bc

De Silva Series 02: She Will Be Love

book_age18+
3.3K
FOLLOW
10.2K
READ
billionaire
possessive
friends to lovers
student
drama
bxg
campus
city
athlete
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Isang spoiled na anak ng mga De Silva si Thunder. Nasanay ito na lahat ng mga gusto nito ay nakukuha niya, nabago lang ang pananaw nito nang makilala niya ang dating napakagandang figure skater na si Eychan Kim.

Kahit anong gawin niyang pagpapansin sa dalaga ay hindi niya pa rin makuha ang atensyon nito. Ilang beses siyang nagmukhang tanga sa harapan nito at sa ibang tao. Ngunit kahit ganoon ay hindi pa rin niya naisipang sumuko.

Mas kinilala niya pa ang dalaga at ang rason nang pagiging mailap nito sa mga tao.

Pangamba ang lumukob sa kanya nang malaman ang dahilan nito. Paano niya mapapaibig ang dalaga kung may ibang hinahangad ang puso nito? Sino ang sasalo sa puso niyang labis na ang pagmamahal para rito? Makakaya kaya niyang palingunin at paibigin ang dalaga?

chap-preview
Free preview
SWBL 01:
•Eychan• "From Stanford International School, figure skater number two, Monique Zhen De Silva!" Napatingin ako sa mga bench nang magsimula na ang pagtawag ng mga contestant. Malalim ang ginawa niyang buntong-hininga bago pumasok sa loob ng skating rink. Hinihintay niyang dumating ang nobyo, ngunit hindi na naman yata nito matutupad ang pangakong manunuod sa laro niya. "From Northern Elenore University, figure skater number three, Eychan Kim." Malakas na palakpakan ng tao ang narinig niya bago siya pumunta sa gitna para magbigay ng paggalang. Napatingin ako sa isang contestant na nakasuot ng kulay pulang damit na may tatak na FIS. Kung hindi ako nagkakamali siya si Monique De Silva. Maganda ito, maputi, at matangkad, sa ilang taon kong pagsali ng figure skating competition si Monique ang pinakamahirap na kalaban. Ngumiti ako nang tumingin ito sa akin ngunit inismiran lamang ako nito. Hindi ko na lang siya pinansin at bumalik na kung nasaan nakapwesto si Coach Stella. "Wala pa rin po ba si Kyser?" tanong niya rito bago sinuri ang paligid. "Pwede ko ba siyang tawagan?" "You need to focus, Chan—" Hindi pa ito tapos sa pagsasalita nang hinawakan niya ang kamay nito. "Channie, 'di mo ako madadala sa ganyan!" "Please, coach. I promise to win this match." Tiningnan muna ako nito bago kinuha ang cellphone sa bag niya. Malapad na ngiti ang ibinigay ko sa kanya at mabilis na inabot ang cellphone na hawak nito. "Thank you, coach!" Hinubad niya saglit ang skater shoes bago tuluyang lumabas ng rink. "The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later." Marahan niyang inalis ang cellphone sa kanyang tenga at tiningnan kung tama ba ang numerong kanyang tinawagan. "Nasaan ka ba, Kyser—ouch!" Kaagad kong nilingon ang lalaking nakabangga sa akin. Tinaasan ko ito ng kilay nang hindi man lang siya bumaling. "No sorry?" mariin na tanong ko rito. Tumingin naman kaagad ito sa kanyang mukha at ngumisi. Gusto niyang suntukin ang pagmumukha nito sa ibinigay nitong reaksyon sa kanya, ngunit bigla siyang natigil dahil sa paglapit ng isang babae sa kanila. May kaedaran na ito at may mabait na ngiti sa kanyang mukha, kaya gumaan bigla ang kanyang nararamdaman. "Pagpasensyahan muna ang alaga ko, hija. Thunder, mag-sorry ka," mahinahong utos nito sa binata. "Tita Myla, hindi ko po kasalanan ang nangyari. Nakaharang po siya sa dinadaanan ko..." Tumigil pa ito bago inilibot ang paningin. "Alam niyo naman po na nagmamadali ako, dahil magsisimula na ang competition di'ba?" Magsasalita pa sana ako para pagalitan ang lalaking walang modo nang tumunog ang telepono ko. Napangiti siya nang makita ang pangalan ng nobyo na nakarehistro roon. Tiningnan ko muna ang babae na tinatawag niyang Tita Myla at nagpaalam dito. "Chanie baby, nagsisimula na ba?" Hinihingal pa ito habang nagsasalita. Sa tingin niya ay nasa labas na ito at tumatakbo. "Late na ba ako?" "Super late na. Tapos na ang—" Napatingin ako sa may pintuan nang makita ang pawisang mukha ng aking nobyo. Kaagad siyang lumapit dito at niyakap ito nang mahigpit. "Hindi mo naman kailangang tumakbo! Baliw ka ba? Bawal sa'yo 'yan. I can wait, Kys." May sakit sa puso si Kyser, kaya natatakot siya na baka may mangyaring masama rito. "I need to see you dancing in the rink beautifully, baby." Napangiti siya nang hinila siya nito palapit sa kanyang katawan bago hinalikan ang kanyang noo. "Kahit isang beses lang." May bumundol na kaba sa aking puso dahil sa narinig mula sa kanya. Ngunit hindi na niya ito na pagsabihan nang tinawag na ang pangalan niya. Hinalikan niya muna ito sa pisngi bago patakbong pumasok sa loob ng rink. "Baby." Rinig niyang tawag ng nobyo. "This is for you, babe," malambing na saad ko at kinindatan siya bago pumunta sa gitna. Sobrang saya ko ngayon dahil ngayon lang nakapanuod ng kompetisyon ko si Kyser. Palapakan ng mga manunuod ang naririnig niya nang magsimula siya magpakita ng spins. Napatigil ako nang biglang sumakit ang paa ko na nabangga nang lalaki kanina. Ramdam ko ang mga mata ng mga tao na nakatingin sa akin kaya ininda ko ang sakit, at---- "Girlfriend ko 'yan!" sigaw ni Kyser, na nagbigay ng ngiti sa aking labi. NATAPOS ang kompetisyon at siya ang nanalo. Labis ang tuwa niya habang hawak-hawak ang trophy. Mabilis siyang lumabas sa rink at pinuntahan ang nobyo, pero bago pa siya makalapit nang tuluyan at maibigay ang trophy na hawak ay bumagsak na ito sa sahig. Kinakabahang lumapit siya rito at inihiga ang ulo ng binata sa kanyang binti. Lumapit din naman kaagad ang coach ng dalaga pagkatapos tumawag ng ambulansya. "Anong nangyayari, Channie? Okay lang ba ang nobyo mo?" Hindi siya makasagot dahil sa kabang nararamdaman. Hilam na rin sa luha ang mukha niya. "Kyser, please huwag kang bibitaw. Ikaw na lang ang natitira sa akin," nauutal niyang usal. "Huwag mo kong iiwan, Kyser." Naramdaman niya ang paghawak ng binata sa kanyang kamay na nagdala ng ngiti sa kanyang labi. Kahit mahina na ito ay alam niya pa rin na nasa tabi niya pa ito at humihinga. "I just want you to be happy, baby. Huwag mong bibitawan ang pangarap mo kahit wala na ako—" "Huwag kang magsalita nang mga hindi makabuluhang bagay, Kyser! Mabubuhay ka. Hihintayin mo pa akong makapagtapos di'ba? Magpapakasal pa tayo—" Hindi pa niya natatapos ang sasabihin nang malaglag ang kamay ng binata mula sa kanyang pagkakahawak. Nanlalaki ang mata niya na nakatingin sa katawan nito habang napapailing. Marahan niyang tinusok ng isang daliri ang dibdib nito. Inilagay niya pa ang isang kamay sa ilalim ng ilong nito para siguraduhin kung tama ba ang hinala niya. "No way! Kyser, huwag mo akong iwan. Tulungan niyo ako..." Marahan nitong inilagay ang ulo ni Kyser sa may sahig bago pumunta sa kakarating na mga medical staff. "Please, save my boyfriend. Siya na lang ang dahilan kung bakit ako nabubuhay ngayon." Tumango naman ito at mabilis na pinuntahan si Kyser na namumutla na. Niyakap naman siya ni Coach Stella at inalalayan para sumunod papuntang ambulansya. MALAKAS na sampal ang natamo ng dalaga pagkarating ng ina ng nobyo. Sinisisi siya ng mga kamag-anak nito. "Kung hindi ka sana naging makasarili hindi sana namatay ang anak ko!" galit na galit na saad ng ina ni Kyser. "Pinuntahan ka pa rin ni Kyser kahit masama ang pakiramdam niya dahil magagalit ka kapag 'di siya nagpunta!" "Hindi ko po alam na—" "Tigilan mo ako sa pag-iyak mo, babae! Wala kang karapatan na umiyak! Kinuha mo sa amin ang anak ko. Ikaw ang dahilan kung bakit siya namatay!" Napaatras siya nang dinuro siya nito. "Sana ikaw nalang ang nawala. Ikaw na walang silbi sa mundong ito!" Napatakip siya sa kanyang tenga habang umiiling. Kanina pa pumapasok sa kanyang isipan na siya ang may kasalanan sa pagkawala ni Kyser. "Patawarin niyo po ako, tita—" "Kung gusto mong mapatawad kita. Umalis ka sa Elenore..." Napatingala siya nang tumigil ito sa pagsasalita. "Umalis ka sa bahay na ipinatayo ni Kyser para sayo." Halos gumuho ang kanyang mundo sa sinabi nito. Pera nilang dalawa ng nobyo ang ginastos sa bahay na iyon, ngunit hindi naman iyon ang problema niya. Kundi ang mga alaala nilang dalawa sa loob ng bahay na iyon. "Pagkatapos ng araw na ito ayaw ko ng makita pa ang pagmumukha mo." Tumingin siya sa may pintuan ng kwarto ni Kyser bago tumango sa ina nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook