bc

Buhay ko man ay 'di sapat (Tagalog)

book_age0+
844
FOLLOW
6.1K
READ
fated
second chance
manipulative
sensitive
single mother
drama
tragedy
twisted
sweet
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Habang tinatanaw ang matatalim na kidlat na nagsasalimbayan sa madilim na ulap, matuling nagbalik sa alaala ni Cristina ang nakaraan. Hindi na niya namalayan ang paglandas ng luha sa magkabilang pisngi.

"Inay, bakit nagagawa mo ito sa amin?'' bulong niya sa hangin.

Ilang sandali pa ay unti-unti nang pumatak ang ulan. Nanatili siyang nakatingala at hinayaang palisin ng mumunting mga patak ang luhang humihilam sa kanyang mga mata.

Napangiti siya. Sinasabayan ng langit ang kanyang pagtangis. Tila nais hugasan ang nagdurugo niyang damdamin.

Maliliit pa ang dalawa niyang kapatid nang iwanan sila ng sariling ina. Tinalikuran at hindi nasilip man lamang. Siya ang nag-alaga at nagmistulang ina sa mga ito. Ang lolang magbobote ang kumupkop at nagpalaki sa kanila.

Hanggang dumating ang isang taong nagpabago ng lahat. Ang lalaking naging daan upang guminhawa ang kanilang pamumuhay.

Isang araw, dumating ang kanilang ina at ang gusto ay makinabang sa kung ano mayro'n sila. Hindi niya ito natikis. Subalit hindi ito kuntento sa nakukuha at gumawa pa ng isang pagkakamali. Ina laban sa anak? Sino ang magsasabing "Buhay ko man ay 'di sapat?

* Ang kuwento pong ito ay itinanghal bilang INSTANT ADDICTION WINNER sa writing contest. *

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 - Luha sa Dilim
Luha sa Dilim “BAKIT ang dilim dito? Napundi na naman ba ang ilaw natin?” tanong ni Mireng sa mga apo. Kadarating lang nito mula sa paghahakot ng mga napulot na plastik at bote. “E, kasi Lola, pinatayan kami ng ilaw ni Lola Rosie,” sagot ni Romer. “Ha? Bakit daw?” balik tanong ni Mireng sa apo habang kinakapa ng paa ang sahig na hindi pantay-pantay. Mainam na lamang at may liwanag na nagmumula sa ibang bahay. Mayamaya pa ay nasanay na ang mga mata nito sa dilim. Nakikita na ang tatlong apo na nakatalungko lamang sa isang tabi. “Maingay daw kasi kami, e.” Sagot naman ng pinakabatang apo na si Mercedes. “Ano ba kasi ang ginawa niyo? Alam niyo namang ayaw nilang nagkakagulo kayo ‘di ba?” malumanay na sermon ng lola sa kanyang mga apo. Hindi makasagot si Cristina, nahihiyang yumuko. “Bakit walang sumasagot? Nalunok niyo na ba ang mga dila niyo?” galit-galitan ni Mireng. Si Romer ang nagsalita at nagpaliwanag, “N-nagtataguan lang naman kami at saka nagtatawanan lang naman kami. M-maingay na ba ‘yon, Lola? “Sa liit nitong bahay natin, nakapaglaro pa kayo ng taguan?” nagtatakang tanong ni Mireng. Maagap na ring sumagot si Mercedes, “Opo Lola! Nagtalukbong si Ate Cristina ng kumot, tapos hinahanap niya kami! Ganito, o.” Iminuwestre ni Mercedes ang sinasabi. Nagtalukbong ito ng kumot at saka inumpisahang kapain ang mga katabi. Umilag si Romer, tutop ang sariling bibig upang mapigilan ang paghagikgik. Umilag si Cristina at umusod patalikod. Dahil walang makapa sa tabi, pinagapang ni Mercedes ang kamay sa unahan. Umilag si Mireng kaya hindi rin nito nahawakan. Nangiti si Cristina. Bagama’t pusikit ang liwanag, nakikita nito ang ngiti sa mga labi ng lola. Nagtawanan na naman ang magkakapatid. Pati si Mireng ay napapatili na rin sa tuwing makakailag sa mga kamay ng bunsong apo na nakatalukbong pa rin ng kumot. “Kaya naman pala walang disiplina ang mga batang iyan ay sa dahilangkinukunsinti mo!” Malakas na boses ang nagpatigil sa tawanan nilang maglo-lola. “Imbis na sawayin mo, aba’y nakisali ka pa sa gulo. Ibang klase ka rin, ano?” pang uuyam ni Rosie- panganay na kapatid ng yumaong asawa ni Mireng. “Pasensya ka na, Ate Rosie. Nagkakatuwaan lang naman kami ng mga apo ko.” Mapagpakumbabang paliwanag ni Mireng kasunod nang pagtayo at paglapit dito. “Kaya wala na kayong pakialam kahit nakakabulahaw pa kayo ng mga natutulog, gano'n ba?” Hindi nakatiis, sumingit sa usapan si Romer, “Ang aga-aga pa natutulog na kayo? Kami nga 'di pa kumakain. ‘Di ba Lola, balita pa lang ang palabas sa telebisyon ni Aling Geline?” “O, nakita mo na kung paano mamilosopo ang apo mo? Kay liit-liit pa bastos na. Aba Mireng, suhetuhin mo na ang mga iyan bago pa magsilaki ang mga sungay. Baka mainis niyo ko, e sa kalsada kayo matulog ngayong gabi!” “Pasensiya ka na, Ate. Hayaan mo at pagsasabihan ko ang mga apo ko,” pakiusap ni Mireng sa hipag na nakataas ang noo. Umirap pa ito bago tuluyang nagmartsa palabas ng pintuan. Sinenyasan ni Mireng ang mga apo na huwag maingay. Pagkatapos ay inayos na ang hapunan. Agad namang tumulong si Cristina. Nang maihanda na sa lapag ang pagkain, sabay-sabay na nila itong pinagsaluhan. Nagtiis na lamang sa kakarampot na liwanag mula sa maliit na gaserang de gaas. Matapos kumain ay nagtulong- tulong sila sa pagliligpit. Nagkusot si Cristina ng isang basahan na nilagyan ng kaunting sabon at pagkatapos ay paulit-ulit nang pinunasan ang sahig na tulugan din nila. Pagkaraan ng masayang kuwentuhan at pagbibida ng dalawang batang makulit, naghanda na sila sa pagtulog hanggang sa mahimbing. Ngalay na ang kili-kili ni Mireng sa kapapaypay nang sumindi ang nag-iisan bombilya na nagbibigay liwanag sa apat na sulok ng maliit nilang bahay. Maagap nitong isinaksak sa kurdon ang lumang bentilador at nilagay sa tapat ng nakahigang mga apo. Nang masigurong nahahanginan na ang tatlo, saka pa lamang ito nahiga at natulog. Si Cristina, mang maramdamang nahiga na ang lola ay nagdilat na ng mga mata. Ipinaling niya ang mukha sa hinihigaan ng matanda. Patagilid itong nakahiga at nakayakap sa dalawa niyang kapatid na nasa pagitan nilang dalawa. Ilang saglit lang ay narinig na niya ang mahina nitong paghihilik. Dahan-dahan siyang bumangon at naupo. Pinagmasdan ang mukha ng dalawang kapatid na mahimbing sa pagtulog. Hindi na nagawa ng mga ito ang malinisang maigi ang katawan. Ang usok na nalanghap mula sa gasera ay nagpaitim pa sa butas ng mga ilong. Nang ilipat niya sa lola ang paningin, muli siyang nakadama ng matinding awa para dito. Marami na itong puting buhok. Kahit nakatagilid ay malinaw niyang nakikita ang hapis nitong itsura. Ang humpak na pisngi at ang palibot ng mga matang maraming linya. Maging ang noo nito ay may mga gatla na rin. Hindi maikakaila sa anyo ang paghihirap na tinitiis. Napabuntong-hininga siya. Inilihis ang paningin, at pilit pinigilan ang luhang malapit nang pumatak. Subalit hindi niya iyon naawat. Kusang bumalong sa kanyang mga mata. Naninikip ang kanyang dibdib at ang ilong ay nagbara. Kaya maingat siyang tumayo. Ayaw niyang may magising dahil sa pagsinghot na ginagawa. Ayaw niyang may makakita na siya ay umiiyak. Maingat din ang ginawa niyang paghakbang. Hindi dapat maistorbo sa pagtulog ang kanyang lola. Umiingit ang sahig sa bawat paglapat ng kanyang mga paa. Ilang hakbang lang naman ay nasa harapan na siya ng maliit na bintanang lawanit. Unti-unti niya iyong iniangat, at saka maingat na tinukuran ng kahoy. Sumalubong sa kanya ang malamig na hangin. Naupo siya sa bangkito at tiningala ang langit. Pinagmasdan ang nagkikislapang bituin. Tahimik na ang paligid. Maliban sa pag-kokak ng mga palaka at tunog ng kuliglig na pumupuno sa kadiliman ng gabi ay wala na siyang ibang naririnig. Mariin niyang ipinikit ang mga mata habang nakatingala. Sinisikap makita ang mukha ng Diyos upang makausap. Muling tumulo ang kanyang luha. Ilang sandali siyang nanatili sa ganoong posisyon. Napakarami niyang sinabi sa Diyos. Mayamaya’y nagpahid na siya ng pisngi. Mahinang isininga ang sipon na nagpapabara sa kanyang paghinga. Muling inilapat ang bintana at maingat na bumalik sa pwestong higaan niya. Bago humiga, maingat muna niyang inayos ang kumot na nakatakip sa katawan ng mga kapatid at lola. Muling pinagmasdan ang mga ito at saka inilatag ang katawan sa lumang banig. Hindi na niya namalayan pa ang mga sumunod na nangyari. Siya man ay nahulog na rin sa pagtulog nang mahimbing.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
341.5K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
274.2K
bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.4K
bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
63.5K
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
324.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook