bc

BROKEN(Filipino/Tagalog)

book_age18+
20.7K
FOLLOW
134.3K
READ
billionaire
second chance
badboy
drama
bxg
abuse
like
intro-logo
Blurb

Pangarap makatapos ni Penelope Diaz upang makatulong sa mga magulang. Maituturing niyang isang malaking kayamanan ang makapagtapos siya ng pag-aaral. Bago niya makamit ang pangarap na ito, sinubok siya ng tadhana. Umibig siya sa lalaking sumira ng kanyang pagkatao.

Si Zandro Lopez ang lalaking mataas ang tingin sa sarili. Ang lahat ng babae ay nakukuha niya sa dahas. Wala sa bokabularyo niya ang salitang pag-ibig.

chap-preview
Free preview
Episode 1
Penelope POV "Pene punta na tayo sa canteen nagugutom na ako, lunch time na. Mamaya na lang natin tapusin itong thesis. Mahaba pa naman oras natin ngayon. Ala una pa naman ang susunod nating subject." napanguso ako ang haba naman ng sinabi niya. Kung sabagay kanina pa nagrereklamo ang sikmura ko. Ano nga ba kinain ko kaninang umaga? Nag-tinapay lang pala ako. Kailangan ko kasing magtipid lalo sa mga kakainin ko. Dapat mga instant na lang, mas mura. Naawa na ako kila Nanay at Tatay madami pa silang gastusin. Tapos sisingit pa ako. Ayokong mahirapan sila sa akin. Kaya nga nag-working student ako para makatulong sa gastos. Nagwo-work ako sa isang coffee shop malapit dito sa school. Tuesday at Thursday at weekends ang pasok ko doon. Kaya wala talaga akong pahinga. Pero kailangan ko talagang makatapos upang matulungan ko ang mga magulang. Kalahating taon na lang makaka-graduate na ako. Kaya kung maari kailangan kong magsunog ng kilay at siyempre magsipag sa pag-aara at pagtratrabaho." Sige na nga pero bilisan lang natin, okay? Marami pa tayong i-e-edit sa thesis natin." Niligpit ko na ang mga papers. nilagay ko sa backpack ko. Tumayo na ako at nagsimula na kaming maglakad. Lumabas na kami sa library. Graduating na kami nitong bestfriend kong si Heidi Fernandez. Pareho kami ng course na kinuha, BS Accounting major in Management. Naging scholar kami dito sa University kung saan puro mayayaman ang mga nag-aaral.Naswertehan lang namin ng best friend ko na makapasa sa exam para makakuha ng scholarship. Kababata ko siya mula noong Elementary. Hindi na kami naghiwalay na dalawa. Pareho rin kami ng school na pinasukan noong Elementary at High school hanggang ngayon nang nasa college na kami. Pareho rin kami ng pangarap sa buhay. Ang maiahon namin ang pamilya sa kahirapan na nasa probinsya. " Naku Pene sana pala sa kabila na lang tayo dumaan. Madadaanan natin ang mga mayayabang na magkakabarkada na 'yan, oh?" inginuso niya ang mga lalaking nakatambay sa isang bench na nasa ilalim ng puno. Hindi maikakaila na mga guwapo ang magkakaibigan. Napakasikat nila sa campus palibhasa mga mayayaman. Pagkakaalam ko isa dito ay anak ng may-ari ng University na ito. Ang iba ay mga anak ng politiko at mga businessman. " Huwag ka na lang tumingin kapag dumaan tayo. Bilisan na lang natin ang paglalakad. Mas malapit kasi ang canteen dito kaysa sa kabila" sabi ko. Kahit pinipilit kung maging okay, pero sobrang kaba ang nararamdaman ko. Kilala kasi ang magkakaibigan na ito sa pangbu-bully at nambabastos rin lalo sa mga babae na nagugustuhan nilang ipahiya. Ayon sa naririnig ko sa ibang estudyante dito na nakaranas ng pang-bu-bully nila.  Kahit na hindi ko pa sila nakita mula noong nag-aral ako dito, may takot akong nararamdaman. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ng best friend ko. Nang makatapat na kami sa grupo nila. Napatingin silang lahat sa amin. Ayaw ko man tapunan sila ng tingin ngunit 'di ko maiwasan  mapasulyap. Nagtama ang mata namin ng isang lalaki na matangkad. Well, lahat naman sila matatangkad. Ngunit bukod tangi ang kanyang kaguwapuhan sa mga kasama niya. Para siyang may lahi. Kinabahan ako  nang tumayo ang isang matangkad na lalaki. Pinagpawisan ako ng butil-butil dahil sa sobrang kaba at takot. Binilisan pa namin ang paglalakad para makalagpas na kami. Ngunit na-corner niya kami ni Heidi. Humarang siya sa harapan namin. Napahinto kaming dalawa ni Heidi." Hello mga beautiful." Napatingala ako sa lalaking bumati sa amin." Excuse us po nagmamadali kami," sabi ko habang nakayuko. Humakbang na ako para makaalis. Napatingin ako sa bestfriend ko ng harangin naman siya ng isa pang lalaki na may singkit na mata. Matangkad at guwapo pero mas maangas ang dating. Para siyang may lahing intsik. Dahil singkit ang mata nito at sobrang puti. " Puwede ba paaranin niyo kami!" pagalit na sabi ni Heidi. Gusto kong bawalin siya dahil pinapatulan pa niya. Baka mas lalo kaming mapahamak. " Oh, the fierce woman, I love it!" tiningnan niya ang kaibigan ko. The way niya tingnan ang best friend ko parang may balak siyang masama. " Sorry po sa inasal ng best friend ko. Ako na po humihingi ng paumanhin." kahit ayaw ko man sabihin ang sorry pero kailangan. Yumukod ako. " Bakit ka nagso-sorry sa mga iyan! Wala naman tayong ginawang masama sa kanila. Sila nga itong nananakit. Huwag mo silang yukuan! Hindi sila diyos mga demonyo sila!" nakasimangot na himutok ng kaibigan. Gusto ko sanang panlakihan siya ng mata para umayon sa gusto ko. Pero natakot ako na baka mahalata nilang fake lang ang paghingi ko ng sorry. Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko. Kung makatitig naman ito para na akong lalamunin ng buo. My god. " What's your name honey?" tanong ng lalaki na nasa harapan ko. Nakatitig pa rin siya sa akin habang ang isang kamay hinihimas ang labi nito. " Ah...Ah a-ano I'm Penelope" hindi ko maiwasang mautal. Sobrang kaba ang nararamdaman ko. Napayuko ako. Natatakot ako baka may gawin silang hindi maganda sa amin. " Hmmm. Beautiful name it suits you, honey." Sabi niya na parang nang-aakit ang boses. Napaigtad ako ng itinaas niya ang baba ko gamit ang isang daliri niya. Napaangat ang tingin ko at napatitig sa mga mata niya. Namangha ako sa kulay ng kanyang mga mata. Napakatangos ng kanyang ilong. May mangilan-ngilan buhok sa kanyang panga at baba. Ang kanyang nakakaakit na labi parang ang sarap halikan. Ano ba pinag-iisip mo Pene sa lalaking ito. Kastigo ko sa sarili ko. "You're so beautiful," namumungay ang mata niyang nakatitig sa akin. Napaawang ang labi ko ng hindi ko namamalayan. Napaatras ako ng inilapit niya ang mukha sa akin. Hinawakan niya ang likod ng ulo ko upang ilapit ang ulo ko sa mukha niya. Nagulat ako ng dumampi ang labi niya sa labi ko. Naramdaman kong pilit niyang pinapasok ang dila sa bibig ko. Bigla ko siyang itinulak. Sa takot ko nagtatakbo ako ng hindi lumilingon."Oh my god!" ang tanging nasabi ko.  Copyright © 2021 by coalchamber13

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
597.6K
bc

A night with Mr. CEO

read
174.8K
bc

Contract - Tagalog

read
752.3K
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

Unwanted

read
508.3K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
90.8K
bc

Be Mine Again

read
98.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook