bc

Falling for my Boyish Girl (Filipino / Tagalog) - COMPLETED

book_age12+
2.2K
FOLLOW
5.2K
READ
love-triangle
age gap
second chance
tomboy
drama
sweet
humorous
lighthearted
first love
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

*** FOREVER FREE ***

*** COMPLETED ***

Khel is a 19-year old boyish girl who's never been in love... until she meets Von, the man with slightly-chinito eyes. He is the only man who could put her heart into a racing game. The only man who could make her blush in an instant.

Ang kaso, gusto rin ito ni Trish, ang bestfriend niyang biniyayaan na yata ng lahat ng magandang qualities ng Maykapal. Trish is every man's dream girl and a heartbreaker genius. So, ano'ng laban niya? Hindi pa man nag-uumpisa ang love story nila ni Von ay sumuko na siya... for two reasons. Una, ayaw niyang masaktan ang kaibigan niya, at ikalawa, ayaw niyang masaktan siya.

But, what if fate has its own way of opposing to her will of running away from Von and intertwines their path as if it's destined to be? Will she even dare to fight for her love this time or will it be the start of her goodbye to forever the second time around?

Hanggang kailan magpapaubaya ang puso?

Hanggang kailan puwedeng umiwas?

Magkaroon pa kaya ng puwang ang kanilang pagmamahalan na sa simula pa lang ay agad nang hinarang?

♡♡♡

"Yes, sure. I know damn well that I am in love with the girl who dresses and acts like a boy. And yes, I am insanely mesmerized by your boyish charm!"

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Masayang nakikipagkuwentuhan si Khel sa mga kaibigan niyang sina Melrose at Trish nang nagkukumahog na dumating si Chase sa Palacio del Café, ang paborito nilang tambayan na magkakaibigan. Kinikilig pa nitong ipinakita ang phone sa kanila. "Guys, grabe ang guwapo talaga niya! Ang yummy niya!" wika nitong animo sinisilihan ang p***t. Sinulyapan lang niya ang ipinapakita nito na larawan ng sikat na schoolmate nila na pinasok na ang larangan ng showbiz bago muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa. "Alam mo, Chase, ang ganyang mga lalaki, dapat ikinakadena once na makuha mo na, kasi siguradong may magpupumilit mang-agaw diyan kung sakaling nasa iyo na! Eh, halos perfect na siya! Oh, look at those eyes, my God! Parang nang-aakit!" segunda naman ni Melrose na may pakaga-kagat pa sa labi na nalalaman. "Kung mahal ka, kahit ipagtulakan mo pa 'yan sa iba pang mga artista at modelo, 'di papatol 'yan," mahinang anas niya na hindi niya namalayan na napalakas pala. Nagkatinginan ang tatlo niyang kaibigan sabay akbay sa kanya ni Trish na may impit na ngiti sa labi. "Uy! Pumapag-ibig na siya!" biro nito. Pumangalumbaba naman sa harap niya si Melrose sabay sabing, "May nakapana na ba diyan, ha?" bago inginuso ang dibdib niya. Naiiling niyang tiningnan ang mga ito bago umismid. "Alam mo, Khel, ganito lang 'yan, eh. Kapag may nakita kang lalaki na 'yong tipong matutulala ka, 'tapos mas malakas pa sa drums ang lakas ng t***k ng puso mo, it means may amats ka na. Ano, isipin mong maigi kung sino ang lalaki na 'yon," biro naman ni Chase na panay pa ang kumpas ng kamay sa ere. "Ay naku, tigilan n'yo nga ako. Ako na naman ang napagtripan n'yo," reklamo niya habang pinipilit ignorahin ang mga pang-aalaska ng mga kaibigan. "Eh, sigurado ka ba naman kasi na lalaki nga ang gusto niyan?" nakataas-kilay na tanong naman ni Melrose kay Chase. Umalingangaw ang tawanan ng barkada sa loob ng cafe. There they go again! Napailing na lang si Khel. That’s the beauty of their friendship. Kahit nag-aasaran, hindi naman nagkakapikunan. "Tara lets, punta na tayo ng SM," yaya ni Melrose sa kanila sabay tayo. "May kukunin pa akong libro sa library para sa research ko baka maisoli na 'yon maya-maya. Susunod na lang ako," aniya ng hindi man lang tinitingnan ang kaibigan. "Pupunta rin ako ng Admin ngayon. Sabay na lang kami ni Khel, doon na lang tayo magkita sa SM ng mga 3pm," sagot ni Trish. "Alright, kitakits na lang 'maya, tom-jones na aketch," paalam naman ni Chase na tumayo na rin at sumabay kay Melrose. Bagama’t iba-iba ang kurso na kinuha nila ay sa isang university lang nila napagdesisyonang pumasok para palagi pa rin silang magkakasama. Sa tatlong kaibigan ay si Trish ang pinaka-bestfriend niya dahil sila ang magkababata, habang sina Melrose at Chase naman ay naging barkada nila noong highschool. Madalas ay napagkakamalang girlfriend niya si Trisha dahil sa closeness nila, bagay na tinatawanan lang nilang magbabarkada. Well, sometimes Trish deliberately does that to push away those crazy girls na humahabol sa kanya. Paano naman kasi, although boyish siya, hindi pa naman siya nagkakagusto sa kapwa niya babae, at alam na alam iyon ni Trish. "Hindi ka pa ba nagugutom?" tanong ni Trish habang namimili ng makakain sa menu. "Medyo,” sagot niya habang tutok pa rin ang atensyon niya sa mobile. Nang matapos ang game ay muli siyang tumingin sa kaibigan, “Gusto mo 'kain tayo sa Canteen? Gusto ko ng kanin saka 'yong fried chicken nila roon," sagot niya na para bang nananakam. "Nakupo, ang figure ko. Kainis ka naman, eh.” Bagama’t alam niyang nag-aalangan ito dahil sa diet nitong ginagawa sa kasalukuyan, alam naman niyang hindi nito matatanggihan ang fried chicken sa Canteen. Tumayo na ito bago kinuha ang gamit sa kabilang upuan. 'Di sinasadya ay natabig ni Trish ang papadaan na lalaki na may dalang mainit na kape at sa laki ba naman ng space na pwedeng matapon ang kape ay si Khel pa talaga ang natiyempuhan! Napatalon siya sa pinagsamang pagkabigla at sa mainit na likidong natapon sa braso niya. Agad naman siyang dinaluhan ni Trish at ng lalaking nakatapon ng kape. "Oh, God! I'm sorry, Miss!" tulirong anas ng lalaki sabay takbo sa may counter at humingi ng first aid. Si Trish naman ay nanginginig ang mga kamay habang pinupunasan siya. Bakas sa mukha niya ang hapdi ng balat although the pain was bearable. Agad siyang binigyan ng first aid ng lalaki habang si Trish ay naman ay hawak ang kabila niyang kamay. Pumunta rin ang Manager ng Cafe para umantabay. Panay ang paumanhin ng lalaki sa kanya at panay rin ang sagot niya na ayos lang siya. "First aid lang ito. Kailangan ka pa ring dalhin sa Clinic para matingnan 'yang paso mo," anang lalaki nang matapos ang pagpapahid ng cream sa kanyang braso. "Salamat," mahinang sagot niya sabay tayo. "Pero okay lang talaga ako. 'Di naman masyadong malala, paso lang ito," dagdag niya saka ngumiti rito. "Ano ka ba, Khel! Ang tigas ng ulo mo. Mas maigi na ‘yong nakakasigurado! Let’s go!" galit na saway ni Trish sabay kuha ng bag niya mula sa kanya. "Sigurado ka na okay ka lang, Khel?" tanong naman ni Tyrone, ang Manager ng Café. Tumango siya at nag-thumbs up bago nagsalita, "Oo naman. Malayo 'to sa bituka." "Ako na ang bahala sa friend ko, Tyrone, don't worry," sagot ni Trish at pagkuwa'y bumaling sa lalaki, "it's partly my fault naman, so you’re spared." "I insist. Sasama ako," pilit nito in a gentleman way. "Wala lang ito. Masyado kayong OA," aniya bago nagpatiuna nang lumabas. "Ang tigas talaga ng ulo mo! Sige na, malapit lang naman ang Clinic, doon na tayo dumiretso," pilit na pagkumbinsi ni Trish habang kinukuha ang susi ng kotse sa bag. "You need medical attention para mas makasigurado," sabat naman ng lalaki na hindi nila naalintana na nakasunod pala sa kanila. Nilingon ito ni Trish bago ngumiti ng matamis. "It's fine. Ako na lang ang magdadala sa kanya sa Clinic -" "Ako ang nakatapon ng kape, so it's my responsibility na dalhin ka sa Clinic. It’s not a big deal. Ayoko lang kainin ako ng kunsensya ko, I just want to make sure that you’re alright" pilit ng lalaki sabay kuha ng kamay niya at pagkuwa'y inalalayan siya. "Aba, teka lang!" bahagya siyang napaigtad dahil hindi siya sanay na hinahawakan ng kung sinu-sino lang. “I’m a good guy, don’t worry,” wika nito, trying to convince them. Tumaas ang kilay ni Trish sa asta ng lalaki pero pinabayaan na lamang ito. "Okay lang ako at makukuha naman ito sa gamot. Para paso lang, kung makareact kayo, kay inam," sagot niya sabay pagpag ng kamay ng lalaki. “Sorry, ayoko ng hinahawakan ng kung sinu-sino.” Subalit para itong walang narinig at biglang binuksan ang isang nakaparadang kotse. "Please pumasok ka na, Miss," yaya nito sa kanya. Tatanggi pa sana siya ngunit itinulak na siya papasok ni Trish. "Oh, by the way, thanks for being so makulit! So manly!" sambit ng kaibigan niya na matamis ang pagkakangiti sa lalaki bago sumunod sa kanya sa pagpasok sa sasakyan. Napangiti ang lalaki bago isinara ang pinto, pagkuwa'y lumulan na sa driver's seat at muling nagpaumanhin. "I'm really really sorry, Ms.-" "Khel. Short for Michaella," dagdag ni Trish sa sasabihin nito. Tumango ito. "Sorry talaga, Michaella," muling paumanhin nito. "And I'm Trishabel, Trish in short," wika ni Trish sabay yakap sa kanya, "and I am also sorry!" "Okay na naman ako, Trish. Grabe kayo, paso lang ito. Hindi na nga masakit, eh," nakalabing wika niya sa kaibigan bago gumanti ng yakap dito. Nagtagpo ang mga mata nila ng estranghero nang tumingin siya sa salamin. Nakatingin na pala ito sa kanila ng hindi niya namalayan. Kaagad siyang namula at nagbawi ng tingin. May sapak ba ito sa ulo? tanong ng isip niya. "Ako nga pala si Von," pakilala nito habang nagmamaneho. "Von? As in..." si Trish habang hinihintay na sabihin ng lalaki ang tunay na pangalan. "Short for Devon Rodriguez," patuloy nito. "Nice name, so sexy!" si Trisha ulit na halatang nagpapacute sa lalaki.   "Salamat sa pagsama sa amin kanina. Pasensya ka na sa mga kaibigan ko, medyo makulit talaga ang mga 'yan," paumanhin niya kay Von habang nasa sala sila ng dorm ni Trish. Kasama nila ang lalaki sa Clinic hanggang sa mai-discharge siya. Dumating din kaagad sina Chase at Melrose nang ipaalam dito ni Trish ang nangyari sa kanya. Hindi na niya sinabi sa magulang niya ang nangyari at nagdahilan na lang siya na mag-i-stay sa dorm ni Trish para sa biglaang project. Mukha naming mabait ang lalaki at responsable, katunayan, ito rin ang gumastos ng lahat sa Clinic at pinakain pa sila ng mga kaibigan niya bago sila umuwi sa dorm ni Trish. Hindi naman malala ang nangyari sa kanya kaya pinauwi na rin siya kaagad at niresetahan na lang ng gamot. "Medyo pa lang pala ang kakulitan na 'yon, ha. Paano pa kaya kung todo na?" natatawang biro nito na sinabayan ng pagtawa. His eyes were dancing while he was laughing. Napangiti siya ng wala sa loob pero agad ding binawi at napalitan ng pagkailang because of the way he looked at her na parang nang-aarok kahit pa nga nakangiti ito. Inayos niya ang polo niya at ang pagkakaupo, then crossed her legs like those of a man. "Biro lang," anito nang mapansin na nagblush siya. "Kumusta na ang pakiramdam mo ngayon?" dagdag nito. "Okay na ako, salamat," sagot niya. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang pakiramdam niya. Parang dumadagundong ang dibdib niya. Epekto lamang ba iyon ng gamot na ininom niya? "Excuse me!" singit ni Chase bago tumabi sa lalaki. "Alam mo, pamilyar ka sakin," wika nito sabay titig kay Von. "Have we met somewhere before? I'm sure nakita na kita," giit nito. "Hindi ko alam," napatawa lang ng mahina ang lalaki sabay tingin sa kanya. “Ah, siguro nakasama na kita sa panag-inip ko, chos!” dagdag biro ni Chase na lalong nakapagpahalakhak sa kanila. "Bagay sa iyo ang nakangiti," amused na wika nito nang makita na tumatawa siya dahil sa tinuran ni Chase. Hayan tuloy, namula ang pisngi niya dahil sa sinabi nito. Lalo siyang nailang! Sobra 'tong lalaki na ito, ah, wika ng isip niya, pero bakit tila kumakabig at kinikilig ang puso niya? "Ay may gano’n!" puna ni Chase. Bigla niyang binawi ang ngiti sa labi niya tulad ng ginawa niya kanina, pagkuwa.y tumikhim bago nagpaalam. "Maiwan ko muna kayo," turan niya bago tumayo at pumunta kina Trish at Melrose na noon ay nagtitimpla ng tsaa. "O, sinong sumampal sa 'yo? Hindi ka naman nabanlian sa mukha, 'di ba? Bakit ganyan kapula ang mukha mo?" puna ni Melrose nang lumapit siya. Lalo pa itong lumapit sa mukha niya at sinipat pa talaga siya. Bahagya siyang umatras at napahawak siya sa pisngi bago humalukipkip. "Nainitan lang siguro ako," dahilan niya pagkuwa’y umupo. Ilang sandali pa ay nagpaalam na siya dahil pakiramdam niya ay pirming nakatitig sa kanya si Von. "Trish, doon muna ako sa kuwarto mo." Hindi na niya hinintay pa na pigilan siya ng mga ito, sa halip ay mabilis siyang pumasok sa kuwarto ni Trish. "Anong nangyari sa babaeng 'yon?" nagtatakang anas ni Melrose habang nakasunod ang tingin sa kanya. Sumunod si Trish sa kuwarto at bago pa man ito magsalita ay nauna na siya, "Nakakaantok 'yong gamot. Iidlip lang ako,” dahilan niya. Marahan itong tumango. "Sige, labas ka lang 'pag may kailangan ka. Pahinga ka muna," anito bago ipininid ang pinto.   ***   Hindi nainip si Von sa company ng mga kaibigan ni Khel. They are all friendly and cool. Palibhasa ay mga bata pa kaya masarap kasama. They remind him of his barkada back in college, ‘yon nga lang, all-boys sila. "May girlfriend ka na ba, Von?" malanding tanong ni Chase sa kanya. Napangiti lang siya without confirming kung meron o wala. He doesn’t think that’s important. Bago pa lamang niyang mga kakilala ang mga ito. "Chase, ano ka ba! Ikaw talaga, you just met him today 'yan agad ang tanong mo. Bukas mo na siya tanungin ng ganyan para masagot ka niya, by tomorrow, mas close na kayo ni Von," sabat-biro naman ni Melrose, dahilan para tumawa siya ng malakas. "Ang kukulit n'yo nga," sambit niya habang tumatawa. "Hala siya! Uy! Huwag masyadong pakatawa at baka may ma-inlove sa amin sa iyo! Single pa naman kaming lahat dito!" tudyo naman ni Trish sabay abot sa kanya ng tubig. "Thanks," aniya, "Siguro ganyan din kakulit si Khel kapag magkakasama kayo ano?" dagdag-tanong niya. Saglit na natigilan ang tatlo bago sabay-sabay na naghalakhakan dahil sa sinabi niya. "Naku, Von, alam mo ba kung ano siya sa barkada namin? Siya ang dakilang tagatawa, at kaming tatlo, mga dakilang payaso!" biro ni Chase na lalong ikinatawa ng lahat. "Alam mo ba 'yon kasabihan na 'How do Introverts make friends? Extroverts found them, liked them and adopted them'? Sa amin, siya 'yong introvert, at kami ang umampon sa kanya," dagdag pa nito. "Well, Khel is more of a serious type of person. I can’t even remember kung kailan ‘yan nag-c***k ng matindi-tinding joke sa amin. That’s how passive she is. Sa aming apat, she’s the only one who’s never been into a relationship kahit pa nga madaming nagkakagusto diyan na magaganda at sexy, kaso napakapihikan. Masyadong mapili!” mahabang litanya ni Melrose na sinegundahan naman ni Trish. "Ang ikli ng tanong, speech talaga ang sinagot mo? Ano ka, nasa graduation? Kaloka! Grabe kayo, ha! Baka naman kasi hindi babae ang gusto ni Khel! Sobra kayong judgmental!" kontra naman ni Chase. Bahagyang sumulyap si Von sa nakasaradong pinto ng kuwarto saka muling nakipagkuwentuhan sa magkakaibigan. Ilang saglit pa ay nagpaalam na rin siya dahil lumalalim na rin ang gabi. Habang daan ay hindi mawala sa isip niya ang mukha ni Khel. Sa totoo lang, napilitan lang siya na magpunta ng Palacio del Café for a date na ini-arrange ng kapatid niya. The last time he dated was 4 years ago when he was 23 at ngayon nga ay halos ipagtulakan na siya ng mga kapatid at mga kaibigan to date kaya kung sino-sino na lang ang ipinapakilala sa kanya. It's not that he's not interested in dating or he hasn't moved on from his past relationship, marahil ay hindi pa niya nakikilala ang nakatadhana sa kanya. Wala namang masamang i-pause muna ang buhay-pag-ibig niya at i-play na lang kapag sigurado siyang natagpuan na niya ang babaeng para talaga sa kanya.   ***   Earlier that day... He arrived at the Cafe 15 minutes early. Iginala niya ang mga mata sa loob ng Cafe. Karamihan ng customers ay mga estudyante na nag-aaral sa malapit na University. He decided to order a coffee bago umupo sa isang pandalawahan na mesa located at the center part of the café. He was currently checking his email when suddenly, there's this guy rushing inside the café and sat beside a group of girls. Napailing na lang siya dahil medyo may kalakasan ang boses nito. He never meant to overhear their conversation since isang table lang ang layo niya sa mga ito. What made him take a second look towards the group was when he heard the reply of one of them. They’re young and probably, reckless, but this girl, she seemed different. "Kung mahal ka, kahit ipagtulakan mo pa 'yan sa iba pang mga artista at modelo, 'di papatol 'yan," sabi pa nito. Bumahid ang ngiti sa kanya nang mapakinggan ang biruan ng mga ito. He likes the positivity in her tone. Ilang sandali pa ay nagring ang phone niya. "Yes, Ate. Nasaan na? Kanina pa ako rito," aniya sa kausap na kapatid. Tumayo siya para muling umorder ng kape. May emergency raw ang ka-date niya kaya hindi makakarating. Ibinaba na niya ang telepono at umorder. Pagkabayad niya ay tumalikod siya sa kahera habang inihahanda ang kape niya. That time, dalawa na lang ang nasa table and the girl that he got curious about is facing him now. She's cute! bulong niya sa sarili habang matamang nakatingin dito. She has a short midnight black hair, an almond-shaped eyes, cute pointed nose and heart-shaped lips. Bulag lang ang mag-aakalang lalaki siya, ang gandang lalaki naman niya, sabi niya sa sarili. "Sir, order n'yo po," wika ng kahera bago iniabot ang tray. "Salamat," sagot niya saka kinuha ang tray na may laman na cupcake at caramel coffee na inorder niya. Bumalik siya papunta sa mesa niya at marahil, dahil hindi maalis ang pagkakatingin sa babae hindi niya napansin na biglang tumayo ang kasama nito. Everything fell apart nang sa cute na babae pa tumapon ang dala niyang mainit na kape. What the! gulat niyang anas. Mabilis niyang tinulungan ang babae at kumuha ng first aid. He can't believe that he will meet her in the most unexpected way! Kahit pa nga improper, nagpapasalamat siya at nangyari ang aksidente, dahil kung hindi, malamang, hindi niya makikilala si Michaella.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook