bc

Dare To Kiss The Playboy Billionaire

book_age18+
22.6K
FOLLOW
214.7K
READ
billionaire
revenge
possessive
sex
playboy
sweet
bxg
office/work place
enimies to lovers
model
like
intro-logo
Blurb

Kathleen is Laurenti's first love. However, Laurenti was a well-known womanizer that makes Kathleen afraid to fall in love with him. Her priority is to finish her studies to help her father run their advertising company.

One day, Laurenti asked Kathleen to pretend as his girlfriend to drive away women who was chasing him – which was a total lie. In return, Laurenti will help her pass her Calculus subject and make sure she’ll graduate in college. Kathleen agreed because she badly needs her diploma. Few weeks passed, Kathleen has fallen in love with Laurenti.

Before she could confess her feelings however, Laurenti disappeared without any word. On Kathleen's graduation day, he took a flight to San Francisco, California.

Two years later, Laurenti came back to break Kathleen's heart again. He was about to marry Kathleen's cousin, Donna.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Katatapos lang ni Kathleen sa pag-iyak. Inilibing na ang Mama niya at hindi niya na ito makakasama pa kailanman. Matagal itong naratay sa ospital sa sakit na kanser hanggang hindi na kinaya ng katawan nito ang gamot. Kahit ang Papa niya ay walang tigil sa pag-iyak kanina pa at hindi na rin makausap ng mga kamag-anak nila. Mahal na mahal ng Papa niya ang Mama niya. Ilang araw na itong hindi kumakain nang maayos at nag-aalala na siya. Pinahid niya ang luha at pinilit na balewalain ang sakit para damayan ang Papa niya. Kailangan siya nito ngayon. "Pa..." "Hindi ko kayang wala ang Mama mo Kathleen..." "Nandito pa naman ho ako. Kailangan na ho nating tanggapin na wala na siya..." Yumakap ang ama sa kanya at gumanti siya ng mahigpit na yakap para iparamdam ang init ng kanyang pagmamahal. Makakayanan din nilang dalawa ang pagkawala ng Mama niya. Tuloy pa rin ang buhay nila dahil marami pa siyang pangarap. Sa loob ng ilang linggo ay nahirapan silang maging masaya. Lalo na ang Papa niya. Halos araw araw yata ng ginawa ng Diyos ay lasing ito. Dalawa na lang sila sa pamilya kaya kahit wala siyang makapitan ay pinipilit niyang magpakatatag. "Ma'am, halos wala ho tayong sales sa isang buwan. Paano ho tayo makakabayad sa mga suppliers?" "Sige ho, magdi-deposit na lang ho ako sa banko ng kompanya para magkaroon ho ng pondo." "Salamat ho, ma'am." Pag-alis ng empleyado sa opisina ng Papa niya ay muli niyang tinitigan ang financial report. Tatlong buwan na ring kung hindi negative ang kita ng advertising agency nila - ang Alpha Vision Art Media. Itinayo pa ng Papa niya iyon sampung taong gulang pa lamang siya. Katulong nito ang Mama niya hanggang sa mapalago ng dalawa ng kompanya. Pero matapos mawala ng ilang malalaking account tulad ng Albano Hotel at Albano Airlines, bumaba nang bumaba ang benta nila hanggang kailangan nilang magbawas ng mga empleyado. Nang magkasakit ang Mama niya ay dumagdag ang gastos sa ospital sa problema nilang pinansyal. At ngayon nga ay pumanaw rin ang Mama niya. Nawalan na ng gana ang Papa niya sa pagpapatakbo niyon kaya't siya na ang nagsisikap na manatili ang operasyon dahil wala naman silang ibang pagkukuhanan ng pera. "Kailangan nating mabuhay, Pa..." Pinipigil niya ang huwag umiyak nang puntahan niya ito sa bahay at naabutang umiinom na naman. "Ano ang ginagawa mo sa buhay mo?" "Pabagsak na ang kompanya. Wala na tayong magagawa kung hindi ang isara iyon." Hindi niya na napigilan ang pagngilid ng luha. Pilit niya iyong ibinabalik sa mata pero bumabara lang iyon sa lalamunan niya. "Iyon na nga lang ang alaala ni Mama, iwawala pa natin? Hindi ko isusuko ang kompanyang hindi isinuko ni Mama noon pa, Papa. Kung nabubuhay siya ay hindi na gugustuhin na tuluyang magsara 'yun. Kung ayaw niyo hong ayusin ang buhay niyo, magpakalasing na lang kayo nang magpakalasing. Titigil na lang ako sa pag-aaral para mag-manage ng agency." "Hindi ka puwedeng tumigil sa pag-aaral mo." "Wala ho akong magagawa dahil wala rin naman akong pangkukuhanan ng tuition fee kapag nagsara na ang kompanya." Kahit paano ay nakakakuha sila doon ng panggastos sa araw-araw. Dalawang taon pa ang bubunuin niya sa kolehiyo sa kursong Bachelor of Journalism and Mass Communication. Tumayo ang Papa niya at itinabi ang bote ng beer sa gilid ng lababo. "Pasensya ka na, anak. Sa Lunes papasok na ulit ako sa opisina para maasikaso ang problema natin doon. Hindi naman ikaw ang dapat na lumutas niyon." "Magta-transfer ho ako ng pera sa account ng Alpha Vision. Tatalbog ho ang mga tsekeng inissue natin kapag walang pondo roon." Sa tagal ng kompanya ay nakapag-ipon naman siya ng pera para sa pag-aaral niya. Pero kailangan ng kompanya ng pera sa ngayon. Kailangan niya iyong isalba. "Pera mo 'yun, anak. Ako na lang ang gagawa ng paraan." "Anong paraan ho ang gagawin niyo?" Ang pagkakaalam niya'y ubos na rin ang joint account ng mga magulang sa banko. "Ibebenta ko ang bahay ng Lolo at Lola mo. Hindi rin naman natin 'yun napapakinabangan." "Ang tinitirhan ho ni Uncle Dickson?" "Oo. Hindi sila ang may karapatan doon dahil ako ang anak nila Papa. Pinayagan lang silang tumira doon dahil nakapagpundar kami ng bahay ng Mama mo." Totoo namang walang karapatan ang Uncle Dickson niya roon dahil palaki lang naman ito ng Lolo at Lola niya. Isa lang itong first cousin ng Papa niya na itinuring na ring anak-anakan ng mag-asawang Manzano. Pero dahil maykaya noon ang mga Lolo at Lola niya, nakabili pa ang Papa niya ng bahay para sa kanilang pamilya. Nang mawala ang Lolo at Lola niya, nanatili ang pamilya ng Uncle Dickson niya kasama ang pinsang si Donna sa matandang bahay na iyon. Hindi na naging maganda ang relasyon ng Papa niya at ng Uncle Dickson niya mula nang mawala ang dalawang matanda. Pati sila ni Donna ay nagkakairingan na rin kahit noong tumuntong sila sa high school kung san pareho silang nasa exclusive school. Nabunutan na lang siya ng tinik nang hindi na nagawang pumasok ni Donna sa mamahaling eskwelahan kaya naghiwalay sila ng landas. "Kayo ho ang bahala kung ano ang makabubuti sa atin, Papa. Pero sana nga ay ayusin niyo na ang buhay natin kung hindi ay pareho tayong pupulutin na lang sa kalsada na namamalimos." Mukhang nahimasmasan naman ang Papa niya dahil pagdating ng Lunes ay pumasok na ito sa opisina. Siya naman ay ipinagpatuloy na ang pag-aaral para makatapos. Kailangan niyang makatapos nang maiahon niya ang buhay nilang malapit nang maghikahos. Isasalba niya ang kompanya ng Mama't Papa niya na tanging alaala na lang ngayon ng ina. Nagmamatigas ang Uncle Dickson niya na umalis sa matandang bahay dahil ipinaubaya na raw ng Lolo at Lola niya ang bahay na iyon para sa dito at sa anak na si Donna. Hindi pumayag ang Papa niya dahil wala namang iniwang testamento ang mga magulang kung kanino mapupunta ang bahay. "Ang gusto ni Dickson ay tayo ang lumipat roon, anak. Wala akong magagawa kung hindi ang pumayag na lang na lumipat kapag naibenta itong bahay." "Bakit si Uncle ho ang nasusunod? Kayo ho ang tunay na anak. Puwede niyo hong ilaban 'yan sa abogado." Mula noon ay pinilit nilang inilaban ang karapatan ng Papa niya sa bahay at lupa ng Lolo niya. Iyon nga lang, inabot na ng isang taon mahigit pero wala pa ring resolusyon ang korte. Ipinipilit din kasi ng Uncle niya na may sulat na iniwan ang Lolo niya na may pirma nito. Sa ngayon ay ipinagpapatuloy na lang muna nila ang buhay at pinipilit isalba ang kompanya na kakarampot na lang ang kita. Hindi niya gustong ipasara iyon dahil bukod sa pandagdag iyon sa panggastos sa pag-aaral niya, kawawa rin ang ilan nilang empleyado na mawawalan ng kita. At ang alaala ng Mama niya. Nakatitig ang Papa niya sa lumang files nang puntahan niya ito minsan sa opisina. Alam niyang pinanghihinayangan nito ang malalaking kliyenteng nawala. "Pa..." "Malaking bagay talaga na makuha natin ulit ang account ng Albano Corp., Kathleen. Sa ngayon ay sunod-sunod ang expansion ng hotel nila at may mga bagong bukas na flights na siguradong paglalaanan nila ng malaking budget sa advertising." Hindi niya alam kung bakit biglang sumagi sa isip niya si Laurenti Albano na noon pa nagpapalipad hangin sa kanya sa university. Super-gwapo at malakas ang s*x appeal nito. Iyon nga lang, sandamakmak din ang babaeng nagkakandarapa kaya't papalit-palit din ito ng girlfriend. "Bakit hindi niyo ho subukang kausapin si Uncle Zane?" "Hindi na siya ang namamahala ng Albano Hotel ngayon, si Ethan Albano na. Ang Albano Airlines naman, hawak na ng anak niyang si Jayzee." Naging kaibigan na rin kasi ng Papa niya si Zane Albano sa tagal ng partnership ng agency nila at ng Albano Corp. Pero tulad nga ng sinabi ng Papa niya, mahirap na ulit makuha ang account ng Albano dahil ang pamangkin ni Zane Albano na si Zanya ay ay nakapag-asawa ng isang nagmamay-ari din ng advertising agency. Hindi niya alam kung paano matutulungan ang ama sa pagbangon ng kompanya nila ngayon. Sumagi sa isip niya si Laurenti na kapatid ni Jayzee pero kinakain siya ng hiya. Kapag nakipaglapit siya sa binata ay katakot-takot na panunukso ang aabutin nilang dalawa sa mga barkada nito sa university.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

His Obsession

read
63.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook