bc

Magkapatid (complete)

book_age18+
1.4K
FOLLOW
4.3K
READ
drama
like
intro-logo
Blurb

Complete

Tatlong mag kapatid ang pilit pinaghiwalay ng tadhana

Si Gab, ay ang nakakatandang kapatid.

Napilitan ipa ampon ang bunsong kapatid na si Camile sa isang doctor kapalit ng pag pagamot ng isang kapatid na si Leni.

Dinala si Camile ng umampon sa kanya sa canada para mailayo sa mga kapatid.

Makalipas ang ilang taon nag balik ng pinas si Camile bilang si Jacky.

Muli nag cross ang landas nilang mag kapatid sa pamagitan ng binatang si Paolo.

Gustong pakasalan ni Paolo si Leni, ngunit totol ang ina ng binata dahil ay isang mahirap lamang si Leni. Pinakasal si Paolo sa modeling si Jacky.

chap-preview
Free preview
Magkapatid Episode 1
" PAG dumaan ang aswang sa bintana natin, saang parte ng katawan ang gusto niyong kainin?” Nakangiting tanong ni Gab, sa dalawang kapatid na babae. habang naka higa silang tatlo magkapatid sa tapat nang nakabukas nilang bintana. Napangiti si Leni sa tanong ni Gab.Tinignan muna nito si Camile napagitnaan nila ni Gab“ Kuya, gusto ko sa parte ng paa.” Natatawang sagot ni Leni. “ Ano ba ‘yang pinag-uusapan niyo nakakatakot naman ‘yan.” Maktol na sagot ni Camile sabay tulakbong ng kumot sa ulo. “ Bakit? Ikaw ba ayaw mong kumain, Kahit gutom kana? “ Tanong ni Leni kay Camile Inilabas ni Camile ang ulo mula sa kumot.“ Kuya, nagugutom na talaga ako.” “ Itulog mo nalang muna ‘yang gutom mo Camile, pagtulog kana hindi muna maramdaman ang gutom.” tugon ni Gab sa bunso. “ Ipikit mo nalang ‘yang mata mo, para pagdaan ng aswang hindi ka namin ibibigay.” Pananakot ni Leni. Sa takot ni Camile sa sinabi ng ate Leni niya pilit nitong ipinikit ang mga mata hanggang sa tuluyan na itong nakatulog. Sinilip ni Leni ang mata ni Camile, upang siguraduhin kung tulog naba ito, naririnig niya ang mabibini nitong mga hilik. “ Kuya, kailangan may makuha tayo pagkain bukas. Hindi kuna kakayanin ang walang makain kuya. Gutom na talaga ako.” seryusong saad ni Leni sa nakatandang kapatid.Pinatong niya ang likod ng kanang palad sa noo. Napahugot ng malalim na hininga si Gab, “ Hayaan mo bukas hahanap ako ng paraan. Matulog kana rin para mawala iyang gutom mo.” Tugon ni Gab na tumagilid patalikod sa kanila. Katahimikan ang namayani sa kanilang magkakapatid. Nakakatandang kapatid si Gab sa murang edad nito ay naging matured ang pag-iisip nito. Kaya kay Gab hinahabilin ang dalawang mga kapatid na babae. Magkahiwalay ang kanilang mga magulang. Ang ina sumama sa ibang lalaki at ang ama naman sumama sa babae nito. Naiwan silang tatlo sa kanilang bahay. Kasunod ni Gab si Leni, siyam na taong gulang lamang si Leni, habang ang bunsong kapatid na si Camile nasa limang taong gulang pa lamang ito. “ KAILANGAN kong makadala ng pagkain namin.Mamaya mag-iiyak nanaman si Camile sa gutom.” Ani Gab sa sarili habang nagpalakadlakad sa gitna ng malawak na maisan na pagmamay-ari ng kanilang kapit bahay. Maaga siyang nagising upang mag hanap ng kanilang makain. “ Pa sensiya na po mang Berto, kung nangunguha ako ng mais na hindi nagpapaalam sa inyo, kailangan ko lang mapakain ang mga kapatid ko” sa kaloob looban niya habang pinipitas ang bunga ng mais. “ ATE Leni, gutom na talaga ako.” naiiyak na sabi ni Camile. Naka sunod itong naglakad sa ate Leni papunta sa kusina. Kinuha ni Leni ang baso at nilagyan niya iyon ng tubig “ Uminom ka nalang muna ng maraming tubig” inabot niya rito ang hawak niyang baso “ Para hindi ka makaramdam ng gutom mamaya darating din si Kuya may dala na ‘yong pagkain.” tinalikuran niya ang bunsong kapatid. Aabutin niya sana ang walis tingting ng dumating ang kanilang kuya. “ Tignan niyo oh! may dala akong madaming mais” Masayang bungad sa kanila ni Gab ng makapasok ito sa loob ng kanilang bahay. Nilapag nito ang dalang sako may laman mais sa ibabaw ng mesa." Leni dahil ako ang nagkuha nito, ikaw naman ang magluto.” Utos nito sa kanya. “ Sige kuya.” tugon niya at kaagad na nilabas ang mga mais mula sa sako. Matapos niyang makapagluto ay, tinawag na niya ang dalawang kapatid para pagsaluhan ang pagkain. Binilisan nilang magkapatid kumain para hindi sila mahuli sa kanilang klase. Mag-alas syete y medya na nang umaga. “ Kuya, saan sasama ngayon si Camile?” Tanong ni Leni ng nasa loob na sila ng Paaralan. Hindi pa nag-aaral si Camile, sinama nila ito sa paaralan dahil walang maiwan nito sa kanilang bahay. “ Sa akin nalang muna si Camile, Leni” ani Gab at hinawakan si Camile. Isinama na niya ito sa class room ni Gab. " Gabriel, dito muna ipa upo ang kapatid mo" anang guro ng makita nito si Camile naka upo sa hita ni Gab. " Du'n ka muna Camile ha?" ani Gab tinuro ang upuan tinuro ng guro kanina. Marahan naman tumango ang si Camile at naglakad papunta sa bakanteng upuan. Sa awa ng guro para rito kinuha nito ang coloring book na iwan ng anak nito at ibinigay kay Camile para may pagkaabalahan naman ito. " Salamat po ma'am" ani Camile Hinaplos ng guro ang ulo ni Camile kahit paano, magalang naman si Camile. At nakikita niya naman ang kabaitan ni Gab at ang pagka magalang nito. Kaya naturuan din nito ang bunso ng tamang asal. Sumapit ang hapon sabay naglalakad ang tatlong magkapatid pauwi ng bahay. “ Sana nandito si Inay, katulad ni Marlet may nanay.” malungkot na sambit ni Camile ng madaanan ang kalaro yakap-yakap ng ina nito. “ Hayaan muna Camile, andito naman kami ni Kuya. Hindi ka naman namin pababayaan, diba kuya?” baling ni Leni kay Gab na seryuso naglalakad pauwi. Saglit itong huminto sa paglakad“ Oo naman! Basta sama-sama tayo tatlo.”tugon nitong pilit pasiglahin ang boses. Matagal narin nangulila si Gab sa mga magulang. Hindi niya alam kung kailan sila nito babalikan pero hindi siya nagsasawa hintayin sino man sa dalawa ang darating. “ Pag yumaman ako, bibili ako ng sasakyan. Tapos isasakay ko kayong dalawa. Mag-ikot tayo sa boung.....mundo.” Seryuso sabi ni Gab sa kanila at hinawakan nito sa kamay si Camile “ Ako, kuya pag yumaman ako bibili ako ng bahay para, hindi na tayo nababasa sa ulan habang natutulog tayo.” Naka ngiting sabi ni Leni. Tinignan ni Gab ang bunsong kapatid“ Ikaw Camile, ano ang gusto mo pag yumaman ka?” “ Mag-aasawa ako.”tugon nito. “ Tangi! Bata ka pa, magtatrabaho ka muna bago asawa.” agad na saway ni Gab sa bunso. “ Bukas ano ang gusto niyong kakainin?” pag-ba ni Gab sa kanilang paksa. “ Ikaw na ang bahala kuya, kung ano makuha mo bukas.” Tugon ni Leni binuksan ang pintuan ng makarating sila sa kanilang bahay. Muli nilang pinagsaluhan tatlo ang natitirang mais kanina. “ BUTI busog tayo bago matulog siguro hindi na dadaan ang aswang dito.” ani Camile ng mahiga na sila. “ Hindi na ‘yon dadaan dito natatakot na'yon. Pipilayan siya ni Leni kapag dumaan iyon dito.” Na tatawa sabi ni Gab.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
285.8K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
388.7K
bc

The Hottest Billionaires 3: Kieran Balinger(The Bad Boy)

read
398.7K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.1K
bc

My Innocent Boyfriend(TAGALOG SPG18+)

read
381.6K
bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.0M
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook