bc

TKB II:Hendricks Family [Tagalog BL]

book_age16+
1.1K
FOLLOW
5.3K
READ
possessive
family
dominant
drama
mxb
mxm
naive
passionate
shy
like
intro-logo
Blurb

-BL STORY-

Book 2 of THE KASAMBAHAY

Nagbabago nga ba ang pagmamahal sa paglipas ng panahon?

Subaybayan po natin muli ang kwento ni Dylan at Rylan bilang isang pamilya at kung paano nila pagtatagumpayan ang mga pagsubok at balakid na kanilang pagdadaanan.

Hanggang sa huli kaya ay masasabi pa rin nilang...

We are the Hendricks Family, We are unbreakable!!

[IF YOU LIKE THE STORY, PLEASE DON'T FORGET TO FOLLOW ME AND CLICK THE HEART. THANK YOU!]

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Ryden!!!" sigaw ko pa sa labas ng bahay nang mapansin kong wala ito sa Garden kung saan ko ito huling nakita. 'Saan na naman ba nagsuot ang batang iyon?' "Oh Ry ko, Bakit mukhang stress na stress ka na naman?" napalingon ako ng marinig ang boses mula sa aking likuran.' Si Dylan pala' "Welcome home, Dylan." masayang bati ko sabay halik sa labi ng asawa ko. 'Maaga na namang umuwi ang Dylan ko ah' nakangiti ko pang sabi sa isip ko. "Ano problema, Ry ko?" tanong pa nito habang papasok kami sa bahay. "Si deden, nawawala na naman" Natawa lang naman ito sabay sabing baka nakay na lily lamang ang bata. Napatango naman ako dahil malaki nga ang posibilidad na mangyari iyon. Nang magpaalam si Dylan na magbibihis lang sa kwarto namin ay nagtungo naman ako sa kusina para ipaghanda ito ng meryenda. Kumuha ako ng Graham cake sa ref at naggawa ng mango shake na paborito ni niya. Napabuntong hininga ako habang naiisip na sa nakalipas na walong taon na pagsasama namin ni Dylan mula ng ikasal kami ay parang walang masyadong nagbago sa pagitan naming dalawa. Normal at tahimik pa rin naman ang buhay namin maliban s---. "Pa!! anong meryenda?" napatigil ang aking pag iisip dahil sa sigaw ng aking anak nang makapasok ito sa kusina. Yan, ang ibigsabihin ko. Kaya magulo na at maingay ang bahay ngayon dahil sa limang taong gulang naming anak na si Ryden. Tiningnan ko muna ito ng patagilid bago ito ipaghanda rin ng meryenda. Napangisi lang naman ito sakin kaya kitang kita ko ang bungi nitong ngipin sa gilid, napakamot ito ng ulo bago humingi ng tawad sakin. "Di ba sabi ko sayo na pag may pupuntahan ka ay magsasabi ka muna sakin." sermon ko pa dito. "Sorry po talaga papa, bigla po kasi akong niyaya ni Bryce." pagpapacute pang sagot nito sakin. Kaya pilit kong pinigilan na mapangiti dahil sa itsura nito, kailangan kong mapanatili ang blanko kong mukha para isipin nitong galit pa rin ako. "Okay, basta sa susunod ay magpaalam ka," kunwaring inis na sabi ko pa dito. Napatango naman ito. Napailing na lang ako habang pinagmamasdan syang kumain ng meryendang inihanda ko. Natatandaan ko pa nang ikasal kami ni Dylan noon ay hindi agad kami bumuo ng pamilya, ginugol namin ang tatlong taon para makasama ang isa't isa kaya naman nag bakasyon muna kami sa iba't ibang bansa. Tapos pinagbuti muna namin ang negosyo ko kaya naman mas maunlad na ito ngayon, may dalawang pwesto na kami sa magkaibang mall at may maliit na rin kaming lugar kung saan doon ginagawa ng maramihan ang mga dessert na intinitinda namin. Nagdedeliver na din kami sa mga canteen ng mga opisina para may dessert sila, nagsimula lamang iyon sa kumpanya ni Dylan tapos nagsabi si lily sakin na gusto din daw ng kumpanya nila at nagsunod-sunod na nga. Ipinakilala na rin ako ni Dylan sa Hendricks Enterprise bilang asawa nya kaya naman kapag bumibisita ako doon ay binabati na rin nila ako. Pagkatapos ng tatlong taon na yun ay naisipan na naming bumuo ng sarili naming pamilya, Nang malaman iyon ni Mama ay pinapunta nya kami sa America para doon kumuha ng surrogate mother para ipagbuntis ang aming anak. Semilya ni Dylan ang kinuha para ilagay sa surrogate mother kaya naman nang ipanganak ang naming anak ay parang pinagbiyak na bunga sila ni Dylan kaya naisip ko na isunod na lamang ito sa pangalan ko para naman masabi ko na anak ko din naman ito. Napakarami din naming pagsubok na pinagdaanan sa nakalipas na mga taon dahil hindi naman lagi ganun kabait ang tadhana pero kahit kailan ay di kami susuko dahil pamilya kami, Pagdadaanan namin lahat ng magkakasama. "Mahal kong Asawa, gusto ko pa ng shake" sabi pa ni Dylan habang nagpapa awa sakin. Nakita ko naman na nakatingin sa kanya si deden at maya-maya pa ay ginagaya na rin sya nito. Napapangiti na lang ako sa kanila habang pinagmamasadan ang aking mag-ama. 'Mahal na mahal ko sila'. Pagkalipas ng ilang minutong pagkain nila ng meryenda ay nag aya si Dylan na pumunta sa court para magbasketball. "Go Daddy!!" sigaw ni deden habang pinapanuod na maglaro ng basketball ang daddy nya. Napangiti naman ako habang pinagmamasdan silang dalawa, nakaupo lamang ako dito sa gilid ng court habang tinuturuan ni Dylan si deden kung pano mag dribble ng bola. Kita ko silang dalawa na nagtatawanan habang nagkakasiyahan sa di kalayuan sakin. Dahil sa panunuod ko sa kanila ay di ko agad na pansin na may umupo pala sa tabi ko kung di lang ito nagsalita. "Musta ang buhay may pamilya pareng Rylan?" nakangising sabi pa ni Jeff sa aking tabi. Napangiti naman ako bago sumagot. "Okay naman, masaya kahit mahirap" Sasagot pa sana si Jeff ulit ng tawagin na ito ng girlfriend nya kaya wala na itong nagawa kung hindi magpaalam na sa akin. "Rylan, una na ako ha." sinagot ko na lang ito ng ngiti sabay kaway. Habang inililibot ko ang aking paningin sa buong Court ay di ko mapigilang mapabuntong hininga. Napakadami na ring nagbago sa paglipas ng panahon. Si Gab na dating elementary ay highschool na ngayon, Si lily at Brandon ay kasal na rin at may isang anak. Kapag napapadaan ako dito sa Court ay lagi kong naiisip yung mga panahon na nagsasaya lang kami at walang masyadong iniisip. yung mga tawanan, asaran at purong katuwaan lang. Namiss ko yung bonding namin nina Jeff, benny at Rico kapag naglalaro kami ng basketball dito. Pero ngayon ay iba na, may pamilya na ako at tapos na rin naman silang tatlo sa pag aaral. Nagising ako bigla sa pag babalik tanaw ko sa nakaraan dahil sa mga sigaw na aking narinig. "Ry ko, halika!!" "Papa, sali ka po samin!!" Rinig ko pang sigaw ng dalawang taong pinakamahalaga para sakin. Masaya silang kumakaway sa aking kinatatayuan para tawagin ako. Ngumiti ako ng malapad at masayang tumakbo palapit sa kanila. "Oo, nandyan na si Papa!" masayang sigaw ko pa. "Mahal ko, Ipakita mo nga sa anak natin kung gaano ka galing magshoot" nakangisi pang sabi ni Dylan sakin sabay turo sa ring. Tiningnan ko ito ng masama bago ako pumorma na parang magshu-shoot, alam kong inaasar nya ako at sa harap pa ng anak namin. Nakita kong tumabi si Dylan habang buhat si Ryden para bigyan ako ng lugar sa free throw line. Huminga ako ng malamin at seryosong tumayo at pumorma, itinaas ko ang aking kamay hawak ang bola, pakiramdam ko ay tumigil ang oras at lahat ng nakapaligid sakin ng bitawan ko na ang bola. Naglakbay ito sa ere at papunta sa ring ng basket. Kita ko pa ang ngisi ni Dylan sa labi habang pinagmamasdan ang pag ikot ng bola. Alam niyang hindi ito papasok. Pigil ang hininga ng lahat ng nasa court habang pinagmamasdan ang pag ikot ng bola sa ring ng basket, kaunti na lang at lalampas na ito!!! "Papasok yan!!" sigaw ng isang bata ito sa court. "Hindi yan papasok, mahuhulog na oh!!" sigaw naman ng isa. Habang lumalapad ang ngisi ni Dylan ay ang pagbagal naman ng ikot ng bola. lahat kami ay tahimik na naghihintay ng bigla itong.. PUMASOK!!! "Ahhhh!!! YESS!!" "Ang Galing!!, Nagshoot nga!" Malakas na sigawan pa mg lahat at napatalon pa ako dahil sa tuwa. Nang mapatingin ako sa kinalalagyan ni Dylan ay di ko napigilang mapatawa dahil sa di makapaniwalang reaksyon na meron ito sa mukha nya. "Papa!! ang galing mo!!" masayang sabi ng aking anak sabay yakap sakin. "Syempre naman, magaling ata ang papa mo" Si Dylan naman ay napailing na lang at napangiti ng tingnan ko ito habang nakataas ang kilay. "Ang galing mo, Mahal ko ah"--- sabi nya sabay halik sa pisngi ko--" Pero mas magaling ako," dugtong pa nya sabay mahinang bulong pa sa tenga ko. Napatingin ako sa kanya habang nakangiti. 'Ayaw talaga magpatalo ng Asawa ko ah' "Buddy! panuodin mo si Daddy!!" sabi pa ni Dylan sabay gulo sa buhok ni deden. "Opo daddy!!" masiglang sigaw naman nito habang excited na hinihintay ang ama. Napatingin naman ulit lahat ng mga naglalaro nang tumayo si Dylan sa 3point line. Kumindat pa sakin si Dylan bago tamalon at bitawan ang bola sa ere. Pagbagsak nya sa lupa ay tumalikod ito at naglakad patungo samin sabay ng shoot naman ng bola sa ring at sigawan ng lahat ng mga kabataan na nasa loob ng Court. Masyadong malakas ang confident sa sarili ng asawa ko ah, nakatalikod na agad kahit hindi pa nakikita kung shu-shoot talaga ang bola. Pero di ko sya masi-sisi, isa naman kasi talaga syang magaling at kilalang basketball player mula highschool hanggang college. Masayang tumakbo naman si Ryden para salubungin ang Daddy nya. "Sobrang Galing nyo po Daddy!!" magiliw na sabi pa ng anak namin habang buhat buhay ito ni Dylan. "Talaga? the best ba si Daddy?" natatawa pang tanong ni Dylan habang naglalakad palapit sakin. "The best po!!" sagot pa ni deden. "Mommy, magaling ba si Daddy?" mapang asar na sabi pa ni Dylan ng makarating ito saking harap. Hindi ako sumagot dahil sa pang aasar nya, bukod pa doon ay hindi naman ako mommy para sumagot. "Mommy?, magaling ba ako~??" nagpapacute pang sabi ni Dylan sabay lapag kay deden sa baba. Hindi parin ako sumagot at inisnob lang sya, Naramdaman ko na lang na lumapit ito sakin at bumuling sa aking tenga. "Hindi kita titigilang asarin pag di ka sumagot, Mommy" malambing na sabi pa nito na may halong pang aasar. Napangiwi ako dahil sa sinabi nya kaya napailing ako at sumagot na sa kanya. "Okay po, Super galing mo po Daddy" sabi ko pa sa kanya sabay ikot ng aking mata dahil sa pagka inis sa kanya. Kita ko pa ang paglapad ng ngisi sa kanyang labi dahil sa sinabi ko. Akala ko tapos na sya pero bumulong ulit ito sa aking tenga. "Alam mo kung saan ako mas magaling?" malanding tanong pa nito sakin. "Saan?" walang kabuhay-buhay na sagot ko. "[......] " bulong nya sa akin na nakapagpapula sa aking mukha. [sa KAMA]

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
362.5K
bc

NINONG II

read
618.0K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.3K
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.7K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.3K
bc

My Last (Tagalog)

read
486.5K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
267.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook