bc

Love Magnet

book_age18+
2.9K
FOLLOW
31.4K
READ
possessive
sex
opposites attract
arrogant
tomboy
CEO
comedy
humorous
lighthearted
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Ang makahanap ng marangal na trabaho ang naisip na paraan ng lesbianang si Maria Sienna De Dios upang makawala sa poder ng kaniyang ama na paulit-ulit siyang dinidiktahan na magpakasal sa kaniyang long-lost childhood friend. Kaya naman nang may inirekomendang trabaho si Zemira ay pinatos niya na iyon nang walang pag-aalinlangan.

       Ang hindi niya lamang inaasahan ay makakaharap niya ang lalaking nasapak niya noon na si Yevhen Thyne Villamayor sa araw ng kaniyang interview. On the spot siyang ni-reject nito. Mabuti na lang ay may dumating na isang ginang at kinuha siya bilang secretary ng CEO ng Maria Corp.

      Kakayanin niya kaya ang trabaho gayong si Yevhen pala ang kaniyang magiging boss?

      At paano kung ang tsismosang tulad niya ay may malaman sa  nakatagong katauhan ng binata?

Love Series 3

Yevhen Thyne Villamayor

xMaligaya©October2023

Schedule of UPDATE: Every SATURDAY

chap-preview
Free preview
Simula
Maria Sienna Rosales De Dios “MARIA Sienna De Dios!” malakas na sambit ng isang babaeng company staff sa aking pangalan. Ako ang kaunahang tinawag nang magsimula ang interview kahit na hindi ako nakigulo sa pakikipag-unahan sa pila at pagkuha ng number kanina. Nagtataka tuloy ang mga kapwa kong aplikante ngunit wala naman akong pakialam. Inaasahan ko nang ako ang unang tatawagin dahil may backer ako sa branch ng MARIA Corp dito sa probinsiya ng Laquiero. “Maria Sienna De Dios!” ulit na tawag ng babae kaya ako napilitang tumaas na ng kamay at sumigaw na nandito ako. Tamad na tamad akong naglakad papunta sa kaniya. Parang ako lang yata ang nalulumbay samantalang ang iba ay kanina pa mataas ang enerhiya at nagpa-practice ng kanikanilang mga linya. Kung wala lang talagang masamang balak sa buhay ko ang aking ama at kung hindi lang naisip ng aking mga kaibigan na ito ang solusyon upang makatakas ako sa aking napipintong kapalaran ay hindi ako maghahanap ng trabaho. Putragis! Ang sarap kayang sumagap ng tsismis sa barangay hall! “Huwag po kayong masyadong kabahan, Ma'am,” payo sa akin ng babae, subalit nagpanting ang aking mga tainga nang tawagin niya akong Ma'am. Kinunutan ko tuloy siya nang noo at sinamaan ng tingin. “Sir,” agad kong pagtatama kaya napanganga ito at mabilis na humingi ng paumanhin. Mapagkakamalan pa ba akong babae sa lagay na 'to? Kitang-kita naman sa wolf-cut hair ko na tinernohan pa ng suot kong puting polo, itim na slacks at itim na sapatos na ibang kasarian ang inilalarawan ko. Well, physically pwede, pero sa puso, isip at kaluluwa ko ay hindi. Matindi ang aking paniniwala na lalaki ako na nakulong lamang sa katawan ng isang babae. “Next!” sigaw ng isang lalaki sa loob ng interview room kaya naputol ang aking pag-iisip. Papasok na sana ako sa loob nang bigla na lang hawakan ng babae ang aking kaliwang braso, dahilan ng lalong pagkunot ng noo ko sa kaniya. “Ma'am—Sir, hindi ko po kayo matutulungan gaya ng sinabi ni Zemira.” Bigla akong napangiti nang malaman kong siya ang aking backer. Subalit ilang sandali lamang ang aking pagdariwang dahil unti-unti nang rumehistro sa isip ko ang kaniyang tinuran. “Bakit hindi mo ako matutulungan?” mahina kong pag-aasik habang nagpa-panic. Hindi pwedeng mabulilyaso ang mga plano ko dahil katapusan na ng aking maliligayang araw kapag nangyari iyon. “Nasa loob po kasi ang isa sa mga big boss. Siya po ang pipili—” Pinutol ng isang singhal ng lalaking nasa loob ang linya ng aking kausap. “Our time is gold! Kung naduduwag sa interview, umuwi na lang kamo!” sikmat pa nito kaya kusang tumaas ang aking isang kilay. Tila pamilyar din ang boses ng lalaki, pero hindi ko alam kung saang lupalop ko iyon narinig. “Good luck po, Ma’am,” the woman cheerfully said, but I glared on her. Sinabing hindi nga Ma'am ang dapat na itawag sa akin. Inaya na ako ng babaeng staff na pumasok kaya tinanguan ko na lang siya at sumunod kahit na lihim akong ninenerbiyos. Putragis naman, e! Hindi ako nag-search ng sample questions and answers sa interview. Kumalma-kalma lang ako nang makita ko ang kabuuan ng opisina. Napansin ko kasing mas marami pa ang nakatambak na mga papel kaysa sa mga mwebles na nasa loob. Hindi rin gaanong malawak ang opisina ngunit sapat na naman ang isang mahabang mesa para sa tatlong interviewer. Hindi ko tuloy lubos na akalaing jewelry company itong pag-a-apply-an ko. Kung wala nga akong nakita na modelo at sample designs ng kwintas at singsing kanina sa lobby ay aakalain kong lending company ito. “What position are you applying for?” a familiar and manly voice asked that made me stop from surveying the room. Paupo na ako sa isang monoblock chair ngunit napatayo akong muli nang tuwid nang magtama ang mga paningin namin ng lalaking . . . minsan ko nang nakaaway! “Y-Yevhen?” paniniguro ko sabay turo sa kaniya. Ano’ng ginagawa ng hinayupak na ito rito? Putragis! Wala namang nabanggit si Zemira na rito nagtatrabaho ang pinsan niya! “Tell us about yourself.” Hindi niya ako pinansin, para bang nagkukunwari siyang hindi kami magkakilala. Umawang tuloy ang aking mga labi at hindi makapaniwala. “Miss?” seryosong tawag niya sa aking pansin na nahimigan ko naman ng panunudyo. Sigurado akong nang-iinis siya pero hindi ako dapat na magpaapekto. Sa isip-isip ko rin ay baka makabuti na nandito siya dahil hindi na ako matutulungan ng aking backer. “I am Maria Sienna De Dios, Masien for short,” panimula ko bago ako tumikhim at lumingon sa kaniyang dalawang kasama. Nginitian ko rin ang isang matandang lalaki na sa tingin ko ay kanilang boss. “We already knew that. Tell us something that is not written on your resume, Miss,” nananadya na niyang sambit pero pilit pa rin akong ngumiti para ipakita sa boss nila na mayroon akong pleasing personality. “I want your real answer. Why are you applying for this job? Maraming businesses dito sa Laquiero, bakit dito mo naisip na mag-apply sa MARIA?” Tinadtad niya ako ng maraming tanong kahit na hindi pa man ako nakakapag-isip ng isasagot. Ano ba ito?! Interview under pressure?! Napatingin akong muli sa dalawa niyang kasama at sa babaeng staff na nakaupo sa hindi kalayuan. Lahat sila ay napapaiwas ng tingin sa akin kaya naman bumaling ako kay Yevhen at pinanlakihan ko na siya ng mata. Sisirain pa yata niya ang diskarte ko, sa halip na tulungan na lang ako. “Pinapunta ako ni Zemira dito.” Bumuntonghininga ako at nagsabi ng totoo. Baka kapag binanggit ko ang pangalan kaniyang pinsan ay bigla siyang bumait. “Why would she do that?” Mapanuring tingin ang ibinigay niya, tila naninimbang kung paniniwalaan niya ang aking mga sinasabi. “Kailangan ko ng trabaho. Ano pa po sa tingin niyo kung bakit?” Ramdam ko ang paglabas ng mga galit na ugat sa aking leeg pero sinubukan ko pa ring maging magalang dahil nakakahiya sa kaniyang boss na nandito. Baka hindi ako tanggapin. “Bakit kailangan mo ng trabaho?” namimikon niyang pag-uusisa kasunod ng pagtaas ng kaniyang kilay. Muntik na tuloy akong mapamura, mabuti na lang ay nakagat ko agad ang aking dila at napigilan ko ang aking sarili. “For financial purposes. May iba pa po ba?” I carefully rebutted as I tried to compose myself. “Ah,” mahaba niyang reaksyon kasunod ng pagbasa niya sa resume ko na ang mga kaibigan ko ang gumawa. Lihim naman akong nagalak dahil malakas ang kutob kong titigil na siya sa pagpapaulan ng mga tanong sa akin. “Miss Masien De Dios, I’m sorry. You’re not accepted,” he suddenly announced as he looked at me with a blank expression. Natigilan ako nang ilang sandali saka dahan-dahang gumuho ang aking mundo. Nasabi ko na sa aking ama na nagsisimula na ako rito sa MARIA kaya kapag umuwi akong hindi ako empleyado ay malalagot ako. “P-pakiulit ng sinabi mo?” mahinahon ngunit nagngingitngit ko ng tanong bago ako huminga nang malalim, ngunit nang hindi siya sumagot ay nawalan na ako ng kontrol sa sarili. “Sinabi nang ulitin mo ang sinabi mo!” hindi ko napigilang pagwawala pagkatapos ay inisa-isa kong hakbangin ang distansiya sa pagitan naming dalawa. Nang makalapit naman ako sa harap niya ay mabilis kong hinampas ang mesa. Putragis! Hindi ako pwedeng umuwi nang walang maipagmamalaking trabaho! “Hindi ka tanggap, Maria,” mariin at walang pakialam niyang salaysay bago niya inutusan ang babaeng staff na tawagin na ang aking kasunod. Napailing naman ako saka ko itinaas ang mga manggas ng suot kong polo. “Bakit, sino ka ba para magdesisyon?! Nasaan ang pinakamataas niyong boss dito? Ikaw ba?!” Tuluyan na akong sumabog. Ito na ang kahuli-hulihan kong pag-asa para makawala sa sumpaan ng aking ama at ng kaniyang matalik na kaibigan. Bakit ipinagkakait niya pa?! College graduate naman ako. Kursong business management din naman ang kinuha ko kaya bakit hindi ako tanggap? “Ma'am—Sir, huminahon po kayo,” pigil ng babae na nasa likod ko na pala. Sinubukan nitong hawakan ang aking braso upang kumbinsihin akong lumabas, subalit hinawi ko lang ito at sinamaan ng tingin bago ako muling bumaling kay Yevhen. “Bakit ayaw mo akong tanggapin? Hindi ka pa rin ba maka-move-on sa pananapak ko sa'yo noon?” A series of questions came out of my mouth. Nagkatinginan tuloy ang lahat ng mga taong kasama namin. “Humingi na ako ng tawad. Nagpaliwanag na rin ako at sinabi ko na sa'yo noon din mismo na kaya ko lang ginawa iyon ay dahil gusto kong protektahan ang inaanak ko,” dagdag ko pa upang ipagtanggol ang aking sarili. Kasalanan ko bang napraning ako noong napagbintangan ko siyang kidnapper?! Kapapanganak pa lang kasi ng kaibigan ko ay kinukuha niya na aagd ang bata sa nurse. Akala ko tuloy ay kasabwat siya ni Dela Riva na nang-iwan kay Zemira. Prente siyang sumandal sa kaniyang upuan habang nakatitig sa akin. Magkasalubong din ang kaniyang mga kilay. “Get out,” he suddenly declared, proving that he really hates me. Bumagsak tuloy ang langit at lupa sa aking kinatatayuan kaya napapikit ako at napapadyak. “Tanggapin niyo na ako. Tulungan mo ako,” parang bata kong pamimilit bago ko sila inisa-isang tingnan. Lumapit din ako sa matandang lalaking boss nila para magmakaawa ngunit umiwas lang ito ng tingin sa akin. Nangilid tuloy ang aking mga luha bago ako muling bumaling kay Yevhen na inaabala na ang kaniyang sarili sa pagbabasa ng ibang mga resume. “Yevhen, ipakakasal ako ni Ama sa kababata kong lalaki,” pahina nang pahina kong sambit kasunod ng pag-iinit ng aking magkabilang pisngi. Natigilan naman siya at napatanga. Hindi yata makaniwala sa rebelasyong aking idineklara.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
70.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook