bc

Undeniable Pleasure With My Step-Brother (SPG)

book_age18+
1.6K
FOLLOW
5.3K
READ
possessive
one-night stand
opposites attract
playboy
arrogant
dominant
badboy
bxg
assistant
seductive
like
intro-logo
Blurb

Nais lang namang magsaya at uminom ni Corine sa bar kasama ang kaniyang matalik na kaibigan dahil sa hindi maganda ang sitwasyon niya sa pagitan ng kaniyang ina. Sa gabi ding 'yon ay may makikilala siyang lalaki at ibinigay niya ang kaniyang sarili kahit hindi niya ito kilala. Nangakong kakalimutan ang nangyari at hindi kikilalanin ang isa't isa.

Hindi lingid sa kaniyang alaman na ubod ng sama ng ugali ang lalaking ito at matinik sa mga kababaihan. Isang araw, ay nagtagpo ang landas nilang dalawa na hindi nila matanggap. Magkakamabutihan kaya silang dalawa gayong hindi tanggap ni Corine ang pamilya ng lalaking nakaniig niya sa isang mainit na gabi? Gayong aminado siyang hinahanap-hanap ng kaniyang katawan at puso ang nasabing lalaki. Makatatanggi pa kaya siya kung angkinin siyang muli nito?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Stranger
Nakabibingi ang hiyawan at malakas na musika na nagmumula sa loob ng bar ang sumalubong sa kanila. Habang ang international DJ ay abala sa paglalaro ng disc. Patuloy sa paglalakad si Corine kasama ang kaibigan niyang si Alli. Inakbayan siya ni Alli at napabungisngis. Naglalaro ang iba't ibang kulay ng ilaw na nakasisilaw sa paningin. “Bilisan natin! Wala ka bang balak mag-enjoy?!” malakas na sabi ni Alli para marinig siya nito. Sa sobrang lakas ng musika at hiyawan ng mga nagsasayawan ay kinakailangan mo nang sumigaw. Nagpalinga-linga siya sa paligid at tila kinakabahan. Napasapo sa kaniyang dibdib nang mabangga siya ng ilang kababaihan sa gitna ng dance floor. Muntikan na siyang matumba dahil nawalan siya ng balanse. “Hey, look out!” hiyaw ng babaeng nakasuot ng maiksing mini skirt at halos lumitaw na ang dibdib nito sa suot na sleeveless. “Ayos ka lang ba, Corine?” nag-aalalang tanong ni Alli. Napatango siya at inayos ang kaniyang sarili. “S-Sorry... pasensya na...” Paghingi niya ng paumanhin. “Hindi ka kasi tumintingin sa dinadaanan mo, miss! Isa pa, hindi naman yata kayo mukhang sasayaw pero bakit haharang-harang kayo rito sa gitna ng dance floor?!” masungit na litanya ng isa pang babae. “Aba! Kayo na nga itong may kasalanan! Nasaktan na nga ang kaibigan ko at kayo pa ang may ganang magsalita ng hindi maganda? Corine? Hindi ka man lang ba magsasalita?!” “Hayaan na natin sila, Alli. Wala tayong mapapala sa pakikipag-away...” Kinuha niya ang kamay ng kaibigan at dinala ito sa may bar island. Wala na siyang ganang magsayang ng laway sa iba dahil sa totoo lang ay hindi maganda ang araw niya. Nagkaalitan sila ng kaniyang ina. “Yeah, you should go! Get lost! Sinisira ninyo ang gabi namin!” ani babae na naiirita na. “Sinisira... bla, bla, bla! Ang aarte kala nila kagandahan sila.” Sabay hatak ni Allis sa kaniya. Lumapit ang barista sa kanila at inalok ng maiinom. Walang paglagyan ang inis ni Alli sa mga babaeng sumira ng gabi nila. Naroon sila sa bar upang mag-enjoy at lumimot sa mga nagyari sa kaniya. Para na siyang pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa kalagayan niya ngayon. Tanging si Alli na kaniyang kaibigan lang ang kaniyang masasandalan ngayon. Pag-abot ng isang basong alak ay mabilis na tinungga at inisang lagok iyon ni Corine. Hindi na siya pinigilan ni Alli dahil alam nitong kailangan niya iyon upang maibsan sandali ang kaniyang nahihirapang kalooban. “Corine, ano na ang binabalak mo ngayon?” Walang boses na lumabas sa bibig niya at hindi napigilan ang pagpatak ng luha. Dahil ba iyon sa alak na iniinom niya? Pakiramdam niya ay sasabog na siya anumang oras. Huminga siya nang malalim at pinakawalan iyon. “Hindi ko alam. Parang ayaw ko munang umuwi sa 'min.” Inisang lagok niya ang isang basong alak. “Hindi ba mag-aalala si Tita? Baka hinahanap ka na no'n?” Pinilit ni Corine na pigilan ang maiyak pa dahil hindi siya naroon sa bar upang magmukmok. “Ibahin nga natin ang usapan, Alli. Baka nakalimutan mong kaya tayo narito... ay... para magsaya!” mariin niyang sambit. Tumango-tango ang kaibigan at luminga-linga sa paligid. “Sabagay. Nag-aalala lang din kasi ako kay Tita. Dalawa na nga lang kayo ang magkasama sa buhay. Teka! Ang daming guwapo! Nakikita mo ba?” excited nitong sabi sabay tapik sa kaniyang braso. Dumako ang tingin niya sa ilang kalalakihan na nakaupo sa couch at abalang nagtatawanan. Nagtama ang tingin niya at ng isa sa kanila at gumuhit ang pilyong ngiti nito sa labi. Napalunok siya at umiwas nang tingin. “Ang hilig mo talaga sa gwapo! Kaya lagi kang umiiyak, e. Papangitiin ka lang saglit, tapos paiiyakin ka rin sa ending!” tatawa-tawa niyang biro sabay iwas ng tingin sa lalaking nakaupo sa hindi kalayuan. “Ang sarap kaya ma-inlove! Ikaw lang 'tong ayaw. Kaya tingnan mo hanggang ngayon, virgin ka pa rin!” Hinampas niya si Alli sa hita nito sabay pisil habang naghagikhikan silang dalawa. “Siraulo ka talaga, Alli! 'Yang bunganga mo!” Tawa nang tawa si Alli sa kaniya dahil alam nito ang karanasang hindi niya makalimutan sa unang boyfriend. Simula noon ay ayaw na niya munang isipin o bigyan ng pansin ang mga lalaking umaali-aligid sa kaniya. Gusto niya munang makapag-ipon ng malaking pera para sa kaniyang lola na siyang nag-aalaga sa kaniya noong bata pa. Hanggang sa kinuha siya ng kaniyang ina na si Liza at pinag-aral. Malayo ang loob niya sa ina dahil pumanaw na lang ama niya ay hindi ito dumalaw. Bumalik siya sa ulirat nang hatakin na siya ni Alli at dinala sa gitna ng dance floor. Naghiyawan silang dalawa kapwa masaya na ini-enjoy ang gabi. Sa mga oras na iyon ay pinagmamasdan na siya ng lalaking nakatitigan niya kanina. Palihim siya nitong pinapanood. “Hey, dude! Kanina ka pa titig na titig sa magandang babaeng 'yon!” ani Chester. Hinawi nito ang kamay ng kaibigan na nakapatong sa balikat nito at dinampot ang isang basong naglalaman ng alak. Inisang lagok lang nito ang alak at gumuhit ang naghalong tamis at pait na lasa nito sa lalamunan. Napapikikit ito nang mariin at ngumisi. Pakiramdam nito ay napawi ng alak ang bigat ng nararamdaman nito ngayon. Paminsan-minsan lang itong umiinom ngunit inaya nito ang barkada. “Mukhang type mo,” dagdag pa ni Chester. Aaminin nitong unang beses na nahagip ng paningin nito ang dalagang si Corine ay hindi nito maialis ang titig. Umiling-iling ito at ngumiti. “No, dude. She's remind me of someone. I'm not sure...” “Sino naman? Si Nathalie? Malamang ay naglulupasay na ‘yon kapag nalaman niyang nambababae ka.” Napangisi ito at uminom muli. “You want a bet? Pustahan tayo. Kapag nakuha mo 'yong babaeng 'yon... na kanina mo pa pinagmamasdan...” “What?” putol nito kay Chester. “Kaya mo 'yan. Bibigyan kita ng 2 million.” “2 million? Huh! Ang liit naman. That won't make me do it. Five million!” Nanlaki ang mga mata ni Chester sa tinuran nito. “You can't? I know. Huwag ka nang makipagpustahan kung hindi mo kaya,” nakangising pagyayabang nito sa kaibigan. Samantala pagod na pagod kasasayaw sina Alli at Corine. Nagdesisyon silang huminto muna at uminom muli. Nagpakalunod sila sa alak hanggang sa malasing. “Paano, Cor... rine... ma... uuna... na... 'ko!” pautal-utal na sambit ni Alli sa kaniya. Susuray-suray silang naglakad ni Alli palabas ng bar at nagtatawanan pa. Inakbayan niya ang matalik na kaibigan at kamuntikan pa silang mabuwal. “Lasing... ka na, Al... li!” Naningkit ang mga mata ni Alli nang balingan siya nito ng tingin. Nasinok pa ito habang nakangisi. “Baka ikaw ang lasing, Corine. Uy, Tingnan mo.” Sabay turo nito sa kaniyang likuran at napalingon siya. “Ang gwapo niya hindi ba?!” Nadako ang tingin niya mula sa makinang na black shoes na animo'y mamahalin at umangat pa ang kaniyang tingin. Nakasuot ng puting polo at magulo ang neck tie, napagtanto niyang nakatingin din pala sa kaniya habang naninigarilyo ang lalaking nakipagtitigan sa kaniya kanina sa loob. Nakapamulsa pa ito at umiwas ng tingin sabay buga ng usok. Napalunok siya at hinatak siya ni Alli papunta sa may kalsada. Nakaramdam siya ng hilo at alam niyang lasing na siya. Ilang beses siyang kumurap-kurap at nilingon ang lalaki. Nakatingin lang ito sa kanilang dalawa. “Corine, Corine! Mauuna na akong uuwi, ha. Ikaw, umuwi ka na rin... sa inyo... baka hinahanap ka na ni Tita!” Pumara ito ng taxi. “Mag-iingat ka, okay? Baka sa hotel na muna ako matutulog,” sagot niya. Binuksan ni Alli ang pinto sa likod ng taxi at pumasok. Sa labis na kalasingan nito ay umupo na kaagad ito at sinabi sa driver kung saan ito nakatira. “Corine! Tawagan mo 'ko bukas! Makipag-date ka muna ro'n, o!” Sabay kaway sa lalaki sa labas ng bar. Sinaway niya ang kaibigan at natawa pa ito. Tuluyang nang nagpaalam si Alli at nakaalis na ang taxi. Sinuklay ni Corine ang kaniyang buhok paitaas. Humugot pa ng malalim na hangin bago pinakawalan at kinuha ang cellphone niya sa loob ng bag dahil tumunog ito. Nakita niya sa screen ang numero ng kaniyang ina na si Liza. Binura niya ang number nito. Malayo ang loob niya sa ina dahil sa tagal nitong nawala. “Hays... tumatawag na naman siya...” Wala siyang ibang choice kun 'di ang sagutin iyon. Magulang niya pa rin si Liza at ayaw niyang maging sakit sa ulo nito. Kahit papa'no ay may paggalang pa rin siya sa ina. “H-Hello?” mahina niyang sagot. Napasapo siya sa ulo nang sumigaw sa kabilang linya ang ina. Pakiramdam niya ay nabingi siya kaya inilayo niya ang cellphone sa kanang tainga. “Nasaan ka ba, Corine?! Kanina pa ako tawag nang tawag sa 'yo!” Kagat ang kaniyang pang-ibabang bahaging labi upang pigilang mainis sa ina. “H-Hindi,po, muna ako uuwi...” “Bakit hindi? Baka nakalimutan mo ang araw bukas? Corine, huwag kang gagawa ng hindi maganda.” “Alam ko, po. H'wag kang mag-aala. Uuwi ako bukas ng tanghali.” Pagkatapos nilang mag-usap ay ibinalik niya ang cellphone sa kaniyang bulsa. Paghakbang ng kaniyang kanang paa paatras ay napasandal siya sa dibdib ng isang lalaki. Mabilis siyang lumingon at nakita ang lalaking nasa labas ng bar. “Gusto mong mag-enjoy?” tanong nito sa kaniya. “H-Hindi kita kilala,” sagot niya at lumayo nang bahagya. “One night stand? You're sexy and beautiful,” dagdag pa nito. Hindi niya maitatangging magandang lalaki ang nasa harapan niya ngayon. Matangkad at tantya ay nasa six footer ito. “One night stand? Ano ang akala mo sa ‘kin? Pokp*k?!” Umalis siya at naglakad palayo. Hindi na niya nilingon pa ang lalaking 'yon dahil sobrang bastos. Yayain ba naman siya ng one night stand, e hindi niya pa kilala. “Bastos! Gwapo nga pero walang modo!” Napansin niya na lang na madilim na ang bahaging nilalakaran niya at wala nang gaanong sasakyan na dumaraan. Napansin niyang wala na ang lalaki kaya nakahinga siya nang maluwag. Habang naghihintay ng taxi ay may isang lalaking lumapit sa kaniya at inakbayan siya bigla. “Miss, wala kang kasama? Baka gusto mong sumama sa ‘kin? Short time lang.” Pilit niyang hinawi ang braso ng lalaki ngunit mahigpit itong nakaakbay sa kaniya. “H-Hindi ako sasama! Ano ba?!” Ngunit nagmatigas ang lalaking ‘yon at hinatak pa siya nito. Mahigpit na kapit nito sa braso niya at doon ay nakaramdam siya ng matinding takot. Pinaghahampas niya ang lalaki at laking gulat siya ng sampalin siya nito dahilan upang dumugo ang kaniyang labi. Matinding kirot ang naramdaman niya at maluha-luha. Laking gulat niya at napahiyaw nang may isang lalaking sumulpot at hindi niya gaanong makita dahil madilim ang lugar. Ilang suntok ang dumapo sa lalaking nagtangka siya kaniya ng masama at bumulagta. Lasing na ito at hindi na nakalaban pa. Hinawakan siya sa kamay ng lalaking estranghero na tumulong sa kaniya at dinala sa tabing kalsada kung saan may liwanag. Kapwa hiningal silang dalawa na tumakbo at tumawa ang estranghero. Nang iangat niya ang tingin ay nakilala niya ang nagligtas sa kaniya. Ang lalaki sa bar. “I-Ikaw?” Pinalis niya ang kamay nito at pinunasan ang pawis sa kaniyang noo. “Yes, hindi ka lang ba magpapasalamat?” nakangising tanong nito. “S-Salamat!” “Good. Akala ko ay hindi ka marunong magpasalamat.” Umalis ito at hindi na niya nakita pa. Napaupo na lamang siya at yumuko. Pakiramdam niya ay sobrang pagod niya nang gabing iyon. Huminto ang kotse sa harapan niya at nakangiti ang lalaking ‘yon. “Hop in!” Tinuro niya ang hintuturo sa dibdib niya. “A-Ako?” “Yeah! May iba pa ba? Sige ka, baka mamaya balikan ka ng lalaking ‘yon!” tatawa-tawa nitong sabi. Nagpalinga-linga siya sa paligid at wala nang tao. Tumayo siya at hindi na nagdalawang-isip pa at pumasok sa kotse. Tahimik silang dalawa habang binabaybay ang kalsada. “So, where did you live? Ihahatid na kita,” saad nito. “Ahm... sa hotel lang ako tutuloy ngayong gabi. Ayokong makita ako ni m— ng lola ko na ganito ang itsura.” “Okay. By the way, I'm sorry nga pala kanina. Kung niyaya kita.” Hindi kaagad siya nakasagot at sobrang bilis ng t***k ng kaniyang puso. “K-Kalimutan mo na 'yon.” Nanatili silang tahimik sa loob ng kotse at namataan niya ang isang hotel. Nag-park ang kotse nila at pakiramdam niya ay kinakabahan siya. Nasa tamang edad naman na siya kung gusto niyang magsaya kahit panandalian. Pakiramdam niya ay patapon na ang kaniyang buhay simula nang pumanaw ang kaniyang ama. Sa tingin niya ay wala namang pakialam ang kaniyang ina kung kaninong lalaki siya sasama. “G-Gusto mo ba munang magkape sa loob?” kinakabahan niyang tanong. Mabilis niyang iniwas ang mga mata niya sa lalaking iyon. Hindi niya alam kung dala lang ba ng alak kaya siya nagkakagano'n. “S-Sure. Are you sure?” Tumango siya at nag-check in sila sa hotel. Tahimik lang silang dalawa at tila nagpapakiramdaman. Paano niya ba sasabihin sa lalaking kaharap niya na ngayon ay umiinom ng kape para maibsan ang kalasingan. Gusto mo ba akong maikama? s**t! Kung 'yan ang itatanong ko ay para akong desperada sa lagay na 'to! Nagkatitigan silang dalawa at sabay na nilapag ang tasa. Tumayo siya at umupo sa tabi nito na kinamangha ng lalaki. Tila nababasa nito ang kaniyang isipan at pinapahiwatig. Lalo niyang idinikit ang sarili sa katawan ng lalaki. Inilapit niya pa ang katawan niya. “I-I just wanna say... thank you... dahil kung hindi ka dumating ay baka napahamak ako...” bulong niya sa kaliwang tainga nito at hinarap siya. Ilang sandali lang ay naglapat na ang kanilang labi. Napapikit siya nang mariin upang damhin ang mainit na halik mula sa lalaking hindi niya kilala.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
63.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
65.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
152.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
74.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook