bc

The Magical Tales of Melusina

book_age12+
258
FOLLOW
1.0K
READ
dark
forbidden
reincarnation/transmigration
time-travel
princess
royalty/noble
heir/heiress
comedy
bxg
mystery
mythology
magical world
witchcraft
supernatural
like
intro-logo
Blurb

Limang daang taon na ang nakararaan mula nang mawasak ang Melusina, ang tahanan ng mga kakaibang nilalang ng hangin, apoy, tubig at lupa. Sa paglipas ng panahon, ang bawat lipi na mula rito ay patuloy na umiiral, ngunit dahil sa kawalan ng ligtas na tirahan ay nanatili silang nakakubli sa lahat—maging sa sarili nilang mga kauri.

Ngunit ang bawat paghihintay ay may hangganan. Darating ang takdang araw na muling matitipon ang bawat lahing pinagpala. Lilitaw ang lahat ng uri ng nilikha mula sa maliliit na duwende, nilalang na may pakpak, mga nilalang ng dagat, gayundin ang mga nakakubli sa hangin, mga dragon, mga taong lobo at iba pang kauri. Maghaharing muli ang tagapangalaga ng bawat elemento ng Melusina.

At mangyayari ang lahat ng mga ito kasabay ng mga palatandaan ng pagtatapos ng daigdig ng mga mortal; digmaan, malawakang taggutom, sakuna, kalamidad at malawakang epidemya na lilipol sa mga tao.

chap-preview
Free preview
PROLOGO
HUMINGA nang malalim si Madison, at saka ipinagpatuloy ang pag-akyat sa hindi kataasang pader. Alam niyang bawal ang ginagawa niya. Ano mang oras ay maaari siyang makita ng bantay ng hardin pero wala siyang pakialam. She has to prove not only to herself, but to everyone else that what happened last night was not just a dream! It did happen!             Dama niya ang gaspang ng inaakyat na pader pero hindi niya iyon alintana. Kailangan niyang makatawid doon para marating ang La Vigna. At nang sa wakas ay makarating ang tuktok ng batong pader ay agad siyang gumawa ng paraan para makatalon sa kabila niyon.             Ilang ulit siyang luminga sa paligid upang matiyak na walang bantay ang vineyard. Kailangan niyang marating ang porta nang walang nakakakita sa kanya. Nilandas niya ang daan sa loob ng ubasan at hindi nagtagal ay natanaw na niya ang antigong gate na nakasandal sa isang nilulumot na pader. Tulad ng dati ay nakasindi ang nag-iisang vintage lamp na nakakabit sa itaas na bahagi ng pader na iyon. Ayon sa kasaysayan, ang antigong gate na iyon ang orihinal na gate ng vineyard. Ang naturang ubasan ay bahagi lamang ng malawak na hardin ng Casa degli Attelani. Ipinagkaloob ito ni Ludovico Sforza, ang duke ng Italia, kay Leonardo da Vinci noong 1948.             Habang nakayuko ay mabilis na tumakbo si Madison papunta sa gate. Itinayo niya iyon nang maayos tulad ng sabi ni Haydes sa kanyang panaginip, saka sinikap na itanim sa lupa. Habol niya ang hininga nang matapos ang ginagawa. Mabilis siyang pumakabila sa gate at saka patakbong tinalunton ang mahiwagang portang nasa gitna ng ubasan.             Pero hindi pa man tuluyang nakakalapit si Madison sa porta ay bigla siyang natigilan. Nayakap niya ang sarili nang lumakas ang ihip ng hangin na animo may bagyo. Mula sa kadiliman ay tanaw niya ang pagliliparan ng mga dahon sa paligid, kasama na ang mga dahon ng ubas na nakagapang sa mayayabong na baging. Nagsisimula pa lang ang Autunno, ang panahon ng taglagas, pero kakaibang lamig na ang dulot niyon sa kanya. Hindi sapat ang kanyang suot na panlamig kaya agad siyang nangatog sa ginaw.             Tinatagan niya ang sarili at inihakbang ang mga paa upang mapanhik ang tatlong baitang na hagdan ng porta ngunit may malakas na puwersang tila humatak sa kanya pabalik. Kasabay ng paglapat ng likod niya sa lupa ay ang alulong ng mababangis na hayop na tila ilang metro lang ang layo sa kanya. Nang mag-angat siya ng paningin ay kitang-kita niya ang paglalabasan ng hindi bababa sa sampung mababangis na lobo. Nakaangil ang mga ito sa kanya, may kulay dilaw, ang iba ay matingkad na pula ang kulay…at ang iba ay…may asul na mga mata???             ‘Mag-ingat ka at umiwas sa mga taong lobo, Madison. Sa gitna ng kabilugan ng buwan sa mga unang araw ng Autunno ang panahong pinakamakapangyarihan ang kanilang lipi. Tandaan mo, kulay pula ang mata ng mga Alpha habang dilaw naman ang karamihan sa mga Beta. Ang ilang Beta ay kulay asul ang nagniningas na mga mata. Indikasyon iyon na nakasila na sila ng inosenteng biktima...’             Binalot ng hindi maipaliwanag na takot ang buong pagkatao ni Madison. Kailangan niyang makapasok sa porta dahil nasa kabilang dimensyon ang susi sa kaligtasan ng kanyang pamilya. Ngunit paano siya makakapanhik sa hagdan nang hindi nilalapa ng mga lobong nasa harapan niya ngayon?             Wala siyang laban sa mga ito. Isa lamang siyang ordinaryong tao.             Oras na ba niya? Mamamatay na ba siya sa pangil at kuko ng mga lobong ito?             “Madison!”             Mabilis siyang napalingon sa pinagmulan ng tinig. Si Yohan!             “Ano’ng ginagawa mo rito?!” malakas niyang sabi. Pakiwari ni Madison ay tinangay lang ng hangin ang boses niya pero humakbang palapit sa kanya ang lalaki, hindi alintana ang mga lobong nasa paligid at handang umatake ano mang sandali.             Nakapagtatakang nag-atrasan ang mga lobo sa paglapit ni Yohan.             “May dala akong Aconitum, Madi! Ligtas ka na!”             “Nahihibang ka ba? Delikado ang ginagawa mo!”             “Wala akong pakialam! Handa akong isugal ang buhay ko para sa’yo!”             “Pero magkaiba tayo! Isusumpa ka ni Mayor sa ginawa mong ito, Yohan!”             Sasagot pa sana si Yohan nang biglang umatake ang isang lobo. Mabilis niya itong binaril. Umalulong ang lobo at kumaripas ng takbo sa madilim na bahagi ng La Vigna. Natitiyak niyang hindi magtatagal ay magpapalit ito ng anyo at magiging tao. Gustuhin man niyang alamin kung sino ang lobong iyon ay hindi maaari dahil ngayon ay mabilis namang papalapit ang isa pa.             Lumundag ito sa hangin at muling umalingawngaw sa gitna ng dilim ang isang malakas na putok. Sugatan ang puting lobo nang bumagsak sa lupa pero sa halip na magtatakbo palayo ay umikot lang ito at muling umatake. Hindi iyon inaasahan ni Yohan kaya napahiga ang lalaki. Napatili siya nang umibabaw rito ang malaking lobo. Sumisingasing sa galit at tila ano mang oras ay lalapain nito si Yohan. Nabitiwan nito ang b***l at sinamantala iyon ng lobo upang lapain ito. Kitang-kita niya kung paanong nakipagbuno sa mala-halimaw na lobo si Yohan, habang wala siyang ibang nagawa kundi ang magsisigaw kasabay ng malakas na hangin at pagliliparan ng mga tuyot na dahon sa paligid. Mga tuyot na dahong tanda ng panahon ng Autunno, ang panahon kung saan pinakamalakas ang kapangyarihan ng mga taong lobo.                  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
171.3K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.8K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.1K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Unexpected Romance

read
38.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook