bc

Loving Ria

book_age18+
974
FOLLOW
4.5K
READ
billionaire
possessive
opposites attract
friends to lovers
kickass heroine
bxg
highschool
office/work place
childhood crush
friendship
like
intro-logo
Blurb

Zach and Juri are childhood friends. They got separated when Zach studied in the US. He left her without telling her his true feelings.

Nang magkita ulit silang dalawa, kinamumuhian na sya ng dalaga sa hindi nya malamang dahilan.

Maibabalik pa kaya ang dati nilang pagkakaibigan o mapapalitan na ng tunay nilang damdamin para sa isat isa?

( This is the story of Zach Alexander Villafuerte and Justine Ria Alcantara )

chap-preview
Free preview
Chapter One
Justine Ria I'm browsing the pictures I captured in my camera when i went in Pagudpud last weekend. I love taking pictures of the nature and I love photography. I would love to take it as a career but i prefer to do it as a hobby instead. Nakita ko ang isang email pop up sa aking laptop at agad ko naman itong clinick at binasa ang nilalaman ng email. Natuwa ako dahil booking flight ko ito pabalik ng France, binasa ko din ang isa pang email na galing kay Camille, ang matalik kong kaibigan simula pagkabata. Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan sya. "Bruha ka, ang bilis mo naman magbakasyon dito sa Pilipinas! Wala ka pang isang buwan na nagsstay dito saten tapos magfafly sung ka na pabalik sa France?! Kaloka ka!!! Panimula ni Camille sakin. Hindi pa ako naghehello nyan ah. "Alam mo naman kung bakit ko kelangan umalis agad Cams." "Oo naman alam na alam ko Juri. Umiiwas ka lang at nagtatago, tinataguan mo ang first love mo! Tumawa pa ito. "Cams naman. Wag mo akong umpisahan dyan, mas ok na to. Mas magandang hindi kami magkita at magpangabot pa dito sa San Nicolas. At saka tigilan mo ako sa kakafirst love, first heart break pa pwede." "Ewan ko sayo, Speaking of him pala Juri, narinig ko kay Manang Elvie papauwi sya sa Hacienda nila, hindi ko lang natanong kung kelan pero uuwi daw siya." Natigilan ako ng marinig ang sinabi ni Camille. Agad kong tiningnan ang date ng flight ko, sa isang araw pa ang flight ko. "Hindi naman kami siguro magkikita Cams." "Hindi kayo magkikita kung hindi ka lalabas ng bahay nyo, maliit lang tong San Nicolas Juri at baka nakakalimutan mo na sobrang laki ng nasasakupan ng mga Villafuerte dito sa bayan natin. At halos lahat ng nakatira dito kilala ang angkan nila lalo na ang nagiisang tagapagmana." Napabuntong hininga ako sa sinabi nya. "Bahala na, hanggat kaya ko syang iiwasan gagawin ko Cams. Hindi pa ako handa na makita sya." "Para naman kayong walang pinagsamahan." Narinig ko ang pagtawa ni Cams. "Cupcakes ang kapalit ng ticket na yan ah." "Oo naman, ipagbebake pa kita kahit 20 pang cupcakes." At pagkatapos ng usapan namin napatitig ako sa flight details ko. Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng mapait ng maalala ang sinabi ni Camille. Pinagsamahan, madami kaming pinagsamahan at gusto ko ng kalimutan ang mga iyon. Part na lang yun ng aming nakaraan, at malamang nakalimutan na din nya yun. Maaalala pa ba nya yun pagkatapos ng ginawa nya saken. At maaalala pa din kaya nya ako? "Asshole." Tinabi ko na ang laptop at camera ko. Ipagbebake ko na ng request nyang cupcakes si Camille at baka magtampo pa ang bruha. Mag 2 weeks palang akong nagsstay dito sa San Nicolas kakabalik ko lang galing Paris, France. I took my patisserie study in Le Cordon Bleu School of Patisserie and i stayed in France for 5 years after I graduated in college. Nagaral ako ng HRM sa Manila at natagpuan ko ang sarili ko na minamahal ang baking kaya nagpursige ako na magkapagaral ng baking. At dahil sa kagustuhan kong makapagaral ng kolehiyo, naibenta ng mga magulang ko ang aming farm para makaalis ako papuntang Maynila. At dahil dun nawala sila saken. Pinangako ko sa sarili na babawiin ko ulit ang aming farm, bibilhin ko yun sa bumili ng aming lupa para sa ikatatahimik ng namayapa kong mga magulang. May kumirot na bahagi ng aking puso ng maalala kung bakit ako naiwang magisa ng mga magulang ko. Hindi pa din ako nakakalimot, syempre bawat kanto ng naiwang bahay saken puro alaala ng aking pamilya. Ulila na akong lubos, nasa highschool palang ako ng mamatay si Inay at Itay dahil sa isang aksidente, hindi na nila nahintay na makatuntong ako ng kolehiyo, kamalasan ko dahil sabay silang kinuha ng Diyos saken kaya naiwan akong magisa. Makikipagkita din ako sa nakabili ng aming lupa, ang sabi saken ng abogado nya manggagaling pang Maynila ang client nya na bagong mayari ng farm namin pero open ito for negotiations, natuwa naman ako ng malaman ko yun. Nakaipon din ako sa ilang taon na pagtatrabaho ko sa France bilang isang patissiere at sumsideline din akong model, may nakilala kasi akong model sa France na sikat na sikat at sakto namang nagkakilala kami during one of their fashion shows at nangailangan ng isang modelo dahil hindi sumipot ang kapartner nya. Matuturing ko syang hulog ng langit dahil sa sunod sunod na opportunities na dumating saken, at dahil dun nakaipon ako ng sapat na halaga para mabili at mapabalik saken ang farm namin. Halos tapos ko na ang mga cupcakes ni Camille, frosting nalang ang kulang, surebol na matutuwa yun kapag nakita nya ang mga cupcakes na ginawa ko. Nagring ang phone at agad ko naman itong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag. "Hello Atty. Clemente. Napatawag po kayo? "Hello Ms. Alcantara, are you free today? My client will arrive today and he wanted to personally meet you." I was halted when I heard the news. Agad agad, mukhang mas mapapabilis ang proseso ng pagbawi ko sa aming lupain. "Yes Atty. Im free today and Ill be glad to meet the owner." "Thats good to hear Ms. Alcantara, everything will be settled today I believe. Ill message you the details as soon as he arrives." "He...ibig sabihin lalake pala nakabili ng farm namin." Sa isip ko. "Ok Atty. Thank you for the news." "Youre most welcome. See you later Ms. Alcantara." Then he hang up. Good news yun para saken, mababawi ko na ang aming farm, sana lang madaling kausap ang new owner ng farm namin. Sana ngayon nadin magkabayaran para maayos na ang pagalis ko sa isang araw. Hindi kasi ako naiinform na mapapabilis lang ang proseso ng pagbawi ko sa lupa, akala ko aabutin pa ito ng buwan. Napatingin ako sa picture nina Itay at Inay na nakahang sa dingding sa sala, napangiti ako at nalungkot din. "Sana kasama ko pa kayo ngayon." Lagpas tanghalian na nang dumating si Camille. May mga dala pa itong mga prutas at gulay. "Galing kang palengke? Agad kong tanong dito. Hindi kasi mapipigilan ang kahit sinoman na mamalengke sa bayan dahil sa mga fresh produce dito palibhasa napapaligiran ang bayan namin ng mga farms at mga rancho. "Oo, puro fresh eh saka bagong mga ani. Bumili din ako ng paborito mong mais na puti. Ilalaga ko ito mamaya." "Immeet ko si Atty. Clemente mamaya Cams, tho Hindi ko pa alam yung exact time. Nakikipagmeet daw yung nakabili ng farm saken." "Sinabi na ba ni Atty. kung sino talaga nakabili ng farm nyo? Tanong ni Cams saken. Umiling ako which is totoo naman, hindi sinasabi saken ni Atty. kung sino ba talaga nakabili ng farm kila Inay at Itay. Confidential daw at malalaman ko lamang kapag makukuha ko na ulit ang farm, nagtataka sa term nya na makukuha ulit, baka mabibili, minsan itinama ko sya pero tinawanan lang nya ako. Napapaisip talaga ko kung sino ba talaga ang binentahan nila Itay ng farm. Inayos muna namin ni Cams ang mga pinamili nya. Sya na ang kasama ko dito sa bahay na naiwan ng mga magulang ko. Dito ko na sya pinatira mula ng nagaral ako ng kolehiyo hanggang umalis ako ng bansa. Mabuti na din yun para may nakatira dito sa bahay, pareho naman na kaming ulilang lubos. Magkaibigan na kami simula pagkabata, magkasabay na kaming lumaki dahil magkapitbahay lang kami. Para nadin kaming magkapatid dahil sa turingan namin sa isat isa, kaming dalawa nalang kasi ang magkaramay. Nakapagtapos din sya ng College at Accountancy ang kinuha nyang course at nakapasa sya sa Licensure Exam nila. Hindi pa lang nya naiisipan magasawa. Nakaleave lang sya sa trabaho nya dahil nga sa paguwi ko. Sa Maynila din kasi sya sa nagtatrabaho. "Naaamoy ko ang mga chocolate cupcakes ko." Suminghot singhot pa sya papuntang kusina. "Tuwang tuwa ka na naman Mon Amie." "Wag mo nga akong maFrench french dyan Juri. Wala ka sa France noh." Tinawanan ko nalang sya. Kumuha na din ako ng cupcake at sabay kaming kumain, nagtimpla nadin ako ng Strawberry juice. "Babalik ka ba ng Maynila agad kapag nakaalis na ako? Tanong ko sa kanya. "Oo, after mong makaalis, babalik nadin ako sa work. Buti nga pumayag ang boss ko na magleave ako. Kaya pag umalis ka na, babalik na din ako." "Ok. Thank you Cams ah. Hindi mo ako pinabayaan magisa dito. Sana lang maayos agad ang pagbili ko ng farm para makaalis din ako agad." "Nagmamadali ka talagang umalis. Feeling ko naman hindi kayo magkikita, kasi minsan lang yun umuwi dito according to my resources and he is always busy sa Hacienda nila." "Mabuti naman kung ganon, at kung darating man sya Cams, pinapanalangin ko na hindi talaga kami magkita." "Malalaman ko kapag dumating sya Juri, itetext ko si Manang Elvie." Nginisian pa nya ako. Kamaganak kasi nya si Manang Elvie na nagtatrabaho bilang Mayordoma sa Hacienda ng mga Villafuerte. Nasa ganon kaming paguusap ng tumunog phone ko, nang binuksan ko ang message, text ni Atty. Clemente ang nakita ko. Napaawang ang labi ko ng mabasa ko ang message nya, dito daw sa bahay gustong makipagmeet ng Client nya. Agad kong tiningnan si Cams at ang buong bahay. Nataranta ako bigla dahil magulo ang bahay namin. "Cams, we need to clean the house. Dito daw makikipagmeet sila Atty.!!" "Ano??? Bakit dito?? Ano ba yan!! Agad kaming kumilos para maglinis ng bahay. Kunting pahinga lang at nagayos nadin ako. Kelangan ko din namang maging presentable sa pagharap sa mayari ng farm namin. May isang oras pa bago ang oras na binigay ni Atty. Pasado alas singko ng hapon ng may pumaradang sasakyan sa labas ng bahay namin. Napatingin kami ni Cams sa may bintana at nakita namin ang isang Hummer na matte black na pumarada sa labas. Iniluwa nito si Atty. Clemente, agad kong pinagbuksan ng pinto si Atty at pumasok naman ito agad. "Good afternoon Ms. Alcantara, its nice to see you again." Nakipagshakehands pa ito saken at kay Cams. Hindi ko pinaalis si Cams sa tabi ko dahil feeling ko kelangan ko ng suporta. "Good Afternoon din po Atty. Nagkita po ulit tayo." Sagot ko naman sa kanya. Tiningnan ko ang likuran nya at hinihintay ang kasama nya. "My client is very eager to meet you Ms. Alcantara." Napatango naman ako. Napatingin ako sa taong kasunod lang din nya. I was halted when I saw his figure. Nang tuluyan na syang makapasok sa loob ng bahay, I saw Cams was stunned too. The man standing in front of us seems very familiar. Nakasuot lang ito ng plain white v neck shirt, black pants at sneakers, alam kong black suit ang hawak nito at mukhang ayaw nyang suotin, nakashades din ito. Matangkad at malapad ang mga balikat. Nagsusumigaw din ang muscles nito sa braso at mukhang may tinatagong abs. Alam kong nakatitig din sya saken kahit nakashades pa sya at nakikipaglaban ako ng titigan ng magsalita si Atty. Clemente. "Ms. Alcantara, He is my client, Mr. Zach Alexander Villafuerte." Pakilala ni Atty. At lalo akong natulala sa kanya nang marinig ang sinabi ni Atty at nang alisin nya ang suot nyang shades. Nang magtama ang aming mga mata, I was halted, stunned and mesmerized by his total looks. How could I ever forget his face. His handsome face. He locked his gaze at me at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Please to meet you. Ms. Alcantara. Its nice to see you again." And he flashed a grin, i guess. Nagpalit palit ang tingin ko sa kamay nya na nakalahad at sa gwapo nyang mukha.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Taz Ezra Westaria

read
106.9K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

Seducing The CEO - (COMPLETED) Filipino

read
549.6K
bc

My Stranger Husband

read
7.2M
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.1K
bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
507.1K
bc

The ex-girlfriend

read
138.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook