bc

My Possessive Boss(Owning Series#3)

book_age16+
51.2K
FOLLOW
374.3K
READ
possessive
fated
brave
confident
drama
comedy
bxg
childhood crush
first love
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Katty Lei Peterson in love with the possessive boss, Patrick Williams.

Bata pa lamang si Katty may gusto na siya sa kaibigan ng pinsan niya na si Patrick Williams. Kaya ng malaman niyang kinailangan ng secretary ni Patrick agad siyang nagpasya na magtrabaho sa kumpanya ng lalaking gustong-gusto niya na si Patrick Williams. Kahit alam niya na ang lalaking gusto niya ay isang playboy at linggo-linggo nagpapalit ng babae pinilit niya pa rin ang sarili niya kay Patirick. Umaasa siya na dadating ang araw at magugustuhan rin siya nito. Lahat ng klase ng pang-aakit ay ginawa ni Katty magustuhan lamang siya ni Patrick.

Magugustuhan kaya siya nito o mananatili na lamang kaibigan ang turing sa kanya ni Patrick? Tunghayan ang pag-ibig ni Katty sa isang possessive boss.

chap-preview
Free preview
Episode 01
Katty’s POV “Next, Ms. Katty Peterson!” Sigaw ng babaeng nakatayo sa tapat ng pintuan ng opisina ng CEO.   Tumayo na ako at inayos ang suot kong formal attire. Nalaman ko sa pinsan ko na bakante ang pwesto ng secretary ng CEO kaya agad akong pumunta dito sa Manila para mag apply.   “Ako po ‘yun” taas kamay na sambit ko.   “Sige, pasok ka na sa loob para sa interview mo with the CEO,” sambit niya.   Tumango ako at naglakad papasok sa opisina ng lalaking pinakagusto ko. Ang isa sa mga CEO ng J & P Corporation.   “Hi Patrick!” Nakangiting bati ko kay Patrick Williams ang isa sa mga CEO na matagal na matagal ko ng gusto.   “Oh hi, Katty. Anong ginagawa mo dito? Naligaw ka yata,” pabirong sambit niya.   Umiling ako at naupo sa visiting chair ng office table niya. Matagal na kaming magkakilala ni Patrick. Sabay kaming lumaki noon sa Guimaras ni Patrick kaya matagal ko na siyang kilala at matagal ko na rin siyang gusto. Kahit na alam kong napaka babaero niya siya pa rin talaga ang gusto ko.   “Actually nandito ako para mag apply bilang secretary mo,” deretsong sambit ko sa kanya.   “Secretary ko? Nagpapatawa ka ba? May sarili kaya kayong kumpanya kaya bakit ka naman mag a-apply bilang secretary ko sa kumpanya naming?” Natatawang sambit niya.   Hindi ko tuloy mapigilan na humanga kapag nakikita ko siyang tumatawa. Napaka gwapo talaga niya. Paano kaya siya ginawa nila tito at tita at ganyang siya ka gwapo.   “Alam mo naman na matagal na akong may gusto sayo kaya nga dito ko napiling mag trabaho,” nakangiting sambit ko.   Noon pa lang umamin na ako kay Patrick na may gusto ako sa kanya pero hindi naman niya sineseryo kaya patuloy pa rin ako. Ang tagal ko na siyang gusto kaya bakit ako susuko basta-basta?   “Ngayon palang sinasabihan na kita huwag ka ng umasa sa akin. Alam mo naman na babaero ako at ayokong maging isa ka sa maging babae ko,” sambit niya.   “Bakit hindi ka pa rin ba maka move-on kay Heaven? Sa babaeng una mong naging girlfriend na pera lang naman ang habol sayo?” Nakangising tanong ko sa kanya.   Si Heaven ang dahilan kung bakit nagkaganito si Patrick. Kung hindi niya niloko si Patrick edi sana hindi naging babaero ang Patrick ko.   Ewan ko ba sa ibang mga babae kung paano nila nagagawang lokohin ang lalaking tulad ni Patrick. Halos ibigay na ni Patrick ang lahat kay Heaven pero nagawa pa rin siyang lokohin ni Heaven. Haynako! Kung ako lang talaga ang minahal ni Patrick edi sana hindi siya babaero ngayon at masaya kami ngayon.   “Don’t mention that girl,” he said coldly.   “Bakit natapakan ko ba ang ego mo? Sana kasi ako na lang ang nagustuhan mo at hindi ang katulad niyang mukhang pera,” sambit ko at napairap sa hanggin.   “Hindi sa ganun. Pinsan ka ni Chard at sigurado akong papatayin ako nun kapag nalaman niya na pati ikaw ay pinatulan ko,” umiiling na sambit niya.   Si Chard naman ay pinsan ko na napaka over protective pagdating sa akin. Tinuring ko na rin na kuya si Chard dahil wala naman akong ibang kapatid.   “Takot ka kay Chard?” Nakangising tanong ko sa kanya.   “Anong takot? Hindi ako takot dun ‘no. Ayoko lang masira ang pagkakaibigan namin,” sambit niya.   “Edi tanggapin mo na lang ako dito bilang secretary mo. Sabi mo hindi ka takot kay Chard kaya patunayan mo. Tanggapin mo na agad ako dito,” nakangiting sambit ko para mapilitan siya.   Mas madali kong magagawa ang plano ko na akitin si Patrick kung nagtra-trabaho ako kasama siya. Mababantayan ko rin siya ng maigi kung kasama niya akong magtrabaho.   “Fine,” sagot niya.   Napatayo naman ako at lumapit sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalik-halikan siya sa pisngi niya.   “Thank you! Thank you so much, Patrick.” Malambing kong sambit at humiway na sa pagkakayakap sa kanya.   Ayoko pa sana humiwalay kaya lang baka mahalata na niya na dumada-moves ako sa kanya pero bongga dahil ang bango-bango pa rin niya tulad ng dati.   “Bukas pwede ka ng mag umpisa bilang secretary ko. Siguro naman may alam ka na sa pagiging secretary,” saad niya.   “May alam na ako sa pagiging secretary ng isang CEO s***h Engineer kaya wala kang dapat na ikabahala. Bago ako pumunta dito nag-aral muna ako sa Guimaras,” nakangiting sambit ko.   Hindi lang kasi isang CEO si Patrick. Isa rin siyang sikat na engineer. Marami na siyang nagawang magaganda at matibay na bahay kaya naman kilalang-kilala siya ng lahat.   “That’s good. Akala ko kailangan ka pang turuan eh,” sambit niya.   “By the way may gagawin ka ba ngayon?” Tanong ko sa kanya.   “Wala naman, bakit?” Balik na tanong niya sa akin.   “Hindi pa kasi ako nakakapag lunch. Pagdating ko dito sa Manila dumiretso agad ako sa kumpanya mo,” kunyaring malungkot na sambit ko.   “What? Hindi ka pa kumakain? Baka isipin ni Chard ginugutom ko ang paborito niyang pinsan,” saad niya at tumayo sa swivel chair niya. “Tara kumain muna tayo sa baba,” anyaya niya sa akin.   Palihim naman akong napangiti dahil gumana ang plano ko. Buti na lang talaga at hindi ako nag lunch atleast nakasabay kong kumain si Patrick ngayon.   “Hindi ka pa rin ba kumakain?” Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa private ng elevator.   “Kakatapos ko lang kumain,” sagot niya.   Mas lalo tuloy akong napangiti. Tapos na pala siyang kumain pero sasamahan niya pa rin ako na kumain sa baba. Hindi ko maiwasan na kiligin. Mukha naman may pag-asa talaga ako na magustuhan pa rin ni Patrick.   Ewan ko ba kung bakit si Patrick pa rin ang gusto ko samantalang sobrang dami namang lalaki na nagkakandarapa sa akin pero ang playboy na ‘to pa rin ang palaging pinipili ng puso ko.   “Saan mo gustong kumain?” Tanong niya sa akin ng bumukas na ang private elevator.   “Kahit saan, ok lang sa akin.” Nakangiting sagot ko.   Ok na ako kahit saan kumain. Kahit pa street food pa ‘yan handa akong patulan na kainan basta si Patrick ang kasama ko. Handa akong gawin lahat para lang kay Patrick. Ako si Katty Peterson na matagal ng baliw na baliw sa isang lalaki na si Patrick Williams na napaka playboy at simula ngayon, uumpisahan ko siyang akitin para mapa-ibig sa akin at mawala ang pagka-playboy niya.   Humanda ka Patrick Williams dahil malapit ka ng mahulog sa mga kamay ko. Mula ulo hanggang paa ay mai-in love ka sa alindog ng isang Peterson. To Be Continue...                  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Night With My Professor

read
493.2K
bc

My Innocent Boyfriend(TAGALOG SPG18+)

read
380.2K
bc

That Professor is my Husband

read
504.3K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
88.7K
bc

Be Mine Again

read
98.0K
bc

My Hot and Sexy Baby Maker

read
450.6K
bc

My Godfather My husband

read
268.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook