bc

Sa Bisig ni Superman

book_age18+
6.0K
FOLLOW
36.7K
READ
billionaire
arrogant
kickass heroine
comedy
like
intro-logo
Blurb

Nanganganib na mawalan ng trabaho si Gwen kung hindi niya ma-iinterview ang pinakabatang bilyonaryo ng bansa na si Ylac Mondragon. Pero paano niya magagawa iyon kung ang binata na yata ang pinakamailap na tao sa buong mundo, plus the fact na masama pa ang ugali nito?

Para makuha ang interview ay gumawa siya ng napakalaking eksena para maagaw ang atensyon nito sa gitna ng karamihan. Nagpanggap siyang nabuntis ni Ylac kesahodang kulong man ang aabutin niya. dahil sa dinulot niyang kahihiyan dito. Blackmail na kung blackmail!

Ang ending ay nawalan rin ng saysay ang 'Desperada moves' niya.

'Di bale bawing-bawi naman siya dahil kahit sumisiklab man ang digmaan sa pagitan nila kapag nagku-krus ang landas nila ay feeling niya ay nafa-fall na ito sa kanya.

O baka feeling lang niya? Pumasok lang sa. eksena ang mala-diyosang ex nito ay na tsupi na siya!

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
“Sa wakas!” impit na tili ni Gwen. Kalalabas lang niya galing sa opisina ng kanyang editor. At hindi niya maiwasan mapasuntok sa hangin sa sobrang tuwa. May hatid na magandang balita ang umagang iyon para sa kanya. Paano ba naman kasi sa loob ng maraming taon ng matamlay niyang career ay sa wakas nabigyan siya ng magandang break. Kailangan lang niya mainterview ang kinababaliwan ngayon ng kababaehan, walang iba kundi si Ylac Mondragon. Apat na taon na siya sa kanyang trabaho pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umuusad ang kanyang career bilang writer ng isang sikat na magazine. Ang mga binibigay kasi na project sa kanya ay pucho-pucho lang na iyong tipong sino man ang magbabasa ay lalaktawan ang page niya. Gusto niyang mapromote para tumaas naman ang kanyang sweldo at ng lumaki naman ang pinapadala niya sa pamilya niya na nasa probinsya. Lalo na’t nasa koliheyo na ngayon ang kapatid niyang sumunod sa kanya. Ito na ang pagkakataon niya para sumikat sa propesyon. Paano siya nakakasiguro? Puwes! Si Ylac ang isa sa pinakasikat na bachelor ngayon. Imagine, na feature lang ito sa month issue ng kalabang magazine ay na sold out kaagad ang copy at marami pang humihiling na mag reprint dahil hindi pa naka-avail. Sumikat ang photographer na napapayag si Ylac magpapicture na nakasandal sa kotse nito. Paano pa kaya kapag napapayag ito magpa-interview? Wala pang nakakagawa no’n dahil si Ylac na yata pinakapribado at pinakamailap na tao sa buong mundo. At kung papalarin siya pa lang makakagawa no’n. “This is it! It’s your time to shine,Gwen!” aniya sa sarili. Pasipol-sipol pa habang naglalakad. Batid niyang pinagtitinginan siya ng mga katrabaho niya. Sigurado siyang alam na ng mga ito ang tungkol sa big break niya. Malapad siyang ngumiti. Matagal na kasi siyang inaalipusta sa opisinang iyon. Ginagawa siyang utusan. Taga timpla ng kape, taga photo copy at taga bili ng mga kakainin ng mga ito sa canteen. Hindi siya umaangal kahit pare-pareho lang naman silang empleyado doon. Tanggap na niyang underdog siya sa opisinang iyon. “Gwen, natanggap mo na ba ang masamang balita?” Salubong sa kanya ni Kath, kasamahan niya sa trabaho. "Anong masamang balita?" "Si Ylac Mondragon daw i-interview-in mo!" "Ano'ng masamang balita do'n?" Nagtaka siya. "Hindi mo alam? Sisante ka na raw kung hindi mo siya ma-interview." Napaawang ang labi ni Gwen sa gulat. Paano nga kung hindi niya magawa? Una niyang naisip ang pamilya na nasa probinsya na umaasa sa kanya. Bread winner siya ng kanilang pamilya. Tiyak magugutom ang mga ito kung sakaling mawalan siya ng trabaho. Paano na ang kapatid niyang pinapaaral pa niya? Parang matumtumba siya sa narinig pero pilit pa rin siyang ngumiti. "Don't worry about me, Kath. Makukuha ko ang interview.” “Don’t expect too much, Gwen. You know I don’t want you to get hurt." "Sige Kath, babalik na ako sa desk ko.” Tinapik niya ito sa balikat. “Sige ako rin.” Nang tumalikod na siya kay Kath ay doon lang lumaylay ang balikat niya. Parang gusto niyang maglupasay sa sahig at mag-iiyak. May pa big break pang nalalaman ang boss niya, iyon pala paraan lang nito para matanggal siya sa trabaho. Hindi siya superwoman na magagawa ang lahat. Sinisinok at napapasma din kaya siya. Paano na ‘to? Pabagsak siyang umupo sa swivel chair nang makarating na siya sa desk niya. Tulala siyang nakatitig sa monitor ng computer. Ilang sandali siya na nasa ganoong ayos bago gumalaw ang kamay niya papunta sa mouse ng computer. Susubukan na lang niya i-research sa Google si Ylac Mondragon baka sakaling may makuha siyang kapaki-pakinabang na impormasyon. She typed his name at the search bar. There you go! Lumabas ang napakaraming link. Halos mabuksan na niya ang lahat ng link at paulit-ulit lang ang lumalabas na facts tungkol sa binata. Alam na kaya ng buong pilipinas na nag-iisa itong anak ng mag-asawang Mondragon na kilalang mga business tycoon. Pumanaw ang ama nito noong nakaraan taon na tinurig na isang alamat sa larangan ng pagnenegosyo. Binansagan bilang pinakabatang bilyonaryo si Ylac Mondragon dahil bukod sa pinamumunuan na nito ang mga negosyo ng magulang ay naging maunlad rin ang sarili nitong kompanya. Hindi model o artista ang binata. Pinagpapantasyahan lang ng maraming kababaehan dahil bukod sa mayaman ay hindi rin matatawaran ang taglay na kagwapuhan. Gayun pa man ay kaliwa’t kanan ang alok dito na mag artista bagay na tinatanggihan nito. She clicked the result images. Hindi niya maiwasan kiligin. His physical appearance was almost near to perfection. Sa tantya niya ay higit anim na pulgada ang tangkad nito. Kay kisig na tila ba kung huhubarin ang damit nito ay malalantad ang katauhan ni Superman. Higit niyang nagustuhan ang misteryosong mata nito na kung tumitig ay nanunuot. His pointed nose was perfectly shaped. May labing madamot ngumiti ngunit nakakahalina. Alam niyang maraming humihiling na makita itong nakangiti. Tila kasi nakalimutan na nitong gawin iyon. May munting scar sa kilay si Ylac dahilan para magkaroon ng linya doon pero sa tingin niya ay nagpadagdag pa iyon sa appeal nito, which makes him very manly. Hindi niya namamalayan na lumalapit na pala partikular ang labi niya sa monitor ng computer. Kung hindi pa siya nauntog ay hindi siya matatauhan. Pinilig niya ang ulo. God! Larawan na nga lang pagnanasaan pa niya.. Tumingin siya sa paligid. Buti na lang talaga busy mga katrabaho niya kung hindi may witness na naman sa katangahan niya. Marahan siyang napabuntong-hininga habang pinaiikot ang swivel chair. Tulala na naman. Hindi niya akalain na minuto lang pala itatagal ng kaligayan niya. Kaakibat pala ng big break ay ang panganib na mawalan siya ng trabaho.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
402.6K
bc

Taz Ezra Westaria

read
106.6K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.0K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
426.6K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.1K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
476.8K
bc

My Secret Agent's Mate

read
113.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook