bc

Taming the Campus Rebel

book_age18+
8.0K
FOLLOW
95.8K
READ
possessive
playboy
badboy
goodgirl
sweet
bxg
highschool
first love
school
virgin
like
intro-logo
Blurb

Upang makakuha ng panibagong scholarship, ay tinanggap ni Isla ang alok na trabaho, bilang tutor ng anak ng isa sa may-ari ng unibersidad na kanyang pinapasukan, sa pag-aakalang madali lamang iyon, sapagkat bata lamang naman ang tuturuan niya.

Para lamang magulat nang matuklasang hindi na pala bata, kundi isang Grade 12 student ang magiging estudiyante niya.

Papaano tuturuan ng isang Grade 11, sixteen year old student, ang isang Grade 12, eighteen year old, na nagrerebeldeng estudiyante niya?

Papaano kung sa paglipas ng mga araw ay siya pala, at hindi ito ang matuto sa kanilang dalawa?

Kaya ba niyang turuan din ang puso nito na tumibok na katulad ng sa kanya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"ANO NA namang gulo ang pinasok mo, Alejandro?!" Galit na sigaw ni Dad, pag-uwi namin galing ng eskuwela. "Noong isang buwan nanapak ka ng teacher, at muntik ka nang mapatalsik kung hindi ko lang napakiusapan ang Principal ninyo." nakapamaywang pang sermon pa rin nito habang palakad-lakad sa harapan ko. Umangat ang gilid ng labi ko nang maalala ang pangyayaring iyon. Murahin ba naman ako ng mayabang na teacher na iyon dahil lang hindi ako nakasagot sa graded recitation. Tinawag akong bobo at tanga. Nagdilim ang paningin ko, iyong lapit ko sa kanya, eh, di nabiling ang mukha niya. No one messes with me and get away with it. "Noon namang nakaraang linggo nahuli ka ng teacher mo na nakikipag-make out sa ibabaw mismo ng table niya!" Well, that... malay ko ba naman na papasok yung teacher ko, thirty minutes, before our actual class time. Inabutan niya tuloy akong nakapatong sa isa sa mga Pep Squad member, sa mismong table niya. Kung tutuusin, ako pa nga dapat ang mainis. Buong umagang masakit ang puson ko dahil sa pagkabitin! Pigil ang ngising nag-iwas ako ng tingin sa ama ko na kung literal na sibat lamang ang inilalabas ng mga mata ay kanina pa ako natumba, with multiple spear wounds. "Ngayon naman nahuli ka na gumagamit ng mrijuana sa loob ng cr ng mga lalaki! Por Diyos, Alejandro, this is, too much! Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?! Mula nang maghiwalay kami ng Mama mo nagkaganyan ka na! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo!" Anito pa, habang nasa baywang ang isang kamay at ang isa naman ay inihihilot-hilot sa sentido. Sige pa rin ang kalalakad-lakad sa harapan ko. Nanatili akong nakatungo at hindi nagsasalita. Para saan pa at ipagtatanggol ko ang sarili ko, kung hindi naman ako nito pinaniniwalaan? Totoong nandon ako nang magkahulihan na may gumagamit ng mrijuana sa cr, pero hindi ko sila kasama. Gago lang ako, pero hindi naman ako adik! Nagkataon lang na pumasok ako roon para mag-cr. Naiiling na itinuloy ko na lamang ang sadya ko roon at lalabas na sana pagkatapos, nang may isang teacher na pumasok din. Hindi na maikaila ng mga naroong estudyante na gumagamit sila, sapagkat amoy na amoy iyon sa buong palikuran. Ang mahirap lang, walang gustong maniwala na hindi ko kasama ang mga iyon. Nakadagdag sa pagpapatibay ng akusasyon sa akin ang repustayon ko sa unibersidad, kaya't walang nais na maniwalang hindi ako kaisa sa kalokohang iyon. Kaya pare-parehong sa Principal's Office ang bagsak namin. Ang hatol... suspindido ako ng dalawang linggo. Na mas mabigat pa sana kung hindi lang isa ang ama ko sa mga stockholders ng unibersidad na pinapasukan ko. Hindi pa rin naman iyon magandang balita para sa akin sapagkat Pebrero na. Isang buwan na lang at magsasara na ang klase. Siguradong mahihirapan akong maghabol. "Huling taon mo na sa senior high school... dalawang buwan na lang, at magtatapos ka na! Ngayon ka pa gumagawa ng ganyang klaseng mga kalokohan?!" Naiiling namang napapasentido pa rin ito at tila nanlalatang naupo sa upuan sa harapan ko. Mabuti na lamang at malusog ang puso ng ama ko, kung hindi ay baka naging dahilan ito ng atake niya. Hindi naman na ako nagkomento pa sa mga akusasyon niya. Mayroon doon na mga totoong ginawa ko nga, at mayroon din naman na hindi. Pero ano pa ba ang magagawa ko? I have been judge, already, dahil lang notoryus akong sakit ng ulo ng mga teacher sa university. Tss. I don't need to prove myself to anyone. Katulad nga ng sinabi ni Dad, mula nang maghiwalay sila ng Mama ko ay naging sakit na ako ng ulo sa ama ko. Doon na ako nag-umpisang bumarkada, at magpabaya sa pag-aaral. Well, pumapasa pa rin naman ako, pero hindi na nga lang katulad ng dati ang mga grades ko, na above average. Hindi naman sa pagyayabang, matalino naman talaga ako. Sabi nga ng isang teacher ko noong junior high school, ay sayang daw ang talino ko, bakit daw ako nagpapabaya sa pag-aaral. Umangat lang ang gilid ng labi ko rito, bilang pag-ismid. So? Isa pa rin naman kami sa mga may-ari ng university kahit hindi matataas ang grades ko, ah. Ngani-ngani kong isagot. Mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko. "I think, I need a tutor." Walang kaabog-abog na mahinang sabi ko, maya-maya. Kunot na kunot ang noo ni Dad nang muling mag-angat ng tingin sa akin. Kagat ang pang-ibabang labi na pigil na pigil ko naman ang ngisi ko. Sa haba ba naman ng litanya niya, iyon lang ang isinagot ko. "What? Did I hear it right?" Tila hindi pa rin makapaniwalang tanong nito. Bumuntong-hininga ako at umayos ng upo. Inabot ko pa ang isang fountain pen sa ibabaw ng mesa niya at nilaro-laro iyon sa kamay ko. "You heard me, Dad." I replied, in a tone, na alam ko na hindi ako mapapahindian ng ama ko. "I want a tutor." "Alejandro, kung isa naman ito sa mga kalokohan mo--" "Dad, I am suspended, for two weeks, right?" Naka-angat pa ang mga kilay na ani ko rito. Kaswal na kaswal ang pananalita ko, na para bang hindi kani-kanina lang ay halos umusok ang bunbunan ng ama ko sa galit sa akin. "So, kailangan ko ng tutulong sa akin para makahabol sa mga lessons namin. For two weeks, we can have a tutorial session, for an hour, or two." I said, in a matter of factly tone. Sinisiguro ko na makikita ni Dad ang logic ng sinasabi ko. "That way, kahit suspended ako, updated pa rin ako sa mga lessons sa klase namin." Ipinatong ni Dad ang siko niya sa mesa at inihilamos ang ilang daliri sa palibot ng kanyang mga labi. Anyong pinag-iisipan ng mabuti ang mungkahi ko. Kapagkuwan, ay tila talunan sa gerang napabuntong-hininga ito, at mataman akong tiningnan. "Seryoso ka ba talaga sa sinasabi mo?" "Dead serious." Mabilis na sagot ko na may kasama pang tango. Pilit kong pinipigilan ang paggapang ng excitement sa mga ugat ko. "Baka mamaya kunsumihin mo lang ang magiging tutor mo, at puro kalokohan lang ang gagawin mo?" Bakas na bakas sa mga mata at tinig ni Dad ang pag-aalinlangan sa sinasabi ko. "Of course not." Mabilis ko pa ring sambit. "Promise, ipapasa ko iyung mga subject ko, at ga-graduate ako sa Marso. Basta gusto ko ng tutor." Isa pang buntong-hininga ang pinakawalan ni Dad bago, parang hinang-hina na pabagsak na isinandal ang likod sa backrest ng swivel chair niya. "Bueno, magpapahanap ako kay Mrs. Castro ng teacher na pwede mong maging tutor--" "May napili na ako, Dad." Mabilis pa sa alas-kwatrong nakangisi kong sabi. Maang namang nag-angat ng tingin si Dad sa akin. Nasa mga mata ang labis na pagdududa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook