bc

AFTER ALL: (Tagalog Novel)

book_age18+
2.7K
FOLLOW
19.0K
READ
drama
tragedy
female lead
poor to rich
like
intro-logo
Blurb

Kailan nga ba dapat ipaglaban ang pag-ibig?

_____

Trahedya ang dahilan kung bakit siya nawalan ng alaala. Ngunit trahedya rin ang naglagay sa kanya sa mas magandang buhay.

Isang mabait at masunuring Anak si Angela, ngunit maraming lihim ang nagkukubli sa kanyang pagkatao.

Pagkabigo at galit naman ang nagtulak kay Joaquin upang umalis ng Bansa at takasan ang isang responsibilidad.

Tapat siya at malalim kung magmahal ngunit madaling masaktan.

Handa rin niyang gawin ang lahat para sa babaing kanyang iniibig.

Ngunit hanggang kailan nga ba makapagtitiis ang pusong nagmamahal?

Kung tadhana ang dahilan upang maabot nila ang isa't-isa. Tadhana rin kaya ang gagawa ng paraan para sila ay lumigaya?

Ngunit paano nga ba nila magagawang pagtagumpayan ang pag-ibig na sa simula pa lang marami ng balakid at hadlang?

*****

GOD BLESS PO SA ATING LAHAT.

THANK YOU! ❤️

MG GEMINI (02-21-21)

@LadyGem25

chap-preview
Free preview
INTRODUCTION
PROLOGUE: "Deretso lang huwag kang hihinto, Bilisan mo!" Pasigaw na sabi ng isang lalaki sa driver ng van, na kanilang sinasakyan. Tila ito ang tumatayong lider ng grupo. Dahil kanina pa ito ang nagmamando sa lahat. Kung titingnan isa lang itong simpleng lalaki, may manipis na bigote at balbas na akala mo hindi makagagawa ng masama. Hindi talaga nakikita sa itsura lang ang tunay na pagkatao. Halos manginig sila sa takot! Pilit ring nagsusumiksik sa loob ng sasakyan. Tatlo silang babae na kinuha ng limang kalalakihan, pagkatapos ihold-up ang Bus kanina. Ginawa silang hostage upang proteksyunan ang mga sarili. Mula sa Bus na sinakyan nila kanina, hanggang sa sapilitan silang isakay sa sasakyan. "Iliko mo sa kanan." Muling utos ng pinaka-lider nila. "Malayo na tayo Boss tiyak na hindi na nila tayo mahahabol." Sabi naman ng lalaki sa tabi ng driver. "Basta deretso lang.." Saad lang ulit ng leader ng goons, nakaupo ito sa likod ng driver. "Boss paano sila? Basta lang ba natin sila pakakawalan?" Sabi ng lalaki sa tabi ni Amanda, halos nakayakap na rin ito sa kanya. I can't see his face broadly. But I saw a snake tattoo on his right arm. "Ano pa ba ang dapat natin gawin? Nakita na nila tayo kaya hindi na, natin sila pwedeng basta pakawalan." Sabi ulit ng kanilang boss. "Huwag po! Hindi po kami magsusumbong pakawalan n'yo na po kami!" Umiiyak na pagmamakaawa ng isa sa babaeng kasama niya. Habang ang isa naman ay napalakas ng pag-iyak! Habang siya ay tahimik lang na umiiyak. I was afraid by that time. And I don't know what to do? But like what they said "habang may buhay may pag-asa." Now I realized the true meaning of this, while I tried to think how to escape all here? "Sayang naman sila Boss, ang gaganda pa naman lalo na itong nasa tabi ko. Ang bango at ang puti pa." Said a man with snake tattoo. Then he pull me and tried to kiss my hair,down to my cheek and then my neck. She was shocked and disgust by that time! But she know she can't do anything to protest by now. Sa isip niya.. Mukhang puno ng pagnanasa ang gagong ito sa kanya. Hindi ito maaari! "Gustong mo bang maging asawa na lang kita? Para ma-save ko ang buhay mo." Bulong pa nito sa kanya na abot tainga ang ngisi. "Ulol! Anong asawa, dalawa na ang asawa mo gusto mo pang dagdagan? Sa akin ka na lang Miss binata pa ako." Sabi naman ng lalaki na kahilera nila sa gawing kanang upuan. "Gago! Aagawan mo pa ako ng maganda ha!" Muling tugon ng lalaki sa tabi niya. "Mga p....ng ina n'yo! Tigilan ninyo munang libog n'yo, mga gago kayo!" Sigaw ng pinaka-leader ng marinig nito ang pagtatalo ng dalawang lalaki. "Boss, malapit na tayo sa kakahuyan wala ng bahayan dito ang kabila nito pa Batangas na!" Sabi ulit ng driver. "Sige p'wede na tayong huminto na muna dito, para matapos na ito at para makalayo na rin tayo." Saad ulit ng Boss. Dahilan upang muling magprotesta ang kanyang isip.. Hindi!! Dito na ba kami hihinto, ito na ba ang magiging katapusan ng lahat? Bigla siyang nakaramdam ng matinding kaba, napahawak na lang s'ya sa kamay ng isa sa babaeng kasama. Kasabay ng maikling panalangin, na sana magkaroon ng himala upang malagpasan nila ang lahat ng ito. Magkakayakap sila na tila ba hindi mapaghihiwalay. Ano man ang mangyari? Kumukuha na lang sila ng lakas ng loob sa isa't isa. Dahil tulad rin niya, ramdam niya rin ang panginginig ng katawan ng mga kasama. Dahil sa takot, pangamba at kawalan ng pag-asa. Hanggang sa muling nagsalita ang pinuno. "Sige na! Ihinto mo na.. Dito muna tayo! Ilabas n'yo na sila!" Sunod sunod na utos ng kanilang Boss. "Sige baba na, bumaba na kayo!" Sigaw pa ng isang lalaki sa tabi ng driver, habang itinututok nito sa kanila ang baril. Hanggang isa isa silang hinawakan at sapilitang ibinaba. "Huwag po!huhuhu.. Maawa po kayo sa amin, Tulong! Tulungan n'yo kami, aahhh!" Ang babaeng kasama ko na kanina'y wala lang kibo, ngayon bigla na lang itong naghisterya! Umiiyak, sumisigaw habang pilit nagpupumiglas at natataranta! Nang biglang na lang lumapit ang pinuno sa babaing kasama nila. Ikinagulat na lang nila ng bigla na lang itong sinampal! Sabay sabing.... "P..... ina! Itigil mo 'yang bunganga mo!" Sabay tutok ng baril sa mukha ng babae. "Kapag hindi ka tumigil ikaw talaga ang uunahin ko!" Galit nitong sigaw! Ang babae bigla na lang natulala at namutla dahil sa takot. "Ikaw hawakan mo 'yang mabuti, baka kumawala pa 'yan! Ikaw ang tatamaan sa aking gago ka!" Sigaw nito sa lalaking may hawak dito. "Opo Boss! Halika na.." Sabay hila sa babae at kinaladkad na ito at nagpatiuna na sa paglakad. Marahil dahil na rin sa takot sa kanilang Boss! Ganoon na rin ang ginawa ng iba pa pakaladkad silang hinila papasok sa kakahuyan. Hindi na niya alam kung saang bahagi ng Pilipinas sila naroroon ngayon. Basta ang alam lang niya malayong malayo na sila sa pinanggalingan nila kanina. Dahil sa haba ng byahe, hindi na rin nila alam kung anong oras na? Narito sila ngayon sa isang ilang na lugar, tanging liwanag ng buwan ang tumatanglaw sa kadiliman ng gabi. Bahagya pang nakakanlungan ang liwanag ng mga puno, tila ito isang maliit na gubat. Tama sila wala ngang katao-tao sa lugar na iyon, sila lang ang naroon.. Kahit anong iyak at sigaw ang gawin nila walang makaririnig, kung wala rin lang maliligaw sa bahaging 'yon. Malayong malayo sa kabahayan, kung iyo ngang pagmamasdan tila tuldok lang ang mga ilaw na nagmumula sa mga bahay. Nang bigla silang matigilan, dahil sa hindi sinasadyang madapa ang isa sa babaeng kasama nila. "Aray ko po! Hindi ko na kaya, maawa po kayo!" Umiiyak nang pagmamakaawa nito, na marahil pagud na pagud na. Malayo-layo na rin kasi ang kanilang nalalakad. "Tumayo ka na! Punyeta kang tanga!" Bulyaw ng lalaking may hawak dito. Hanggang sa muling magsalita ang pinuno.. "Sige na! Gawin n'yo na kung anong dapat n'yong gawin sa kanila! Gusto ko ng malinis na trabaho, ilibing n'yo kung kinakailangan! Bilisan n'yo na!" Utos ng pinuno. "Hindi! Hindi! Anong gagawin ko? Diyos ko! Tulungan n'yo po kami." Tulirong bulong ni Amanda sa sarili. Nang marinig niya ang sinabing iyon ng lider ng grupo. Pakiramdam niya nasa lalamunan na niya ang puso niya. Dahil sa sobrang takot at kaba. Hindi na tuloy niya namalayan na napapaurong na pala siya. Pilit niyang inabot ang isang kasama, na siya rin pala nitong ginagawa. Alam niya na pareho lang nilang gustong kumuha ng lakas ng loob sa isa't isa. Habang ang isang babaeng tinutukan ng baril kanina, nakatulala pa rin at umiiyak. Naaawa man siya sa babaing kasama at gusto man niya itong lapitan para aluin, hindi naman niya magawa. Dahil ngayon nakatutok na rin sa kanila ang baril ng isa sa grupo. Dahil napansin nito ang tangka niyang pagkilos. "Sige subukan mong gumalaw ulit at sisiguraduhin kong hindi ka na makakalakad!" Sabay tutok ng baril sa aking mga paa, napasiksik na lang ulit siya sa tabi ng isa niyang kasama. "Boss sayang si ganda, baka pwedeng sampulan muna natin ito? Tutal mamamaalam na rin naman sila!" Muling singit na naman ng lalaking umaalalay sa kay Amanda. "Bahala kayo! Basta siguraduhin n'yo lang na wala kayong magiging bakas dito.. Maliwanag?" "Olrayt! Boss thank you!hahaha." Tuwang-tuwang saad ulit nito. "Sa akin kana ngayon ganda, h'wag kang mag-aalala masarap akong humalik. Dadalhin kita agad sa langit." Sabi ng walanghiya, kaya bigla siyang naalarma at nataranta. Tingin niya dito ay parang isang asong ulol na naglalaway at ano mang oras ngayon, bigla na lang siya nitong lalapain. Nakadagdag pa sa takot niya, ang itsura nito sa dilim. Dahil para itong isang halimaw! Nagulat pa siya ng bigla na lang siya nitong hawakan at hilahin palapit. Hindi tuloy niya napigilan ang mapatili. "Ahhhhh! Huwag po!!" Hindi na rin niya alam kung kanino ba ang pinaka malakas na tili? Dahil tulad niya kung ano ano na rin ang ginagawa ng mga ito sa iba pa. "Huwag! Bitiwan mo ako, lumayo ka sa akin walanghiya ka!" Sigaw niya na pilit kumakawala at takot na takot na rin siya. "Halika na dito baby ko, h'wag ka ng lumaban wala ka rin namang magagawa! Gusto mo bang saktan pa kita?" Napatigil siya sa kanyang narinig. Kailangan niyang kumalma. Dahil tama ito wala rin siyang magagawa. Malakas ito at mukhang sanay na ang mga ito sa ganitong gawain. Hanggang sa hinila na siya nito at isinandal sa isang puno. Naisip niya.. Kung dito man s'ya mamamatay, hindi niya gustong dito rin siya malibing. Hindi maaari, kaya kailangan kong kumalma! Hanggang unti-unti sinanay niya, ang kanyang sarili na tanggapin ang sitwasyon. Ang bawat halik at paghaplos nito sa kanyang katawan! Pilit niya itong tinanggap.. Kahit pa gusto ng bumaligtad ng sikmura niya. Nakakadiri! Nakakasuka! Mga hayup sila, wala silang awa! Kasabay nito pilit siyang nag-iisip kung ano bang dapat niyang gawin? Habang patuloy pa rin ito sa paghalik sa kanya. Sinikap niyang maigala ang paningin. At sa tulong ng liwanag ng buwan, bahagya niyang naaaninag ang paligid. Pilit rin niyang pinagana ang utak. Hanggang sa may napansin siyang isang maliit na sanga, na tila isang matulis na stick. Makakaya niya itong abutin basta kailangan lang niyang maging maingat. Alam niyang kung ikukumpara sa baril na hawak ng mga ito wala 'yong magagawa. Pero kailangan pa rin niyang subukan at paganahin ang isip.. Kasalukuyan na hinuhubad na ng lalaki ang suot na pantalon nang bigla na lang makarinig sila nang.... Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid. "Bang!" Dahilan para mapatigil ang lalaki sa ginagawa at mabaling ang atensyon dito. Halos sabay pa silang napalingon sa pinanggalingan ng putok. Hindiiii!! Natigagal na lang siya sa nakita, habang unti-unting bumabagsak ang katawan ng babaing kanina lang kahawakan niya ng kamay at pinaghuhugutan ng lakas. Habang ang isa pang babaeng kasama nila ay walang tigil sa pagsigaw at kaiiyak, dahil rin sa pagkabigla! Dahil dito naalarma ang lahat.. "P..... ina! Patigilin n'yo 'yan, kanina pa 'yan patahimikin n'yo na! 'Siguraduhin n'yong patay silang lahat, bago n'yo iwan. Maliwanag?" Muling utos ng pinuno ng grupo at tila puno pa ng pagkairita. Hindi!! Sigaw pa ng isip niya. Ito na ang tamang pagkakataon.. Kung hindi ko gagawin matutulad din ako sa kanila. Bulong niya sa sarili.. Ngayon na... Kahit anong mangyari kailangan niya itong subukan.. Dagling hinanap ng kanyang mga mata, ang maliit na sanga na nakita niya kanina. Naging mabilis ang kanyang pagkilos. Nang mahagip niya ito ng tingin, mabilis niya itong kinuha. May katigasan ito at may tulis pa sa dulo. Muli niyang tiningnan ang lalaki sa kanyang harapan. Tiyempo naman na nakalingon pa rin ito sa mga kasama at tila puno ng prustrasyon. Dahil sa pagkaudlot ng hangarin. At ito na ang pagkakataon niya! Hindi na siya nag-aksaya pa ng sandali.... Inipon na niya ang lakas at ubod lakas niya itong sinaksak sa puno ng tainga! Alam niyang hindi niya ito napuruhan. Ngunit sigurado siyang nasaktan niya ito. Kaya ito biglang napamura at napasigaw sa sakit! "P..... ina mong babae ka!" Bulyaw nito. Habang hawak pa rin niya ang sanga. Saglit pa siyang natigilan ng makita niya ang pagsirit ng dugo sa tainga nito! Dahil sa tulong ng liwanag ng buwan nakikita niya ang bawat galaw nito. Buti na lang hindi pa rin sila napapansin ng ibang kasama nito. Dahil abala ito sa kaguluhang nangyari. Kaya hindi na s'ya nag-isip pa, muli niyang ginamit ang sangang hawak at ubod lakas ulit niyang sinaksak ang harapan nito. Dahil sa kanyang ginawa namilipit ito sa sakit. Alam niyang kahit paano nasaktan ang p*********i nito. Kaya nagtatarang ito sa sakit at hindi malaman kung ano ang unang hahawakan. Dahil dito biglang nabitawan nito ang hawak nitong baril at pilit nitong kinakapa' sa dilim. Ang pagkakataon na sinamantala niyang muli upang tumakbo! Tumakbo.. Tumakbo.. Sa bilis na hangga't kaya niyang tumakbo! Naririnig pa niya ang pahabol na pagsigaw nito. Ngunit hindi na siya nag-aksaya pang lumingon. "Tulungan n'yo ako!" Narinig pa niya ang paghingi nito ng tulong. Kaya lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo. "P..... ina! Yung isang babae tumatakas!" Napansin na siya ng isa sa mga kasama nito. "Habulin n'yo h'wag n'yong pababayaang makatakas mga gago kayo! Mga huling kataga na narinig niya bago pa s'ya makalayo at tuloy tuloy na tumakbo ng tumakbo! Ilang minuto pa ang lumipas ng isang putok ang narinig niya sa kawalan. Na nasundan pa ng isa at ng isa pa.. Hanggang sa sunod sunod na putok na ang umalingaw-ngaw sa paligid. Wala na siyang pakialam pa, basta takbo lang siya ng takbo. Kahit pa masakit na ang mga paa niya at pagud na pagud na rin siya.. Ngunit kahit ano yatang bilis ng takbo niya, maabutan pa rin siya ng mga ito. Dahil naririnig na niya ang mga yabag, palapit na sila ng palapit! Nang bigla na lang may narinig na naman siyang putok! "Bang!" "Tigil!" Pakiramdam niya, may biglang tumulak sa kanyang likuran. Partikular sa kanyang balikat. Nakakaramdam na siya ng sakit, matinding sakit na nakaliliyo sa kanyang pakiramdam. Kasabay ng pagkamanhid ng kanyang utak, hindi na siya makapag-isip pa ng dapat gawin.. Sa biglaan niyang paglingon, naramdaman pa niya ang biglang pagkadulas ng kanyang mga paa sa kawalan! Ang pakiramdam na nahuhulog siya ay hindi na marekognisa ng kanyang isip.. Nahuhulog ako.. Anong gagawin ko? Hindi!! Ahhhhhhhhh! Hindi pwedeng ito ang maging katapusan.. Hindi pa dito matatapos ang lahat hindii! _______ "Mamang!" "Nasaan ka Mamang?" "Tulungan n'yo po ako.." * * * * * By: LadyGem25 02-21-21

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Night With My Professor

read
495.4K
bc

Just A Taste (SPG)

read
892.2K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
291.4K
bc

My Innocent Boyfriend(TAGALOG SPG18+)

read
381.5K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
64.1K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

Wildly and Desperately (TAGALOG/SPGR18+)

read
631.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook