bc

Ang Tangeng Babae

book_age0+
983
FOLLOW
4.5K
READ
drama
tragedy
comedy
sweet
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

(TAGALOG STORY) Kilalanin si Diamantina-- ang tanging natitirang babae sa Earth nang isang asteroid ang tumama sa mundo. Sino nga ba sa apat na lalaking natitira sa Earth ang pipiliin niya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
DIAMANTINA’S POV EARLY morning na naman! Haaay... Kailangan ko na namang gumising upang— “Diamantinaaa!!!” Grabe, ha. Kung makasigaw naman itong si Tita Purisima... wagas! Well, alam ko na kung bakit tinatawag na naman niya ang aking beautiful name. Uutusan na naman niya ako. Ano kaya ang first task na gagawin ko today? Magluluto, maglalaba, maglilinis ng bahay o magpapakain ng baboy? Well, my name is Diamantina Madlangtao just so you knew. ‘Knew’ kasi alam mo na. Past tense na `yon kaya wag kayong ano diyan. Okey? Okey! May sarili akong dictionary at grammaring. Walang pakialaman! Okey? Okey! Siguro, kapag nalaman ng isang tao na ‘Diamantina’ ang name ko, iisipin nila na nanggaling iyon sa word na ‘diamante’ o ‘diamond’. Pero hindi ganoon iyon! Para daw kasing diamond ang mukha ko – puro kantuhan. Imbes na dalawa lang ang aking panga ay apat yata. Ewan ko ba, parang binagsakan ng puwet ng kaldero ang aking face sa sobrang lapad. Tapos, ang aking ilong ay parang sundalo sa giyera – palaging nakadapa! Yes, oh, yes! Sabi nila that I am ugly and bobo. Pero hindi ko na lang iniintindi iyon. I’m used to it. Ikaw ba naman na sinasabihan ng panget ng twenty-five years, hindi ka pa masasanay? Bahala sila. Basta ako, I believe in the saying: Beauty is in the eye of the beholder. And I am the beholder that’s why I am beautiful! Naks! Nosebleed that! Ehem... Ehem... And yes again, ulilang lubos na ako. Ang tatay ko, hindi ko na siya na-meet dahil nang malaman niyang nabuntis niya si nanay sa akin, iniwan na niya kami. Wala siyang balls! Mag-isa si nanay na nag-asikaso sa sarili niya habang dinadala niya ako. Kulang na nga lang ay siya na rin ang magpaanak sa sarili niya, eh. Sinabi iyan sa akin ng Tita Purisima ko na siyang tumatayong guardian ko ngayon. At ayon din sa kwento ni Tita ay twelve months nang buntis si nanay pero hindi pa rin ako inilalabas! Imagine that. Napilitan tuloy si nanay na magpa-cesarean. Sapilitan akong inilabas sa tiyan ng nanay ko kahit parang ayaw ko pa. Siguro, na-sense ko noong fetus pa lang ako na hindi magiging maganda ang buhay ko kapag ipinanganak na ako kaya ayaw ko pang lumabas. At tama nga ako. I am right not left dahil hindi lang buhay ko ang hindi naging maganda kundi pati na rin ang mukha ko. Imagine that! Namatay si nanay after niyang ma-cesarean! Ang walanghiyang doktor kasi, inuna pa ang coffee break kesa tahiin ang nakabukang tiyan ng nanay ko! Napasukan yata ng hangin! Ayun, patay! And then, after that, inampon na ako ni Tita Purisima ko na isang matandang dalaga! Actually, parang inalagaan lang naman ako ni Tita Purisima para paglaki ko ay gawin niyang alila. Ewan ko ba sa kanya, mayaman naman siya pero ayaw kumuha ng katulong. Baka daw pagnakawan lang siya. Eh, kung pagnakawan ko kaya siya! Joke! Hindi naman ako cleptomaniac. Hindi ako manyak, `no! Ayun nga, medyo understanding ko naman kung bakit masungit si Tita Purisima. Matandang dalaga kasi siya. Sabi ng iba ay old maid daw. Ang tanga nila, eh, hindi naman maid si tita. Parang siya pa nga ang amo ko, eh. Kung may maid man sa bahay na ito, it’s me. Pero `di pa ako old maid. Young maid, pwede pa. “Diamantina! Punyemas ka! Bumangon ka na at maglalaba ka pa!” Okey, tama na muna ang pagbibida ko sa aking sarili. It’s time to face this day na! PAKEMBOT-KEMBOT na naglakad ako papunta sa tindahan ni Aling Helga—ang babaeng parang napunta ka sa hell kapag naamoy mo ang kili-kili! “Pabili po, Aling Helga!” sabi ko. “Ano iyon, Diamantina? Hay... Ang haba naman talaga ng pangalan mo, ano? Wala na bang iiikli `yan?” Parang problemado pa siya sa pangalan ko na sabi niya. “Eh, `yang kili-kili niyo po, wala na bang ibabango pa?” “ANONG SABI MO?!” “Ah, wala po! Naririnig niyo na naman siguro iyong mga duwende sa likod ng tindahan niyo. Pabili po ako ng limang baretang Surf, sampung Surf na powder at yung Downy na nasa bote. Tatlo po...” “Aba, parang ang dami mo yatang lalabhan at pinapakyaw mo na ang sabon ko!” aniya habang kinukuha ang mga bibilhin ko. “Naku, hindi naman po. Limang piraso lang...” “Lima? Eh, bakit ang dami mong sabon na binibili?” “Eh, limang carpet po ang lalabhan ko! Pakibilisan na lang po at baka mapagalitan na naman ako ni Tita Purisima.” Pagkabigay ni Aling Helga ng mga kailangan ko ay nagbayad na ako. Papaalis na sana ako nang may marinig akong tumawag sa akin ng “panget”. Hindi ko na sana papansinin pero paulit-ulit siya. “Panget! Panget! Panget!” Hindi na ako nakapagpigil pa at hinarap ko na ang tumatawag sa akin ng “panget”! Si Gerald—nakatambay siya sa tindahan ni Aling Helga. “Panget! Panget! Pangeeet!!!” sabi pa niya sa parang nang-aasar na tono. “Hoy, Gerald! `Wag mo akong simulan, ha!” galit na sigaw ko sa kanya na may kasama pang duro. Nakuuu!!! Kung may bato lang ako baka mabato ko ang walang`yang Gerald na iyon. “Pangeeeeyt!!!” Bigla akong umatungal ng iyak kasi asar na asar na ako. Nilapitan ko si Gerald at inalog-alog ang hawla niya. “Lumabas ka diyan, Gerald! Suntukan tayo para malaman natin kung sino ang panget! Bakit mo ba ako laging inaano, ha?!” “Hoy! Diamantina! Parrot `yan, `wag mong patulan si Gerald!” saway sa akin ni Aling Helga. Umiiyak pa rin ako nang umuwi ako. At inurirat naman ako ni Tita Purisima kung bakit ako umaatungal ng iyak. “Oh, bakit umiiyak ka diyan? Ka-panget mo na nga, lalo ka pang pumanget!” aniya. “Si Gerald po kasi... Tinawag akong panget!” “Diyos ko, Diamantina! Parrot lang si Gerald, napaiyak ka? Saka totoo naman na panget ka, anong iniiyak-iyak mo diyan? Hala, maglaba ka na at kailangang matuyo lahat ng iyan bukas. May darating akong bisita!” “Bukas? Parang imposible naman po yatang matuyo ang mga carpet bukas, tita...” “Pwes, gawin mong posible! Kilos na! Kilos!!!” at pumalakpak pa siya na parang si Miss Minchin. ONE down, four more to go go go! Isang carpet pa lang ang natatapos kong kusutin at i-brush pero sobrang sakit na ng mga kamay ko. Tapos kailangan pang matuyo ng mga ito bukas. Haaay talaga! Nagtataka lang ako kasi for the first time ay magkakaroon si Tita Purisima ng visitors, ha. Hindi naman pwede na kamag-anak namin ang magiging bisita niya dahil kami na lang ang natitirang magkamag-anak dito sa Earth. Sino nga kaya? Hmm... `Di bale, bukas ay malalaman ko din iyan! Maglalaba na lang ako ngayon para matapos na agad ako. Wish ko lang! ASTON’S POV “SIXTY-SEVEN! Sixty-eight! Sixty... nine—“ “Astooon!!! Mi unico iho!” Napatigil ako sa aking pagpu-push ups nang biglang pumasok ang aking nanay na si Mommy Adelaida o Ade sa aking private gym. Muntik na akong matawa sa suot niyang gown na akala mo ay pupunta siya sa isang JS Prom. Simula kasi ng tumama siya sa lotto ay ganoon na siya magsuot kahit nasa bahay lang. Isang taon na simula nang tamaan ni Mommy Ade ang halos one hundred million na jackpot sa lotto. Umalis agad kami sa barong-barong at bumili ng bahay sa isang exclusive subdivision dito sa Sta. Rosa, Laguna. Sayang nga lang at namatay agad si tatay. Nang malaman niya kasi na tumama si mommy sa lotto ay bigla itong nagtatalon at sa sobra nitong tuwa inatake ito sa puso. “Mommy Ade, bakit niyo po ako tinatawag?” Kinuha ko ang towel sa aking tabi at pinunasan ang pawisan kong dibdib. “`Di ba, ang sabi ko sa inyo, `wag niyo akong iistorbohin kapag nagpapalaki ako ng katawan? Alam niyo naman na pangarap kong magkaroon ng abs!” Mahina niya akong hinampas ng hawak niyang pamaypay sa aking braso. “Que, horror, mi unico iho! Dios mio, tama na muna ang pagpapalaki mo ng katawan. Mag-asikaso ka na nga at pupunta pa tayo bukas ng Calamba!” anito. Mahilig talaga itong mag-Spanish ng mali-mali. Naglakad ako at kinuha ang dalawang dumbell at inumpisahan kong buhatin iyon. Taas-baba. Taas-baba! “Talaga bang dapat kasama ako doon, Mommy Ade? Dito na lang ako...” Nilapitan naman ni Mommy Ade ang barbel at binuhat iyon habang kinakausap ako. “No! Que porque! Dapat ay kasama ka para ipagmalaki kita sa BFF ko noong high school na si Purisima! Paniguradong maiingit lalo iyon sa akin dahil bukod sa ako ay ubod na ng yaman ay meron pa akong anak na ubod ng gwapo!” “Pero, mommy—“ “No, Aston! Sasama ka sa akin bukas. Intiendes?” “Intiendes!” Pati ako napapagaya na sa kanya. “Good! Pagkatapos mo diyan ay mag-empake ka na at isang linggo tayo doon! Damihan mo ang dala mo ng mamahalin mong damit.” Ibinaba na ni Mommy Ade ang barbel at laylay ang mga braso na iniwan niya ako. Naiiling na lang na sinundan ko siya ng tingin. Alam ko kasi kung bakit makikipagkita siya sa kaibigan nito. Iinggitin lang nito iyon sa kayamanan nito. BFF daw. Best Fake Friends ibig sabihin niyon para kay Mommy Ade! Tinapos ko lang ang pagwo-work-out ko at sinunod na rin ang utos niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Reckless Hearts

read
256.1K
bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
424.7K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
267.8K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.5K
bc

Run Honey Run / Mafia Lord Series 4 Completed

read
316.6K
bc

The Young Master's Maid

read
748.9K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
533.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook