayas ka ngayon din masamang espirito!" Isang hampas nanaman ng dahon ang natamo niya. Masakit sa kanyang balat ang bawat paghampas nito Jusko naman! Ang sakit na ng katawan ko kakahampas ng albularyong ito! Bwisit talaga! "Anak lumaban ka! Naririnig mo ba ako anak?" umiiyak sa isang tabi ang kanyang inay bebang. Mukhang takot na takot ito sakanya, Tumawag ng albularyo ang kanyang inay dahil nakita siya nito na kinakalbo niya ang kanyang sarili . Ginamit niya ang pang ahit ng kanyang kuya Lito sa bigote nito, Kinalbo niya ang kanyang buhok at ang kanyang kilay, Gusto niya kasing subukan kung kahawig ba ng mga tao ang mga aliens kung walang buhok at walang kilay. Tama siya kamukha niya nga ang mga aliens! Masama bang magpakalbo ha?! Naisip agad ng mga ito na sinasapian siya ng masamang espirito dahil sa kanyang ginawa. Takot na takot ang inay bebang niya sa kanyang itsura kaya napatakbo ito upang tumawag ng albularyo putcha naman oh! Nagtrip lang naman ako eh! "TAMA NA HO! Masakit na ang katawan ko!" sigaw niya sa albulryo ngunit paulit ulit padin siya nitong pinagpapalo ng dahon sa kanyang buong katawan. Napalingon sila ng sumilip ang nakakabatang kapatid niya sa pintuan ng kwarto niya, Tatlo lang silang mag kakapatid. Ang kuya Lito niya ang panganay. Siya ang pang gitna at si monica ang bunso nilang kapatid. Anak sila ng mga foreigner na nanloko sa kanilang inay. Black american ang tatay ng kuya Lito niya kaya maitim ito. White american naman ang kanyang ama at isang koreano naman ang tatay ni monica Ibat iba man sila ng ama para sakanila sila padin ay magkakapatid lalo na iniwan ng mga ito ang kanilang inay bebang. "Nay nandito na ho si tita abby!" Sigaw ng bunso niyang kapatid na si monica pag pasok nito sa loob ng kwarto niya. Pinipigilan nitong matawa sa kanyang itsura. "Papasukin mo anak. Sabihin mo matigas ang ulo ng espirito ayaw padin lubayan ang katawan ng ate mo" OH MY GOD TINAWAGAN PA NI INAY SI TITA ABBY?! Naku po putcha naman baka kasama ni tita abby si Angelo! s**t s**t s**t! Lihim na napangiti ang kanyang kapatid ng makita nito ang pag pula ng mukha niya. Nakatali siya sa kanyang kama habang hinahampas hampas siya ng albularyo higit sa lahat kalbo siya at walang kilay! "Ate nandiyan si kuya angelo. Ang ganda mo ngayon" Pang aasar pa ng kanyang kapatid bago ito lumabas ng kanyang kwarto. Alam kasi ng kapatid niya na may gusto siya kay Angelo simula pa noong bata sila. Nabasa nito ang authograp book niya noong nakaraang taon. who's your love?: Angelo who's your crush?: Angelo padin who's your first kiss?: Sana si angelo motto: Go to the east, Go to the west.. Angelo is my love among the rest! Forever! Yan ang nabasa ni monica sa autograph book niya. Ito lamang ang nakaka-alam ng sikretong malupit niya, Sikreto lamang niya ang pagkakaroon niya ng crush kay Angelo dahil napakasungit nito sakanya. "INAY PARANG AWA NIYO NA WAG NIYONG PAPAPASUKIN SI TITA ABBY AT ANGELO DITO!" Histerical siyang nag sisisigaw at sinubukan niyang makawala sa pagkakatali ng kanyang mga paa at kamay. Umaasa siyang makakawala siya sa pagkakagapos sakanya bago pa man makapasok si Angelo sa kwarto niya. Gusto niyang magtago ayaw niyang makita nito ang kanyang itsura! Kung ano ano kasing trip mo Liza! Nakakahiya kay tita abby at angelo!----- Pagalit niya sakanyang sarili Si Tita abby ang best friend ng kanyang inay. Nakapag asawa ito ng sobrang gwapo at sobrang yaman. Kaya ito ang tumutulong sakanyang inay, Binigyan sila nito ng malaking bahay at pinag-aaral sila nito. May anim na gwapong lalakeng anak ito na halos sunod sunod ang edad. Actually buntis uli ito ngayon. Ilan pa kaya ang magiging anak nito? si Angelo ang panganay nitong anak. Kasing edad niya lang si Angelo kaya ito ang kalaro niya noong bata pa lang sila. Palagi siyang sinasama ng kanyang inay sa bahay ng mga ito. Ngunit nang maging anim na taon gulang sila naging napaka sungit nito. Hindi na siya ang gusto nitong kaibigan dahil naging busy na ito sa pag aaral at may nagawa siyang kasalanan dito. Naiinis ito sakanya dahil muntik na niyang maputol ang daliri nito noong bata pa lang sila. flashback "Wow angelo ano yan?" tanong niya kay angelo habang naglalaro sila. "Secret" masungit nitong sagot "Lapis yan diba? Patingin ako!" inagaw niya ang hawak nitong lapis at pantasa "Akin yan ibalik mo sakin yan.." Nakasimangot ito habang nakatingin sa ginagawa niya. Tinatasahan niya ang lapis nito hangang lumiit iyon ng lumiit "Ang galing naubos yung lapis mo--" paglingon niya umiiyak na ito sa isang sulok. "Sorry na angelo.." nilapitan niya agad ito at ibinalik ang pantasa nito "Ano pang gagawin ko diyan?! inubos mo na ang lapis ko!" umiiyak padin ito Anim na taong gulang palang sila ngunit mas matured ang kanyang pag iisip kay angelo dahil iyakin padin ito, palibhasa spoiled ito sa parents nito. "Ang arte arte mo naman! binabalik ko na nga sayo eh!" Nakasimangot lang ito habang umiiyak. "Alam ko na! Magagamit pa natin ito!" hinawakan niya ang daliri nito at ipinasok sa butas ng pantasa. Hmm tutulis din kaya ang daliri ni angelo kung tatasahan ko? "A..Anong gagawin mo?" "Tatasahan" inikot niya ang pantasa at agad na nagdugo ang daliri nito "AWWWWWW!!! mommmmyyyy!!!" Sigaw nito habang iyak ng iyak "Hala?! Dugo yan angelo?! Mamaaaaa!!" umiyak na din siya dahil sa dugong umaagos sa daliri nito. Takot na takot siya. Simula noon hindi na siya nito kinausap. Palagi lang siya nitong sinusungitan. End of flashback Bumalik sa kasalukuyan ang pag iisip niya dahil nakaramdam siya ng hapdi sa kanyang nuo! Nanlaki ang kanyang mata dahil pinapatakan na pala siya ng tulo ng kandila sa kanyang nuo!! Jusmiyo!!!! "A...ARAAAAAYYYY!!! Tama naaaaaaaaa!!!" nagwawala na siya sa sobrang takot. Nasasaktan na kasi siya sa ginagawa ng albularyong ito. "Jusko! Anong nangyari kay liza?!" Napalingon siya sa pintuan ng kanyang kwarto. Kakapasok lang ng kanyang Tita abby at tito jerome sa loob ng kanyang kwarto, Parang gusto niyang lumubog sa lupa dahil kasunod ng mga ito si Angelo!!! Putcha talaga!!!!! Hiyang hiya siya dahil sa kanyang itsura, Kalbo ang kanyang ulo at wala siyang kilay. Mukhang nagulat ang mga ito sa kanyang itsura! "Anak nandito ang tita abby mo. Lumaban ka anak!" sigaw pa ng inay bebang niya Gusto kong mag mura! Putch naman! Waaaaaaaaaaa!!! "Wala nga po akong sapiiiiii!!!!" Sigaw niya at naiiyak na talaga siya "Tumahimik ka!" Isang hampas nanaman ng dahon ang nagpatigil sa kanyang pag sigaw. "Aray kooo!! manong dahan dahan naman!" Nakasimangot si Angelo habang nakatingin sakanya. Naka school uniform pa ito. Schoolmate niya ito at sikat na sikat ito sa buong campus nila dahil sa taglay nitong kagwapuhan. "Ano bang nangyari sakanya?" Tanong ng tita abby niya sa kanyang inay "Nagulat nalang ako ganyan na ang itsura niya. Wala siyang kilay at wala na siyang buhok. Sabi ng albularyo sinapian siya ng masamang espirito!" naiiyak na ng husto ang kanyang inay "Inay naman! Wala akong sapi sa katawan! Ilang ulit ko sasabihin sainyo na walang masamang espirito ang katawan ko!!" sigaw niya "Lumayas ka sa katawan ng anak ko!" sigaw ng nanay niya. Kaya napaiyak na siya sa inis. "She's just crazy" komento ni angelo habang nakasimangot ito at pinapanuod ang ginagawa ng albularyo sa kanya Napahiya siya kay Angelo mukang alam nitong wala siyang sapi sa katawan at trip na trip niya lang talagang mag ahit ng kilay at buhok niya Tawa naman ng tawa si monica sa likod ng kanyang inay nagtatakip lang ito ng panyo sa bibig upang di marinig ng kanyang inay ang pagtawa nito "Ano lalayas ka ba sa katawan ng babaeng ito?!" Nanlaki ang kanyang mata ng hawakan ng albularyo ang kanyang leeg at sakalin siya "Arrhhhhh--" "Stop it.." Lumapit naman ni Angelo sa albularyo at pinatigil ito sa pagsakal sakanya. Shit lumapit pa tong angelo na to! Mas panget ako sa malapit huhuhu Napatingin ang albularyo dito at binitawan ang leeg niya. Napaubo tuloy siya. "Wag niyo hong kontrahin ang kapangyarihan ko--" "Walang sapi ang babaeng yan. Nababaliw lang yan" "Anak wag na tayong maki-alam sa albularyo" bulong ni tita abby kay angelo Grrr mag kunwari nalang kaya akong may sapi tapos umalis na sa katawan ko? "Aalis nako sa katawan ng babaeng ito!!!" Sigaw niya . Ginamit niya ang pang lalakeng boses upang makunbinsi niya ang mga ito Nagkunwari siyang nangingisay. Pang best actress ang pagdrama niya upang maniwala ang mga ito. Itinirik niya pa ang kanyang mata upang mas makatotohanan. Kahit alam niyang nakatingin si Angelo sa pinag-gagagawa niya wala na siyang paki-alam. "Ahhhhhhhhgggggrrr grrrrrrrrrrr" Nakatingin lang ang mga ito sakanya. "Woooo heto na aalis nako sa katawan ng babaeng itoooo." pumikit siya at tumahimik. "Anak?" Unti unti siya dimilat. Pinigilan niyang mapangiti dahil pigil na pigil sa pagtawa si monica habang nakatingin sakanya. Halatang gusto na nitong humalakhak. "Anak ikaw na ba yan?" Lumapit agad ang inay niya sa kanya "O..Opo nay.." pagod na pagod siya dahil kanina pa siya pinapahirapan ng albularyo "Anak!" niyakap siya ng inay bebang niya. Sa totoo lang gusto niyang kurutin ang inay niya dahil pinabayaan siya nitong saktan ng albularyong iyon Todo ngiti naman ang albularyo habang tinatangal nito ang tali sa kanyang mga paa at kamay. "Umalis na sa wakas ang masamang espirito" deklara ng albularyo Bwisit ka ikaw ang sakalin ko eh! ikaw ang masamang espirito eh! "Hija ayos ka lang ba?" lumapit agad si tita abby sa kanya "Opo tita abby.." napayuko nalang siya upang itago ang kanyang mukha Niyakap agad siya ng Inay at tita abby niya.. hiyang hiya naman siya kay Angelo. panigurado turn off nanaman ito sakanya! "Mom umuwi na tayo. Baka mapaglihian mo pa ang babaeng yan." Napanguso siya sa sinabi ni Angelo. Nakasimangot nanaman ito! Major turn off nanaman ito!!!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Young Master's Maid

read
749.0K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.2K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
320.5K
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
542.7K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
343.5K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
341.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook