bc

Sa Silong ni Kaka (Tagalog)

book_age0+
3.8K
FOLLOW
15.9K
READ
murder
love-triangle
possessive
fated
sadistic
gangster
drama
tragedy
twisted
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Nanginginig si Luisa sa sobrang takot nang isakay ng mga lalaking mukhang goon sa loob isang itim na van.

Mula sa Mindanao, lakas loob siyang sumakay sa barko kasama ng isang ginang na ilang araw pa lamang nakikilala. Dahil sa kahirapan at kagustuhang makaahon sa isang kahig-isang tukang pamumuhay, nakumbinsi siya nitong magtungo sa Maynila upang magtrabaho. Ayon sa ginang na nagpakilalang Madam Gigi, buwan-buwan siyang makapagpapadala ng pera sa mga magulang. Agad siyang naengganyo sa maganda nitong pananalita. Nang sabihin nitong babalik na sa Maynila at hindi na magkapaghihintay sa pasya niya ay hindi na siya nag-isip pa. Kaya isang liham na lamang para sa mga magulang ang iniwanan niya bago umalis.

Palipat-lipat ang tingin niya sa mga kasamang lalaki habang yakap ang maliit na bag na naglalaman ng ilang pirasong lumang damit.

Hindi iyon naikaila sa ginang na nasa unahan ng upuan. Gumuhit sa mga labi nito ang isang tuso at mapanganib na ngiti. Kapahamakan ang malinaw na kasasadlakan ng dalaga.

Isang dalagang probinsiya. Isang binatang ex-convict. Isang pusakal na magnanakaw. Tatlo sa iisang bahay. Isang lihim, sa silong ni Kaka.

Ang kuwentong ito ay hinirang na INSTANT ADDICTION WINNER sa writing contest.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 - Casa
Casa ''H-HUWAG po. Maawa po kayo sa akin.'' Pagmamakaawa ni Luisa sa isang matandang lalakeng may malaking tiyan. Nakalarawan sa mukha nito ang matinding pagnanasang maangkin ang murang katawan ng nanginginig na dalaga. Halos tumulo ang laway nito sa naglalarong kahalayang laman ng maruming isipan. Takam na takam sa katawan ng dalagang hindi pa man nasasayaran ng palad ay nahihinuha nang napakalambot at napakabango. "Huwag kang matakot, iha. Maging mabait ka lang sa akin ay bibigyan kita ng maraming pera. Ako ang bahala sa iyo, ha? Sandali lang naman ito, para lang tayong naglalaro ng bahay-bahayan. Ako ang tatay at ikaw naman ang nanay," anito na tila isang bwitreng hayok sa sariwang laman. Isinuksok ni Luisa ang sarili sa sulok ng maliit na kwartong pinagkulungan sa kanya, tila ba sa ginawang iyon ay hindi na mahahawakan pa ng matandang lalake. "Halika. Dito ka." Pagtawag ng lalaki sa kanya na ang tinutukoy ay ang ibabaw ng kama sa harapan. Tinatapik pa nito ang ibabaw ng malambot na kutson. Umiling siya. Sunod-sunod, habang panay ang pagpatak ng luha. Lalo niyang niyakap ang sarili habang nakatiklop ang mga tuhod at patuloy sa pag-usod kahit pa nga nakasagka na sa dingding ang likod. Nagsalubong ang dalawang kilay ng matandang lalake. "Huwag ka nang umarte. Malaking halaga ang ibinayad ko kay Gigi para sa'yo." Mahinahon nitong sabi na halata namang pilit lang kinakalma ang sarili. Nang hindi pa rin tumitinag ang dalaga ay malakas na itong sumigaw. "Gigi!" Gigil na gigil nitong tawag sa babaeng namamahala sa mga babaeng ikinakalakal ang katawan upang magkapera. Narinig ng lalaking nasa labas ng pinto ang galit na tinig ng matandang kostumer. Dali-dali nitong tinawag ang amo. Humahangos na dumating si Madam Gigi at lumapit sa harapan ng pintong nakasara. "Meron po bang problema, Mr. Tan?" tanong nito. Pagkatapos ay idinikit ang tenga sa dahon ng pinto upang marinig ang isasagot ng nasa loob. "Ay, matabang kabute!" Nagulat nitong sambit nang biglang bumukas ang pinto. Matalim na mga mata at madilim na mukha ni Mr. Tan ang sumalubong sa nagulat na babae . "Aregluhin mo 'yang bata mo, napakaraming arte!" Napipikon nitong sabi pagkatapos lingunin si Luisa na nakasiksik pa rin sa sulok ng silid. "Kung hindi titino 'yan ay lilipat na lang ako sa iba. Ibalik mo na lang sa akin ang ibinayad ko. Punyeta!" pananakot pa nito. Nataranta si Madam Gigi sa sinabi ng maperang matanda. Mabilis itong nilambing at sinuyo. "Naku naman, Mr. Tan. Huwag na. Sandali lang at kakausapin ko ang alaga ko, ha? Kulang lang sa paliwanag 'yan. Alam niyo namang bagong-bago pa lang 'yan at dalagang-dalaga . Kumbaga sa isda, sariwang-sariwa at kahuhuli lang. Fresh from the sea ika nga. Ikaw nga agad ang naiisip ko para sa batang 'yan. Espesyal kitang kostumer kaya sa iyo ko siya nireserba. Ikaw pa lang ang unang kamay na hihipo diyan. Kita mo naman at nangangatog pa. Relax ka lang muna. Teka lang at kakausapin ko. Akong bahala. Sulitin mo na lang mamaya kapag okey na." Malambing na habol nito sa lalakeng nakailang hakbang na palayo. "Dali-dalian mo lang, Gigi. Kapag nainip ako ay aalis talaga ako at maghahanap sa iba!" asik at banta ng matanda. Ngunit hindi ang sinabi ang totoong saloobin, nananakot lang. Hindi ito makakapayag na hindi unang makatikim sa sariwang karneng inihahain sa kanya ng bugaw. Tumango-tango si Gigi at nagmamadaling pumasok sa kwartong kinaroroonan ni Luisa. Ang panggigigil ay pilit na itinago sa pamamagitan ng pilit na ngiti at malumanay na himig. "Luisa, mapera 'yang si Mr. Tan. Gawin mo na lang ang gusto niya para hindi ka masaktan.'' Pangungumbinsi nito sa dalagang nakasiksik pa rin sa sulok at ang mukha ay itinatago sa nakatiklop na tuhod. ''Kasi alam mo, kapag binawi ni Mr. Tan ang perang ibinayad niya sa akin ay sinisiguro ko sa iyo na malilintikan ka sa kanila." Pagbabanta ng babae sa paraang malumanay at saka ito tumingin sa mga lalaking nakatayo sa tapat ng pintuan. Dahil sa narinig ay nag-angat ng mukha si Luisa at napatingin sa dalawang lalaking tinutukoy ni Madam Gigi. Napalunok ang dalaga nang makita ang pag-ngisi ng mga ito. Tusong ngiti na ang hatid sa kanya ay takot at matinding pangamba. Natatandaan niya ang mukha ng mga ito. Ang dalawang lalaking ito ang nakita niyang bumugbog at pagkatapos ay sumaksak sa babaeng kagaya rin niyang nakakulong nang magtangkang tumakas. Nangiti si Madam Gigi nang makita ang takot sa mukha ni Luisa. Hindi pa man ay nakatitiyak na itong susundin na ng dalaga ang ipinagagawa niya. "O, pano Luisa, nagkakaintindihan na ba tayo ngayon? Ayokong magpaulit-ulit sa pagpapaliwanag, ha? Siguro naman ay malinaw na sa iyo ang dapat mong gawin?" Mariin nitong tanong na nagpaparamdam na ang bawat sasabihin ang tanging masusunod; na walang pwedeng sumuway kung hindi'y pagsisisihan lamang. Marahang tumango si Luisa. Lihim naman iyong ikinatuwa ng dalawang lalaki sa labas. at ng kaharap na babaeng nawala ang pagkaka-arko ng kilay. "Ano pa ang hinihintay mo, Peklat. Sunduin mo na si Mr. Tan. Sabihin mong naghihintay na sa kanya si Luisa." Nakangising utos ni Madam Gigi sa tauhang sa tindig at itsura ay sanay sa pag-gawa ng masama. "Ayusin mo na ang sarili mo, Luisa. Hindi ka na masasaktan ay magkakapera ka pa kapag napaligaya mo ang matandang 'yon. Makapagpapadala ka ng pera sa mga magulang mo. Makakatulong ka na sa kanila. Makakain na sila tatlong beses sa isang araw. Kanin at ulam na ang pagsasaluhan nila at hindi nilagang kamote . Huwag kang tanga. Maging praktikal ka. Aanhin mo ang pagiging birhen kung kumakalam naman ang iyong sikmura? Ikaw, kaya mong magtiis. Pero ang mga magulang mo at mga kapatid, matitiis mo ba? Nagugutom, walang makain? Katawan lang 'yan, nadadaan sa ligo. Sabunin mo lang ay mawawala na ang laway ni Mr.Tan sa balat mo." Payo pa nito habang naglalakad palabas. Isang ngiti ng tagumpay ang nanulay sa mga labi nito bago pa tuluyang isara ang pinto ng silid. Iniwanan na ang dalagang nangangatog pa rin at impit na umiiyak.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
362.5K
bc

My Favorite Subject

read
216.2K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
442.8K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
960.9K
bc

The Sex Web

read
130.3K
bc

NINONG II

read
618.1K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
453.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook