bc

My Fairytale

book_age18+
91
FOLLOW
1K
READ
spy/agent
independent
gxg
humorous
realistic earth
betrayal
secrets
friends
selfish
civilian
like
intro-logo
Blurb

Masaya na sina Ecka at Belle na namumuhay kasama ang dalawa nilang anak. Isang mabigat na desisyon ang kailangang gawin ni Belle para sa ikabubuti ng kanilang pamilya. Paano maapektuhan nito ang pagsasama nilang dalawa? Totoo kayang hindi kumukupas ang pag-ibig sa paglipas ng panahon?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1 - Nakakabinging katahimikan
Malamig ang simoy ng hangin. Ilang araw na lang ay pasko na. Abalang nagluluto si Ecka ng kanilang hapunan. Natatawa siya sa kanyang isipan dahil gabi pero pang-almusal ang kanyang niluluto. Isa sa mga paborito ni Belle, sinangag na maraming halong bawang. Narinig na niya ang pagbukas ng gate. Atubili siyang lumabas. Dumating na ang kanina pa niya hinihintay. Agad niya itong tinulungan sa mga gamit niya, isang leather bag na ginagamit niya sa pag-oopisina at laptop bag. “Kumusta sina Mama? Ang mga bata? Kumusta sila?” “Okay lang.” Pumasok na sila ng bahay. Nilapag niya ang mga kagamitan ni Belle sa sofa. “Malapit na akong matapos magluto. Gutom ka na ba?” “Busog pa naman.” Sagot niya habang nagtatanggal ng sapatos. Nagtataka si Ecka sa malamig na pakikitungo sa kanya ni Belle. Ipinagsawalang bahala na lamang niya ito. Iniisip niyang gawa ng pagod kaya siya nagkakaganito. Dumulog na sila sa hapag kainan. Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. “Ayaw mo ng niluto ko? Bibili na lang ako sa fastfood. Gusto mong pasta?” Alok ni Ecka nang napansin niyang halos hindi ginagalaw ni Belle ang pagkain nito. “Ha? Okay lang. May naisip lang ako.” “May problema sa kompanya?” Umiling siya. “Naalala mob a n`ong bumalik ako sa Mhei Zhou? Tapos kailangan nating tumira sa iisang boarding house?” Ecka tried to change the topic. “Angsungit mo n`on, Mahal.” Matamlay na ngiti ang sumilay sa kanyang kausap. Naapektuhan na rin siya sa inaasta nito. Itinatago lamang niya sa kanyang sarili ang bawat pagtatampong kanyang nararamdaman sa tuwing nagkakaganito si Belle. Wala ne isa sa kanyang mga kaibigan ang nakakaalam ng tunay nilang pinagdaraanan. “Angtagal na n`on `no? Hindi ko rin alam bakit nagkaganito tayo.” Pilit itong tumawa. Uminom siya ng tubig upang maikubli ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata. “Ecka, hindi ko na rin alam.” That’s the last thing na gustong marining ni Ecka mula sa kanya. The sigh of frustrations is deafening. “Hindi na ba natin `to maayos, Ysabelle?” Garalgal ang kanyang boses. For how many years, ngayon lamang niya ulit tinawag ang kaharap sa pangalan nito. “Okay naman tayo `di ba? Nakakapag-provide naman ako para sa inyo. I’ve been faithful to you. Saan ako nagkulang? Please, sabihin mo para mapunuan ko.” Paulit-ulit na umiling si Belle. “Ayoko na. Alam nating pareho na hindi na tayo okay.” Ayaw niyang sumbatan ang babaeng minamahal niya. Kaya nanahimik na lang siya. Maraming beses man silang mag-away ay hindi niya ito kinakagalitan. Pinilit niyang kumain kahit halos hindi na niya malunok ang kakaunting kanin na kanyang sinubo. “Ecka naman! Mananahimik ka na lang ba lagi? Ang sabi ko ayoko na. Hindi mo ba ako narinig?” Isang buntonghininga ang pinakawalan ni Echa saka bumaling kay Belle. “Malinaw. Sige. Once and for all. Tapusin na natin ngayon. You can stay here. Ako na lang ang aalis.” Tumayo na siya saka pumasok sa kanilang kwarto. She’s a fool to hope that Belle will follow her. Nakapag-empake na siya ng lang damit at lahat ay wala pa ring Belle na pumasok sa kwarto. “Angtanga mo!” Kinuha niya ang susi ng kanyang motor sa drawer. Hindi na ito nagpaalam na lumabas ng bahay. Pinaharurot niya ang motor. Nanlalabo ang mga mata dahil sa mga luhang nag-uunahang bumagsak. Lahat ng murang kayang niyang isigaw niya isinigaw na niya. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa pagkasira ng kanilang relasyon gayong lahat naman ng pagiging mabuting asawa at magulang ay ginawa niya. Wala siyang ibang pupuntahan. Malalim na ang gabi. Ayaw niyang istorbohin ang kanyang mga kaibigan. Nanginginig ang kanyang kamay. Magulo ang kanyang isipan. Naisipan niyang ibangga na lang ang motor subalit sumagi rin ang imahe ng kanilang mga anak. Nahimasmasan siya at pinabagal ang pagmamaneho. Nagpark siya sa tapat ng isang convenient store. “Merry Christmas po, Ma`am.” Inulit niya ang sinambit ng security guard sa kanyang isip. Hindi na niya ito pinansin. Paskong-pasko pero bagsak na bagsak ang kanyang pakiramdam. Tatlong beer ang binili nito. “Pwede bang dito na lang uminom?” tinuro niya ang mesa sa gilid ng store. “I’ll just finish this three.” “Sure po Ma`am.” Nilinisan ng guard ang mesa. “SMP rin kayo, Ma`am?” Alam ni Ecka na Samahan ng Malalamig ang Pasko ang ibig pakahulugan ng may katandanan ng guwardiyan kaya tumango na lang siya. “Oo e. Kaya dito na lang.” Nakuha pa talaga niyang dagdagan ng tatlo pa ang kanyang iniinom. Ang ginawa lang niya ay paulit-ulit na i-browse ang mga picture ng kanyang pamilya sa cellphone. Mugto na ang mata nito sa pag-iyak. Binati niya ang kanyang sarili saka muling tinungga ang laman ng pang-anim na bote. Natawa pa siya nang wala na siyang malasahang alak. “Tangina. Napakatabang.” Dumukdok siya sa mesa. Hilong-hilo na ito at nagpipigil lang sumuka. Lasing man siya ay malinaw sa kanya ang pagbabalik-tanaw ng mga pinagdaanan nila ni Belle. Kung paano siya nito pinikot at kung paano niya niligawan. Dumausdos na naman ang mga luha niya. Nagri-ring ang kanyang cellphone pero hindi na niya alam kung saan ito hahagilapin. Naririnig lamang niya subalit nabablangko na ang paligid. “Ma`am, may tawag po kayo. Ma`am.” Rinig niya ang boses ng guwardiyan. Naramdaman na lang niyang nakadikit na sa tainga niya ang telepono. “Where are you?” Nadismaya siya dahil hindi si Belle ang nasa kabilang linya. Ito ay ang kanyang pinsan na si Lou, ang tumatayong guardian niya simula pagkabata. “Uhm, Ate. Kagigising ko lang. Bakit?” “Damn it, Ecka! Nasaan ka?! Tumawag si Belle. Umalis ka raw. What in the world are you thinking? Anong oras na oh.” “Ate…” Hikbi na lang ang naging tugon nito until she passed out.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
360.7K
bc

NINONG II

read
616.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
117.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
11.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook