bc

Dark Love

book_age16+
394
FOLLOW
2.2K
READ
murder
dark
drama
tragedy
twisted
mystery
betrayal
secrets
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

How far can you go for love?

At their 10th Friendship Anniversary, Lexie and Nick had their wedding announcement with the barkadas. Only found themselves chasing secrets with each other-leading them into a tragic crime incident.

chap-preview
Free preview
Chapter 1—Best Night Ever
June 25, 2020 Lexie and Nick Nuptial 10:00 PM "...Lexie....Mahal na mahal kita...Mahal na mahal...." sambit ni Ryan habang pinipigilan ang kanyang pag-iyak.  Hindi niya maialis ang kanyang paningin kay Lexie na noo'y naliligo na sa sariling dugo't nakasalampak sa sahig ng C.R.  Ang kanyang trahe ay naging red gown dahil sa patuloy na pag-agos ng dugo mula sa kanyang malalim na sugat.  "I'm sorry... I'm so sorry..."  Nanginginig na tinanggal ni Ryan ang patalim na nakatarak sa kanang dibdib ni Lexie habang pabulong paring sinasambit sa kanya ang paghingi niya ng sorry. Nang kanyang mahugot ang kutsilyo, tumayo siya at tinitigang mabuti ang mukha ni Lexie na noo'y namumutla na at hindi na gumagalaw. Wala nang buhay si Lexie. Patuloy sa pag-iyak si Ryan. Pero pinanatili niyang tikom ang kanyang bibig para hindi siya marinig ng ibang tao sa reception.  Inangat niya ang kanyang kaliwang kamay at tinitigan itong mabuti— punong puno ito ng dugo ni Lexie.  "Kailangan kong makaalis dito... They must not see me here...pero bakit hindi ko magalaw ang mga paa ko?s**t. Anong gagawin ko?” Hindi niya maikurap ang kanyang mga mata. Nasa ganito siyang katayuan nang biglang may marinig siyang boses ng isang babae sa kanyang likod na pigil din ang pag-iyak. Liningon niya ito at nagulat siya na nandoon pala si Claire na gulat na gulat din sa kanyang nasaksihan. Mababakas sa mukha ni claire ang pagka-shock nito.  "Lexiee....."  Hindi na nito napigilang umiyak sa sobrang sakit at bigat ng kanyang dibdib. Napatitig si Claire kay Ryan na noo'y hawak-hawak parin ang patalim. May mga gusto siyang sabihin pero hindi niya mabuksan ang kanyang bibig. Wari'y hindi niya alam kung anong unang salita ang dapat niyang sabihin sa kanyang nasaksihan.  *** May 25, 2020 Lexie’s Mansion 5:00PM 1 MONTH BEFORE THE WEDDING... "Lexie, asan na ba yung lights and sounds na nirentahan mo? Eh baka naman magsipag-datingan na ang lahat ng tropa tapos wala paring chugs-chugs..." patawang sabi ni Iya habang abalang nagdedecorate ng living room ni Lexie.  "Hay naku ‘wag ka nga mainip dyan. Kaloka ka. Tsk. Wag ka mag-alala. Very professional yung kinuha kong provider. I'm pretty sure they will be here in... 10-20 minutes?” sagot ni Lexie sabay halakhak nang malakas at kitang-kita sa mga ang pagka-excite nito. "Siguraduhin mo lang. Alam mo naman ang tropa, mga party people 'yung mga yun, ‘eh. Lalo na si Claire. Tugon ni Iya habang nakangiti’t hindi rin mapigilan ang pagtawa. "Si Claire? Duh... ‘Eh hindi nga makabasag pinggan ‘yon eh ‘di ba? Virgin pa nga yata yun ‘eh. Never been touched...Alam naman ng lahat na IKAW ang talagang mahilig sa disco disco." pagbibigay-komento nito sa tuwang-tuwang si Iya. Siningamutan ni Iya si Lexie sabay kurot sa leeg. "Disco talaga? Ano ka?1980's? Bar na ang uso ngayon ghurl." Patuloy na narinig sa sa apat na sulok ng mansyon ni Lexie ang hagikgikan nilang dalawa habang patuloy na nag-aayos ng decoration sa sala. Naputol ang kanilang tawanan nang biglang dumating si Nick.  "Hi Babe..."  "Babe...! Finally you're here!"  Patakbong sinalubong ni Lexie si Nick. Niyakap niya ito at hinalikan nang matagal.  Si Iya naman ay tahimik lang na pinagmamasdan ang dalawa sa paghahalikan. Matalim na Titig na wari'y may malalim na iniisip tungkol sa dalawa.  "Ehem.. Ehem... You two need a room? Maluwag sa taas..."  biro ni Iya sa dalawa.  "Ay... sorry... na-carried away lang kame...Well... alam mo na... we're in the midst of... you know...” nahihiyang paliwanag ni Lexie habang dahan-dahang hinihimas ang leeg at bahagyang napayuko. "Aysuuuss... oo na... Future Mr. and Mrs..." "Shh... Iya stop it! Alam mo naman, ‘di ba? Even my maids don't know it yet. Gusto ko kaseng sa inyong mga barkada ko unang masabi bago sa iba. You know, kayo ang naging pamilya ko dito sa Pinas since then" ani Lexie.  "That's right Iya," dugtong ni Nick. Kaya nga, You're very fortunate. Kase sa barkada, ikaw talaga ang napagkatiwalaan ni Lexie na UNANG UNANG makaalam. Nauna ka pa sa First!” patuloy na kwento ni Nick habang akbay akbay ang ubod ng siglang si Lexie.  "Oo na nga oo na..." sagot ni Iya sabay irap sa dalawa.  "Naku Babe, excited na talaga akong sabihin sa lahat..." sabi ni Lexie habang dinadala si Nick sa sofa. "Don't worry Babe. We'll finally getting there." sagot ni Nick sabay halik sa cheek ni Lexie.  "This is gonna be the BEST NIGHT EVER!” sigaw ni Lexie habang nakangiti at lumulundag sa saya.  "Talagang gagawin natin tong Best Night Ever!” Napalingon ang tatlo sa pinto kung saan galing ang boses at nakita nilang dumating na pala ang dalawa pa sa barkada nila. Si Claire at James.  "Hey!” Sabay-sabay na bati ng tatlo. Lumapit si Lexie at Iya kay Claire para bumeso. Nag-ngitian naman si Nick at James. Sinenyasan ni Nick si James na umupo ngunit medyo natigilan si James nang makita niyang nasa harapan na pala niya si Lexie.  Nagkatitigan ang dalawa sa mga mata. Sa 'di mawaring dahilan, tila tumigil ang pag-ikot ng relo sa dalawa. Mga titigang wari'y nangungusap.  Bahagyang napansin ito ni Nick. "Pre, tara upo tayo. Mukhang napagod kayo ni Claire sa biyahe.” Nang marinig ito ni Lexie, tila baga umikot nang muli ang relo. Napapikit siya at napatingin sa baba habang sini-segundahan ang pag-aya ni Nick kay James.  "James, upo ka... Feel at home" pag aya nito na may kaunting ngiti sa mga labi.  "Oh, thank you..." naiilang na sagot ni James.  "Ay oo nga pala, nakasabay namin yung malaking van kanina sa kanto, sounds and lights yata?" Pag-open up ni James. "Ah ganun ba? Mukhang ‘yun na ‘yung nirentahan namin para sa party natin." Sagot ni Lexie. "Wow talagang may pa sounds and lights huh? Mukhang mapapalaban ako mamaya sainyo ng sayawan ah?" Patawang sabi ni Claire. "Oo naman ghurl! Nirentahan talaga yan para sayo! Pero di ako papatalo sayo, ‘no!” Ako parin ang reyna ng Dance Floor!" Sabat ni Iya habang umaakmang sasayaw.  "Edi wow!" Pang-aasar ni Claire.  Nagtawanan silang lahat sa  mga banat na joke ng dalawa. Mabuti nalang at nagpatawa si Claire  at Iya kaya't nawala na ang awkwardness na naramdaman ni Lexie kanina kay James.  "Naku, tama na nga ‘yang mga joke ninyo. Babe better siguro kung salubungin niyo na ni James  yung lights and sounds? I'm sure nandyan na yan malapit." pag-aya ni Lexie sa kanyang BF.  "Sure babe" sagot ni Nick. Inakbayan ni Nick si James at sabay silang tumayo at lumakad palabas ng pinto.  "O, si Ryan nalang pala ang kulang. Nasan na ba yun?" nagtatakang tanong ni Iya.  "Sabi niya kanina dadaanan lang daw niya yung tarp na pinagawa niya tapos dederetso na daw siya dito. Eh pinauna na niya kami ni James eh." paliwanag ni Claire.  Bubuksan na ni Nick ang pinto nang biglang may nagbukas nito mula sa labas.  "Ako ba ang pinag-uusapan niyo?" "Ryan..." patakbong sumalubong si Claire at saka niyakap. Habang yakap-yakap siya ni Claire, nakangiting tumitig si Ryan kay Lexie. At nang magtama ang kanilang mga mata, bigla niyang ipinagulong pababa ang tarpulin upang ipakita sa lahat ang kanyang pinagawa: "HAPPY 10TH FRIENDSHIP ANNIVERSARY" ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession (Tagalog)

read
89.1K
bc

Reckless Hearts

read
256.1K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
272.5K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K
bc

His Cheating Heart

read
40.6K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
453.7K
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook