bc

PECULIAR UNIVERSITY

book_age16+
24
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
brave
student
fairy
twisted
bxg
magical world
another world
superpower
special ability
like
intro-logo
Blurb

Welcome to Peculiar University

Kung saan mahahasa ka ng husto at makikilala mo ang tunay na pamilya mo.

***

What if naiipit ka sa sitwasyong kailangan mong mamili?

Sino ang matibang?

Sino ang pipiliin mo?

Pero paano kung sa isang iglap nawala lahat ng alaala mo?

Paano mo maibabalik ang nakaraan?

Paano ka makakabalik sa nakaraan?

Isang lugar kung saan mag babago lahat at hindi niya inaasahan na mag papabago sa kaniyang normal na pamumuhay.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Kasalukuyan akong nakatingin sa laptop ko dahil naghahanap ako ng bagong University na mapapasukan dahil sa Online Registration ako naghahanap. Sana naman ay may makuha ako dahil 2 months na din akong late sa school. Nagkaroon kasi ng emergency kaya hindi ako naka-enroll ng maaga. Mga ilang schools pa iyong mga tumatanggap ng late kaya naman lahat ng iyon nag register ako. Bahala na kung sino ang unang tumawag doon na lang ako. Habang nagtitingin-tingin pa ako may nakita akong school na unfamiliar kaya naman pinindot ko ang page nila. "Peculiar University" “Interesting!” Tinitignan-tignan ko lang ang page nitong school na ito. Mukhang hindi siya kilala dahil halos kaunti lang ang laman tapos wala din gaanong nag popost. Bale ang nakalagay lang sa page ay "enroll now!" as in ‘yon lang talaga para naman nakakatakot itong school na ito. Nagtingin-tingin pa ko pero wala na kong makita na about sa school bukod don sa enroll now- Ay! meron pa pala iyong location ng school. "21 Ave. Hernue St." Hernue St.? Mayroon pa lang ganon. Kasi yung bahay ko nasa 21 Ave. lang din hindi ko alam na may street pala na ganon. Pero kahit na kakaiba ang school na iyon ay nag register pa din ako. Tsaka parang imposible naman na makapasok ako dito. Name: Surname: Middle name: Age: Birthdate: Address: Mother/Father's name: and... “Xarch?” Te-teka ano ba ‘yon? Xarch? Meron bang ganon? Parang ngayon ko lang yata narinig ‘yon ah. Wala namang nakalagay kung ano ‘yon kaya nilagpasan ko na lang. Napansin ko lang na ito lang ata ang pinaka-kaunti na fill up form. Kaya siguro walang gaanong students dito. Wala ding nakalagay na tuition so libre to. Hindi ko na lang pinansin at pinindot ko na ang word na submit wala namang mawawala kung mag register ako tsaka madami naman akong school na pinag registeran kaya okay lang. Pero kasi, bakit ako kinakabahan? Information ko lang naman ang nakalagay doon I mean hindi naman gaanong importante ang nakalagay pero kinakabahan ako. Grabe ang lakas ng t***k ng puso ko. Ano bang meron? Hinayaan ko na lang muna ang nararamdaman ko at lumabas muna ako ng kwarto para maghanda ng pagkain. Tanghali na pala, ang tagal ko pa lang nakakulong sa kwarto para maghanap ng school. Dahil kailangan bago mag 1 week ay makahanap na ako kasi baka hindi na sila tumanggap. Ayoko namang next year pa ulit magpatuloy sayang naman yung taon. *** Halos 3 days na din ang nakalipas simula noong naghanap ako ng school na mapapasukan ko pero hanggang ngayon wala pa ring tumatawag sa akin kahit isa. Kailangan maka enroll na ako bago pa matapos itong week na ito kaso wala man lang kahit isa ang nagkamali na tumawag sa akin. Naalala ko bigla ‘yong last na school na nakita ko. Ano nga ulit pangalan non? Per...? Perculer? Ahhh! Peculiar University! Kaya agad-agad kong sinearch iyon para tignan kaso nung pag search ko lumabas naman ang pangalan nung page, kaso nung tinignan ko na ‘yong page wala na ang mga naka post doon. Wala na din ang mga information na nakalagay doon. Hindi kaya modus iyon? Nakapagbigay pa naman ako ng information ko doon. Naku nakakatakot baka sindikato pala ‘yon. Hinayaan ko na lang muna at pinatay ko na lang ang laptop ko. Siya nga pala, ako lang ang mag-isa dito sa bahay kasi ‘yong tita ko nasa abroad, siya lahat ang gumagastos sa akin kasi wala na din naman siyang pamilya. I mean wala siyang anak o asawa kaya siya ang nag-aalaga sa akin kasi best friend niya daw ang mama ko na namatay sa pagpapaanak sa akin kaya kinuha niya daw ako kasi wala na din naman daw siyang kasama. About naman sa tatay ko hindi ko alam kung anong kwento non kasi wala naman silang sinasabi sa akin kaya hindi na din ako nagtatanong. Para sa akin si mama lang sapat na. Mama na kasi ang tawag ko simula nung bata pa ako. Nakahiga lang ako ngayon dito sa kwarto ko habang nagiisip-isip ng kung ano-ano. Dahil wala naman din akong magawa tsaka hindi rin ako gaanong lumalabas ng bahay. Wala din naman akong kaibigan simula ng bata pa ako dahil hindi talaga ako marunong mag approach ng tao. Parang nasanay akong mag isa lang. Meron naman akong mga nakakausap pero hanggang school lang. Naalala ko dati pag-uwi o papasok wala talaga akong nakakasabay lagi lang ako mag-isa. Noong nag highschool naman ako ganon pa rin ang mga nakikipagkaibigan sa akin hanggang school lang talaga kasi hindi talaga ako sanay ng may kinakausap. Nung one time na may activity kami sa school kailangan lahat kami sasabihin yung ugali ng isa't – isa e mga nasa 30 lang kami sa room noon tapos yung iba absent kaya halos lahat kami nag-salita sa harap. Tapos iyong mga classmate ko sinasabi nila na kaya hindi daw nila ako nilalapitan kasi ang sungit ko daw ang taray ko or di kaya naman nakakatakot daw ako kasi lagi daw akong nakasimangot ganon. Totoo naman ang mga sinasabi nila kaya hinayaan ko na lang. Hindi ko alam kung bakit ganito ugali ko ayaw ko ng nakikipag-usap sa ibang tao. Ayoko din ng mga crowded places or iyong madaming tao, ayaw ko din ng tinitignan ako kasi naiilang ako. Hindi kasi talaga komportable pag may nakatingin sa akin lalo na pag kinakausap ako ng tao kaya nakayuko lang ako. Paglalabas naman ako ng bahay lagi lang ako nakayuko tapos nakataray. Ganito na talaga ako parang hindi ko na kayang baguhin pa ang sarili ko. Kaya na pagisip-isip ko na okay na siguro iyong ganito na hindi gaanong nakikipag-socialize sa iba. Tinignan ko ang orasan ko at 7:43 pm na kaya lumabas na ako ng kwarto para kumain. Pagpunta ko sa kusina wala ng laman ang ref kaya nag noodles na lang ako. Siguro bukas na lang ako mag go-grocery ng mga kailangan dito sa bahay tutal wala naman akong ginagawa. Pagkatapos ko din kumain ay bumalik na ako sa kwarto ko at naligo na din para makatulog ako ng maaga. Pagkatapis ko maligo ay humiga na ako pero nakakatitig lang ako sa kisame hanggang sa nararamdaman ko na ang antok. *** Maaga akong gumising para pumunta sa grocery. 6:30 na din kaya naman naligo na ako. Pagkatapos ko maligo ay nag-asikaso na ako para umalis na bahay siguro sa labas na lang ako mag-aalmusal. Nag-aantay ako ng tricycle ngayon papuntang grocery. After a minute lang ay dumating na ang tricycle kaya agad akong sumakay. Pagdating doon sa tapat ng grocery ay bumama na ako at nagbayad kay manong. Pero bago ako pumunta sa loob ng grocery ay dumaan muna ako sa isang restaurant dito upang kumain ng almusal, pagkatapos ko din kumain ay nag punta na ako sa grocery upang bumili ng mga kailangan ko. Habang nag-iikot-ikot dito sa loob ay may nabangga akong lalaki na nag ce-cellphone. "Hey!" "Ouch!" "Pwede ba tumingin ka nga sa dinadaanan mo?!” Sigaw na sabi nung lalaki sa akin. Ang tapang naman nito siya na nga ang di tumitingin sa daanan siya pa ang may ganang manigaw at magalit. "Ako pa? Bakit kasi nag se-cellphone ka habang naglalakad? Ikaw nga ‘yong hindi tumingin sa dinadaanan mo e." Sigaw ko din sa kaniya, kapal nito ako pa sinisisi. "Tsk!" Sabay alis niya. Tignan mo itong mokong na ito ang bastos hindi niya siguro matanggap na mali siya. "Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo para di ka nakakabangga. Sinisisi mo pa sa iba yung pagkakamali mo!" Sigaw ko ulit sa kanya nung tumalikod siya sa akin. Nakakainis ang yabang. Tsk. Pumunta na ako sa counter para magbayad ng mga nabili ko. Pagkatapos ko sa counter ay lumabas na ako at nag-abang na ng tricycle para makauwi. Medyo madami-dami din itong binili ko para may stock na din ako at hindi na ako lalabas pa ng bahay para bumili-bili. Mga ilang minuto lang din ay nakauwi na ako sa bahay at tanghali na din kaya nagluto na din ako tapos kumain na din. Wala naman akong magawa kung hindi matulog at makulong lang dito sa bahay maghapon. Wala din naman akong gana para gumala kaya mas gugustuhin ko pa talaga magkulong. *** Sunday na ngayon at hanggang ngayon wala pa ding tumatawag sa akin. Monday na bukas kailangan ko nang pumasok ayoko naman mag-aral next year. Kinuha ko ulit yung laptop ko at tinignan yung mga inaaplayan kong school at wala pa ring pagbabago. Mga ilang minuto pa akong nagtitingin-tingin nang may tumawag sa cellphone ko. -Unknown Number- "101258?” "Uhmm hello po?" "Yes. Is this Alex Furmane Laxine?" "Speaking may I help you?" "You can now enroll to our school Peculiar University." Wika nung babae sa kabilang linya. Bigla naman akong natakot at kinabahan. "Excuse me?!” tanong ko dahil hindi ako makapaniwala. "Really? But how?" Ulit kong tanong. "Hindi po ba nag register kayo? Kaya kailangan mo ng mag-enroll bukas. May darating pong staff namin diyan. Thank you! Have a good day!" Sabay putol niya ng linya, hindi man lang niya ako tinanong kung mayroon ba akong tanong. Pero bakit sa dinami-dami ng inaplayan ko ito pa abg tumawag? Hindi ko nga kilala ang school na iyon e or ang location hindi ko alam na meron pa lang ganon. Nakakapagtaka lang talaga. Tumingin naman ako sa orasan at 2pm na. Tinawagan ko si mama para sabihin na may school na akong papasukan. "Hello? Ma?" "Oh Alex napatawag ka? Ubos na ba ang allowance mo? Sige mag papa-" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni mama dahil hindi naman pera kailangan ko, si mama talaga kaunting tawag ko lang sa kaniya akala niya kailangan ko na agad ng pera hays. Sabi niya kasi sa akin dati, kaya naman daw siya ganun na binibigay niya lahat ng kailangan ko kasi sobra-sobra niya daw talaga akong mahal. Kaya naman sinusuklian ko ng pag-aaral yung mga sakripsyo niya sa akin. Isa din yan sa dahilan kaya ayaw ko siyang mawala sa akin. Gagawin ko lahat para hindi siya mawala. "Nako ikaw talaga ma, gusto ko lang po kayong kamustahin at sabihin na may nahanap na po akong school na papasukan." "Talaga?! Well that's good to hear that! Anong pangalan ng school? "Peculiar University po ma." "H-ha? Paano ka naman nila nahanap I mean paano ka naka-enroll diyan?" "Ah ma nakita ko lang po sa internet habang nagtitingin-tingin ako tapos nag register po ako yon lang.” "A-anong sabi nila sa iyo? May binanggit ba sila or sinabi?'' "Wala naman po bakit ma? Alam niyo po yung school na iyon?" Tanong ko kasi gulat na gulat talaga sya nung narinig niya yung pangalan nung school e. "Uhm sige na Alex usap na lang tayo bukas at may gagawin pa pala ako. Bye Lex see you tomorrow!" "T-teka tom-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang niyang binaba ang tawag. Siguro talagang busy siya kaya hindi niya ako maasikaso. Hay miss ko na talaga siya. Nakaupo lang ako dito sa sala habang iniisip yung reaction ni mama. Bakit kaya ganon na lang ang gulat niya? Habang nasa gitna ako ng pag-isip ko biglang may kumatok sa gate kaya tumayo ako kaagad at tinignan kung sino yung tao sa labas. "Is this Laxine Residence?" Tanong nung lalaki sa labas. "Yes po. Sino po sila?" “We’re from Peculiar University and I just want you to know that we're giving your supplies and letter from the University!" "H-ha?" "Di nyo po ba ako naintindihan? Sabi ko po-" "I mean po Sir bakit po agad-agad kayo? Akala ko po kasi bukas pa? Tsaka wala naman pong nabanggit na may pa deliver pala ng gamit." "Hindi po ba nila sinabi sayo?" Tanong niya kaya nga hindi ko alam e. "T-teka hindi po ba ito modus or niloloko niyo lang ako? Kasi parang ambilis po e." "No Ma’am we're 101% legit po. So can we go inside? Para po masagot ko na din ang mga tanong niyo po Ma’am." Sabi ng lalaki kaya wala na kong magawa kaya pinapasok ko na lang siya. Actually tatlo talaga sila tapos puro lalaki pa kaya ang kumakausap lang sa akin ang pinapasok ko. Mahirap na baka may gawin pa silang masama sa akin. Mabuti nang mainggat. Mahal ko pa buhay ko no!. "Ma’am nandito po ako para ibigay itong mga gamit niyo at sabihing  sa inyo na bago mag 9:00 bukas ay dapat nasa school na po kayo para mag enroll. Ang location po ng school natin 21st Ave. Hernue St. at medyo malayo layo po iyon dito sa bahay niyo kaya kailangan dapat po maaga kayo." Pagpapaliwanag nung lalaki. "E Sir kala ko po kasi wala na yung school na iyon. I mean nagsara na kasi nung chineck ko po ulit nung nakaraan e wala na ang mga nakalagay." "Uhm yes Ma’am sarado na po kami kasi full na po yung nagpa-register kaya sinara po." Sagot niya sa akin. "Bakit naman po parang ngayon ko lang narinig yung school na iyon. Pati po yung location e unfamiliar?" Alam kong hindi ako palalabas ng bahay pero never ko pa talagang narinig iyon. "Because we're Unique Ma’am!”  Sagot niya sa akin. Tapos pinaliwanag niya pa ‘yong iba na hindi ko na maintindihan dahil hanggang ngayon hindi pa rin nagsi-sink in lahat ng nangyayari. Hindi pa din talaga ako makapaniwala. "Do you have any question mam?”  Tanong niya ulit. "Uhm Sir-" Sabay taas nung kamay ko para magtanong ulit. "Well I guess everything is settle now." Sabay tayo niya at hindi na niya pinansin ang itatanong ko. "Thank you for your time Ma’am. By the way I’m Lance.” Inabot niya ang kamay niya para makipag shake hands. "Uhm okay bye!" Nakipag shake hands din ako sa kaniya. Hindi ko na sinabi pangalan ko dahil mukha namang alam niya iyon, paglabas niya ay sumakay agad siya sa van at sumunod naman ang mga kasama niya. Nilock ko na ang gate at pumasok na sa bahay at tinignan ko ang mga binigay nila sa akin. Uniform ang nakalagay sa box, ang itsura nung uniform ay black and white ang kulay sa taas tapos may necktie din siya. Tapos iyong palda naman ay pure black lang na hanggang ibabaw ng tuhod hindi naman siya gaanong maiksi kaya okay lang. Talagang mapapa wow ka na lang talaga kasi sobrang astig ng uniform sobrang ganda. Gusto ko na agad maisuot ito. Excited na ako! Halos kompleto yung binigay nila. Wala nga lang notebook baka siguro ako na bibili non. May nakita akong letter sa pinakailalim ng gamit kaya kinuha ko agad iyon at binasa ko agad. Nakalagay siya sa sobre na itim, napag-isip-isip ko lang hindi naman sila halatang mahilig sa black diba? Dear Miss Alex Furmane Laxine,        WELCOME TO PECULIAR UNIVERSITY! Ano yun lang ang nakalagay sa letter? Welcome lang? Seryoso ba to? 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Married to a Hot Magnate

read
356.6K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
341.5K
bc

The Sex Web

read
127.4K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
56.2K
bc

Marrying My Fiancee

read
460.5K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.4K
bc

The Hottest Billionaires 3: Kieran Balinger(The Bad Boy)

read
398.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook