bc

At First Sight (Completed)

book_age0+
11.3K
FOLLOW
88.9K
READ
possessive
one-night stand
opposites attract
pregnant
arrogant
manipulative
drama
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Hindi inaasahan ni Aria na darating ang araw na magku-krus ang mga landas nila ni Randall Clark, ang lalaking naging dahilan kung bakit maagang nawala sa kanya ang kakambal niya. She was mad at him. Pero hindi nito pinatatahimk ang buhay niya. Sa bawat paglapit nito, animo may karapatan ito sa kanya kung makaasta.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CHAPTER one   BINUKSAN ni Randall ang bintana ng minamanehong Montero Sport, hoping the cold breeze would ease his burdens. Nahaharap ang kanyang pamilya sa isang mabigat na pagsubok. Idinawit sa malaking graft and corruption case ang amang si Sen. Carlos Clark. Ikinakabit naman sa pangalan nila ang West African drug syndicate na nag-o-operate internationally. Pinagpipiyestahan na ng sambayanan ang eskandalo. Iniiwasan na nga niya ang magbukas ng telebisyon o pangahasang magbasa ng mga news article dahil siguradong sasama lang ang kanyang loob sa kabi-kabilang pambabatikos sa kanyang ama at sa kanilang pamilya. Pati ang mga pribadong sektor ay nagkanya-kanya na ng paggawa ng ingay sa pagnanais na mapatalsik sa senado ang kanyang ama at mailagay sa likod ng rehas. Nasa Ombudsman na ang kaso at sinisimulan na rin ng senado ang sariling imbestigasyon. Dahil doon kaya naka-freeze ang mga ari-arian at assets ng mga Clark sa loob at labas ng bansa. At bagaman naka-house arrest na, inilagay pa rin sa immigration watch list ang pangalan ng kanyang ama. Kahit ano pa ang sabihin ng mga tao, hindi  naniniwala si Randall sa mga akusasyong ibinabato sa kanyang ama. Iniidolo niya ang ama dahil mabuting tao at walang sinumang makapagpapabago ng bagay na iyon. May dangal at may pagpapahalaga sa salita ang kanyang ama. Tinupad ng ama ang mga pangakong binitiwan sa taumbayan noong panahon ng eleksiyon. Nakakatawa lamang isipin na kahit inialay na ng kanyang ama ang buong buhay sa pagsisilbi sa bayan ay hindi pa rin iyon makita ng marami. Ngayon niya napatunayang totoo nga na mas nakikita ng tao ang isang pagkakamali kaysa sa sampung ginawang kabutihan—iyon ay kung talagang ginawa nga ng kanyang ama ang mga ibinibintang dito. Trial by publicity na ang nangyayari at hindi na niya alam kung ano pa ang mangyayari sa hinaharap. Iisa lamang ang nakikita ni Randall na dahilan para kaladkarin sa eskandalo ang kanilang pangalan. Matunog kasi ang usap-usapan na ang kanyang ama ang magiging front-runner ng kinabibilangang partido sa susunod na eleksiyon kaya marami rin ang nais sumira sa kanyang ama at sa reputasyon nito. Hindi niya alam kung ano pa ang kayang gawin ng mga naninira sa kanyang ama. Kung sino ang nasa likod ng paninira sa kanilang pangalan ay mahigpit na niyang tinatrabaho. At sa labang kinakaharap ngayon, ipinagpapasalamat niya ang pagkakaroon ng mga kaibigan na hindi siya iniwan sa kabila ng mga nangyayari. Heads would surely roll; someone had to pay and the price was high. Kagagaling lang ni Randall kay Atty. Michael Lorenzo Montecillo. Kapatid si Milo ng kaibigan niyang si Jared Montecillo at naging kaibigan na rin niya si Milo dahil kay Jared. Magaling na abogado si Atty. Michael Lorenzo Montecillo at nagpa-practice din ng international law. Maraming alam ang abogado sa international law at may jurisdiction din sa ibang bansa. Malaki ang maitutulong ng abogado sa kaso ng kanyang ama, lalo na sa international police. Ang mga kaibigan niyang sina Mike, Art, Pierro, Jared, at Miro ay tahimik na kumikilos para mag-imbestiga sa likod ng corruption scandal. Buo ang tiwala ni Randall sa kakayahan ng mga kaibigan. Kung inaakala ng kalaban na malilimitahan ang mga galaw nila dahil sa pagkaka-freeze ng lahat ng assets at bank accounts nila ay nagkakamali ang kalaban dahil nag-uunahan pa ang mga kaibigan niya sa pagbibigay ng financial support. “Randall Clark!” Bigla na lang may sumulpot na motorsiklo sa tabi ng kanyang kotse. Nakasuot ng helmet at itim na jacket ang lalaking sakay ng motorsiklo. Agad siyang nagduda. Mabilis niyang pinindot ang automatic lock ng nakabukas na bintana. Bulletproof ang kanyang sasakyan at alam niyang maililigtas siya niyon sa kung anumang panganib na dala ng lalaki. Ngunit huli na ang lahat. Umalingawngaw na ang putok ng baril bago pa man tuluyang sumara ang bintana. Sumigid ang kirot at pamamanhid na dala ng bala na tumama sa katawan ni Randall.   “RANDALL! Gising, pare…” Napadilat si Randall nang maramdaman ang mahinang pagtapik sa kanyang pisngi. Iginala niya ang paningin sa paligid. Napakunot-noo siya nang makitang nakapalibot sa kanya ang mga kaibigan. “W-what… Uhm…” Lumunok siya. Nanunuyo ang kanyang lalamunan at uhaw na uhaw siya. Maagap na inabutan siya ni Jared ng tubig. “What happened?” tanong niya nang mahagilap ang tinig. “You were shot,” sagot ni Jared. Ipinikit ni Randall ang mga mata at pilit na hinagilap sa isip ang nangyari. Ang natatandaan niya ay nagda-drive siya nang umagapay sa kanya ang isang motorsiklo at pinaputukan siya ng sakay niyon. Nilabanan niya ang pamamanhid na agad na sumakop sa kanyang katawan at pinanatiling kalmado ang sarili. Nagawa pa niyang igilid ang sasakyan at kunin ang kanyang cell phone at mag-dial doon. Pero nawalan na siya ng malay bago pa man makapagsalita. Dumilat siya. “Sino ang natawagan ko sa inyo?” “My wife,” sagot ni Pierro. “Pero hindi si Catherine ang nakasagot sa `yo kundi ang inaanak mo, si Angelo. You were not talking kaya ibinigay niya sa akin ang telepono.” “Thank God!” bulalas ni Randall. “How did you know where I was?” “Global Positioning System.” Ngumisi siya. “Mabuti hindi mo ako pinagselosan. Imagine, I was calling Catherine…” Marahang tinapik ni Pierro ang sugat niya sa bandang dibdib bilang sagot. Napahiyaw tuloy siya sa sakit. “Gago!” ani Pierro. Possessive, that was how they described their friend where his wife was concerned. “I’m glad hindi n’yo ako dinala sa ospital.” Iginala ni Randall ang paningin sa loob ng silid. Preskong-presko ang hanging pumapasok sa nakabukas na sliding window. Ang hula niya ay nasa tabing-dagat ang bahay na kinaroroonan. “You lost so much blood and there was a bullet in your body so we brought you to the hospital. Dito ka lang namin dinala nang pumayag ang doktor na i-discharge ka na,” sagot ni Arthur Franz o “Art” for short. “Nakarating ba sa media itong nangyari sa akin?” tanong ni Randall, iniisip ang kanyang ina. Ayaw niyang madagdagan pa ang mga alalahanin ng ina. Umiling si Miro. “No, don’t worry. Kilala ni Mike ang doktor na nag-opera sa `yo. Isa pa, follower `yon ng dad mo.” “`Guess what? I have good news. The Interpol has withdrawn your dad’s name in their red code list,” pagbabalita naman ni Milo na naroon din. “Paano mo nagawa `yon, Attorney?” excited na tanong ni Mike na tila noon lang din nalaman ang balitang iyon. “Well… I pulled some strings,” sagot ni Milo. “And of course they also took into consideration your huge contribution to international cases,” dagdag ni Jared sa sinabi ng kapatid nito. Graduate si Milo ng Harvard Law School. “Hindi lang dahil sa koneksiyon, Randall. May nakapasok na deep-penetrating agent ang Interpol sa sindikato. The DPA cleared your father’s name. Wala diumanong kinalaman si Senator Clark sa sindikato in any way, therefore, your father is really innocent of any involvement with the drug syndicate,” paliwanag ni Milo. Bahagyang nakahinga nang maluwag si Randall sa balita. Malilinis na ang pangalan ng kanyang ama sa issue ng droga. Ang graft and corruption case na lang ang poproblemahin nila. “And, as for the corruption case, kaya kong itaya ang lisensiya ko para sa dad mo, Rand,” pagpapatuloy ni Milo. “Pinag-aralan ko nang mabuti ang mga papeles at record, malinis lahat. Lahat ng assets niya ay naka-declare sa BIR. Malinaw na hindi galing sa pangungurakot ang kayamanan ng inyong pamilya. I can prove to any court that the Clarks were already wealthy back in the nineteen hundreds.” Namamanghang umawang ang bibig ni Randall. “Thanks, Milo. Ngayon pa lang ay tumatanaw na ako ng utang-na-loob sa iyo.” Napakalaking bagay niyon para sa kanya. Kailanman ay hindi niya pinagdudahan ang ama at napakasakit sa kanya ng dinaranas nito ngayon. “Nah, that’s nothing, Rand. It’s a win-win situation for both of us. Malilinis ang pangalan ninyo at mae-establish naman ang pangalan ko,” sagot ni Milo. “Huwag kang pa-humble, Attorney. Hindi mo na kailangan `yon dahil kilala ka na sa buong Pilipinas.” “If I know, ang talagang habol nitong kapatid ko ay `yong mga babaeng pipila,” buska ni Jared sa kapatid. Tumawa nang malakas si Milo. “You’ve got that right, brother!” “Are you sure about this Milo? Mga baluktot na abogado ang haharapin mo sa korte. They’ll do anything to bring down Tito Carlos. And don’t forget the senate hearing,” sabi ni Pierro. “That’s the challenge I’m more than eager to face, Pierro. Malakas ang laban ni Tito Carlos sa kaso,” ani Milo na kitang-kita sa mukha ang excitement para sa haharaping laban. “Trial court addict `yan, Pierro. You should see him taking over a hearing,” natatawang wika ni Jared na hindi maitago ang pagmamalaki sa kapatid. “This calls for a celebration. Nasaan ba `yong champagne?” tanong ni Art. “Champagne! Champagne!” sabay-sabay na wika ng iba pa.   ILANG linggo nang nananatili si Randall sa rest house na pag-aari ni Pierro sa Mindoro. Magaling na ang sugat niya. He was as good as new. Sa katunayan ay madalas siyang lumalabas at nagpapalipas ng oras sa dalampasigan. Tulad ng araw na iyon. Hindi niya maiwasang isipin ang mga nagaganap sa kanyang buhay. Pakiramdam niya ay ang laki-laki na ng puwang sa kanyang pagkatao. Hindi na siya masaya. Parang may hinahanap na kung ano ang kaloob-looban na hindi niya mawari. Parang may puzzle na hindi niya mabuo. Hungkag ang kanyang pakiramdam; may kulang at hindi niya alam kung ano iyon. Dumampot siya ng maliit na bato at ipinukol iyon sa tubig. Ilang sandali pa niyang pinagmasdan ang papalubog na araw bago ipinasyang bumalik na sa rest house. Katatayo pa lamang niya mula sa inupuang batuhan nang mamataan ang isang babaeng tila nanlulupaypay hanggang sa tuluyang bumagsak sa maputing buhangin. Mabilis niyang tinakbo ang babae. At ganoon na lang ang pagkagulat niya nang tumambad sa kanya ang pamilyar nitong mukha. Aira? Hindi siya maaaring magkamali, si Aira Ledesma ang babaeng walang malay. Agad niya itong pinangko at dinala sa rest house. Siniguro niyang maayos ang pagkakahiga ng babae bago natatarantang hinagilap ang telepono. Napatigil siya sa paghakbang. Siya, si Randall Clark, natataranta? Bakit nga ba siya natataranta gayong si Aira Ledesma lang naman ito at kilala niya ang uri ng pagkataong mayroon ang babae. Muli niyang sinulyapan si Aira. Kakatwa ngunit may kung anong sumikdo sa kanyang damdamin. Napabuntong-hiningang dumayal siya sa telepono. “Hey, Rand, may problema ba? Tell me you’re fine,” bungad ni Catherine sa kabilang linya. Naririnig din niya ang pagkukulitan ng mag-amang Pierro at Angelo sa background. “I’m fine, Cath. Uhm…” Paano ba niya sasabihing hindi niya alam ang gagawin sa isang babaeng walang malay? “Gusto mong kausapin ang kaibigan mo?” tanong ni Catherine, marahil ay naramdaman ang uneasiness niya. “No, no. Gusto ko lang itanong sa `yo kung… kung a-ano ang dapat kong gawin sa taong nawalan ng malay.” At babae! Sandaling nanahimik si Catherine sa kabilang linya, marahil ay iniisip kung paano magkakaroon ng taong walang-malay sa rest house ng mga ito. “May ammonia sa medicine cabinet. Maglagay ka n’on nang kaunti sa bulak at ipaamoy mo sa kanya. `Pag nagising na siya, you should take him to the doctor. Baka may dahilan kung bakit siya nawalan ng malay o kaya ay baka napasama ang bagsak niya.” “Thanks, Cath—” “Wait, babae o lalaki?  Oh, never mind. Parang alam ko na ang sagot,” natatawang wika ni Catherine. “It’s not what you think. I mean… uhm…” s**t! Bakit ba ako nauubusan ng salita? “Sige na, Rand. Asikasuhin mo na ang pasyente mo diyan. You should introduce her to us soon, ha? Okay, bye.” “All right, bye.” Ginawa nga ni Randall ang sinabi ni Catherine. Ilang saglit lang ay dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Aira. Nagtama ang kanilang mga paningin. Saglit itong natigilan ngunit hindi niya mabasa ang rekognisyong inaasahan niyang makikita sa mga mata ng babae. Inilibot nito ang tingin sa loob ng silid. “W-where am I?” tanong nito na humawak pa sa ulo. Naalarma si Randall. “May masakit ba sa iyo?” “No, I’m fine,” umiiling na wika ni Aira. “Nawalan ka ng malay kanina sa dalampasigan, so, I brought you here. Is there anything you want?” tanong niyang hindi magawang alisin ang mga mata sa magandang mukha ni Aira. Hugis-puso iyon. Bilugan ang mga mata ng babae na may malalantik na pilik. Makipot ang mga labi nitong natural na mapupula. Nakita na niya ang mukhang iyon noon. Hindi niya alam kung bakit tila namamagneto ang kanyang mga mata sa babae ngayon. Wala siyang naramdamang ganoong atraksiyon dito noon. Mabilis na bumaba ng kama si Aira. “I’m fine, thank you. Uuwi na ako, salamat uli.” Nagmamadaling tinungo ng babae ang pinto. Ngunit agad na humarang si Randall. Ayaw pa niyang mawala ang babae sa kanyang paningin. “Don’t you recognize me? Ganoon ba ako kadaling makalimutan, Aira Ledesma?” tanong niya habang nakatitig sa kagandahan ng babae. Kung tama ang natatandaan niya, isa si Aira sa mga babaeng ginawa ang lahat mapansin lamang niya. “O-of course I know you. Who doesn’t know you… R-Randall Clark?” sabi ni Aira. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagdaan ng kislap ng galit sa mga mata ng babae. “Puwede mo na siguro akong paraanin.” Tumabi siya upang bigyang-daan si Aira. “Ihahatid na kita.” “Hindi na kailangan, kaya ko na ang sarili ko,” determinadong sagot ni Aira. Nang mabilis siyang sulyapan ay muli niyang nakita ang pagkislap ng galit at iba pang emosyon sa mga mata ng babae. Kapagkuwan ay tuloy-tuloy na itong lumabas ng rest house. Wala siyang nagawa kundi sundan na lang ng tingin si Aira.   “RANDALL,” pupungas-pungas na sambit ni Art nang sagutin ang tawag niya. “Remember Aira Ledesma?” “Aira Ledesma who?” halatang inaantok pang  tugon ni Art. Narinig pa ni Randall ang paghikab ng kaibigan sa kabilang linya. “Think of Jessica Alba, medyo mapusyaw ang buhok at—ah, basta! `Di ba, ikaw ang kasama ko nang bigla akong halikan n’on noon?” Hindi niya maiwasang mapangiti nang maalala ang insidente. “Ah, okay. Siya `yong babaeng habol nang habol sa `yo, right? `Langya naman, Randall. Pinutol mo ang tulog ko nang dahil lang diyan? If my memory serves me right, parang virus na iniwasan mo ang babaeng `yon noon. Bakit bigla mo namang naungkat iyan?” Hindi pinansin ni Randall ang pagkainis sa tono ni Art. Hindi siya mapalagay at kailangan niyang may makausap. Malaking palaisipan sa kanya kung bakit hindi mawala sa isip niya si Aira. Pagod na pagod na siguro ang babae dahil ilang oras nang tumatakbo sa kanyang isip. Napangiti siya sa huling naisip. Where the hell did he get that line? “I saw her.” “Who?” disoriented pa ring tanong ni Art. “Si Aira. I saw her.” “So?” “Kakaiba siya ngayon, pare.” “Paanong kakaiba? Pumangit o gumanda?” “Basta kakaiba siya ngayon.” “Meaning, wala na siyang interes sa iyo, gano’n ba? Randall, lahat ng bagay sa mundong ito nagbabago, okay? Baka nagising na `yong tao at na-realize na wala siyang mapapala kaya ayaw na niya sa iyo,” katwiran ni Art. “Wala kang kuwentang kausap. Bakit ba ikaw pa ang tinawagan ko? No wonder hindi magkagusto sa iyo si Ada. Pagbalik ko diyan, humanda ka. Isa-isa kong pasasabugin ang mga eroplano mo!” naiinis na wika ni Randall. “Bakit naman nasali si Ada sa usapan?” natatawang balik ni Art. “Sige, pasabugin mo ang lahat ng eroplano sa de Luna Airlines. Ikaw naman ang mananagot kay Mike. Sa kompanya niya naka-insure ang mga iyon.” “Sige, `yang mukha mo na lang ang pasasabugin ko. I’m sure, lalong lalayo si Ada sa iyo. Ibuking ko kaya sa kanya na may hidden desire ka sa kanya…” Lalong lumakas ang tawa ni Art. “Sige na, makikinig na ako sa sentimyento mo. Fire away… Wait, magtitimpla lang ako ng kape.” Napangiti na si Randall. Kung may makakarinig lang sa usapan nila, siguradong pagtatakhan sila. Sino ang mag-aakalang ang mga tulad nilang successful businessmen, nirerespeto at pinangingilagan ng marami dahil sa taglay na awtoridad ay ganoon kung magpalitan ng conversation? Yes, they were powerful and dangerous, but that didn’t mean they didn’t know how to be cool.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
542.1K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
387.9K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
63.5K
bc

Unwanted

read
508.3K
bc

A Billionaire In Disguise

read
652.9K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook