bc

Mi Amore Series#2: My Hot President

book_age18+
1.2K
FOLLOW
4.3K
READ
CEO
comedy
gxg
bisexual
baseball
athlete
like
intro-logo
Blurb

Ang mata nyang kulay blue, nakakapigil hininga itong pagmasdan. Hindi ko maalis alis ang tingin dito lalo na nakatingin sya sakin, para akong nalulunod sa tingin nyang yon. Ang ganda nya rin.

Warning: GxG

chap-preview
Free preview
Prologue
"Ma naman bakit kailangan kasama pa ako dito?"  bagot na sabi ko. Antok na antok pa ako dahil anong oras na kami nakauwi galing sa party ng lolo ni kaliwa tapos isinama pa ako ni Mama dito sa school nila. May sariling school sila Mama pero kahit na ganon hindi ako dito nag-aral dahil ayoko lang na maging sikat sa school na 'to dahil lang anak ako ng may ari tsaka kaming magkakaibigan, mas gusto namin na tatayo kami sa sarili naming mga paa na hindi kailangan ng tulong galing sa mga magulang namin. Kaya nga si kaliwa may sarili ng bahay at kotse, si Fin kasama pa din ang mga magulang pero nagpa-part time sya sa isang photo shop studio, si Veron na may bar na pinaghirapan nya talagang itayo tapos si Gia na madalas mag-isa sa kanila kaya namumuhay na sya na mag-isa. Ako? basta ako hindi dumedepende kanila Mama. "Ate please lang tumahimik ka muna kahit saglit lang lalong sumasakit ulo ko sa boses mo eh." sabi ng kapatid kong panget. "Hoy ano na naman problema mo sa boses ko? tsaka wag mong sisihin ang boses ko sa sakit ng ulo mo. Kaka-computer mo yan." "Ang lakas ng boses mo! para kang nakalunok ng megaphone sa sobrang lakas tsaka wag mo ngang pakialaman ang pagco-computer ko." kumunot noo ko. Malakas ba boses ko? hindi naman ah. "Tumahimik nga kayong dalawa dyan." sabi ni Mama.  "Pero Ma, bakit kasi kailangan kasama ako?" maktol ko. Nakakainis naman eh, ayaw na ayaw ko kayang pumupunta sa school na 'to. "Kulang kami sa tao para asikasuhin ang mga mag-i-inquire dito sa school kaya isinama ko kayong dalawa ni Michael" sagot nya. Napasimangot ako. Bakit hindi na lang sya kumuha ng mga estudyante dito para gawin yon. Bakit ako pa na hindi naman nag-aaral dito. Ano bang malay ko ba dito. "Ma'am Jo!" may limang magagandang babaeng lumapit kay Mama. "Good morning, ma'am." bati nung nakasalamin at kulay red ang buhok nya. Pwede pala yon dito? knowing Mama, mahigpit sya. "Good morning ma'am." bati nung apat. Napatingin sakin yung isa at nginitian ako kaya ngitian ko din sya. "Good morning din, nakaayos na ba ang lahat?" tanong ni Mama sa kanila. "Yes ma'am! may mga dumating na nga po eh." sabi nung nginitian ako. "Good, na i-tour nyo ba sa buong campus? dapat mapa-enroll ninyo yon kundi lagot kayo sakin." panakot ni Mama. Nailing ako. "By the way, kasama ko ang mga anak ko na tutulong satin. Si Michael at si Jade, ang pangalawang anak ko" pakilala ni Mama. "Hi." bati nilang lima sakin. Dito nag-aaral si Michael kaya for sure kilala sya ng mga ito. "Hi din." sabi ko sa kanila. "I'm Marie, you can call me baby." nagulat ako nung kumindat sya sakin. Napakamot ako ng ulo. Kalahi nila kaliwa ito ah. Hindi halatang lesbiana sya, ang sexy at ang ganda nya kasi. "Nako Marie straight yang anak ko, hindi yan papatol sayo." sabi ni Mama. "Ma'am naman, wala kayong bilib sakin? marami na akong nakakarelasyon na straight dati." proud na sabi ni Marie. "Nako, wag ang anak ko. Kilala kita." sabi ni Mama. Mukhang ka-close ni Mama ang limang ito. "Tumigil ka na Marie, naiilang na sayo si Jade oh." sabi nung nginitian ako. "Ako si Chelsea, nice to meet you, Jade." inilahad nya ang palad nya sakin. Tinanggap ko naman yon dahil ayoko maging rude. "Nice to meet you too, Chelsea." nginitian ko dahil kanina pa sya nakangiti sakin. Hindi ba sya nangangawit? "Ako naman si Ino." sabi nung kulay red ang buhok. Ngumiti ako sa kanya. "Ako naman si Princess, but call me Cess." tumango ako sa kanya pero nagulat ako nung kindatan nya din ako. Natawa naman si Chelsea at Ino. "Ma'am Jo mukhang lapitin ata ng chics 'tong anak nyo ah?" sabi ni Ino. "Anong lapitin? ni wala nga yan manliligaw." napa-pout ako sa sinabi ng Mama ko. Meron naman, ayoko lang sa kanila. Ayoko nga magaya kay Gia na ilang beses niloko. "Hayaan nyo ma'am Jo, liligawan ko anak nyo." sabi nung hindi pa nagpapakilala. Hala sya, ang daming kalahi nila kaliwa dito sa school na 'to. "Sabi ko sa inyo, wag ang anak ko." sabi ni Mama. Ito ang maganda kay Mama, hindi nya ako pinamimigay. "Whatever, Ma'am. Hi my future girlfriend ako si Honey Love so sweet." napakunot ang noo ko. Totoong pangalan nya yon? weird. "Joke, I'm Rin." Tumango ako sa kanya. Naiilang ako sa mga 'to, sana talaga hindi na lang ako sinama ni Mama dito eh. "O sya tara na at puntahan na natin sila baka nahihirapan na sila don." sabi ni Mama. Nauna syang nalakad saming lahat. "Tara Jade." sabay na kumapit sa magkabilang braso ko si Marie at Rin. Natawa naman sila Chelsea sa tabi. "A-ah teka okay na ako." marahan kong tinaggal ang kamay nila sa braso ko. Nginitan ko sila ng pilit. Mabilis kong sinundan si Mama para makalayo sa mga yon. "Ma, wag nyo naman ako iwan sa mga yon." mahinang sabi ko kay Mama baka marinig nila ma-offend pa. Napatawa ng mahina ang magaling ko ina. "Wag kang mag-aalala hindi mga seryoso ang mga yan." sabi ni Mama. Tumingin ako sa likuran namin kung saan nakasunod silang lima habang kinakausap si Michael. "Close na close mo sila Ma ah." sabi ko dahil yung closeness nila, parang kami lang ni Mama. "Sila ang mga Student Council ko kaya natural lang na close ko sila." ah kaya pala. "Nakakagulat na lesbiana yung tatlo, ang gaganda nila at hindi sila halata." sabi ko kay Mama. Sabagay nakakagulat din yung dalawa kong kaibigan na si Fin at kaliwa. Tumingin ulit ako sa likuran namin. Nakatingin pala silang lima sakin at nginitian ako. Si Marie nag-flying kiss pa. Nginitian ko sila ng pilit at bumalik sa harapan ang tingin. "Anong tatlo? lahat sila lesbiana." "Weh?!" gulat na sabi ko. Napatakip pa ng taonga si Mama kaya napa-pout ako. "Ate yung bibig mo talaga nakalunok ng megaphone!" sigaw ni Michael. "Manahimik ka panget!" sigaw ko sa kanya at tumingin kay Mama. "Hindi nga? pati si Ino at Chelsea?" "Oo nga kulit mo din 'no?" napa-pout ako. "May bakla din sa SC ko pero hindi mo mahahalata sa sobrang gwapo." "Ma, lgbt ba 'tong school nyo?" "Siguro dahil karamihan ng mga estudyante dito ay gay." nakangiting sabi ni Mama na mukhang wala lang sa kanya kung may mga gay na nag-aaral sa school nya. Hindi naman against sila Mama don, dahil sabi nya sakin dati na si Tita Letti pa lang tanggap na tanggap nya na at kung isa saming magkakapatid ang maging gay ay okay lang sa kanya pero kaming tatlong magkakapatid ay straight lalo na si kuya na may girlfriend. "Good morning ma'am!" bati ng mga estudyante dito sa Information Center. Napakunot noo ko. Saan dito ang kulang? eh ang dami nga nila dito. "Good morning. Kamusta?" tanong ni Mama at nilapitan sila. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko. "Ayos ma'am may lima na tayong naka-enroll tapos mahigit sampu na ang nag-inquire. Tinour naman yon ng iba." sabi nung lalaking gwapo. Masyadong maaga para makalima silang enroll. Alas otso pa lang ng umaga. "That's good. Nasaan si Paris?" "Hey." napatingin ako kay Chelsea. Ngumiti ako ng tipid sa kanya. Hindi talaga ako komportable sa kanila. "Wag kang mailang samin, ganito talaga kami." sabi nya. Napakamot ako ng ulo at tumango na lang. "Jade halika dito!" tawag ni Mama. Ngumiti ako kay Chelsea bilang pagpaalam at pinuntahan si Mama. Buti tinawag ako ni Mama dahil naiilang talaga ako sa kanila. "Ayoko sana kitang papuntahin don kaso busy kasi ang mga tao dito kaya ikaw na lang uutusan ko." "Ano pa nga ba ang magagawa ko. Saan po ba?" bumuntong hininga muna sya. Napakunot noo ko don. "Sa baseball field." natigilan ako. Napansin yon ni Mama. "Sorry, okay lang wag mo ng gawin. Ako na lang ang pupunta." patalikod na sya nung pigilan ko. Mabilis ang paghinga ko. "No, ako na. Kailangan ka nila dito." pumikit ako at namulat. "Are you sure anak?" ngumiti ako ng tipid sa kanya at tumango. Mukhang hindi sya naniniwala pero hindi na lang nya pinilit pa. "Tawagin mo si Paris don, naglalaro sya don. Pwede kang magtanong kung sino si Paris sa kanila." sabi nya. Tumango ako. Naglakad na ako papunta sa field. Dito ako nag-aral nung highschool kaya kabisado ko ito. Sa totoo lang ayoko pumunta sa field na yon dahil may past ako don. Hay bahala na nga. Nilibot ko ang paningin ko habang naglalakad ako patungo sa field. Wala pa ding pinagbago ang school na 'to simula nung umalis ako dito. Kung ano yung huling kita ko dito, ganon pa din. Alagang alaga pa din ang mga halaman at bulaklak dito. Malinis at wala kang makikitang basura sa paligid. Tumigil ako sa paglalakad nung matanaw ko na ang baseball field. Huminga ako ng malalim at pumikit. Kaya yan, Jade, wag kang bakla! Inimulat ko ang mga mata ko nang may maamoy akong mabango. Saktong pagmulat ko ay may nakita akong napakagandang babae na maihahantulad sa isang dyosa. Ang buhok nyang kulay blonde na nakalugay kaya malayang lumilipad ito sa hangin at hindi ito natatabing ng kanyang mukha kaya malaya ko itong napapagmasdan. Ang mata nyang kulay blue, nakakapigil hininga itong pagmasdan. Hindi ko maalis alis ang tingin dito lalo na nakatingin din sya sakin, para akong nalulunod sa tingin nyang yon. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. Nakalagpas na sya sakin pero hindi pa din ako makakilos. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Ang lakas din ng kabog ng puso ko na para bang sasabog. Ano ba 'tong nangyayari sakin? ---------------

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
320.5K
bc

My Godfather My husband

read
269.3K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
453.9K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
325.8K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.5K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook