bc

TFS Book II: We Belong Together

book_age18+
3.5K
FOLLOW
16.2K
READ
billionaire
possessive
second chance
dominant
brave
drama
bxg
city
love at the first sight
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

WARNING: MATURE CONTENT | R18❗❗

Nathaniel Fernandez second son of the Fernandez family. He is the owner of one of the largest companies in the city. He is rich and handsome and one of the dream guys for some women, but Nathaniel is an aloof man. He doesn't like those women who literarily give motives.

Until he met Khrystelle Valdez. She is twenty-five years old. He really likes her not because she is beautiful and intelligent, but because Khrystelle is an ideal girl for him. She is totally different from those girls he knows. And after knowing for almost one month, they fell in love with each other.

We belong together, they swear to each other... and they will not separate no matter what. But many obstacles happened, and that promise ended in a bitter separation, which left those hearts full of anger and resentment toward one another. Now that they meet again, there is still anger and feelings, but there is still love and a secret longing to fulfill their promise to each other.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
DAMN that woman! Hah! Akala niya ata madedenggoy niya ako! No way! Ngayon pa lang ay puputulin ko na ang anumang relasyon namin. Afterall, hindi naman talaga ako ganoon kaseryoso sa kaniya! Pagkuwa'y diretso niyang tinungga ang lamang alak ng kaniyang baso. At nang magtaas siya nang paningin para muling mag-order sa bartender na nasa bar, napasulyap siya sa bumukas na pinto sa main-entrance. . . Wow! Ang ganda naman ng babaeng iyon! Tila may kung anong kumislot sa kaniyang puso. Nagsimulang humakbang papasok ang magandang babae na umagaw sa kaniyang attention, lumingap sa paligid na parang may hinahanap, habang nakasunod naman ang tingin niya rito, lihim siyang nagtataka kung bakit parang galit na galit at. . .gigil ang bukas ng mukha nito. **** "Warren!" maya-maya ay galit nitong wika nang mahagip ng tingin ang hinahanap. "K–Khryztelle!" tila nataranta at napatayo ang lalaking nakaupo sa pandalawahang mesa kasalo ang isang maganda at sexy na babae na napaka-revealing ng suot na damit. "Sabi ko na nga ba, eh! Sabi ko na! Hindi business ang dinayo mo rito sa Baguio, kundi monkey business!" saka walang babalang umigkas ang kamay nito pasampal sa mukha ng guwapong lalaki na biglang namutla. "Ouch!" nabiling ang mukha nito. "Hey!" gigil namang napatayo na rin ang babaeng kasalo nito sabay tulak sa balikat ng babaeng nanampal, "how dare you to slap my boyfriend!" "Boyfriend? Hah! At sinong may sabi sa iyong boyfriend mo siya? Ako ang girlfriend niya at fiancée, alam mo ba iyon, ha?" mataray din na wika ng bagong dating sabay tulak din sa balikat nito. "A–ano?" tila naman nalito ang babaeng dinatnan. "And for your information, naka-set-up na ang kasal namin by next month!" "Oh God!" gimbal na napatutop sa bibig ang babae sabay hagis nang matalim na tingin sa natigagal na lalaki. "Warren, is that true? Fiancee mo ang babaeng ito?" "Ah, ano k–kasi ay—“ "How dare you!?" ito naman ang gigil na sumampal sa lalaki. "Manloloko ka! At ikakasal ka na pala! Bakit mo nagawa sa akin ito?" "Zabrina, Please let me explain, please listen to me!" wika ng lalaking sinampal. "At anong ipapaliwanag mo, ha? Pinaniwala mo akong wala ka pang sabit, na ako lang—“ "Teka-teka, anong ibig sabihin, nito, ha? Warren? Mag-e-explaine ka sa kaniya? And how about me? Wala kang balak magpaliwanag sa akin, ganoon ba?" "K–Khrystelle, saka na lang tayo mag-usap, ha? P–please leave us alone! Huwag kang mag-eskandalo rito! Huwag kang gumawa ng eksena!" paasik nitong bulyaw. "A–ano?" bahagyang napaurong ang dalaga. "How dare you, ako ang fiancee mo, ako pa ang maghihintay ng paliwanag mo?" "Kasi naman–“ "You can go to hell for all I care!" isa pa uling malakas na sampal ang iniwan nito sa lalaki sabay talikod. "Aba't —“ "Zabrina" , hayaan mo na siya!" maagap namang napigil ni Warren ang kasama. "Pero—“ "Let's talk, ha? Magpapaliwanag ako! Hayaan mo na siya! Ikaw ang mas mahalaga." "Damn you, Warren!" naulinigan iyon ng babaeng palabas na ng bar kaya muli itong lumingon. "Mamatay ka rin, manloloko!" saka tuluyan nang lumabas ng pinto. Habang naiwang nakatigagal ang mga tao sa bar dahil sa nasaksihang eksena, particular si Nathan na parang nakapanood lang ng eksena sa pelikula. Totoo ba iyon? At ang makapal ang mukhang lalaki na iyan, mas pinili pang magpaliwanag sa kasama nito kesa sa habulin ang fiancée niya? Pagkuwa'y hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit bigla siyang nag-alala para sa babaeng kaaalis lang. She's too upset, baka kung ano ang maisipan niyang gawin! Noon din ay binayaran niya ang nainom at agad na lumabas ng bar, sumalubong sa kaniya ang malamig na klima ng Baguio na mas lalo pang pinatindi ang lamig dahil sa mababang ulap na nakakalat sa paligid dahil mag-a-alas dose na ng hatinggabi. Hinapit niya sa katawan ang suot na jacket at naghagilap nang tingin. Hayun sya, ang bilis maglakad, parang walang nakikita! Muntik-muntik nang mabangga sa mga kasalubong! Napabilis ang hakbang niya patungo sa direksyong tinutugpa ng babaeng nagngangalang Khrystelle. . . Bahagya namang bumagal ang paghakbang nito dahil pataas ang kalsada at matarik kaya kahit na paano ay naabutan ito ni Nathan. . . Ilang hakbang na lang ang layo ni Nathan sa babae na ngayon ay yakap-yakap ang sarili dahil sa sobrang lamig pero hindi naman siya magkaroon ng lakas ng loob na habulin ito o ipamalay dito ang kanyang presensiya. Hanggang mapahinto ito sa paglalakad at tila wala sa sariling naupo sa isang nadaanang bench... Huminto na rin sa paglalakad si Nathan at bahagyang kumubli sa naghilerang mga tindahan, hindi siya sigurado kung ano ang tamang approach para madamayan niya ang dalaga. . . Nanatili lang siyang nakamasid dito, paminsan-minsan ay napapakubli sa ibang taong nagdaraan kapag nagagawi ang tingin nito sa gawi niya. Maya-maya ay tumayo ang babae matapos pahirin ang ilang patak na luhang bumasa sa pisngi nito, saka nagpatuloy sa paghakbang. Saan kaya siya pupunta? Hindi naman siguro magpapakamatay, ano? Nanatili siyang nakasunod sa babae pero biglang kumunot ang kanyang noo ng pumasok ito sa isang disco-bar na nadaanan nito. **** "Waiter, isang baso ng scotch nga please, make it double." "Yes, Ma'am," at agad na itong tumalima. Habang inaantay ang order na alak nangalumbaba siya habang hindi alintana ang dumadagungdong na tugtog ng musikang pumapailanlang sa kabuuan ng lugar, o kahit ang patay-sinding ilaw ng mobile light at ng masiglang sigawan ng mga kabataang humahataw nang sayaw sa dance floor.. Hayup ka Warren, bakit ba kasi ako naniwala sa mga boladas mo? Bakit ba kasi hindi ako nakinig sa babala ng mga kaibigan kong nakakakilala sa iyo? Damn you! Damn you! "Ma'am, here's your order." Inilapag na ng bartender ang basong may lamang scotch. "Thank you!" agad niyang dinampot iyon at diretsong tinungga. "s**t!" nabigla yata sa mainit na likidong gumuhit sa kaniyang lalamunan patungo sa sikmura, nasamid siya. 's**t! s**t! Hindi nga pala ako marunong uminom.' napapamura sa sariling kumuha ng panyo at pinunasan ang natapong alak sa kanyang damit. 'Pero dahil sa taksil na lalaking iyon heto ako ngayon natutong uminom! God! Ano ba itong nangyari sa buhay ko? I don't deserve this kind of pain.' Muli niyang kinuha ang basong may lamang alak at tinungga ulit tiniis ang pait at init na gumuguhit sa kanyang lalamunan hangang sa maubos ang laman ng baso. "Hah!" sabay lapag sa baso. "Waiter, isa pa!" muling nag order sa waiter. "Yes, Ma'am!" bahagyang kumunot ang noo nito pero ibinigay ang order niya. "Thanks." Muli niyang dinampot ang basong may lamang alak saka diretsong tinungga. "s**t!" pagkuwa'y inilapag uli. "Waiter, isa pa!" Natigilan ang bartender. "Ma'am, baka po kayo malasing," hindi napigilang wika. "At anong akala mo sa akin, madaling malasing?" asik ni Khrystelle rito. "Bigyan mo pa ako ng scotch, make it double!" "Pero—“ "Hayan ang bayad ko, baka akala mo'y hindi ako magbabayad kapag lasing na ako at—“ "Ah, bigyan mo na siya, ako ng bahalang magbayad." Saka ibinalik sa kaniya ng isang kamay and dalawang libong pisong ibinabayad niya sa waiter. "Anong—“ napatingala si Khrystelle sa lalaking may-ari ng kamay na iyon. She saw that handsome and gorgeously man, bahagyang pormal ang mukha pero tila may sinusupil na ngiti sa gilid ng mga labi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Married By Mistake

read
170.7K
bc

My Ex, My Boss, My Husband R-18

read
556.4K
bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
258.6K
bc

Unexpected Romance

read
38.2K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.2K
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
81.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook