bc

Clinic

book_age18+
417
FOLLOW
1K
READ
murder
dark
doctor
beast
bxg
scary
demon
city
apocalypse
first love
like
intro-logo
Blurb

Naligaw ang isang magbabarkada sa isang clinic kung saan pinagmamay-ari ng isang pamilya ng aswang. Nakakapangilabot lalo na't buntis pa ang isa sa kanila. Pano nila malulusotan ito? Matutunghayan din ang isang alamat ng pinagmulan ng mga aswang sa clinic na ito.

chap-preview
Free preview
Prologue
Isang pamilya ang naghihignapis na tumakbo pagkatapos nilang masiraan sa daan at di inaasahan na tinamaan ng panganganak ang isa sa kanila. “Ku-Kulas! Manganganak na ako! Bilisan mo!" "Sandali lang malapit na tayo! Kaya mo ‘yan…" "Itay, bilisan niyo na kawawa si mommy!" Nang may makita sila sa di kalayuan na isang building na kung sa unang titingnan ay parang isang normal lang na gusali. Masaya sila nang makita nila na nakasulat ay clinic. Kaya agad silang dumiretso at tamang-tama na may isang doctor silang naabutan pagkatapos nilang kumatok. Agad naman sila pinagbinuksan nito ng pinto. Isang matipunong doctor na nakasuot ng salamin at may gel ang buhok at mahaba. Siya si Dr. Romulo, agad niyang inilapag lahat ng mga kakailanganing gamit ng manganganak na pasyente. "Buti naman at nakarating kayo rito. Kailan ba siya nagsimula mag-labor?" "Pagkatapos pumutok ng tambutso namin dahil mukhang na-stress siya doktor. Nag-aaway kasi kami sa kasagsagan ng pangyayari," sabay napakamot ng ulo si Kulas. "Ano pala pangalan niyo pati ng pasyente?” tanong ng doktor. "Ako si Kulas Labrador, ang asawa ko ay si Dionisia Labrador at ang anak ko naman na babae ay si Lilita," sagot niya sa tanong ng doktor. "Dad, bakit pati ako nasali? Gosh!" maarteng sabi pa ng dalaga nilang anak. Pinahiga ng doctor ang babae habang nagle-labor pa ‘to. "Saglit lang ha! Pupunta muna ako sa loob kasi may kukunin lang ho ako. Hayaan niyo siya riyan kasi sisigaw naman siya kapag manganganak na siya dahil mararamdaman na niya ang benat at sasabog din ang panubigan. Normal lang ‘yan sa nanganganak," ani Doctor Romulo. Doon sa clinic niya ay may isang pinto papasok sa loob at doon siya dumiretso pagkatapos lisanin ang pasyente. Makalipas ng ilang oras ay sumisigaw na ang babae.   "Sumabog na panubigan ko! Tawagin mo na ang doktor, Kulas!" Mas lalong nabahala ang mag-asawa habang tulog na tulog naman ang dalaga nilang anak sa labas.   Nang biglang lumabas sa pinto si Doctor Romulo. "Doktor, dalian niyo kasi manganganak na siya! Bilisan niyo na! Pumutok na panubigan at lalabas na ang bata," pagmamakaawa pa ni Kulas. Ngunit tila dire-diretso pumasok itong si Doctor Romulo na wala pakialam kay Kulas. Ang nakapagtataka ay noong pagpasok pa lang ng doktor ay agad siya nitong pinagsarhan. "Di kayo puwedeng pumasok. Ako lang, kaya pasensya na!" pagalit na sabi ni Doctor Romulo kay Kulas. Makalipas ang limang minuto ay palakas nang palakas ang paghiyaw at sigaw ng asawa ni Kulas sa loob ng kuwarto na ikinabahala niya at ikinagulat. "Doctor! Anong ginagawa niyo sa kanya? Bakit ganyan siya sumigaw? Buksan niyo ‘tong pinto!" Pilit niyang binubuksan ang pinto sa Delivery Room pero matindi ang pagkakasara nito. Nang biglang bumukas ang pinto kung saan nanggaling at pumasok si Dr. Romulo kanina na ikinagulat niya. "Ano na nangyari sa pasyente, lumipas na ang dalawang oras. Dapat nanganganak na ‘yan…" "Putang ina naman! Sino ‘yong pumasok sa loob na kamukhang-kamukha niyo? Hindi ba kayo ‘yong pumasok sa loob at ayaw akong papasukin? Sino ‘yon? Ano ang ginawa niya sa asawa at magiging anak ko?" galit na sabi ni Kulas na halos maligo na sa pawis at balutin ng takot. "Hindi ako, kakagising ko lang! Dahil naidlip lang ako sandali. Nagkakamali ho ata kayo. Dapat di niyo pinapasok!" Nagtulongan na lang silang buksan ang pinto. Hanggang sa sinipa na nila ito upang mabuksan ang Delivery Room. Nagulat sila sa kagimbal-gimbal na pangyayari. Kinakain ng isang matandang may nakakakilabot na mukha ang anak na sanggol ni Kulas habang wala nang malay ang asawa nito.   Sarap na sarap pa ang aswang na halos putol-putol na ang buong katawan ng sanggol sa loob ng bibig nitong duguan. "Hayop ka!" pasigaw na sabi ni Kulas.  Biglang naging usok naman ang aswang at naging pusang itim sabay tumakbo papalabas sa bintana at di pa nahabol. Huli na rin ang pagpasok nila dahil wala na rin ang asawa niya dahil sa takot. Pagkatapos niyang makita ang pagluwal ng anak niyang kinakain ng mapagpanggap na aswang.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
80.4K
bc

My Secret Agent's Mate

read
113.7K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.0K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
532.5K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
341.4K
bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
476.9K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
779.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook