bc

Alpha Jebediah

book_age16+
598
FOLLOW
2.3K
READ
alpha
fated
independent
luna
tragedy
bxg
mystery
bold
small town
like
intro-logo
Blurb

All her life, Leto Katherine Manuel knew she's different and obviously, the people around her felt it too. She was bullied, called different ugly names ranging from 'freak' to 'trash.' It made her walls higher and harder to break than the others'.

Until her parents brought her to a business gala and that night, everything became clear, everything changed, the Prophecy finally started. Because the world we knew has more secrets than what the books tell us. And in this other side of the world, a certain name reigns above all - Alpha Jebediah.

WRITTEN IN TAGLISH

chap-preview
Free preview
Prologue & Chapter 1
THE PROPHECY A child will be born with beauty the immortals will worship but mortals loathe. She will be weak in nature but will strive to have strength. She will have power greater than the Chief Oracle herself. She will have authority higher than the King, thus kill him she can. But fate is cruel, she is destined to be his Queen. She will either save her kind or cause them their demise. But above all one thing is certain, Goddess, their offspring will be. CHAPTER ONE HUMINGA AKO NANG malalim at pinakalma ang sarili ko. Patuloy lang ang pagtawa nila habang hindi ko rin tinigil ang pagpulot ng mga nahulog kong gamit. I was about to reach for my books when her stiletto-clad foot kicked each one of them.             Ang isa'y tumilapon palayo mula sa akin habang ang isa naman – ang History book ko na may hard book cover – ay malakas na tumama sa binti ko. Ang sa Physics naman na halatang luma na ay paulit-ulit niyang tinapakan, causing some of the pages to tear apart. Wala akong nagawa kundi tingnan lamang ang mga ito at lunukin ang mga protesta ko.             “Oh! We forgot to mention,” Zanaya tauntingly exclaimed, “job well done Kath, you actually survived the whole year!” Saka sila sabay-sabay na nagsi-palakpakan ng mga tagasunod niya. “And look at that, isang linggo na lang bago mag-summer vacation. You will finally have a break huh? I wish you'll enjoy it... so much that you decide to never come back here again, okay?” she sweetly smiled at kitang-kita naman na peke iyon.             “Yes, so we would never see that ugly face of yours again!” Sabat ni Reegan, isa sa mga kasapi sa kulto niya.             Hindi ko na maalala kung mula kailan pa nila ako pinapaalis rito, basta ang sigurado ko lang ay kahit kailan hindi ko sinunod ang gusto nila – kaya nga narito pa ako ngayon. Ni-minsan ay hindi ako lumaban sa kanila. I was tempted too many times to count, pero agad na papasok sa isip ko ang laging bilin sa'kin ni Ate.             'Wag na 'wag kang bababa sa lebel nila, give them the benefit of the doubt and just calm yourself. Huwag mong hahayaang maapektuhan ka nila, they are just a bunch of immature kids.’             Pinulot ko ang librong pinakamalapit sa'kin – iyong ang tumama sa binti ko kanina, at sinimulan nang tumayo nang itulak muli niya ako pababa. Pilit niyang itinaas ang ulo ko habang marahas na nakahawak sa aking baba saka hinarap ang mukha ko sa kanya.             “One of these days Kath, you will eventually explode and that will be because of me, then I'll use it to further ruin you. Hindi ka bagay dito. Wala na ang Ate Dione mo para ipagtanggol ka, you are a hopeless case freak! So you better use that rusty brain of yours and get the hell out of here.”             Patapon niyang binitawan ang mukha ko dahilan upang bahagya akong napasubsob sa sahig, buti na lang at mabilis kong naitukod ang mga kamay ko rito.             I glared at the vinyl-covered floor while their irritating footsteps filled my ears as they eventually disappeared. Isang patak ng luha ang kumawala galing sa aking mata na agad ko namang pinunasan bago ko mabilis na dinampot ang ngayo'y punit-punit at lukot kong mga libro.             Kasalanan ko 'to. Bakit ba pinilit ko pa kasing tapusin ang essay na iyon sa library? Nahuli tuloy ako ng sampung minuto sa susunod kong klase! Bakit ba sobrang makakalimutin ko at naiwan ko pa yung isang libro ko sa locker? Kinailangan ko pa tuloy daanan ‘yon bago pumasok sa klase.             Bakit ba kasi nung nakita ko nang makaka-salubong ko sila ay hindi ako tumigil sa paglalakad at nagtago? Nakita pa tuloy nila ako at napag-diskitahan na naman. Ngayon tingnan mo, kalahating oras ka nang late sa klase Leto! Tiyak na imposible nang papasukin ka pa ni Sir.             Unti-unti akong tumayo at naramdaman na nga ang kirot sa binti ko, mabilis akong kumapit sa lockers at sinubukang tumayo. Tumingin ako sa baba at nakita nga ang namumulang parte sa kaliwang binti ko, bandang bukung-bukong. I sighed, another bruise caused by that witch.             “From the scale of one to ten, ga'no ka ka-ok?”             Nanlaki ang mga mata ko at halos mapatalon sa gulat, hindi ko man lang napansin na nasa harap ko na sila!             “Ha?” nagtatakang tanong ko habang pinipigilan ang lalo pang pagkahulog ng panga ko. Hindi ako makapaniwalang kinakausap nila ako, bakit? I mean, sina Addiena at Feo? Lalapitan ang isang kagaya ko?             “I think you scared her Addie,” tumatawang sabi ni Feo.             Hanggang ngayon ay pinagmamasdan ko pa rin sila. Yes, they are members of the popular clique – heck, they are the campus' golden couple. Ngunit ni-minsan hindi ko nakitang nakikisalamuha sila sa grupo nina Zanaya. Kailanman, hindi nila ako kinausap o nilapitan man lang, ngayon lang kaya sobrang naguguluhan ako.             “Oh! Sorry ha,” ngiti ni Addiena sa'kin. “Si Zanaya na naman ba?” tanong niya nang nakakunot ang noo. Wala na akong nagawa kundi tumango na lamang sabay yuko ng ulo ko.             “Sorry we can't do anything about it,” pagsisimula ni Feo, “we tried to talk to her and tell her to stop pero masyadong malaki ang koneksyon niya sa school admin. Wala na kaming—“             “Hindi!” Agad kong pagpigil kay Feo. “Hindi ayos lang, uhm... ayoko nang pati kayo isipin pa 'tong problema ko. Okay lang talaga, sana 'wag na kayong mag-alala. Besides, siguro nasanay na rin ako at alam ko na kung ano na lang ang dapat kong gawin – at 'yon ay manahimik na lang. Hindi ko hahayaang maapektuhan ako ng mga salita niya.”             Nagulat ako nang biglang hawakan ni Addie ang parehong kamay ko saka bahagyang pinisil ang mga ito.             “We're happy you're strong and very smart Kath, we really regret not being able to do anything about it, pero pinapangako namin sa'yo na susubukan pa rin namin. Hindi man tayo ga'nong malapit sa isa’t isa, alam naming mabuting tao ka at hindi mo deserve ang mga ginagawa sa'yo ni Zanaya. Don't worry, karma is a bitch.”             “Salamat,” bulong ko. “I was really surprised Ate! I mean, bakit bigla-bigla na lang nila akong nilapitan? Ako? 'Di ba parang ang weird naman?” nagtatakang sabi ko sa kapatid ko through the phone.             Narinig kong natawa siya nang bahagya bago sumagot; “Sabi ko naman 'di ba sa'yo Leto, hindi lahat ng nasa grupong iyon kagaya ni Zanaya. Abnormal lang talaga yung babaeng 'yun at ubod ng sama ang ugali, and she's just jealous of you.”             My sister Dione Marina Manuel, graduated from high school last year while I am now nearing the end of my 11th Grade. Noong kasama ko pa siya sa campus, hindi pa ganito kalala ang pambubully sa'kin. It was either just words or empty threats – when I wasn’t with her, which was really rare.             Hindi tulad ko, maituturing ang kapatid kong isa sa mga kilala sa campus, mainly because she was the Student Government President on her twelfth grade. Pero kailanman ay hindi niya ako iniwan – the loser sister, the blacksheep, President Dione's shadow.             Ngayon ay nag-aaral siya sa isang University malayo sa lugar namin. I can't remember what it's called, mahirap kasing i-pronounce dahil ibang lenggwahe siya. Basta ang alam ko lang, pangarap ni Ate na makuha roon. At heto na nga, she's currently studying there with her Political Science degree.             I miss her so much, of course. Simula nung umalis siya, lumala na nga ang trato sa'kin sa school. But I don't and won't tell her about the physical abuse, kahit sila Mama't Papa hindi alam. Ayoko lang na mag-cause ng gulo dahil sa'kin, at ayoko ring alalahanin pa nila 'ko, ang daming ibang bagay na dapat isipin.             “Pero sure kang pinagsalitaan ka lang nila Zanaya? Baka meron kang hindi sinasabi sa'kin ha Leto,” I smiled, kahit kailan talaga 'tong si Ate, ang lakas makaramdam. Siguro kung kaharap ko siya ngayon ay agad niyang malalamang nagsisinungaling ako.             “Ate naman, sinabi ko na sa'yo 'di ba? Hang-gang ngayon, mataas pa rin ang respeto nila sa'yo and naaalala pa nila yung mga sinabi mo sa kanila sa tuwing napagsasalitaan nila ako. Siguro nag-stay sa kanila ang mga 'yon at ngayon, heto pa rin sila – verbal bullying. It’s nothing that I can't handle. Kaya ko na Ate, I'm turning 18 next month!”             I'm excited to finally be in the legal age. Para bang sa edad na 'yon, ganap na 'kong magiging independent at mature.             “Okay, okay I get it! Isa pa, siguro naman nagsawa na sila. It will be your last year in high school next- next month! They need to grow up.”             Yeah, go and tell them that, Ate.             “Now it’s your turn, tell me about what's happening there. May bago na naman bang kalokohan na ginawa si Ate Sajie?” tukoy ko sa roommate niya na sobrang kulit at maloko. Though they easily became best of friends because of her witty personality.             “Oh you won't believe what she just did yesterday! Sobrang hiyang-hiya ako, alam mo yung parang natatawa ka pero gusto mo nang lamunin ka ng lupa, pero ayaw mo namang iwanan siya sa ere kaya go ka na lang uli sa kalokohan niya?" mula roon ay nagkwento na siya. Nagpatuloy na ang pag-uusap namin hanggang sa tinawag na ako ni Mama mula sa baba for dinner at kinailangan ko nang magpaalam.             Sayang, nakalimutan ko siyang tanungin tungkol sa lovelife niya.   Laking gulat ko nang makita si Papa sa pwesto niya bago ko siya mabilis na nilapitan at niyakap. These past few days, madalas siyang wala dahil may bagong project daw sila sa office. My father is a Structural Engineer. Siya rin ang dahilan kung bakit gusto ko ngayon i-pursue ang Architecture so in the future magtatayo kami ng sarili naming firm.             “Na-miss ako ng Prinsesa ko ha,” nakangiti niyang sabi at agad naman akong tumango. Umupo ako sa kaliwa niya kasabay ng paglapag ni Mama ng isang mangkok ng sinigang sa harap namin, she then took her seat.             “Nako lagi niyang tinatanong kung anong oras ka raw uuwi. Baka raw pwede ka pa namin hintayin at sabay-sabay tayong kumain," kwento ni Mama.             “Pasensya na anak. Hamo't after ng project, magbo-bonding tayo. Tawagan na rin natin ang kappa-tid mo nang makapagpahinga naman siya sa pag-aaral niya. Where do you want to go? Beach? Camping? Out of the country?”             Biglang nagningning ang mga mata ko sa narinig. Siguro ang laking project ng ginagawa nila Papa ngayon para mag-alok siya ng out of the country, kahit kailan ay hindi pa ako nakakapunta sa ibang bansa!             “Hon,” biglang tawag ni Mama kay Papa, agad akong napatingin sa kanya at gan'on rin si Papa pero wala na siyang sinabi pa. Kumunot ang noo ko, para silang nag-uusap sa tingin... meron ba silang 'di sinasabi sa'kin?             Bago pa ako makapagtanong ay nagsalita nang muli si Mama. “Leto, may pupuntahan nga pala tayo after ng last day mo sa school.”             “Po? Maga-outing na agad tayo?”             Parang ang bilis naman yata?             “Ah no anak,” pagtatama agad ni Papa, “nata-tandaan mo yung project namin dati? Before the one we're doing now.”             “Yung multi-purpose building po?”             Mabilis ko ‘yon naalala dahil isa iyon sa pinaka-malalaking projects ng company nila Papa. Balita ko pa, sobrang yaman at successful ng may-ari no'n – someone in the concrete and steel manufac-turing industry. Ngunit ayaw sabihin ni Papa kung sino dahil pumirma raw sila ng Non-Disclosure Agreement. Ewan, ang weird.             “Oo. They've invited us to attend this business gala. Ang sabi, dalhin daw namin ang mga pamilya namin.”             Ha? ‘Di ba secret lang sila? Bakit ngayon biglang may ganito? At gano'n na ba talaga ka-close si Papa sa kung sino man ‘yon para ma-imbitahan pati pamilya niya?             “We're gonna shop for your dress tomorrow, okay Leto?”             Nang ibaling ko ang tingin ko kay Mama ay nakita ko agad ang ekspresyon ng mukha niya – it was the end of the discussion, bawal nang magtanong pa. So I just ignored everything I'm confused about at nakisakay na lang. Pero ang hindi ko maialis ay ang pakiramdam na parang may iba sa 'business gala' na 'yun, parang may... mangyayari.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.7K
bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

The Sex Web

read
130.2K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.0K
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.7K
bc

Stubborn Love

read
98.7K
bc

POSSESIVE MINE

read
969.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook