bc

Taming The Beast

book_age18+
1.0K
FOLLOW
4.0K
READ
dark
arrogant
student
doctor
tragedy
straight
werewolves
realistic earth
crime
school
like
intro-logo
Blurb

Lucian was a 26-years-old hybrid werewolf trying to live normally with humans to avoid his father, who was ruining him, convincing him to live with him. Until he meets Aniya, a 23-years-old woman who tried to caught his attention. While ignoring her, he felt strange emotions towards her and developed into love, but his monster side destroys his peaceful life. Aniya proved that he deserves to love, and it gave him the strength to defeat his father, the only way to tame the beast inside him.

chap-preview
Free preview
Prologue
BUWAN ng Desyembre ay uuwi sa Pilipinas si Tedio. Nakapag-file na rin siya ng anim na buwang bakasyon. Ngunit bago siya uuwi ay inatasan siya ng kanyang boss na mag-survey sa power plant sa kabundukan. Anim na taon na siya roon sa Germany at nagtatrabaho bilang electrical engineer. Gabi na noong nakarating siya sa power plant. Mabuti mayroong telepono roon na maaring tumawag sa ibang bansa. Umaga pa sa Pilipinas kaya tiyak na nasa opisina pa ang kanyang asawa. Nag-dial siya at tinawagan ang numero ni Lolita sa opisina ngunit walang sumasagot. Maaring abala na ito sa trabaho. Noong nakaraang taon lamang sila ikinasal at wala pang anak. Unang gabi niya sa bundok ay hirap siyang makatulog. Pabiling-biling lamang siya sa kama hanggang sumapit ang madaling araw. Bumangon siya at lumabas ng planta. Naglakad-lakad siya sa malawak na lupain sa likod ng planta. Natuwa siya sa liwanag ng buwan, tila umaga lamang. Maya-maya ay kumislot siya nang may usa na tumawid sa kanyang harapan. Ang bilis ng takbo nito na tila may humahabol. Sinundan niya ito ngunit biglang may sumalakay sa kanya. Nabuwal sila sa lupa at nagpagulong-gulong. Nahilo siya sa lakas ng pag-alog ng kanyang ulo at katawan. Nang mahimasmasan ay nawindang siya nang makita ang malaking itim na lobo na nakadagan sa kanya. Akmang sasakmalin siya nito ngunit sinuntok niya ito sa leeg. Nakawala siya at kaagad nakabangon. Mabilis ding nakabangon ang lobo at handang sumugod muli. Pinulot niya ang malaking sanga ng punong kahoy at itinutok dito. Lalo itong bumangis. Nang muli siya nitong inatake ay sinundot niya ito ng kahoy sa sikmura. Sa kasamaang palad ay nasakmal siya nito sa kanang braso. Iwinawaksi niya ito ngunit bumaon na sa kanyang balat ang pangil nito. “Ugh!” daing niya nang manuot ang kirot sa kanyang kalamnan. Isinagad pa niya ang dulo ng kahoy sa sikmura nito hanggang sa pakawalan nito ang kanyang braso. Hinataw niya ito ng kahoy sa ulo-paulit-ulit hanggang sa bumulagta ito sa lupa. Hindi pa siya nakontento, pumulot siya ng malaking bato at ipinukpok sa ulo nito. Nang wala na itong hininga ay hinawakan niya ito sa mga paa at kinuyod pabalik sa planta. Isinilid niya ito sa sako. Ang payo ng kanyang mga kasama niya ay dalhin sa veterinarian ang lobo nang masuri kung infected ito ng rabies. Maaga pa lang ay nagtungo siya sa clinic ng veterinarian dala ang lobo. Bago nito sinuri ang lobo ay tinurukan na siya ng anti-rabies. Hinintay niya ang resulta ng pagsusuri sa hayop. “It’s not good,” wika ng doktor na lalake matapos suriin ang laway at dugo ng lobo. “What’s wrong, Doc?” tanong niya. “This wolf has been infected with a severe rabies virus that may infect humans. It’s not ordinary rabies found in some dogs or animals.” “What do you mean by that?” “It’s more infectious and dangerous.” “But I have vaccinated already, the virus won’t infect me,” aniya. “We need to observe your condition after a week or a month. Viruses have a variety that may change when some kind of viruses, bacteria, and parasites triggered into them. I will submit this specimen to the experts to examine again. Please keep in touch with me so I can monitor your condition, or I will refer you to the virus specialist doctor.” Marahas siyang tumayo. “No need, Doc. I have a lot of works to finish and I’m just temporarily working here,” giit niya. “But it’s for your safety.” “No, but thanks anyway. I have to go,” aniya. Nag-iwan siya ng pera bilang bayad sa serbisyo nito. Bumalik siya sa planta at nagtrabaho. NAPAAGA ang uwi ni Tedio sa Pilipinas. Nasorpresa si Lolita sa kanyang pagsulpot nang madaling araw. Ang alam kasi nito ay sa pasko pa siya uuwi. Katapusan pa lamang ng Nobyembre ay pinauwi na siya ng kanyang boss. Nasabik siya nang makitang muli ang asawa. Titiyakin niya na magkakaanak na sila bago siya muling babalik ng Germany. Subalit habang tumatagal na kasama niya si Lolita ay pansin niya ang matabang na pakikitungo nito sa kanya. Madalas ginagabi itong umuuwi. Kasabay ng kakaibang napapansin sa asawa ay nagsisimula na rin siyang nakararamdam ng kakaiba sa kanyang sarili. Sensitibo siya sa tubig, mabilis gutumin at nauuhaw. Hindi siya makatulog sa gabi. Sinabi niya kay Lolita ang mga nararamdaman niya ngunit binalewala nito iyon. Ayaw niya itong mag-alala lalo nang mabatid na nagdadalang-tao na ito. Habang lumalaki ang anak niya sa sinampupunan ni Lolita, ganoon din ang pagbabago ng kanyang pag-uugali at katawan. Naging bugnutin siya. Iginiit niya na baka epekto iyon ng pagbubuntis ni Loleta. Maari raw kasing masalin sa lalake ang paglilihi ng babae. Biyernes ng gabi, hindi mapakali si Tedio. May mga naririnig siyang tao na nag-uusap sa ‘di kalayuan. Lumabas siya ng bahay at dinala siya ng kanyang mga paa sa kompanya kung saan nagtatrabaho si Lolita. Doon niya narinig ang nag-uusap na babae at lalake. Naamoy niya si Lolita na may katabing amoy lalake. Sinuyod niya ang ingay at amoy ng mga ito. Napadpad siya sa garahe na maraming kotseng nakaparada. Sa dami ng kotse roon, nakita niya si Lolita sa loob ng pulang kotse na may kasamang lalake. Nakabukas ang ilaw sa loob. Una’y nag-uusap lang ang dalawa. Maya-maya ay nagyakapan ang mga ito. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Malayo pa siya sa mga ito, may sampung dipa ang pagitan. Bakit niya nakikita at naririnig ang mga ito? Malinaw ang senaryo sa kanyang paningin. Pinagtataksilan siya ni Lolita! Nang tumingala siya ay sentro ng paningin niya ang kalangitan kung saan lumitaw ang bilog na buwan. Uminit ang kanyang dibdib, ang kanyang sikmura, na tila naggagalawan ang kanyang lamang-loob. Pinipilit niyang kontrolin ang kanyang nararamdaman hanggang sa lumabas ng kotse si Lolita at nakita siya. “T-Tedio!” bulalas nito, bakas sa mukha ang pagkagulat at takot. Ayaw niya ng eskandalo kaya tumakbo siya palayo. Inaasahan niya na susundan siya nito. Pagdating sa bahay ay hindi na niya napigil ang kanyang galit. Lahat ng bagay na kaya niyang buhatin ay dinampot niya at inihagis kung saan. Kumintal na sa kanyang isipan ang pagtataksil ng babaeng mahal niya. Wari binubusa nang husto ang puso niya, na nag-udyok sa kanyang pagluha. “Aaaahh!” sigaw niya nang hindi na niya kayang kimkimim ang masakit na emosyon. Ngunit hindi ito naiibsan, bagkos ay lalong sumidhi ang kirot. Nang dumating si Lolita ay lalong naghimagsik ang kanyang puso. Umiiyak ito, marahil ay napagtanto ang kamalian. “Ano ba ang nagawa ko, Lolita? Bakit mo ako ginaganito, ha?!” asik niya. “W-wala akong…” “Ano’ng wala? Nakita ko. Sino ang lalaking iyon? Iyon ba ang boss mo?” Gulat na gulat ito. “P-paano mo nakita?” manghang tanong nito. “May relasyon kayo ng lalaking iyon, hindi ba?” Nanggalaiti siya nang manginig ang babae. “Kailan mo pa ako niloloko? At huwag mo sabihin sa akin na hindi ako ang ama ng dinadala mo!” Dinuro niya ito. Humagulgol ito. “Patawarin mo ako, Tedio. Iniwasan ko ang boss ko pero habang tumatagal, lalo akong nahulog sa kanya. Noong nawala ka nang matagal, natugpuan ko na lang ang sarili ko na mahal ko na siya. Pero kinausap ko na siya. Nag-resign na ako dahil mas matimbang ka sa akin. At itong dinadala ko, anak mo siya. Walang nangyari sa amin ni Rofo, maniwala ka, Tedio,” nanginginig na paliwanag nito. Nangatal ang kanyang kalamnan dahil sa galit. Hindi niya matanggap ang katotohanan na pinagtaksilan siya ni Lolita. Nagdilim ang kanyang paningin subali’t bago pa niya masaktan si Lolita ay umalis siya. Inaalala niya ang kanyang anak kaya kailangan niyang kontrolin ang kanyang galit. Tumakbo siya na walang direksyon. Napadpad siya sa kagubatan at doon nagwala, nagsisisigaw habang walang puknat sa paglaya ang kanyang mga luha. Tumingala siya sa kalangitan. Nang mahagip ng paningin niya ang bilog na buwan ay unti-unting binalot ng init ang kanyang katawan. Ang paningin niya’y tumayog, ganoon din ang talas ng kanyang pandinig at pandamdam. Naramdaman niya ang unti-unting pagtubo ng balahibo sa kanyang katawan, ang paghihimutok ng mga kalamnan niya. Pagtingin niya sa kanyang mga kamay ay biglang humaba ang kanyang mga kuko na may isang dangkal. Tumubo rin ang makakapal na balahibo. Kinapa niya ang kanyang mga ngipin na kumakati, tila humahaba at lumalaki. Tinutubuan siya ng pangil! “A-anong nangyayari sa akin?” balisang tanong niya sa hangin. Tumakbo siya sa ilog at doon ay nakita niya ang kanyang pagbabagong-anyo. Sumigaw siya nang hindi na niya makontrol ang kanyang bagbabago. Nablanko ang kanyang isip. Pagkatapos ng pagbabagong iyon, hindi na malaman ni Tedeo ang kanyang gagawin. Paulit-ulit siyang nagiging halimaw at nagigising na lang kinabukasan na ang mga kamay niya’y naliligo sa dugo. Wala siyang maalala sa kanyang ginawa. Isa lang ang alam niya, hindi na siya normal na tao. Isa na siyang halimaw na pumapatay ng ibang hayop. Noong una, hayop lamang ang napapatay niya at kinakain. Kalauna’y hinahanap na rin ng sikmura niya ang laman ng tao. Bago pa niya masaktan si Lolita ay lumayo siya rito. Tumira siya sa gubat. Subali’t dahil sa magkasunod na pagkamatay ng mga alagang hayop at ilang mga tao, tumutugis na siya ng mga pulis. Wala siyang ibang malapitan kundi ang kaibigan niyang si Elmer na sundalo. Sinabi niya rito lahat na nangyayari sa kanya. Nangako ito na tutulungan siya. Pinalipas niya ang ilang buwan. Nang mabalitaan niya na nanganak na si Lolita ay sumugod siya sa ospital. Subalit nasorpresa siya nang makita ang kanyang mukha sa poster kalakip ang katagang ‘WANTED’. Hindi niya alam na may mga tao pala na nakakita sa kanya noong pumatay siya ng hayop at tao. Wala siya sa wisyo sa tuwing nagiging halimaw siya. Habang tulog si Lolita ay pumasok siya sa ward at binuhat ang anak niyang lalake. May nakasuot na pendant sa leeg nito, na siyang pinagawa niya noon. Iniwan niya iyon noon kay Lolita. Nakaukit doon ang buong pangalan ng kanyang anak na siya ang pumili. Napaluha siya nang maisip ang kanilang sitwasyon. May posibilidad na magiging halimaw rin ang kanyang anak kaya dapat mailayo niya ito sa mga tao. Habang karga niya ang sanggol, nasulyapan niya si Lolita. Hindi niya maitatanggi na mahal pa rin niya ito. Wari pinipiga ang kanyang puso habang pinagmamasdan ito. Ngunit hindi na sila maaring magsama. “Patawarin mo ako, Lolita. Gustuhin ko mang makasama ka, hindi na maari. Isa akong halimaw na pumapatay. Hindi mo ako maaring mahalin,” lumuluhang wika niya saka tuluyang umalis dala ang kanyang anak. Nagsuot siya ng sombrero at inilugay ang may isang dangkal niyang buhok upang matakpan ang kanyang mukha. Tinaon niya na abala lahat ng tao maging ang guwardya saka siya lumabas. Nagtungo siya sa gubat. Doon niya inalagaan ang kanyang anak. Subalit wala pa silang isang linggo roon ay natunton na sila ng grupo ng mangangaso. Nataon pa na walang buwan kaya hindi siya makapagpalit ng anyo. Wala siyang laban sa mga ito. Wala na siyang maisip na paraan. Kailangan maisalba ang kanyang anak. Nakasakay siya sa bus patungong Maynila. Alam niya na sinusundan siya ng mga mangangaso. Pagdating ng Maynila ay naghanap siya ng maaring mapag-iwanan sa kanyang anak. Hinahabol na siya ng mga pulis. Hindi maaring makita ng mga ito ang anak niya. Natakot siya na baka patayin din ng mga ito ang walang muang na sanggol. Kung ibabalik niya ito kay Lolita, matutunton din ito ng mga pulis. Napadpad siya sa isang subdivision. Sa malaking bahay, may pumasok na kotse sa gate. Nilubos niya ang pagkakataon. Pumasok siya at iniwan ang sanggol sa may damuhan sa gilid ng daanan. Binalot lamang niya ito ng makapal na lampin at iniwan. Naninikip ang kanyang dibdib habang papalayo sa lugar na iyon. Naghanap siya ng malapit na gubat upang doon magpalipas ng gabi. Nakatulog siyang hilam sa luha ang mga mata. “Hayon siya! Dakpin ang halimaw na iyan!” Naalimpungatan si Tedio nang may tumamang palaso sa kanyang kanang binti. May tali ito kaya hindi siya nakatakbo. May naghagis ng net sa kanya kaya siya nakulong. May dumating na grupo ng kalalakihan kasama ang mga pulis. Wala siyang lakas at hinayaan na lamang na gapusin siya ng mga ito. Sumama siya sa mga ito sa akalang ikukulong lang siya. Ngunit ang grupo ng mga mangangako ay dinala siya sa Pangasinan. Ibabalik daw siya sa gubat upang doon patayin. Ngunit bago siya takdang patayin, pinahirapan siya ng mga ito. Ginapos siya na patiwarik, hubo’t hubad habang nilalatigo ang katawan. “Hihintayin natin na lumitaw ang buwan nang makita natin kung ano ba talaga ang hitsura niya,” sabi ng pinuno ng grupo. “Baka hindi naman talaga siya halimaw, talagang kriminal lang,” sabi naman ng isang lalake. Mga paa lamang ng mga ito ang kanyang nakikita. Malamlam na rin ang kanyang paningin dahil sa dugong dumaloy sa mga mata niya. “Totoong halimaw siya, may nakakita sa pagpapalit niya ng anyo,” giit ng pinuno. Hinintay ng grupo na dumilim at lumitaw ang buwan. Nagugutom na siya, nauuhaw at nanghihina. Unti-unti na niyang nararamdaman ang pagbabago sa kanyang katawan. Lumiliwanag na ang kalangitan dahil sa paglitaw ng bilog na buwan. Nakaabang na ang mga mangangaso. May hawak na baril ang mga ito. “Ayan na ang buwan!” sigaw ng isang lalake. Iniiwasan niyang tumingin sa buwan ngunit nilapitan siya ng pinuno ng grupo at inangat ang kanyang ulo. Iniharap siya nito sa kalalabas na malaking buwan. Nang masentro ang paningin niya sa buwan ay unti-unting nagbabago ang kanyang anyo. Nakatutok na sa kanya ang dulo ng baril ng kalalakihan. “Magpaalam ka na, halimaw. Hindi ka nararapat dito!” wika ng pinuno. Humahaba na ang kanyang mga kuko, naghihimutok ang mga kalamnan, ganoon din ang kanyang dibdib. Nanginginig siya sa tindi ng presyon ng kanyang katawan. “Aaaahhh!” sigaw niya nang tuluyang magbago ang kanyang anyo. May tumamang bala sa katawan niya ngunit kaagad tumalsik. Napigtas ang kadena sa mga paa at kamay niya kaya siya nalaglag sa lupa. Ngunit binalot siya ng net at inulanan ng bala. Biglang tumigil ang putok May naririnig siyang mga daing sa paligid. Maya-maya ay may humiklas ng net at inakay siya patayo. Namataan niya si Elmer na nagtanggal ng bonet sa ulo. Nakabulagta sa lupa ang limang kalalakihan. “Tumakas ka na! Huwag ka nang magpapakita sa mga tao!” sabi nito sa kanya. Kumalas siya sa kamay ni Elmer. Kailangan niyang makalayo rito bago siya tuluyang makalimot dahil sa patuloy na pagbabago ng kanyang anyo. Kung hindi siya aalis ay maari rin niyang masaktan si Elmer. “S-salamat, Elmer. Nakikiusap ako, bantayan mo ang anak ko. Iligtas mo si Lucian,” aniya habang papalayo. “Makaaasa ka,” tugon nito. Tumango lamang siya. Tumakbo siya palayo at nakarating sa matarik na bundok. Tumingala siya sa buwan at umalulong. Hanggang sa tuluyan siyang nakalimot.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
169.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.7K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.5K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook