bc

My Queen in Shining Armor

book_age18+
1.3K
FOLLOW
5.1K
READ
love-triangle
kickass heroine
versatile
princess
royalty/noble
queen
gxg
bisexual
humorous
victorian
like
intro-logo
Blurb

Triplets Princesses who are in love with one Queen. But only one can have the Queen's heart. Who will succeed? And who will have a happy ending?

Follow the journey of Princess Aida, Princess Lorna, and Princess Fe as they fight each other to win the heart of the famous and beautiful Queen Prima. Will they get a chance with the Queen?

Hindi lang isang makulit at spoiled na prinsesa kundi tripleng kulitan, asaran, at salpukan.

+++

P.S.

This is LGBTQIA+ themed story. (Girl's Love | GirlXGirl)

If you are not comfortable reading this kind of genre, please don't proceed.

chap-preview
Free preview
Kabanata I: Ang Simula
"PATAWARIN nyo po kami, mahal na Hari. Ginawa po namin ang aming makakaya para iligtas ang mahal na Reyna subalit hindi na po nya nakayanan. Ikinalulungkot ko pong sabihin namatay ang mahal na Reyna sa panganganak," sabi ng doctor sa Hari na naghihintay sa labas ng royal room. Napaupo ang hari sa sahig at para bang nawalan ito ng lakas sa narinig. Agad namang umalalay ang royal guards sa hari. "Imelda, bakit mo ako iniwan, mahal ko?" umiiyak na hindi makapaniwalang sabi ng hari. Habag na habag naman ang mga nakakasaksi sa nakikitang pagdurusa ng hari. Palahaw ang iyak ng kwarenta anyos na hari sa pagpanaw ng kanyang mahal na asawa. Kasabay nito ang malakas na pag-iyak ng tatlong kambal na sanggol. Mga ilang minutong parang wala sa sarili ang hari kaya ang royal steward na lang ang nagsagawa ng mga peparasyon para sa burol ng kanilang mahal na reyna. Hindi din nagtagal at bumangon ang hari para masilayang muli ang kanyang minamahal na asawa. Muling naluha ang hari sa pagdama sa wala ng buhay ng na reyna. Sa pag-iyak ng hari ay sumasabay din ang tatlong maliliit na sanggol na nasa kabilang gilid. Sa pagkakita ng hari sa mga ito'y doon nahimasmasan ang hari. Lumapit ito sa nakahigang mga sanggol at pinagmasdan ang mga ito. Tumahan naman sa pag-iyak ang tatlo na wari'y naramdaman at nakita nilang dumating ang kanilang ama. Nanginginig ang mga kamay na hinaplos ng hari ang kanyang mga anak. Para naman nakakaintindi ang mga sanggol na parang kiniliti sa ginawa ng kanilang ama. Kaya napangiti na din ang lumuluhang hari sa nasilayang reaksyon ng mga anak. Marahan hinalikan ng hari isa-isa ang noo ng mga sanggol tsaka bumalik sa labi ng asawa. "Imelda, aalagan ko ang mga anak natin. Itagaguyod ko sila ng maayos. Pangako iyan. Salamat sa mga anghel na ito. Rest in peace, my love," lumuluha pa din ang hari ng sinabi nya ang mga katagang ito. At sa huling sandali, hinalikan ng hari ang kamay at noo ng kanyang pumanaw na reyna. +++ 19 YEARS LATER... "Nasaan ang mga prinsesa?" mahinahon ngunit puno ng awtoridad na tanong ng Head Chambermaid na si Chona kay Lolita na kanang kamay nito. Si Chona Mae or Miss Chona sa pagkakakilala sa kanya sa kaharian, Head Chambermaid, 40 years old, single at simula pa lamang ng bata ito'y nilalaan na ang serbisyo sa palasyo. Simula din kasi sa kanunu-nunuan nito'y ang angkan na nila ang nakatoka sa posisyon na iyon. Ang features nya'y kamukha ni Eula Valdez. Balik sa kasalukuyan, mahina itong naglalakad sa bulwagan kung saan gaganapin ang espesyal na pagdiriwang. Makilatis itong nagmamasid sa preparation. Metikuluso din nyang sinusuri ang mga design at mga gagamitin sa piging. "Nasa kanya-kanya po nilang mga silid, Miss Chona," sagot ni Lolita. "Nakahanda na ba sila para sa gaganaping piging mamaya?" Tanong ulit nito. "Nahanda na po namin ang kanilang susuotin at mga kakailanganin sa okasyon mamaya, Miss Chona," magalang na sagot ni Lolita habang nakasunod sa head chambermaid. "Mainam naman kung ganun. Double check mo ulit, Lolita. Bibisitahin ko mamaya ang mga prinsesa bago magsimula ang okasyon," sabi ni Chona na hindi man lamang tumingin sa sa babaeng kausap. "Masusunod po, Miss Chona," sagot ni Lolita tsaka yumuko bago lumiban. Palabas pa lamang ng bulwagan ng humahangos na lumapit ang isang kasambahay kay Lolita. Nagtataka man sa inaakto nito'y hinayaan muna nitong masabi sa kanya ng kasambahay ang nangyayari tsaka sya nagreact. Nanlaki ang mga mata ni Lolita ng marinig ang ibinulong sa kanya ng maid. "Ano?! Naku, lagot. Teka, sandali." Humahangos na bumalik si Lolita sa bulwagan. Nakataas ang kilay na pinagmasdan ito ni Chona. "Miss Chona, nawawala po ang mga prinsesa," mahinang usal ni Lolita, hindi makatingin sa head chambermaid. Maririnig ang pagkawala ng malalim na buntong hininga ni Chona. Nanindig ang mga balahibo ni Lolita at nanatili lamang nakayuko. Natatakot itong makita ang expression ng kanyang head. "Tawagin si Jerome. Ngayon na," mahina ngunit halatang nagpipigil ng galit na utos ni Chona. "O-opo!" Agad na kumaripas ng takbo si Lolita para sundin ang utos ng kanyang head. Ang sumunod na makikitang nagmamadaling pumasok ay ang head ng guard or security na si Jerome. Si Jerome, Head Security, 40 years old din at single. Matagal na itong nagpaparinig kay Chona pero ang babae naman ay sobrang aloof at dedicated sa trabaho. Ang features ni Jerome ay hawig kay John Estrada. "Bakit, irog?" Tanong ni Jerome ng nasa tapat na ito ni Chona. Gaya ng dati, mas sumama ang timpla ng mukha ni Chona sa narinig. "Ako'y iyong tigilan, Jerome. Sa kalandian mo'y nalingat ka na naman sa mga prinsesa!" mahina ngunit mariin na sabi ni Chona. Maririnig mo namang magtataas ng boses ito paminsan-minsan pero pagnangyari yun, that means world war 3 na. Pero kay Jerome, hindi umuubra ang kasungitan ni Chona. Bagong head security pa lamang si Jerome sa palasyo. Kinuha ito ng hari sa rekomendasyon ng reyna sa kabilang kaharian. "Naku, wag kang mag-alala. Nandyan lamang sila sa hardin," confident na sabi ni Jerome. Tinignan ito ng masama ng babae. "Samahan kita aking irog para ikaw ay maniwala," dagdag pa nya at matamis na ngumiti dito. "Bahala ka sa buhay mo!" masungit na saad ni Chona sa lalake at nagpatiuna ng lumabas ng bulwagan para siguraduhin kung naroon nga ang mga prinsesa. Napakamot na lang sa batok na sumunod ang lalake dito. Sa hardin naman ay naroon nga ang mga nagagandahang prinsesa. Kahit nasa iisang lugar lamang sila ay iba-iba ang kanilang ginagawa. Si Prinsesa Aida, na tahimik na nakahiga sa damuhan sa ilalim ng isang puno. Nakatakip ang mukha ng kanyang sumbrero at nakasuot pa ng kanyang horseback riding clothes. Si Prinsesa Lorna, na nasa isang bench malapit sa kapatid at tahimik ding nagbabasa ng libro. At ang huli ay si Prinsesa Fe, na nakikipaghabulan sa kanyang lalakeng samoyed breed na aso na si Snow. Mabilis na lumipas ang labing siyam na taon at ang mga kambal ay lumaking magagandang binibini.  Nakahinga ng maluwag si Chona sa nakita. Mahilig kasing tumakas ang tatlong prinsesa lalo na pag may okasyon kaya hindi mapigilang mag-alala ng head chambermaid. "Sinabi ko naman sa'yo, irog. Wala ka kasing tiwala sa akin," bulong naman ni Jerome sa tenga ng babae. Ikinagulat naman ito ng babae kaya isang malakas na hampas sa braso ang ginawad nya sa lalake. Kunwaring nasaktan na ngumiwi ang lalake at hinaplos ang hinampas ni Chona. "Bantayan mo sila ng maigi kundi malalagot ka sa lahat ng tao dito sa kaharian," huling banta ng babae bago tuluyang lumisan. "Makakaasa ka, irog," pahabol na sabi ni Jerome sa babae. Ang lapad ng ngiti nito habang nagmamasid sa mga prinsesa. Sa isip nya'y hindi sya nagsisising tanggapin ang trabaho nya ngayon, kasi dun nya pa ata mahahanap ang magiging kabiyak nya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

YOU'RE MINE

read
893.1K
bc

POSSESIVE MINE

read
969.5K
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.8K
bc

SILENCE

read
380.6K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
258.5K
bc

He's Cold Hearted

read
160.4K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook