bc

A Vampire's Wish

book_age12+
14
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
twisted
mystery
vampire
campus
enimies to lovers
superpower
supernatural
Writing Academy
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Everyone has a dream. Every night some of us is staring at the stars and wish to make our dreams come true but will it be possible for a "so-called monster" to have her wish come true?

Prologue

What if you have one wish and someone will grant it for you?

What would it be?

Ako? Simple lang...

Gusto kong magkaroon ng normal na buhay.

Yung kagaya sa ibang tao...

Yung hindi mapagpanggap...

Pero posible ba yon?

Sa mundong to walang lugar ang katulad ko.

Kapag nalaman nila ang totoo baka...

Patayin pa nila ako.

- Celestine

***

I have everything but one...

Her? I hate her!

Sinong magkakagusto sakanya?

Messy hair! Pale skin!

Para siyang may sakit? Hindi kaya?

Although hindi naman siya kapayatan hubog nga lang ata ang maganda sakanya?

But hell? Ragged clothes sa school?! Hindi man lang marunong mag ayos!

Makapal na salamin?! Hindi ba uso ang contact lens sakanya? Sana naglagay na rin sya ng braces sa labas ng bibig nya para mas nerd!

Sya lang yung nerd na bastos ang ugali, akala mo matanda pa kaysa sa mga prof!

Basta nababadtrip ako pag nakikita ko sya!

Tch!

- Kieran

chap-preview
Free preview
Chapter I
“Pre! Nasaan ka na? kumpleto na kami dito, ikaw na lang ang kulang.” Sigaw ng kaibigan ko at sa tono ng pananalita niya ay mukhang sinabon na sya ng Coach namin dahil late nanaman ako! Hahahaha!   “Oh my G! ang gwapo talaga niya!” “hala! Tumingin sya sakin! Eeeeehhh!” “Hoy! Wag kang feelingera sakin sya tumingin!”   Yan ang ilan sa mga komentong madalas kong marinig twing dadaan ako sa harap nila. hindi na bago sakin yun, hindi naman sa pagmamayabang pero ipinanganak kasi akong gwapo! Hahaha! #pogiproblems! Just kidding! Hahaha!   “H-hi K-kier-ran! P-pinap-pab-bibigay n-nga p-pala n-ni m-mom-my.” Nahihiyang ani Kath. “Uy! Salamat Kath!” ngumiti ako sakanya at saka ginulo ang buhok nya. Namula agad ang pisngi nya dahil sa ginawa ko kaya natawa ako.   “luhh! Pinansin niya yung nerd na yun?” “Oo nga! Napakapapansin talaga eh!” “naku! If I know naawa lang dyan si Kieran ko. Hay ang bait talaga ng future husband ko! Hihihi!” “ilusyunada!” dinig kong usapan ng ilang babaeng nakakita samin ni Kath kaya agad ko silang nilingon.   “Excuse me miss?” baling ko sa kanila. “hala! Kinakausap niya ko! Eeeh!!!” bulong niya pero naririnig ko pa rin. “Ahm bakit Kieran?” sagot niya sabay hawi ng buhok nya sa likod ng kanyang tenga. “Can you stop your hallucinations? Who give you the right to call me “Kieran ko” at “Future Husband ko ha?” inis na anas ko. Napahawak ako sa noo ko at napatawa ng sarkastiko habang nakayuko. “Sorry Kieran.” Halos naluluha niyang sabi. “You know what? Kayo ang mga papansin at hindi si Kath okay? Just! Ugh! Get of my sight now!” sigaw ko kaya agad silang nag-alisan at halos magkadarapa pa sa pagmamadali. “H-hala! S-sa-n-na di m-mo na l-lang s-sila p-pinansin Kieran. B-Baka l-lalo s-silang m-magalit s-sakin.” Malungkot na wika ni Kath. “Wag mong pinapansin ang mga sinasabi ng mga yun. Naiinggit lang sayo yun okay? Bakit? Binubully ka ba ng mga yun?” mahinahong sabi ko. “H-Hindi!” agad na tanggi nya habang winawagwag ang kanyang dalawang kamay sa harapan. “Kath kapag may nangbully sayo dito, sabihin mo agad sakin ha? Akong bahala sayo!” seryosong sabi ko na agad na nagpangiti sakanya. “T-talaga?” umaasang tanong nya. “Oo naman! Tara! Late na ko eh! Hahaha!” anyaya ko sakanya sabay akbay habang ginugulo ko ang buhok nya alam kong nagulat sya sa pagkakaakbay ko dahil biglang umangat ang balikat nya. Naglakad na kami papunta sa gym dahil ngayon ang kuhanan ng graduation picture namin nang makarating kami sa gym ay agad namang nagpaalam si Kath at pumunta sa mga kaklase nya habang papasalubong naman sakin si Coach. “Oh? Mr. Yoon! You’re late… again!” mariing sita sakin ni Coach. “Sorry Coach! Tinanghali ng gising eh...hehehe” kakamot kamot sa ulong sagot ko. “SIge na! pumwesto ka na dun. Tsk! Tapos na to dapat kanina kung hindi ka lang late. Wag mong ugaliin to pagpasok mo ng kolehiyo ha?” pahabol na sermon sakin ni Coach bago ako tumakbo papunta sa mga kaklase ko. “Group picture naman ng varsity” sabi ng photographer kaya naman luminya na kami. “Sir! Pwede nyo po ba kaming kunan ng picture ni Kieran?” Dinig kong sabi ni Addie sa Photographer matapos makuhanan ng picture ang buong varsity. Agad naman itong pumayag kaya lumapit sakin si Addie. “Smile!” sabi ng photographer. Inabot rin siguro ng limang kuha samin bago sumali ang mga kaibigan kong sina Drake, Blake, Sef at Luther. “Pre, bakit late ka nanaman ha? Pinuyat ka nanaman ba ni Addie? Hahahaha” pang-aasar ni Drake. “Nakoooo! Hindi pre. Hindi ka nagkakamali! Hahahaha!”gatong naman ni Luther. “Uy! Wala akong alam dyan ah!” nahihiyang sabat naman ni Addie. “Hoy tigilan nyo nga tong girlfriend ko. Nagsisimula nanaman kayo” awat ko sa kanila. “Bakit ka nga ba kasi late?” tanong naman ni Sef. “Dumating kasi sila Dad kagabi. Alam nyo na isang katutak na sermon nanaman inabot ko” kamot-ulong sagot ko. “Daddy mo pa lang yun dre, hindi pa si Chairman hahaha! Yari ka pag yun ang umuwi.” Pang-aasar ni Drake. Napabuntong-hininga na lang ako sa isiping yun. “Wag nyo ngang ipressure si Kieran guys! Tara kain na lang tayo. Gutom na ko eh. Saan mo gustong kumain hon?” malambing na tanong sakin ni Addie. “Uhmm... kahit saan hon, hindi pa naman ako gutom masyado eh.” Malambing na sagot ko sakanya. “Nakooo! Ang dami nanamang langgam hahaha!” pang-aasar ni Luther. Nasanay na rin si Addie sa pagiging mapang-asar ng mga kaibigan ko kaya madalas ay tinatawanan na lang nya ang mga ito. “Hoy! Blake! Tama na kababasa mo dyan! Pagraduate na tayo libro pa rin ang hawak mo? Kelan ko kaya makikitang kamay naman ng babae ang hawak mo imbes na libro bro?” sabi ni Drake sa kakambal nyang si Blake habang tinatapik ang balikat nito. Napailing na lang si Blake sa kalokohan ng kapatid nya saka ito tumayo para sumunod samin. Sa tagal na naming magkakaibigang lima ay halos kapatid na ang turing ko sa kanilang lahat. Si Addie naman ay dalawang taon ko ng nobya at madalas din naman na nakakabonding ng mga kaibigan ko.   “Kami na ang oorder guys! Hanap na lang kayo ng pwesto” prisinta ni Sef at Blake kaya naman kaming apat ay naghanap na ng pwesto. Medyo nahirapan kami makahanap ng pwesto dahil halos lahat ng mesa ay okupado na. tumingin ako sa relo ko at nakitang alas-dose y media na pala. “Guys dito!” kaway samin ni Drake ng may makita syang pwesto sa bandang dulo. “Grabe ang daming tao kahit saan.” Iritang sabi ni Addie. “Wala na kasing klase kaya siguro ganito karami ang tao ngayon.” Sabi ko naman. “Pre, paano yan? Hindi na kayo magkaklase next school year. Magkaiba kasi kayo ng course eh.” Pang-iintriga ni Drake. “Wala namang problema yun dre, para sa future naman namin yun di ba hon?” Confident na sagot ko. “Oo nga naman Drake, saka nandyan naman kayo, babantayan nyo naman to di ba? Hahahaha!” tatawa-tawang sagot ni Addie habang nakaturo sakin. “Nakooo! Hindi namin maipapangako Addie! Hahahaha!” pambubuska naman ni Luther. “Hindi nyo naman ako kailangan bantayan, stick to one to.” Seryosong sabi ko sabay turo sa dibdib ko. “talaga ba? Hahaha!” pang-aasar ni Addie. “Oo naman! Napaswerte mo nga sakin eh. Biruin mo loyal na faithful pa? Saan ka pa? hahahaha!” Proud na sagot ko. “Yown! Ganyan pa rin kaya sagot nyan pag pasok natin ng college Drake? Hahaha! Nakooo! Wag kang magsalita ng tapos dre.” Pangbubuska ni Luther habang iiling-iling. Kahit na alam kong nagbibiro lang si Luther ay napa-isip ako sa sinabi nya. “Paano nga kaya kung may maglakas ng loob na pumorma kay Addie pag college na kami? Tsk! Hindi yan Kieran! Tiwala lang” sabi ko sa sarili ko habang napapailing. Pinilit kong alisin ang bagay na yun sa isip ko at muling sinaway ang dalawa. “Hoy! Magsitigil kayong dalawa dyan ah! Baka mamaya maniwala si Addie sa inyo! Lagot kayo sakin!” inis na saway ko sakanila habang nakaduro sa kanilang dalawa pero yung dalawang gunggong tinawanan lang ako, kaya naman napasimangot nalang ako. “Hon, wag ka nang mainis alam mo naman na malaki ang tiwala  ko sayo di ba?” panunuyo sakin ni Addie saka nya ihinarap sa kanya. Hinawakan nya ang mukha ko ng dalawang kamay saka nya ko hinalikan sa pisngi, pinigilan ko ang ngiti ko dahil yung dalawang gunggong ay napansin kong handa nanamang mang-asar, buti na lang at dumating na sila Sef at Blake kaya naging abala na sila sa pagkain. Ganito kami madalas, Sila Luther at Drake ang nangunguna sa pambubuska habang sina Blake at Sef naman ang taga-awat. Madalas kasi kahit mapang-asar rin ako ay ako yung mabilis uminit ang ulo at pikon pero kahit ganoon ay hindi naman kami talaga nag-away kahit kailan. Masasabi kong mabubuti ang mga kaibigan ko dahil sa dami ng pinagdaanan naming lima ay hindi nila ako iniwan. Matapos naming kumain ay nag-aya pa ang mga kaibigan ko na mag arcade, sa una ay nag-alangan pa ko dahil kasama namin si Addie. Alam kong hindi niya hilig ang ganoong lugar dahil bukod sa maraming tao ay maingay rin sa lugar na yon. Ngunit hindi ko inaasahan na mauuna pa siyang pumayag at sumunod sa mga kaibigan ko. Sa totoo lang ay natuwa ako dahil natuklasan ko na kaya naman niyang sakyan ang mga trip ko kahit na malayo iyon sa hilig niya. Si Addie ay mahilig sa tahimik na lugar, naaalala ko na madalas aykung hindi sa library siya nakatambay ay sa art gallery siya nag-aaya. Mahilig siyang magpinta sa katunayan ay napakahusay niya. Yan rin mismo ang dahilan kung bakit magkakahiwalay kami sa college dahil fine arts ang kukunin nyang kurso samantalang kami ay music.   Nang makarating kami sa Arcade Hall ay agad na nag-aya sila Drake sa shooting range, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko dahil lagi kong inaalala si Addie, baka kasi ma out of place sya at ayokong maramdaman niya yun pero…   “Hon, wag mo kong intindihin. Mag-enjoy ka lang, manonood ako promise!” nakangiting sabi ni Addie kaya naman ang lawak ng ngiti ko sakanya. Para kaming mga bata na nakawala sa mga istriktong magulang namin. Maingay, Magulo, Maharot at kitang-kita na nageenjoy kaming lahat, halos nakalimutan ko na nga na kasama ko si Addie. Nang lumingon ako kay Addie pagkatapos ko sa virtual driver ay nakita kong may kausap syang lalake.   “Aba? Kung makangiti tong lalake na to kala mo mapupunit na yung bibig niya eh? Parang si joker! Tch!” sabi ko sa sarili sa sarili ko habang pinagmamasdan ko sila. Nakita kong hindi na komportable si Addie sa lalake kaya agad ko syang nilapitan saka ko siya inakbayan. “May kailangan ka ba sa girlfriend ko pre?” maagas na tanong ko sakanya. Nakita ko ang gulat nya per pilit nyang itinago yon at ngumiti ng sarkastiko. “Wala naman pre, nakikipagkaibigan lang ako sa girlfriend mo. Wag mo kasing inaalis sa paningin mo pre, ikaw din baka maagaw ng iba yan. Hahaha!” maangas ring sagot niya. “Hon, wag mo ng patulan. Tara na.” pakiusap sakin ni Addie kaya naman pinilit kong huminahon sa tinalukuran ang lalakeng yon. “Bakit ka ba kasi nakikipag-usap ka kung kani-kanino? Alam mo namang maraming jerk dito.” Inis na sita ko kay Addie nang medyo makalayo-layo kami. Narinig ko lang syang napabuntong-hininga kaya naman nilingon ko sya. Nanatili lang siyang tahimik kaya napa-isip ako at naalala ang sinabi nung lalake kanina. “nakalimutan ko nga siya sa sobrang enjoy ko kanina. Hindi ko na siya napansin o nabantayan man lang. paano pala kung nabastos na siya tapos hindi ko man lang napansin? Tsk! Ikaw pa ang galit Kieran? Ang tanga ko! Aishhh!” sabi ko sa isip ko. “Sorry Hon, dapat pala hinatid na lang muna kita kanina. Hindi na kita nabantayan. Gusto mo na bang umuwi?” malungkot na sabi ko. “Okay lang ako hon, importante mag-enjoy ka, pag college na kasi tayo baka hindi na natin magawa yung lumabas ng ganito, baka maging busy na tayo kaya gusto ko sana ngayong bakasyon magawa na natin yung mga bagay na hindi pa natin nagawa noon.” Paliwanag niya. “haaay! Ang swerte ko talaga sayo hon, bukod sa maganda ka na napakabait at understanding mo pa. Kaya mahal na mahal kita eh.” Malambing na sabi ko saka ko siya niyakap at hinalikan sa noo. “Nakoooo! Nasa arcade tayo guys, wala tayo sa park! Kung makapaglambingan kayo diyan parang walang tao dito. Hahaha!” pang-aasar muli ni Luther. Kinuha ko ang kamay ni Addie at iginiya sa may Virtual Driver saka ko sya iniupo sa harap ng monitor. “Tuturuan kita.” Nakangiting sabi ko. “Naku! Wag na. Ikaw na lang. hindi naman ako marunong eh.” nahihiyang sabi niya at akmang tatayo na pero pinigilan ko siya. Umikot ako sa katabing upuan nito atsaka naupo doon. “Kaya nga tuturuan kita di ba? Hindi ba ang sabi mo ay gawin natin ang mga bagay na hindi pa natin nagagawa noon? Oh? Bakit mo naman tatanggihan to? Subukan mo lang. Promise! Masaya to.” Pangungumbinsi ko sakanya at agad rin naman siyang pumayag. Hindi naman nagtagal ay naenjoy rin niya at mabilis niyang natutunan lahat ng games na tinuro namin sakanya hanggang sa mapagod kami at mapagdesisyunang  umuwi. “Thank you hon! Nag-enjoy ako! Hihihi!” masayang wika  ni Addie. “No need to thank me hon, Thank you for making me happy. Yung kahit na alam kong malayo sa trip mo yung ganong bagay eh sinubukan mo pa rin para mapasaya ko. Astig talaga ng girlfriend ko! Hahaha!” masayang sabi ko saka ko siya niyakap. “Haha! Nag-enjoy rin naman ako! Sige na hon, I have to go, baka mapagalitan na ko ni mommy eh. Masyado na tayong ginabi.” Paalam niya. Kaya naman bumaba ako para pagbuksan siya ng pinto at alalayang bumaba. “Thanks hon! Text me pag nakauwi ka na ha? Para alam kong safe ka.” Paalala niya. “Ofcourse! Goodnight hon! I love you!” nakangiting sabi ko. “I love you too. Drive safely! Ingat ka!” nakangiting sabi niya. “Mm… Mag-iingat ako para sayo. Sige na pasok ka na. aalis ako pagkapasok mo.” “Sige hon. Bye!” sabi niya bago tuluyang pumasok. Tinanaw ko siya hanggang makapasok siya sa loob ng bahay nila saka ako sumakay ng kotse at nagdrive pauwi.   ****Bahay**** “Do you think this is real theart?” Dinig kong sabi ni mom ng makapasok ako sa sala. “I know that this is too good to be true theart, kaya nga syempre siniguro ko munang hindi Con Artist ang dalawang to. We conducted a strict background check and it shows here na legit lahat ng assets nila.’ seryosong sagot naman ni Dad. “Omo! Sesanghe! Sobrang ganda ng deal na to theart.” Masayang sabi ni mom. “I know right. Kaya nga---“ huling rinig ko sa usapan nila bago sila nakapasok sa office nila sa bahay at isinara ang pinto. “Oh? Kieran, how’s your day?” Bati sakin ni Amber ng makita niya ako sa sala. “It’s fun! Hahaha! Ikaw how’s your day?” pangangamusta ko sakanya. “Hmmm… Okay naman, same pa rin. Nakipag date ka noh?” pang-iintriga niya. “Sus! Tinatanong pa ba yun? Eh matik na yun! May Girlfriend ako eh! Ikaw? Kelan mo balak magka boyfriend? Noona tumatanda ka na, aba! Mag lovelife ka naman! Hahaha!” pang-aasar ko sa kanya. “Eh di ikaw na ang may girlfriend!” inis na sagot niya. “Manang Sally! Anong dinner? Gutom na po ako!” Sigaw ni amber sa kasambahay namin. “Umiiwas nanaman siya sa topic! Oh siya! Akyat muna ko para maligo, tawagin mo na lang ako pag kakain na.” pang-aasar kong muli sa kanya saka ako umakyat at pumasok sa kwarto ko. Nagpahinga lang ako sandali saka ako nagshower. Maya-maya ay narinig ko nang kumakatok si Noona sa pinto. “Kieran! Kakain na! Bumaba ka ha!” Sigaw niya sa may pinto. “Oo, Sige susunod ako!’ sagot ko. Matapos kong magbihis ay bumaba na ko, saktong nasa mesa na rin sila Mom and Dad. “So as I was saying, pinadala ko na kay Dad lahat ng papers na kailangan niyang pirmahan. This is Jackpot theart!” Masayang kwento ni Dad. “Pero hindi po ba parang ang risky naman po ng deal na yan Dad?” sabi naman ni Amber. “Ganon talaga sa negosyo anak. You have to take the risk for you to succeed.” Sagot naman ni Dad. “Oo nga naman Amber, yung mga ganitong opportunity ay hindi na pinalalagpas. Saka sinigurado naman ng Daddy mo na legit ang magiging transaction nila.” segunda naman ni Mom. Sa totoo lang palagi kaming ganito sa bahay. Hindi ako nakakarelate sa pinag-uusapan nila. Wala akong interes sa Business dahil Music ang hilig ko. “Mom, Dad, Next week na po ang graduation namin.” Singit ko sa gitna na usapan nila pero hindi nila pinansin ang sinabi ko. “Mom, can you attend on my graduation day?” muling tanong ko. “Do I need to? May medalya ba akong isasabit sayo?” mataray na sagot ni Mom. “Wala po but ofcourse you need to be there.” Mahinahong sagot ko. “Amber? Can you do me a favor?” biglang baling ni Mom kay Noona. “What is it mom?” takang tanong naman ni Noona. “Pwede bang ikaw na lang ang umattend sa graduation ng kapatid mo? You know? Me and your Dad are too busy with our business especially now dahil dito sa bagong proposal na idi-deal namin. Please?” malambing na pakiusap ni Mom sakanya kaya niligon ako ni Noona. “Sure mom” malungkot na sagot ni Noona. Alam kong naawa sakin si Noona dahil sa pagtrato sakin ng mga magulang ko. Hindi ko alam kung bakit ganito sila sakin, hindi naman ako ampon or what. Hindi rin naman sila ganito sa akin noon sa pagkaka-alala ko pero after ng accident ko when I was 9, nagising na lang ako ng ganito na sila sa akin. Sa totoo lang hindi ko naaalala ang mga nangyari ng araw na yun. Sabi ng Doctor posibleng Selective Amnesia dahil  sa traumang inabot ko. Maaari raw na binura ng utak ko ang mga nangyari as a defense mechanism. Kung ganoon nga siguro kagrabe yung nangyari noon ay dapat nga sigurong ipagpasalamat ko nang hindi ko na iyon maalala kaysa mamuhay ako ng may trauma. Tinanggap ko na lang sa sarili ko na ganito na talaga ang pakikitungo ng magulang ko sakin. Matapos ang dinner ay agad na kong umakyat sa kwarto ko at kinuha na lang phone ko. Nagtext ako kay Addie para naman mabawasan ang sama ng loob ko pero ilang minute na rin ang lumipas ay hindi pa rin siya nagrereply. Sinubukan kong tawagan siya pero busy ang phone niya. “Sino naman kaya ang kausap nito ng ganitong oras? Haay!” tanong ko sa sarili ko habang nakatitig sa screen ng phone ko. Nagtext pa kong muli sa kanya at nagbasa basa ng kung ano-ano habang naghihitay pero makalipas ang ilang oras ay hindi pa rin siya nagrereply. “Hmmm? Ano kayang nangyari dun?” tanong ko ulit sa sarili ko, hindi ako nakatiis at sinubukan kong muli siyang tawagan pero busy pa rin ang phone niya. Nakatatlong ulit pa ako pero ganon pa rin hanggang sa nakatulugan ko na lang ang pagda-dial ko sa number niya. Naalimpungatan ako ng tumunog ang phone ko. Nang makita kong galing kay Addie ang message ay agad ko iyong binuksan. From: Hon +6391613689** Message: Thank you for your time. I have fun talking to you^_^ Nang mabasa ko ang message niya ay hindi ko alam kung anong gagawin ko, itetext ko ba siya agad? O hintayin ko na lang siyang magsabi? Matagal akong tumitig sa phone ko at paulit-ulit na binasa ang message niya hanggang sa makatulog na lang ako ulit ng hindi ko pa rin alam kung anong gagawin ko.   To be continued…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
476.9K
bc

My Stranger Husband

read
7.2M
bc

POSSESIVE MINE

read
967.1K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

My Hot and Sexy Baby Maker

read
450.6K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
888.8K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook