bc

Sold for Desire ( Kanto Boys Series )

book_age18+
2.9K
FOLLOW
14.8K
READ
arrogant
boss
drama
comedy
sweet
bold
city
poor to rich
like
intro-logo
Blurb

Warning (SPG)

KANTO BOYS SERIES (COLLAB.)

Linard & Marla - story

Isa lamang si Linard sa hindi maswerteng nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Kaya ang pagiging kargador ang naging trabaho niya pansamantala para makaraos sa pang-araw-araw nilang gastusin ng kanyang pamilya.

Subalit sa kagustuhan niyang dagdagan ang kanyang kita ay pumunta siya sa isang sikat na bar na kung tawagin ay LiquidDoze Bar, para kitain ang dati niyang kaibigan at kaklase upang tanggapin ang alok nitong trabaho.

Ngunit biglang nagbago ang lahat buhat nang makita niya si Marla Alonzo- isang rich, spoiled brat, palaban at tinaguriang playgirl in town.

Malalabanan niya kaya ang tuksong dala nito? O, magpapaalipin na lamang sa bugso niyang nararamdaman na pilit niyang sinusupil ngunit lalo lamang lumalala sa tuwing nagpapakita ito ng motibo sa kanya.

chap-preview
Free preview
C1-Marla
"I'm full, Momiela," walang gana kong saad kay Momiela at binaba na ang mga kubyertos sa pinggan bago sumandal sa upuan. "What?" gulat niyang sambit at natigil sa kanyang pagsubo. "I'm really full, Momiela." Nakasimangot kong giit at humalukipkip na nakatingin sa kanya. I'm not in the mood to eat. Wala talaga akong ganang kumain tuwing breakfast. Juice lang ang iniinom ko. "Full? E, hindi ka nga tumikim ng pagkain, tapos busog ka na agad?" gulat na gulat niya pang dugtong. "You know me, Momiela, I don't eat breakfast," tugon ko at inabot ang phone para tingnan kung nag-chat na ba ang mga bitches kong friends. Lalo akong sumimangot nang mabasa kong puro problema sa kani-kanilang pamilya ang topic nila. Ni wala man lang chat kung may hangout ba kami mamaya. "Come on, apo. Eat. Kumain ka kahit konti lang, please, sweetie." Pamimilit na may kasamang paglalambing niya. Bored akong tumingin sa kanya at sa tingin ko, hindi niya ako tatantanan hangga't hindi ako kumakain ng pinahanda niyang almusal. "I'm really full, Momiela. I might spit if I'm forced to eat." Palusot ko pa. Ayoko lang talagang kumain dahil hindi naman ako gutom. Kakain ako kapag nagugutom ako. "Marla, sweetie, look at yourself, you are so thin. Baka isipin ng Daddy at Mommy mo na pinabayaan kita dito." Tumingin ako sa katawan ko. Hindi naman ako payat dahil natural lang para sa akin ang katawan kong ito. Slim at wala akong kataba-taba sa katawan dahil suki ako sa gym. "Of course not, Momiela. Wala lang talaga akong fats dahil lagi akong nasa gym with my friends," nakanguso kong tugon. "Hayaan mo sina Dad at Mom, 'La, dahil hindi naman talaga sila totally nag-alala sa akin. I know na nagkukunwari lang ang mga iyon," sagot ko at nag-excuse pa para tawagan ko na lang si Venus. I miss her na. Matagal-tagal na rin ang huli naming bonding. How is she na kaya? Natauhan na kaya siya sa walang kwenta niyang boyfriend? "Come on, sweetie! Eat. Kahit isang hotdog man lang!" Nag-init agad ang pisngi ko nang marinig ko iyon kay Momiela. Sa lahat ng pagkain na nasa table, hotdog pa talaga. My god! Naimagine ko tuloy ang hotdog ni Marvin, ang cute. Si Marvin ay ang alaga kong pusang lalaki. Kulay gray at persian ang lahi niya. "Sweetie?" "Yeah…" "Where's Marvin, anyway?" Napatigil ako sa pag-dial nang marinig ko ang tanong niya. Kunot noo akong lumingon sa kanya. "Wala po ba siya sa sala?" balik-tanong ko sa kanya pero napaisip din ako kung nasaan na rin si Marvin, dahil hindi ko pa siya nakita simula nang magising ako kanina. Magkatabi kasi kami matulog pero kanina ay wala. Hindi ko na siya namulatan. "What the hell, Venus? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" mahinang bulong ko at muling nag-dial sa number niya. "Marla, sweetie." muling tawag sa akin ni Momiela kaya nilingon ko siya. "Come on! Let's eat. Wala akong gana kapag hindi kumakain." Tumaas ang kilay ko nang marinig ko ang pagda-drama niya. Alam kong naglalambing lang siya sa akin. Kaya bigla akong nakonsensya dahil dadalawa na nga lang kami dito sa bahay, hindi pa sabay kumain. "Okay, fine. Pero ayoko ng hotdog, Momiela. Toasted bread na lang ang kainin ko," sa halip ay tugon ko na lang para matigil na siya. "Okay then, apo. You can have toasted bread," aniya at ngumiti ng matamis. Kahit maldita ako, hindi ko kayang gawin sa kanya ang ugali kong iyon, dahil siya lang ang tanging meron ako dito sa Pinas. Bukod kasi sa mga bitches kong friends, wala na akong ibang close. Kaya mahal na mahal ko siya dahil siya lang ang nag-aruga sa akin, imbes na sarili kong mga magulang. Nasa abroad na kasi nakatira ang mga magulang ko at bihira lang silang umuwi dito simula noong magtayo sila ng hotel doon. Masyado silang workaholic na para bang iyon na lang ang iniisip nila. Kaya hindi ko maiwasan na magtampo sa kanila dahil puro na lang sila business. Halos hindi ko pa sila nakakausap dahil laging nasa conference room sila sa tuwing tumatawag ako. Para silang walang anak dito na naghihintay kung kailan sila uuwi. Kaya simula noon, si Momiela na lang ang lagi kong sandalan sa lahat dahil hindi ko sila maramdaman bilang magulang. Yes, I can get what I want but, it is not enough. Gusto kong nandito sila sa tabi ko. Pero mas pinili nila ang negosyo kaysa sa akin. Kaya hindi nila ako masisisi na ignorahin ang mga pakiusap nila ngayon para doon ako tumira kasama nila. Mas gusto ko na lang dito, dahil dito ako masaya at ayokong iwan si Momiela. I'd rather choose Momiela over them. Kasi ramdam ko ang pagiging magulang niya kaysa sa kanila. "Just this one, Momiela, okay?" napipilitang saad ko bago kumagat ng toasted bread. Ngumiti siya ng matamis sa akin bago humigop ng kape. "Okay, sweetie, just that one." Ngit niya. "Gusto lang kitang makasabay dahil lagi kang wala dito. Where have you been these past few days? Parang busy'ng-busy ka yata?" usisa niya pa. Uminom muna ako ng juice bago tumingin sa kanya. "I'm with my friends, Momiela. Sinasamahan ko lang sila sa mga walang kwenta nilang problema," sagot ko bago nagpunas ng aking bibig. "Why?" Halos mag-isang linya ang kilay niya nang tuminginsa akin. "Family probs, Momiela," kibit-balikat kong tugon at muling uminom ng juice. "Oh! I hope they are okay." Ramdam ko ang pag-alala niya sa mga kaibigan ko. "I don't know how they can handle it," halos pabulong kong tugon. Nagkibit ulit ako ng balikat bago tumingin sa phone ko dahil nakita kong may message. Kaagad ko itong kinuha at binasa. It's Venus. I missed you, but I hate you, Venus! Bakit ngayon ka lang nag-reply sa mga text ko? "Who was that?" Gulat pa akong tumingin kay Momiela nang marinig ko ang tanong niya. "Who?" "The one who sent you a message." "Ah, it's Venus, Momiela," tugon ko at nagtipa ng reply sa kanya Me : Okay, let's meet, then. "Your other friend?" Muli akong tumingin kay Momiela. "U-huh..." "Hulaan ko, magkikita na naman kayo?" nakangiti niyang tanong. Ngumiti ako. "Can I, Momiela?" Guilty kong pakiusap sa kanya at pasimpleng nagpapa-cute. Kapag nandito kasi siya sa bahay, gusto niyang mag-bonding kami. Mag-date at mag-shopping. "Please, Momiela? I think, mabilis lang ito dahil bantay sarado siya ng mga bodyguards niya." Ngisi ko pang paliwanag sa kanya. "Okay, apo. You can go! Huwag mo akong intindihin dahil may pupuntahan din naman ako mamaya-maya lang." Nakangiting payag niya. "Thanks, Momiela! You're the best ever!" masayang wika ko at mabilis ko siyang nilapitan para bigyan ng pinakamasarap na halik galing sa akin. "Bolera..." naiiling niyang sambit. "Hindi po, Momiela, ah? Totoo po ang sinabi ko. Ikaw ang pinaka - the best sa akin." "Whatever, sweetie!" natatawa niyang saad bago ako senenyasan na umalis na sa kanyang harapan. "Bye, Momiela! Love you!" Paalam ko bago ako umakyat sa kwarto upang maligo at magbihis dahil finally, magkikita na kami ng kababata kong si Venus.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
66.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
84.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.5K
bc

His Obsession

read
70.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook