bc

Codename Hermes: Mischievous, Naughty Messenger (CBS IV)

book_age18+
2.6K
FOLLOW
9.8K
READ
forbidden
second chance
bxg
humorous
city
secrets
prostitute
seductive
wild
like
intro-logo
Blurb

Sawa na si Alessandro Macalinga sa pagtatiyaga sa kakarampot na sahod sa pagiging tanod. Kaya naman nang may mag-alok sa kanyang mag-apply sa kompanyang Queen's Men Lair Bar ay hindi na siya nagdalawang isip pa.

Dito siya makikilala bilang si Hermes.

Para sa normal na taong kapapasok pa lang sa trabaho, kadalasan ay naghahanda sa pamamagitan ng pagsusuot ng maayos, pag-alam sa mga dapat gawin at paghahanda upang gawin ang mga ito.

Ngunit nang sumalang na siya ay bakit hindi lamang ang normal na proseso ang kanyang pinagdaanan?

Bakit kailangan niyang maghubad at ipasukat ang batutang hindi niya maaaring pahawakan sa iba? Pagiging tanod pa rin ba ang kanyang ina-applyan?

chap-preview
Free preview
Prologue
PROLOGUE “MAGHUBAD KA. Iwanan mong nakasuot ang iyong mga medyas, brief at kurbata.” Ito ang utos ng babaeng nagngangalang Bernadeth na siyang nakabili sa aking serbisyo. Nandito kami ngayon sa kanilang mansion na bantay sarado ng mga gwardya kaya naman nasisiguro kong kapag nanlaban ako ay bugbog sarado ang aabutin ko. “Alam mong bawal ito Miss Penitensya. Bakit kailangan mong gawin ito?” Tanong ko sa kanya na ngayon ay nakatayo pa rin sa harapan niya habang siya ay nakaupo sa paanan ng kanyang kama. Nagdekwatro siya ng mga binti at saka niya inilapat ang mga palad sa kama saka hinawi ang mahaba niyang buhok at tiningnan ako ng may halong pagkapilyo sa mata. Ngumiti siya. “Bakit? Magsusumbong ka ba? Binili kita ng buo, hindi lang ang serbisyo mo bilang guard ang binili ko kundi ikaw mismo, kaya't huwag kang umastang inaabuso kita,” saad niya. Napatingin ako sa labas ng bintana saka ibinalik ang tingin sa kanya. “Alam mo Miss Penitensya, maliwanag sa kontrata na hindi mo maaaring gawin ang bagay na ito dahil makasisira ito sa trabaho ko,” seryoso kong wika. Tumayo siya at naglakad papunta sa likuran ko. Hanggang dibdib ko lang siya at tinitingala niya ako sa tuwing makikipag-usap siya sa akin. Naramdaman kong pumatong ang mga kamay niya sa aking balikat at unti-unting tinanggal ang aking suot na coat. Napapikit at napailing na lang ako nang wala akong magawa para pigilan siya. Nahirapan siyang tanggalin ang suot kong coat dahil hapit iyon sa aking braso kaya naman ako na rin mismo ang nagtanggal nito. “Tatanggalin mo rin naman pala,” naglakad siya ng dahan-dahan hanggang sa magkaharap na kaming dalawa. Mapungay ang mga mata niya na mas pinaganda pa ng itim na itim at makapal na pilik-mata na bumagay rin sa may kakapalan niyang kilay. Nakasuot siya ng pulang bestida na kakulay ng kanyang labi, mga kuko at ng kanyang sapatos. Nakatayo lang ako habang nakatitig sa kanyang mga mata. Pinaglalakbay niya ang malilikot niyang mga daliri sa aking dibdib hanggang sa luwagan niya ang kurbata ko at nagsimulang tanggalin ang butones ng suot kong puting long sleeves. “Hermes or should I call you by your real name, Alessandro, wala namang masamang mangyayari kung susubukan natin di ba? Hindi ka ba naaawa sa akin na panay vibrator na lang ang nagpapaligaya sa mga gabi ko? Sawa na ako doon. Gusto ko ng real.” Saka siya nagkagat labi na tumingin sa akin. Inaakit niya ako sa kanyang boses at sa dahan dahang pagtanggal niya ng mga butones ng aking damit. Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa paligid ng kwarto habang hinahayaan siyang matanggal ang mga iyon. Iniwan niyang nakasuot ang aking itim na kurbata at sinimulan niyang tanggalin ang belt ko at isunod ang pagbaba ng zipper ng slacks ko. “Miss Penitensya, baka hindi ito…,” hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil itinapat niya sa labi ko ang kanan niyang hintuturo. “Sssshhhh, huwag kang maingay. Nagcoconcentrate ako,” sabay kindat niya sa akin. Napatingala na lang ako at napapikit nang maramdamang unti-unti nang bumaba ang suot kong pantalon. Pagyuko ko ay tinitingnan niya pala muna ang mumunting mga balahibo sa dibdib ko at pinadaan niya ang mga daliri sa braso ko na para bang nawiwili pa ang paglalakbay ng kanan niyang hintuturo roon. Nang mapadako ang hintuturo niya sa kanan kong ut*ng ay napasinghap ako at bahagya siyang natawa saka nagkagat labi sabay tingin sa akin. “Miss Penitensya, baka magsisi ka sa mga pwedeng mangyari. Kaya’t tigilan mo na lang ito,” banta ko sa kanya. Wala siyang kibong humawak sa garter ng suot kong brief at walang anu-ano ay ibinaba niya iyon bigla hanggang tuhod. Patay tayo diyan! Ipinagkakanulo ako ng aking batuta. Iba ang sinasabi ng isip ko sa pagsaludo niya sa babaeng nangmomolestya ngayon sa kanya. “Parang agree naman ito. Nakasaludo para sa akin." Sabay sakal niya sa kahabaan ko na ngayon ay tayung-tayo na talaga. Bigla kong hinawakan ang kanyang mga braso at napasinghap nang mahigpit niyang hawakan ang kahabaan ko. Nakakagat labi siya at saka ngumiti. “Oooppsss, sinusukat ko lang naman,” binitawan niya iyon. Hannggang sa iwan niya akong mag-isa sa kwarto. Nakatayo. Nakatulala. Nakahubad. At naninigas.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
127.3K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
452.4K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
440.7K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
450.7K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
956.5K
bc

Just A Taste (SPG)

read
889.6K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook