bc

Rewrite the Stars

book_age16+
139
FOLLOW
1K
READ
fated
brave
self-improved
twisted
bxg
game player
male lead
city
another world
MMORPG
like
intro-logo
Blurb

Si Hannah ang babaeng pinakamamahal ko sa lahat. Tila isang tadhanang nakaukit sa mga bituin ang pagtatagpo naming dalawa.

Ngunit nang dahil sa isang aksidente ay tuluyang mababago ang buhay naming dalawa.

Gusto ko pa siyang makasama nang habang buhay.

Gusto ko pa siyang mabuhay.

Sana...

Sa tulong ng isang gaming console ay matutupad ko ang natatangi kong hiling. Isang bituin kapalit ng isang kahilingan. Paano ang gagawin? Tapusin ang laro na buhay at kamatayan lang ang nakataya.

Sa pagpasok ko sa larong ito ay makikilala ko si Jane. Isang baguhan rin na kagaya ko. Ang tahimik ko sanang buhay sa larong iyon ay tuluyang mababago nang dahil sa kaniya.

Ngunit ano nga kayang naghihintay sa aming dalawa sa larong aming sinimulan?

Magagawa nga kaya nitong tuparin ang natatangi kong hiling?

O magiging daan lang ito tungo sa tadhanang nakatakdang maganap?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Yes, yes. Pupunta ako.”   I was looking at the same smile Hannah gave me when I passed second-year high school. As sweet as cotton candy and as warm as the summer breeze. Hinding-hindi ko makakalimutan kung paano niya paulit-ulit ipinadama sa akin kung paano mabuhay na may nagmamahal sa’yo at itinuturing kang walang katulad. But then…   “Good morning, Hannah.” Inilapag ko ang bouquet ng red roses sa lamesa katabi ng kama. Hinawi ko ang kurtina ng bintana upang pumasok ang liwanag ng sikat ng araw.   “I miss you, Hannah.” Naupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ng hospital bed kung saan ngayon nakahiga ang taong dahilan ng lahat ng pagsisikap ko sa buhay. Napasubsob ako sa gilid ng kama habang pilit iniisip na sana panaginip lang ang lahat.   “…walang makakapagsabi kung kailan siya magigising or worst kung…” Hindi na natapos ng Doktor ang nais niyang sabihin ngunit sa huli ay alam ko naman ang pinupunto niya.   “Hanah, kailangan mong gumising. I will wait for you…”   Ulilang lubos si Hannah ngunit hindi iyon naging hadlang sa kaniya para mabuhay. Nagsikap siya at ginawa niya ang lahat upang itaguyod ang sarili. Naaalala ko pa noong unang pinagtagpo ang landas naming dalawa. Tila nakaukit sa mga bituin na makilala namin ang isa’t isa. That night at the top the mountain, while waiting for the meteor shower, when our eyes met. She smiled at me so sweet as if that we are not strangers. If love at first sight is a crime, then I surrender. I fall for her in that moment the stars fell right into our hearts. We became friends and we even attend the same high school. She received academic excellence awards on our first and second but unfortunately not on the third because that horrible nightmare happened.   The sounds of the ambulance came rushing. Blood scattered all over her body. A phone call.   “Hello, is this Mr. Sevilla?” “Yes, bakit nasa sa’yo ang cellphone ng girlfriend ko?” “Naaksidente po kasi ang girlfriend n’yo. Nandito siya ngayon sa…”   Patakbo akong nagtungo sa kinaroroonan niya. I didn’t even bother changing my pajama. Hindi ako nag-aksaya ng oras upang makita siya.   My knees fell on the ground the moment my eyes saw her. Para lang siyang natutulog pero alam kong hindi maganda ang lagay niya. Ilang beses kong nakitang ginamit nila ang Defibrillator sa kaniya. Nagkakagulo ang lahat sa loob ng E.R. habang ako ay tulala at pilit na ina-absorb ang lahat ng mga nangyayari.   Nagising ako sa reyalidad nang marinig ko na tumutunog ang cellphone ko. Dinukot ko ito mula sa bulsa ng aking pantalon at kaagad ko itong sinagot nang hindi tinitingnan kung sino ang tumtawag.   “Hello?”   “Could you please tell me how to survive?”   Napakunot ang noo ko dahil sa tanong na iyon. Boses ng isang babae. Garalgal iyon at puno ng lungkot. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag ngunit unknown number lamang ito.   “I… Look, I really don’t know what to say.” Kaagad kong pinindot ang end button at saka muling inilagay ang cellphone sa aking bulsa.   “Hannah… paano ako mabubuhay kung mawawala ka?”   ***   Pauwi na ako sa bahay nang mapatigil ako sa tapat ng isang gaming shop. Kaagad nitong naagaw ang atensyon ko dahil sa poster nitong may meteor shower. May bagong labas na gaming console at bagong game.   “…make your wish come true.” Ang huling mga salitang iyon.   Pumasok ako sa loob ng gaming shop at kaagad naman akong sinalubong nang pagbati ng staff na naroon.   “Welcome, Sir. Anything I can do for you?”   “Yong poster sa labas… “   “Ah, eto po.” Inilabas niya ang isang gaming console na may up, down, select at start button. Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka?   “Paano ko lalaruin ito kung kulang ang buttons?” tanong ko.   “Don’t worry, Sir. Kapag naopen n’yo na po iyan at nakagawa na kayo ng character ninyo ay hindi naman po kayo mahihirapang gamitin iyan,” paliwanag nito na hindi ko malaman kung paliwanag ba talaga.   Inilapag ko ang game console at tumalikod na. Akmang paalis na ako nang marinig ko siyang magsalita.   “Kaya nitong ibigay ang kahit na anong hilingin ninyo, Sir. Kahit pa imposible.”   Napalingon ako pabalik sa kaniya dahil sa sinabi niyang iyon.   “Anong maaaring maging kapalit kung sakaling hindi naman totoo ang sinasabi n’yo?” tanong ko.   “We have a 100% full refund.” Walang mawawala sa akin kung sakaling susubukan ko. Alam kong malaking kalokohan na maniwala sa ganito ngunit sa kabilang banda ng aking puso ay ang katotohanang gusto ko siyang mabuhay at makasamang muli.   Nang makauwi na ako ay kaagad kong inilapag ang binili kong game console at ang bala nito. Nang buksan ko ang kahon ay tumambad sa aking harapan ang ear pods, smart watch, shades, at ang mismong game console. Sakto naman din at may manual pala itong kasama kung kaya ito ang aking unang kinuha at binasa.   “Walang charger? Hindi ba nalolobat to?” Iyon ang unang nagpagulo sa isip ko pero in-assume ko na lang na baka sadyang hindi nalolobat ang game console gawa siguro ng mga makabagong teknolohiya.   “So, eto lang pala talaga ang pwedeng bala nito.” sabi ko habang binabasa ang lalagyanan ng chip. Ito kasi ang magsisilbing bala ng game console na ilalagay sa mismong controller nito.   Rewrite the stars Virtual reality MMORPG   Kaagad kong isinuot ang shades at ang earpods nito bago ko sinimulang gumawa ng character.   “Ha? Akala ko ba gagawa pa ng character? E bakit same lang din sa itsura ko?” Napasambakol ang mukha ko dahil doon. Tanging ang in-game name lang ang maaaring gawin. Pero ano pa nga ba ang silbi kung babaguhin ko ang itsura ko? Ang kailangan ko lang naman gawin ay laruin ito upang matupad ang natatangi kong hiling.   All set. Are you sure you want to start the game that will make your wish come true?   Iyon ang narinig kong sabi ng virtual assistant mula sa ear pods na suot ko. Nababasa ko rin iyong nakasulat sa shades na suot ko. Kaagad kong pinindot ang start button at narinig ang huling paalala nito.   Important reminder. We can only grant 1 wish per character. Your wish can be granted after the completion of the game.   “Hintayin mo ko, Hannah. Mabubuhay ka at magkakasama na tayong muli.”  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.3K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
86.8K
bc

His Obsession

read
71.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook