Share:

You Are My Everything

READING AGE 18+

jhoelleoalina Romance

8284 reads

Isla Montellano Series #5

'Hindi sagot ang pagpapatiwakal para takasan ang pagsubok sa buhay. Dahil hindi iyan ibibigay sa iyo kung hindi mo kayang harapin at lampasan.'

Nagkasala ang isang Justin Aragon sa babaeng pinakamamahal niya. Nabulag siya ng kapusukan at matinding pagnanasa kaya nakagawa siya ng isang bagay na naging dahilan ng pagkasira ng namumuong relasyon sa kanilang dalawa. At halos ikasira na rin ng buong buhay niya.

Labis siyang nagsisi sa kanyang pagkakamali pero kahit anong pagsisising naramdaman niya ay hindi na nito maibabalik ang lahat. Pinarusahan niya ang sarili sa kasalanang nagawa. Halos sumuko na siya at ilang beses na sinubukang wakasan ang sariling buhay.

Pero parang may ibang plano pa ang nasa itaas sa kanya dahil nagigising pa rin siyang buhay at humihinga. Kaya ipinagpatuloy niya ang kanyang buhay, buhay na puno ng lungkot at walang kulay. Walang saya at walang pag-asa. Buhay lang siya at humihinga pero deep inside ay itinuring na niya ang sariling parang patay na.

Nasaktan, naghirap at nagdusa. Pero lahat iyon ay tila napawi nang dumating ang isang Sunshine Langusta sa buhay niya. She became his personal nurse, personal assistant, personal maid, personal in EVERYTHING. She became his everything. At mula ng makilala niya ito ay muling nagkakulay ang buhay niya. Sumaya, sumigla at unti-unting bumalik sa dati. Sa madaling salita si Sunshine ang kanyang naging liwanag at bagong pag-asa.

Liwanag ang naging hatid ng dalaga sa madilim niyang mundo. Pero makakaya rin kaya nitong paghilumin ang sugatan at bigo niyang puso? O panibagong sakit ang maging dulot sa kanya nito?

Isang lalaking halos nabaliw dahil sa pag-ibig sa isang babae. Pag-ibig din kaya ang makakapag-pagaling sa kanya? O magiging dahilan pa iyon ng lalong pagkasira at pagkabaliw niya?

*R18
*Read at your own risk
*Not suitable for young readers

Unfold

Tags: revengepossessivesecond chancestudentcomedysweetbxglightheartedlove at the first sightwildStary Writing Academy III
Latest Updated
Kabanata 14

"NAG-AAWAY ba kayong dalawa? Pansin namin hindi na kayo masyadong nagpapansinan the past few days. May hindi ba kayo napagkasunduang dalawa?"

Napalingon si Justin sa ina nang marinig ang sinabi nito. Saglit na nagtagpo ang mga mata nila ni Shine pero agad din silang nag-iwas ng tingin sa isa't-isa.

"Wala po, Mom. We're……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about cookie permissions, you can click on Privacy Policy.