bc

The Six sense

book_age18+
3
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

Kwento Ng isang batang lalake na kayang Makita Ang kamatayan Ng isang Tao Isang batang lalake Ng may pambihirang kakayahang kahit kailan ay Hindi nya ginusto.

chap-preview
Free preview
Chapter-1: Who's this?
Naalala kopa nung unang araw na nag paramdam Ang aking kakayahan na Hindi kayang ipaliwanag ng siyensya.Gabi noon at bumabagyo walang koryente tanging kandila lang aking ilaw nung may masulyapan akong isang batang babae na duguan naka tapis ng tuwalya at may mga sugat sa katawan dahil sa bata pa ako noon kaya Hindi ko pa maipaliwanag ang bagay na iyon. Mayo 15 2008.... Dahil Ito ang isa sa mga detalyadong pang yayari na aking natatandaan pero Hindi Ito ang unang pang yayari marami dahil sa bata pa ako Hindi kona matandaan ang kabuuan ng pang yayaring iyon. Kaya dito ko nalang sinimulan. Pero sa aking natatandaan ay may mga nakikita akong mga bagay na Hindi kayang Makita ng isang normal na tao tulad ng mga kaluluwa ng kanglang namayapang Mahal sa buhay na malimit na nakabit sa .likod nila, maliliit na anino na tuwing alastres ng hapon ay nagtatakbuhan sa bahay, mga tikbalang sa puno ng akasia at taong kabayo sa parang. Tama na muna Ito sisimulan Kona Ang nang yari sa taong iyan. May isang taong namatay noon si mang Ben bago siya mamatay ay Nakita ko pa siya may maitim na usok sa likod Niya parang madilim Ang kaniyang ora Hindi ko Ito pinansin dahil sa tingin ko ay Malik Mata lamang pero pag lipas ng ilang araw. Araw na iyon ay sobrang nakakapang lumo dahil sa tanghaling tapat Ang mga uwak ay maiingay lipad ng lipad hanggang sa Makita ko si mang Ben na nag lalakad na parang Wala sa sarili kaya pinabayaan konalang siya tapos nalaman ko patay na pala si mang Ben kagabi pa inatake sa puso doon kolang napag tatanto na isang signos na pala Yung usok at itim na ora tapos kaluluwa na nya Ang aking nakita na mukang naliligaw pa at Hindi pa handang umalis sa mundong Ito. Patuloy parin Ang tanong sa utak ko Kung bakit merong akong gantong kakayahan Ito ba ay sumpa o biyaya hanggang ngayon ay walang sagot sa aking tanong.Patuloy parin ang pagpaparamdam sakin ng mga bagay na Hindi kayang ipaliwanag ng isang normal na tao. Hanggang sa tumatagal masnalala Ang mga pahiwatig sakin..... Flores de Mayo noon nung maramdaman koto parang may isang bagay na mangyayari na ikakagulantang ng aming kapaligiran. Habang nag kakaroon ng kasiyahan sa aming sitio ay biglang may na disgrasya sa kalapit na kalsada saamin madaming nagtabuhan at Isa na ako doon para makisyoso Kung ano yun dalawang lasing na magkaangkas sa mutor na sumalpok sa isang kotse. Wasak Ang muka ng driver ng motor dahil sa humampas Ito sa kotse at Ang angkas ay balibali ang buto dahil sa tumilapon at bulusok sa kalsada. Kapag nang yayari ang aking mga kutob parang nawawalan ako ng lakas at nanghihina para bang sinasabi ng katawan ko na dapat napigilan yun Kung pahiwatig palang ay binalaan kona pero Alam ko sa sarili kong mahirap kalabanin ang kamatayan dahil laging may kapalit. Sep,05,2008 Nang yari ulit ang bagay na Ito Nakita ko naman ang sundo ni Lolo Narsiso siya ay matandang lalaki na mainitin Ang ulo laging may nakabuntot na kaluluwa ng isang lalaki sakanya tulad ng dati hindi ko nalang pinansin para walang gulo pero.... Paglipas ng tatlong araw si Lolo Narsiso ay namatay dahil sa komplikasyon sa puso dahil sa hika doon ko Lang napagtanto na may ibat-ibang pahiwatig sa bawat tao. Dec,15,2008 Sumunod Naman si Lola Marta Wala akong masyadong Alam sa kanya pero Ito ay pahiwatig na masya maaliwalas at parang handa na sya Hindi man Niya sabihin pero Alam ko iyon dahil nakikita ko sa ora niya masaya ako na Nakita ko iyon na walang takot at kaba sa aking sarili na mawawala na siya siguro nga ay handa na siyang mawala dito sa mundong Ito.At tulad ng inaasahan ay nawala na rin siya isang araw Hindi na sya nagising magandang pagkamatay pikit nalang at walang paghihirap na maramdaman. Nailibing na si Lola Marta Ang aking masamang pakiramdam ay onti onti nang nawawala na parang walang nangyari laging ganito.Ang mabigat na pakiramdam ay parang sumasabay sa paglubog ng araw na humuhudyat sa masaya at magandang bagong umaga para sa lahat ng tao sa Sitio Kasilag haysst...... 12,30,2008 Malapit na Ang bagong taon. Sana sa pag dating ng bagong taon ay ang sumpa sa akin ay kasama na rin maiwan sa taong Ito dahil mahirap mag karoon ng gantong kakayahan. Hindi sa mahirap natatakot ako na dumating yung panahon na yung Mahal ko sa buhay ang mawawala at nakikita ko ito na palapit na ng palapit ang oras nya na kahit anong gawin ko ay hindi ko mapipigilan dahil tadhana at panahon na nya talaga iyon. Mahirap kalabanin ang kamatayan dahil kahit Sinong tao mayaman man o mahirap Basta oras mo na ay oras muna walang doctor o sinuman ang kayang baguhin ang tadhana na iyon. Nag hanap ako Ng kasagutan sa aking mga katanungan Kung bakit meron akong gantong kakayahan. Ayun sa aking mga nabasa Ang kakayahang Ito ay pinapasa sa lahi. Ito ay naipapa Kung gusto ng talikuran ng may gamit Ang kakayahang Ito o kaya ay malapit na syang mamatay ayon sa mga sabisabe kapag Ang taong may anting anting ay matagal mamatay at Kung mamatay man sya na dala Ang anting anting nya ay hindi sya maaagnas at parang magiging kahoy lang Ang katawan ng may anting anting. Siguro nga pinasa sa akin Ito ng aking mga ninuno Kung sino man sya may halong galit at awa sakanya Ang aking naramdaman sapagkat ay may dinadanas akong paghihirapan dahil sa kanya at awa kung Hindi nya Ito pinasa sa akin ay patuloy parin Ang kanyang paghihirap hanggang sa kabilang buhay. Nag tanung ako sa aking mga magulang,ngunit Hindi nila Alam Kung meron ba silang kapamilyang may taglay Ng bagay na iyon. Lumipas Ang mga buwan at Ang pakiramdam ko ay nauulit na ulit. Eto nanaman Mabigat Ang hirap huminga Sino nanaman kaya. Habang nag mumuni ako sa may gulong na nakatayo sa Harap Ng simbahan ay may tumigil na Jeep sa may kalsada Sino kaya yun nang biglang nakaramdam ako Ng masamang kutob bumilis ang t***k Ng aking puso kinakabahan ako. Pagbaba ng matanda ay kasama nya Ang itim na anino Hala sya na Ang susunod ng kukunin ng kamatayan sino kaya sya at anong ginagawa niya dito. Si Lolo Pilong pala dating nakatira dito noong una nung marami pang mga tubo dito. Kakilala siya ng aking mga magulang bumalik siya dito dahil sa may sakit na siya may sakit siya sa lalamunan at Kung ano yun ay Hindi Kona inalam basta ayun may sakit siya. Pag lipas ng isang buwan si Lolo Pilong ay sinugod sa Hospital Dahil sa Hindi siya makahinga Nakita ko ang anino na mas lumalaki at mas nagiging itim. Hayst Malapit na siya nakakalungkot pero ayun Ang katotohanan na malapit na siya sa kanyang hanganan nakakatakot Makita ang kamatayan gusto mong tumulong pero mahirap kalabanin ang kamatayan dahil Kung buhay ang kinuha buhay din Ang kapalit. Tatlong araw ang nakakalipas ay Nalaman Kong tinubuhan na daw si Lolo Pilong. Bakit siya ay matagal pang kunin Hindi tulad Ng iba na mabilisan lang tamang pikit ayun tapos na siya ay tinubuhan pa ehhh parang lalo mo pang pinahihirapan Yung Tao. Ayan dumating na yung araw niya isang araw palang nakakalipas ayun binawian na siya Ng buhay HAYST Ang sakit na Alam mona ang kamatayan niya at ikaw mismo ang nagbibilang ng araw ng ilalagi niya sa mundo diba Ang saya para na akong baliw mental na ata ang pasok ko nito. September na wala parin ngayun dko na kinaya ang pagsasarili ko dto sa problemang Ito kaya medyo na Sabi ko Ito sa ilang mga pinsan ko nung una Hindi pa makapaniwala si Bobby pero nung nag bigay ako ng patunay na nang yayari iyon Ewan ko ba Kung naniniwala siya o Hindi... Na school ako nung ang mga uwak ay aking naririnig, eto nanaman eto na ulit sino nanaman kaya Hindi ako mapakali hanggang uwian nakasakay na ako Ng Jeep nung Makita ko ang itim na anino sa hospital na adaanan namin at merong iilang mga taga samin ayun na nga at Sino kaya yun.... Pag dating ko sa bahay pala isipan parin Kung Sino Ang namatay Sino kaya yun.. Paakyat na ako ng hagdan nung sabihin sakin ni Bobby na tama nga ako Hindi siya makapaniwala at sinabi rin nya Kay tita sa mama nya... Ang nalalaman ko. Si Kuya Arman pala ang namatay nag bigte.. nagulat ako sa aking nalaman Bakit? Tanong ko Kay Bobby. Nag away daw silang mag asaw nung umaga dahil sa maagang pag iinum ni kuya Arman pinang bigte daw ay Tali Ng manok isang bagay na dko inaasahan na maaring ganto Ang hatid Ng kamatayan sakanya nakakapang lumo ang sinapit nya... Pero wag Kayo loyal si Kuya Arman nag iwan pa ng sulat sa pinaka mamahal niyang Asawa na Mahal na mahal niya kahit kamatayan Hindi sila mapag hihiwalay.. Grabe si Kuya Arman sumalangit nawa Ang iyong kaluluwa. In this year September na two down Isa nalang at tapos na ulit..... Dalawang buwan ang nakalipas ng nailibing si Kuya Arman.. November na at may bagong nilalang nanag paparamdam sakin Ito daw ay isang wak-wak dko maintindihan Bakit tinawag itong wak-wak Ito ay isang maitim at malaking ibon na maingay sa Gabi.. Eto na nga tatlong Gabi nang nag paparamdam Ang wak-wak sakin gabi-gabi nalang na walang tigil simula 10:00pm hanggang 12:00mn tapos pang apat na araw niyang mag paramdam nag kakapag taka 5:00pm palang ay naririnig kona bandang mga 6:00pm to 7:00pm ako kinutuban at mag nag tatakbuhan at ayun binalita nila na si Kuya Nhoan ay nag bigte gamit ang number 14AGW stranded Ang ginamit. Nakita Ng kanyang kapatid na nakasabit na sa bubong Ng kwarto niya. Kumain padaw si Kuya tapos nanood Ng TV habang sila ay nanonood Ng TV mag anak ay nag salita si Kuya Nhoan na Mahal nya Ang kanyang pamilya. Tapos nag paalam na papasok na sa kanyang kwarto at matutulog na. Nag buhay sya Ng Radio at nilakasan ang volime. Siguro upang Hindi marinig yung pag hihingalu niya. Pag kababa sa kanya mula sa pagkakabitin ay agad siyang CPR ng isang health worker pero huli na Ang lahat maitim na Ang muka nya at wala nang pulso. Kinabukasan ay dumating na ang purinarya upang iimbalsamo si Kuya Nhoan sa kanilang bahay. Nakaktuwa Lang ambait na tao ni kuya Nhoan. Ayun nanga nag tanong ulit ako sa Lola ko Kapatid ng Lolo ko nabangit nya sakin sa side nila si Lola Nina nanay nila ay meron at siya ngunit malabo daw na mapasa sakin Yun dahil sa Hindi daw pinasa ni Lola Nina dinala nya Ito hanggang sa kamatayan...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Paranormal Heroes 1 and 2

read
1K
bc

His Heavenly Mate

read
65.1K
bc

Heart Of A Lycan Prince

read
48.2K
bc

Dear Diary - They Told Me I’m A Werewolf!

read
9.9K
bc

Unscentable

read
1.3M
bc

Foxy (Alpha Doms book 3)

read
40.2K
bc

The Alpha's Rejected Silent Mate

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook