bc

Narito Ako

book_age16+
3.1K
FOLLOW
24.5K
READ
contract marriage
friends to lovers
pregnant
sensitive
drama
sweet
like
intro-logo
Blurb

“I owe you a wedding night…”

Hinagod nito ng tingin ang buong mukha niya. Kung ibabase niya sa paraan ng pagtingin ni Luke ang sinasabi nitong praktikalidad sa alok nitong kasal, parang mayroon pang ibang dahilan.

“Pero paano ang sarili mong buhay? Kung pakakasalan mo ako, magiging malaking responsibilidad mo ako, Luke. Hindi mo na magagawa ang dati mong ginagawa mo.”

Payak itong ngumiti. “Huwag kang mag-alala. This is my life. Ako ang bahala sa sarili ko.”

“Pero hindi ba, kung magpapakasal ako sa iyo, hindi lang ikaw ang magkakaroon ng karapatan sa akin? Anong klase bang alok ito, a marriage in name only?”

“Gaano ba kalinaw ang gusto mo, black and white? Listen, hindi rin naman ito biro sa akin. I don’t want this marriage to be in name only pero alam ko namang mayroong limitasyong ang kasal na ito sa pagitan nating dalawa.”

“So, this would be far from ideal marriage,” she said softly.

“I don’t know what is an ideal marriage either,” wika nito. “Saka, we’re going to make the marriage work, di ba? I believe love would come eventually.”

“Pipilitin ba nating ibigin ang isa’t isa?”

His gaze held at her. “I’m going to be honest, Ethel. I’m beginning to fall in love with you.”

chap-preview
Free preview
Part 1 - Prologue
“KAILAN tayo magpapakasal?” lakas-loob na tanong ni Ethel kay Jaime. Kahapon pa niya pina-practice sa isip ang pangungusap na iyon. At ngayong nakaharap niya si Jaime, maraming sandali pa ang lumipas bago niya nagawang sabihin ang tanong na iyon.             Wala namang naging eksaheradong reaksyon si Jaime. Mula sa pagkaing pinagsasaluhan nila ay iniangat nito ang mukha sa kanya.  At ilang sandali din siyang tinitigan bago tila naaaliw na umiling.             “Nabaligtad na yata ang mundo?” kaswal na sabi nito. “Hindi ba’t sa bibig ko dapat nagmumula iyan?”             Napahinga siya. Pakiramdam niya ay umabot hanggang batok niya ang pag-iinit ng magkabilang tainga.             “Nagtatanong lang naman ako,” mahinang sabi niya. May gusto pa sana siyang sabihin pero naumid na lang siya.             Malambing siyang kinabig ni Jaime at hinalikan sa pisngi. “Nagtatampo ka naman agad,” nanunudyong sabi nito. “Ethel, pakakasalan kita, okay? Pero hindi pa ngayon. Graduating ka pa lang. Ayoko namang masabi ng tiyahin mong na nag-aapura kang mag-asawa.” Hinaplos nito ang pisngi niya. “Ganito na lang, okay? Basta pagka-graduate mo, kahit na kinabukasan din magpakasal tayo, walang problema sa akin.”             “Sa April pa iyon,” piyok niya.             Tumawa ito nang marahan. “Malapit na iyon, babe. Nagsisimula na ang semester. Bukas-makalawa lang pasko na. Mabilis lang ang mga araw. Hindi ka maiinip, graduate ka na.”             “Pero hindi ba mayroon namang secret marriage?”             “Secret marriage?” amused na ulit nito. “Walang ganoon. secret lang kung ayaw mong malaman muna ng tiyahin mo. Saka ayaw kong ganoon ang gawin sa iyo. Gusto ko pag nagpakasal tayo, kumbidado ang mga kamag-anak natin at kaibigan. Espesyal na okasyon iyon, Ethel. Paghahandaan natin ang araw na iyon.” Bahagya nitong pinisil ang pisngi niya. “Lumalamig itong pagkain natin.”             Parang goma ang nginunguya niya. Napilitan lang siyang kainin ang nakahain sapagkat gusto niyang pagbigyan si Jaime. Nasa de-klase silang restaurant. At bagama’t nasanay siyang sa ganoong lugar siya dinadala ni Jaime ay hindi siya mapakali sa partikular na araw na iyon. Nasa isip pa niya ang ibang sasabihin sa kasintahan pero nawalan na siya ng lakas ng loob na gawin iyon.             “Siyangapala, babe. Inaaya ako ni Papa na sa sailing adventure ng mga kaibigan niya.” “Sasama ka?” Sa tanong niyang iyon ay mahihimigan ang pag-aalala at pagtutol sa tinig niya.             “Well, noong una ay ayaw ko. Three to four weeks kasi ang itatagal niyon. From Batangas, pupunta sila sa Romblon at tutuloy sa Visayas. Mami-miss kita siyempre. Pero ipinangako naman ng papa na bago mag-Pasko ay nakabalik na kami uli dito sa Maynila. Siyempre, lahat naman sila ay gustong makasama ang pamilya sa okasyong iyon.”             “Kailangan bang kasama ka roon?”             “Si Papa ang nagpilit na kailangan ako roon. Hindi lang kasi iyon adventure trip. Kasama na rin doon ang business. Kung makakasama ko ang mga kaibigan niyang negosyante, natural na mailalapit ako nang husto ni Papa sa kanila. Sa negosyo, hindi puwede iyong basta magaling ka. Malaki ang kinalaman ng impluwensya at koneksyon. Kabisado mo naman kami ng papa. Para kaming aso’t pusa. Pinagkagalitan pa nga namin ang lakad na iyon. Pero bandang huli, nagpapilit na rin ako. Tutal, para sa future din natin ito.” He smiled at her.             Pero hindi niya nagawang gantihan ang ngiting iyon. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon na lang ang kabang dumagan sa dibdib niya.             “Promise, Ethel,” anitong inabot ang kamay niya sa bahagyang pinisil. “Magpapakasal tayo. For the meantime, bunuin mo muna ang last sem mo habang pinag-aaralan ko naman kung paano patakbuhin ang negosyo ni Papa. Itong adventure trip na ito, hindi ito basta lakwatsa lang.”             “Kelan ang alis ninyo?”             “Bukas ng gabi. Baka ito na ang huling pagkikita natin.”             Pinanlakihan siya ng mga mata. “Huwag mong sabihin iyan.”             Tumawa lang ito. “Ayan na naman ang pagiging mapamahiin mo. Wala akong masamang kahulugan sa sinabi ko. Siyempre, magiging busy na kami bukas ng maghapon sa paghahanda. Hindi na kita masusunod paglabas mo sa klase.” Malungkot na tumango siya. “Mag-iingat ka.”             “Ikaw rin.” At hinaplos nito ang mukha niya. “I love you, Ethel.”             “Same here, Jaime.”             “Bakit parang nanggaling sa ilong?” tudyo nito. “Come on, Ethel. Ngumiti ka naman. Para namang namatayan ka sa itsura mo, eh. I-save mo ang ekspresyong iyan sa burol ko.”             “Jaime!” naiiyak na sabi niya. “Sabi ko naman sa iyong huwag kang nagsasalita ng ganyan, eh.”             Tumawa na naman ito. “Ang mahal ko, ang dali talagang mapikon. Sige na, ngitian mo naman ako.  Iyong ngiti mo ang gusto kong baunin sa pag-alis ko.”             Tumalima siya pero nasa mga mata ang pagbabanta ng luha. Hindi niya maunawaan ang pakiramdam. Hindi niya alam kung kaya siya nagkakaganoon ay dahil mayroong importanteng bagay na malaman si Jaime na hindi niya magawang sabihin.             At mas gusto niyang isipin na iyon ang tanging dahilan. Dahil iba ang kabog ng dibdib niya. It was frightening pero hindi niya matukoy kung bakit at para saan.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K
bc

NINONG III

read
362.5K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

Unexpected Romance

read
38.1K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
498.9K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook