Camino 'Ino' Estaquio isang anak ng mayamang hasyendero sa parte ng Quezon. Sa Manila siya nag-aaral at umuuwi lamang ng Quezon kapag bakasyon. Iyon ang mahigpit na kasundoan sa kanila ng kanyang ama kapalit ng pag-aaral nito sa Maynila kaya kahit ayaw niyang umuwi ng probinsya kasama ang kapatid na babae ay wala siyang magawa. Dahil ang buhay niya sa probinsya ay kabaliktaran ng kalayaan niya sa Maynila at hindi niya akalain na sa pag-uwi niya ay isang balita ang sasalubong sa kanya. Kasabay ng pag-uwi niya ay ang muling pag-uwi din ng babaeng kinasusuklaman niya simula elementarya. Ginawa niya ang lahat para huwag magtagpo ang landas nila pero sadyang tadhana ang naglalapit sa kanila dahilan para araw-araw niya pa lalo itong makita at makasama. Ang nag-iisang babaeng dumurog sa bata niyang puso si Tiara Bless Buenavista ang nag-iisang anak ng pinakamayaman sa lugar nila at matalik na kaibigan ng pamilya niya ang magulang nito. At kahit anong inis niya dito ay hindi niya ito magawang layoan at tanggihan lalo na ng hilingin nito na tulongan siyang magawa ang lahat ng nais sa bakasyong iyon. Ang libutin ang magagandang tanawin sa Pilipinas. Itanggi niya man o hindi gusto niya rin muli itong makasama at masagot ang mga tanong niya kung bakit ilang beses siyang tinanggihan ng dalaga. Itataya niya ang isang buwan niyang bakasyon para makasama ito at mapasaya. Sa huling summer na hindi alam kung kailan muling mauulit pa. A summer that they will spend like it will be their ONE LAST SUMMER.
Would you dare to bet your one last chance for this One last summer just to be with her?