bc

Posh Girls Series Book 4: Moira

book_age18+
1.2K
FOLLOW
17.1K
READ
teacherxstudent
second chance
goodgirl
confident
doctor
drama
sweet
campus
office/work place
professor
like
intro-logo
Blurb

Second year resident doctor si Moira sa AFP Medical Center. Mahigit isang taon na siyang nasa ospital na iyon, pero bilang na bilang lang ang mga taong napalapit sa kanya. Karamihan ng mga kapwa niya residente at mga nurses ay nangingilag sa kanya. Sabi nga ng iba, para siyang babae na hindi nawawalan ng pre-menstrual sydrome. Ilang batang consultant at mga residente na rin ang nagtangka na ligawan siya, pero hindi pa man lang nakakaporma ang mga ito ay ipinapamukha na niya na hindi siya interesado rito. Walang nakakatinag sa mailap na dalaga hanggang sa dumating si Slater.

Kahit na gaano katatag ang pader na binuo niya ay tila hindi iyon hadlang para lapitan siya ng lalaki. Anumang iwas ang gawin niya ay lalo lang itong lumalapit sa kanya, kaya tuloy madalas silang tinutukso ng mga kasama nila. Kung puwede nga lang niyang pagbabatukan ang mga bwisit na ito. Kung alam lang ng mga ito kung bakit ganoon siya sa lalaki, at kung ano ang naging parte nito sa nakaraan niya. Tama na ang minsang nasaktan siya dahil dito.

*****

Disclaimer:

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
AFTER ng endorsement ng mga residents ay dumaan muna sa canteen sina Moira at Kaye para bumili ng almusal. Patungo na sila sa elevator para umakyat sa kanilang ward nang marinig nila ang isang tinig: "Paging doctors of Pulmonary Ward, please proceed to Seven Delta ASAP!" Napabilis ang hakbang nilang dalawa. Muntik nang mapamura si Moira pagkakita sa signage na nasa labas ng elevator, under maintenance pala ang mga ito. Apat ang elevator ng ospital pero dalawa lang ang gumagana sa mga iyon; at ngayon, mukhang nagkaproblema pa ito pareho. "Talagang sabay pa silang under maintenance?" Bakas ang inis sa tinig niya. "Mag-stairs na tayo, let's go," ani Kaye na nauna nang pumihit patungo sa hagdanan. Nakasimangot na sumunod siya sa kaibigan. Second year resident doctor si Moira sa Armed Forces of the Philippines Medical Center. Para sa kanya, isang malaking privilege ang makapasok doon. Nasa medical school pa lang siya ay pangarap na niyang makapagtrabaho rito, at maging isang military doctor. May ilang nagsasabi na madali siyang nakapasok doon dahil sa posisyon ng kanyang ama—si General Franklin Jalandoni De Vera ng Philippine Army—kaya naman malaking pressure sa kanya na patunayan ang sarili sa mga ito. "What happened?" tanong ni Moira pagkarating nila sa nurse station. Bahagya pa silang hinihingal dahil sa halos patakbong pag-akyat nila sa seventh floor ng gusali. "Nasa eighties lang po ang oxygen saturation ni Officer-Dependent Father Santiago," ani ng naabutan nilang nurse na si Charmie. Hindi na nila hinintay ang susunod na sasabihin ng nurse, mabilis silang nagtungo sa kinaroroonan ng pasyenteng tinutukoy nito. Naabutan nila roon ang nurse na si Mary Anne na katatapos lang i-suction ang pasyente. Nakita niya sa multi-parameter monitor na umakyat na sa ninety-three ang oxygen saturation nito. Pinakinggan ni Moira ang dibdib at likod ng pasyente gamit ang stethoscope habang sinasabi sa kanila ni Mary Anne ang nangyari bago nag-desaturate ang pasyente, pati na rin ang latest vital signs nito. "Request for ABG, please," utos niya sa nurse bago binalingan ang mechanical ventilator. "Baka kailangan nating—" "Doc, ngayon na po ba ako tatawag sa Pulmo Lab?" singit ni Mary Anne na pumutol sa sinasabi niya. Pakiramdam niya ay parang biglang uminit ang dugo niya sa narinig. Binalingan niya ng tingin ang nurse. Mukha namang sapat na ang naniningkit niyang mga mata para sagutin ang tanong nito. "Wait lang po," wika ng nurse bago nagmamadali silang tinalikuran. Napahinga siya nang malalim bago binalingan ang bantay ng pasyente. "Ma'am, pakukunan ko ho ulit ng dugo, ECG, at chest x-ray si Sir. Excuse me lang ho," aniya bago pumihit pabalik sa nurse station. Mabilis naman siyang sinundan ni Kaye. "Moira, chill ka lang," pasaway nitong sabi na mukhang naramdaman ang pagka-irita niya sa nurse kanina. "Chill?" inis na pakli niya sa babae. "Sino'ng hindi iinit ang ulo kapag ganyan ang mga nakakasama mo?" Naabutan nila si Mary Anne na hawak pa ang telepono, habang si Charmie naman at ang isa pang nurse ay inililipat ang mga chart mula sa malaking lamesa patungo sa isang rolling rack. Iyon ang ginagamit nila habang nagra-rounds sa mga pasyente. "Doc, paakyat na ho ang taga-Pulmo Lab," ani Mary Anne pagkababa nito ng telepono. "Next time, use your common sense and don't ask stupid questions especially in front of our patient," halata sa tinig niya na nagpipigil lang siya na singhalan ang babae. Napayuko si Mary Anne. "Sorry, Doc." Pairap niyang binawi ang tingin dito. "Where's Dr. Hizon?" "I'm here, Doc," ani ng lalaking kapapasok lang sa nurse station. Mabilis itong lumapit sa kanya. "Ano'ng balak mo sa dalawang for transfer natin mamaya? At fourteen hundred hours ita-transfer na sila sa Camp Teodulfo Bautista, pero hanggang ngayon hindi mo pa nagagawa ang mga transfer papers nila. Ako pa ba ang mag-a-accomplish n'on?" sarkastikong sabi niya sa lalaking first year resident. Mabilis na umiling ang lalaki. "Hindi po, Doc. Ako—" "You have to accomplish that before lunchtime." Nakita niya ang pasimpleng pagkamot ng lalaki sa ulo pero hindi na niya iyon pinansin. Nauna na siyang lumabas ng nurse station, tahimik naman na sumunod ang mga ito sa kanya patungo sa dulong bahagi ng ward. "Doc, sa Friday po pala darating na 'yong papalit kay Ma'am Roque as head nurse ng ward," maya-maya ay sabi ni Charmie habang itinutulak nito ang rolling rack. "Makakasama na pala siya sa grand rounds this Friday," napatango-tangong sabi ni Kaye. Hindi naman siya kumibo, patuloy lang siya sa paglalakad. "Anyway, ano nga pala ang pangalan niya, at saang area s'ya galing?" tanong pa ni Kaye kay Charmie. "Dating HN daw ho ng ER sa Cavite Naval Hospital si Captain Slater Miranda," tugon ni Charmie. Bigla siyang napatigil sa paghakbang, napapihit siya paharap kay Charmie. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig, dama rin niya ang pagbilis ng tahip ng kanyang dibdib. Gusto sana niyang ipa-ulit sa babae ang sinabi nito, pero pakiramdam niya ay biglang nanuyo ang kanyang lalamunan. "What's wrong?" nagtatakang tanong ni Kaye sa kanya. Para siyang biglang natauhan nang marinig iyon. Napansin niyang nakatingin din sa kanya ang iba pa nilang kasama. "W-wala," napailing pa na sabi niya at muli nang naglakad. ILANG minuto nang nakatitig si Moira sa larawan ng isang lalaki na naka-military nurse uniform sa screen ng kanyang iSmart tablet. Maya-maya ay inilagay niya sa bedside table ang gadget, nahiga siya, at tumitig sa kisame. Kanina sa ospital ay tila echo na pabalik-balik sa isip niya ang pangalan ng parating na bagong head nurse. Nahiling niya na sana ay hindi iisa ang taong kilala niya at ang Slater na magiging head nurse ng ward, pero mukhang binibiro siya ng tadhana. It's been a long time since she last saw him. Katunayan nito, ni minsan nga ay hindi niya naisip na muli pang magtatagpo ang kanilang mga landas. Pero mas lalong hindi niya inaasahan ang naramdaman niya kanina nang marinig ang pangalan nito. Buong akala niya ay nakalimutan na niya ang nangyari noon, pero nang marinig niya ang pangalan ni Slater at makita ang larawan nito ay parang biglang nagbalik sa kanya ang lahat. At ayaw man niya ay unti-unting bumalik sa kanya ang alaala ng nakaraan...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
86.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
71.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook