bc

ANNA MARGA RITA (Tagalog)

book_age0+
5.0K
FOLLOW
18.7K
READ
murder
killer
police
drama
tragedy
twisted
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

"Tama na Marga! Nakikiusap ako sa'yo, itigil mo na ang lahat ng ito!" umiiyak na pakiusap ni Anna.

"Itigil?! Isa kang ipokrita, Ate! Alam mo sa iyong sarili na ito ang gusto nating mangyari!" Galit na galit na sigaw ni Marga.

Si Rita naman ay nasa sulok lamang at walang patid sa pag-iyak habang ang dalawang palad ay nakatakip sa magkabilang tainga.

"Magbabayad silang lahat! Hindi ako makapapayag na sila ay masaya habang tayo ay patuloy na nagdurusa! Papatayin ko silang lahat! Papatayin ko silang lahaaaaat!" Muling sigaw ni Marga na sinabayan ng matinis na halakhak. Umaagos ang luha sa mga matang nanlilisik sa tindi ng poot at pagkasuklam.

Magkakapatid na magkakamukha, subalit magkakaiba ang ugali at paniniwala.

Ano ang pinag-ugatan ng labis na galit ni Marga?

Mapipigilan pa ba siya ng dalawang kapatid?

Saan hahantong ang lahat?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 - Bangungot
ISANG ITIM NA Nissan Vanette ang humaharurot sa kahabaan ng kalsada. Malakas ang tunog ng stereo niyon na sinasabayan pa ng malalakas na tawanan ng mga nasa loob. Malayo na sa mga kabahayan nang lumiko ang sasakyan sa isang pribadong daan at dire- diretsong nagtuloy sa hangganan ng malawak na bakuran. Lumang bodega ang nakatirik sa bahaging iyon ng lote. Makahulugang nagtinginan ang mga nakasakay. Ang pananabik at naglalarong kahayupan ay nasasalamin sa namumula at nandidilat na mga mata. Huminto ang van sa tapat. Hindi naman nagtagal at padarag na bumukas ang pinto niyon at dalawang lalaki ang bumaba. Luminga muna ang mga ito. Nang makitang walang ibang tao sa paligid ay pinagtulungan nang buksan ang nakapinid na pintuan ng bodega. Nang lumantad ang daraanan, nagbabaan na ang tatlo pang lalaking kasamang nanatili sa loob. Kasunod ang dalawa pa na humihila sa isang taong nakatalukbong ng kulay itim na animo sako. Mula ulo hanggang baywang ng katawan nito ang nasasakop ng supot kung kaya't ang mga bisig at braso ay hindi maigalaw sa kabila ng ginagawang pagpiglas. Halos kaladkarin na ito ng dalawang lalaking may tangan at sapilitang ipinasok sa loob. Nang makapasok, mabilis nang isinara ng isa sa pitong lalaki ang pinto matapos muling siguraduhing walang nakakita sa kanila. Madilim sa loob ng bodega. Hinanap ng lalaking may hawak ng may sinding lighter ang switch ng ilaw. Nang makita ay agad iyong diniinan. Mabilis namang kumalat ang manilaw-nilaw na liwanag mula sa bumbilyang napapalibot ng alikabok at sapot ng gagamba. Nagngisihan ang pito. Nagsindi pa ng sigarilyo ang ilan kung kaya ang usok ay sumama sa hangin at naglaro sa kakapiranggot na liwanag. "Tanggalin mo na ang takip niyan! Baka hindi na 'yan makahinga at mapurnada pa ang larong gagawin natin!" utos ng isa sa pito. Agad namang sumunod ng inutusan. Tinanggal ang parang sakong itim na nakatalukbong sa taong hawak pa rin ng dalawang kasama. Agad na nagsigawan ang lahat nang tumambad sa kanilang paningin ang magandang babae sapilitang dinukot at binihag. May sumisipol pa at pumapalakpak na animo isang magandang tanawin ang bumulaga sa harapan. Tinanggal ng isa sa kanila ang tali nito sa bibig. "Mga hayup! Bitawan niyo 'ko! Bitawan niyo 'ko!" Sigaw ni Anastacia habang nagpupumiglas at nagsisikap makawala. Naninipa, nangangagat at ipinanghahalihaw nito ang ulo. Naghahalakhakan naman ang limang kalalakihan habang pinanunuod ang dalawa nilang kasama na nakakapit at pumipigil sa nanlalabang dalaga. "Tangina! Babanatan ko na 'to, pare!" pikon na pikong sabi ng isa. Nakahawak ito sa kanang braso ng dalagang naninipa. "Sige pare, pero medyahan mo lang. Mas mag-e-enjoy tayo diyan kung may malay habang kinakana natin." Tumatawang sabi ng isang lalaking may sinusunog na kung ano sa makintab na papel at saka hinihitit. Hindi man lang ito nag-abalang lingunin ang kinakausap at ang buong atensiyon at konsentrasiyon ay nakatutok sa ginagawa. Agad namang sumunod ang kinausap. Isang suntok ang pinadapo sa sikmura ng dalaga! Natigil sa pagkasag si Anastacia. Napanganga at agad nanghina. Pakiwari niya'y nililipad ng hangin ang bumigat na katawan; halos panawan ng ulirat. Napaluhod siya sa magaspang at nanlilimahid na sahig, sapo ang nasaktan at namumukol na sikmura! Malakas ang naging hiyawan ng mga lalaki. Mababanaag sa mga itsura at masasalamin sa mga mata ang pagnanasang mapagpasasaan ang kagandahang nasa harapan. Mistulang mababangis na hayop na naghihintay ng pagkakataong masagpang ang nadagit at kasariwaan ay matikman. "M-maawa kayo sa'kin... p-pawalan niyo na 'ko. P-pangako... h-hindi ako magsusumbong sa mga pulis," pagmamakaawa niya. Lalong nagtawanan ang pitong lalaking tila kinikilig. Nagsasagutan sa pagsipol. Animo nanonood ng magandang palabas at sabay-sabay na nagbigay ng masigabong palakpakan. "Kanina ang taray-taray mo sa amin, tapos ngayon... O mga pare, pawalan na raw natin si Miss Ganda. Hindi naman daw magsusumbong sa mga pulis." Sabi ng lalaking nakatiklop din ang isang tuhod sa harapan ng dalagang nakauklo ang katawan. Naiangat agad ni Anastacia ang mukha at tumango nang tumango sa nagsasalita. Inilipat niya ang paningin sa iba pa nitong kasama at pinatotohanan ang sinabi sa pamamagitan ng sunod-sunod na pagtaas-baba ng ulo. Nakikiusap ang kanyang mga matang binabalungan ng luha. "Oo naman miss, pakakawalan ka namin," isinagot ng isa. Agad niyang nilinga ang nagsalita at gumuhit sa nangangatal na labi ang ngiting may pag-asa. Nabuhayan siya ng loob at kahit nanghihina pa ay nagpumilit makatayo. Nagpasalamat siya sa lalaking nakatingin sa kanya. Sapo pa rin ang sikmura, pulit-ulit siyang yumukod bilang pasasalamat sa mga lalaking kasama nito habang unti-unting humahakbang paurong. Patalikod na siya nang magsalita ang lalaking nakaupo sa gawing dulo. "Pakakawalan ka namin sa isang kundisyon..." Naigtad siya at ang gagawin sanang pagtalikod ay hindi naituloy. Lumikot ang mga mata. "Pakakawalan ka namin kapag... sinunod mo ang lahat ng ipagagawa namin sa'yo." Nakangisi nitong dugtong sa naunang sinabi pagkaraa'y tumawa nang malakas. Nagtawanan din ang mga kasama nito. Natigilan siya at ang namumuong laway sa lalamunan ay pinilit lunukin. Ang matinding kaba at takot ay nagpapabilis sa t***k ng kanyang puso at muling nagpahina sa nangangalog na tuhod. Alam na niya ang ibig nitong sabihin. Lumikot ang kanyang mga mata at iginala sa kinaroroonan. Naghanap siya ng malulusutan palabas. Kailangan niyang makatakas! Huninga siya nang malalim. Tinipon ang natitirang lakas at saka dali-daling tinakbo ang pintuan! Subalit ang pagtatangka niyang makalabas ay napigilan kaagad! "Oops! Saan ka pupunta, ha?" sabi ng lalaking humawak sa braso niya. "Bitiwan mo ako, hayup! Saklolo! Saklolo! Tulungan niyo 'ko! Saklolo!" Sandaling natigilan ang mga lalaki sa ginagawa niyang pagsigaw. Tumingin ang mga ito sa lalaking nakaupo sa 'di kalayuan. Naisip niyang ito ang lider ng anim na kasama. Nang sumenyas ito'y pinagsalikupan na siya ng iba pa. Isa sa mga ito ang mariing pumisil sa kanyang pisngi at may kung anong ipinapasok sa bibig niyang pilit ibinubuka. Nagpumiglas siya ngunit balewala. Halos masuka siya sa inilagay nitong busal at lalong nahirapang huminga. Nahihiklat ang kanyang mga braso. Ang sugpungan ng mga balikat ay napipilipit at pwersado. Hindi niya pansin ang naipit na litid sa leeg at batok. Nagpupumiglas pa rin siya kahit alam namang walang magagawa upang pigilan ang mga ito sa binabalak gawin. May busal man ang bibig ay nagsisigaw pa rin siya. Sino pa ba ang makakarinig? Kung kaninang may lumalabas na tinig ay walang dumating upang siya'y saklolohan. Ngayon pa bang mahinang pag-ungol na lamang at masakit na ang lalamunan? Ngunit hindi siya tumigil. Pumapasag pa rin at sinisikap itulak ng dila ang nakapasak sa bibig. Nakipaghilahan siya sa mga nakahawak. Subalit ang lakas niya ay kulang. Isa ang bumitaw sa kanya at nagmamadaling naglatag ng lawanit sa sahig. Umiiling niyang inilalalayo ang sarili. Walang patid ang luhang dumadaloy sa pisngi. Kinakalakad na siya ng mga ito patungo sa kapalarang ni sa panaginip ay hindi niya inakalang sasapitin. Sapilitan siyang inihiga sa sapin. Anuman ang gawin niya'y hindi makahulagpos sa mga kamay na nakakapit! Isa-isang natanggal ang suot niyang damit. Walang natira ni saplot na maliit. Ultimo pag-iling ay hindi na nagawa nang pati ulo niya'y hawakan ng isa. Ang mga braso niya'y waring ipinako at hindi magawang iangat. Ganoon din ang mga binti at hitang gusto mang pagdikitin ay naghiwalay pa rin. Lahat ng santo ay tinawag na niya. Hiningan ng tulong upang siya'y makawala. Subalit tulog yata lahat. May pasak ang tainga at hindi naririnig ang panawagan niya. Nagsimula na ang pagpapahirap ng mga ito sa kanya. Nanginginig ang katawan niyang sinasalaula. Pinarurusahan siya sa kasalanang hindi niya alam na nagawa. Napakasakit! Napakahapdi! Tila hinihimay ang kanyang laman. Waring pinupunit ng matalas na bagay. Wala na siyang alam gawin kundi ang manalanging sana ay magising na sa bangungot na sinasapit. Subalit napakahaba ng pagtulog niya. Hindi siya magising at patuloy na dinaranas ang walang kahulilip na pighati. Tama na! Tama na! Nais niyang sabihin, isigaw kung maaari. Sa loob ng buong magdamag, halinhinan siyang binaboy ng pitong lalaking dumukot sa kanya. Wala na siyang iluha. Wala na ang tinig kahit ungol lang. Nahiling niyang sana'y mamanhid na ng tuluyan ang kanyang katawan upang hindi na maramdaman ang hapdi ng kaselanan at lamog na katawan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Cheating Heart

read
37.8K
bc

Broken Angel

read
3.6K
bc

SILENCE

read
378.9K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
452.1K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
90.5K
bc

His Property

read
944.9K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
273.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook