bc

Contrast ( Tagalog )

book_age18+
1.1K
FOLLOW
15.2K
READ
fated
badgirl
self-improved
heir/heiress
drama
bxg
female lead
office/work place
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

I am Scarlet Bethany L. Montes. I am pretty and rich. I talked rudely to adults. I am mean to everyone. I always complain, and I always whining. In short, I am a Spoiled Brat. So what? Actually, I really don't care about my attitude not until I met this guy.

He is Yvan James M. Chua. He is handsome and smart. He's not just a good person. He is also a Religious person. My gosh!

Of all people, why him?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
-SCARLET BETHANY- Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. My gosh! "YAYA!" malakas na sigaw ko. "Yes po, Ma'am?" hinihingal na sagot nito. "Close the curtain! 'Di ba sabi ko sa inyo na huwag ninyong iiwang nakabukas ang kurtina?" galit na sabi ko. "So... sorry po, Ma'am. Hindi na po mauulit," natatakot na sabi niya. "Talagang hindi na mauulit because you are fired!" galit pa ring sabi ko. "Ma'am, maawa po kayo. Kailangan ko po itong trabahong 'to," nakikiusap na wika niya. "Aalis ka ba sa harapan ko o kailangan pa kitang ipakaladkad?" naiinis na tanong ko. "Ma'am, please!" umiiyak niyang pakiusap. "Get out of my sight! Naiistorbo mo ang pagtulog ko." Nang umalis na ang maid ay tumayo na rin ako. Nasira na ang tulog ko. Habang nag-aayos ng sarili ay bigla kong naalala si Daddy. Ilang araw na siyang busy sa trabaho hindi na kami nakakakain ng sabay. Sana naman makasabay ko siya ngayon. I miss him so much. Pagkababa ko ay dumiretso agad ako sa dinning hall. Tahimik lahat ng maid na nadaanan ko. Tsk! Nalaman siguro nilang may tinanggal akong maid. Kasalanan naman nila. Simpleng trabaho hindi magawa ng tama. Pagkarating sa dining hall ay katahimikan ang sumalubong sa akin. "Where's dad?" tanong ko sa maid na nasa gilid ng table. "Ma... maaga pong umalis, Ma'am," nauutal na sagot niya. "Why?" "Hin... hindi ko po alam, Ma'am!" "Tsk! Ayusin mo nga ang pagsasalita mo! Gusto mo bang mawalan din ng trabaho?" naiiritang tanong ko. "Hindi po, Ma'am. Sorry po," natatakot na sabi niya. Pasalamat siya at wala ako sa mood. "Tapon ninyo na lahat ng pagkain na 'yan! Kung gusto ninyo sa inyo na lang!" naiinis na sabi ko. Umakyat ako sa taas at nagbihis. Pupuntahan ko si Daddy. Ayokong kumain mag-isa. Tsk! Nakakainis naman si Daddy. Pasalamat siya, mahal ko siya. Pagkababa ko ay hinanap ko kaagad si Ben. Ang nangangasiwa sa labas ng mansiyon. "Ben, get my Bugatti La Voiture Noire. Make it fast!" "Yes, Ma'am!" Habang hinihintay si Ben ay tinawagan ko si Daddy. Bakit hindi sinasagot ni Daddy ang tawag ko? Busy na naman ba siya? My gosh! Ayokong kumain na naman mag-isa! Dumating na si Ben dala ang kotse ko. Wala na akong sinayang na oras. Sumakay agad ako at pinaharurot ito. Nang makarating sa tapat ng kompanya ay iniwan ko na lang doon ang kotse ko. Bago pumasok sa loob ay inayos ko muna ang composure ko. Chin up and chest out. Dapat maganda pa rin kahit nagmamadali. "Good morning, Ms. Montes!" bati ng guard. Inabot ko sa kaniya ang susi ng kotse ko. "Ikaw na ang bahalang mag-park ng kotse ko," utos kong nakataas ang kilay sabay alis. "Good morning, Ms. Montes!" bati ng mga staff na nadadaanan ko. I rolled my eyes to them. Mga plastik! Alam ko namang pagtalikod ko pinag-uusap na nila ako. Nang makaakyat sa opisina ni Daddy ay nakita ko ang isang lalaki sa table ng secretary niya. Mukhang bago lang ito. Dinaanan ko lang ito at dumiretso ako sa pinto ng office ni Dad. Bubuksan ko na sana nang may pumigil sa akin. Napakunot ang noo ko saka ko ito nilingon. Napanganga ako. Bakit ang guwapo ng bagong secretary ni Dad? Wake up, Scarlet! Back to reality! Ehem, wala 'kong pake kung guwapo siya. Bakit niya ako pinipigilan? "What?" taas kilay na tanong ko. "Miss, pasensiya na may kausap si Mr. Montes. Hindi siya puwedeng istorbohin," magalang na sabi niya. "So what? Hindi mo ba ako kilala?" Hinarap ko siyang nakataas noo at naka-cross arms. "I'm sorry, Ma'am----" "Ohh, bago ka nga pala. Ako lang naman ang nag-iisang anak ni Mr. Montes. Kaya kung ako sayo, tatabi na lang ako," nagmamalaking wika ko. "I'm sorry, Ma'am kung hindi ko po kayo nakilala agad. Pero hindi pa rin po kayo puwedeng pumasok. Kabilin-bilinan po kasi ni Mr. Montes na huwag magpapapasok ng kahit sino, dahil importante po ang pag-uusapan nila," magalang pa ring sagot niya. "Kahit sino? Bingi ka ba? 'Di ba sinabi kong AKO ANG ANAK NIYA! Hindi ako kung sino lang! Mas importante pa ako sa kausap niya!" galit na galit na sigaw ko. "Narinig ko po, Ma'am. Alam ko na pong anak po kayo ni Mr. Montes. Sumusunod lang po ako. Hintayin ninyo na lamang pong matapos siya. Pasensiya na po talaga." "Aba! You're getting into my nerves! My gosh! Wala akong pake kung bago ka lang pero sisiguraduhin kong matatanggal ka sa trabaho mo!" galit na sigaw ko sa kaniya. "Nauunawaan ko po. Puwede po kayong maghintay doon," sabi niya sabay turo sa sofa na katapat ng office ni Dad. My gosh! Talagang nag-iinit ang ulo ko sa lalaking 'to. Siya lang ang gumawa nito sa akin. Makikita niya. Gaganti ako sa kaniya. "Excuse me!" tawag pansin ko sa kaniya. "Yes po, Ma'am?" magalang na tugon niya. Lalo lang akong naiinis sa kaniya. Masyado siyang magalang at mabait. Takot lang siyang matanggal sa trabaho kaya ganiyan siya makipag-usap. Pare-parehas lang sila. Mga plastik! "I want coffee!" utos ko sa kaniya. "What kind of coffee, Ma'am? "Bahala ka! Guess what I want!" "Ma'am, pakisagot na lang po. Huwag po tayong magsayang ng kape. Pinaghihirapan po ng Daddy ninyo ang lahat ng mayroon dito sa office." "So? Sa amin lahat ng nandito kaya may karapatan ako kung anong gusto kong gawin sa mga 'yon." "Alam ko po, Ma'am. Pero masama pong nagsasayang ng biyaya. Lahat po ito ay galing sa Diyos, tayo lang po ang nakikinabang." "Wala ako pake----" "Pasensiya na, Ma'am. Tawagin ninyo na lang po ulit ako kung may kailangan po kayo," sabi niya sabay yuko. Buwisit! Hindi ako magpapatalo! Sa akin pa rin ang huling halakhak. May araw ka rin sa akin! Kalahating oras akong naghintay bago bumukas ang pinto ng office ni Dad. Sa wakas! Nagugutom na ako, kanina pa! Tumayo na ako at sinalubong si Dad na katatapos lang makipagkamay sa IMPORTANTE raw na kausap nito. Napatingin siya sa akin at napangiti. "Sweety, you're here!" sabi niya sabay yakap sa akin. "Yes, Dad. Kalahating oras na akong naghihintay dito. Hindi niya ako pinapapasok sa office mo!" pagsusumbong ko habang nakaturo sa nakakainis niyang secretary. "I'm sorry, Mr. Montes. Sumusunod lang po ako sa utos ninyo," sabi niya habang nakatungo. "I understand, Yvan," nakangiting sagot ni Dad. "Thank you, Mr. Montes!" pasasalamat niya sabay alis. "But Dad---" "Let's talk inside, Sweety." "Dad, how about me? Pinaghintay lang naman niya ang nag-iisa at pinakamagandang anak mo!" Biglang tumawa nang malakas si Dad. "Dad, why are you laughing? Naiinis na nga ako rito tapos tinatawanan mo lang ako!" Nakakainis naman si Daddy. Bakit parang mas kinakampihan niya pa 'yong secretary niya kaysa sa akin? Hindi ako papayag! No way! No way! No way! 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Husband Is A CEO Boss

read
468.4K
bc

Mr. Moore: The Monster of my Life (book 1) - SPG

read
683.1K
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Mr. Miller: Revenge for Love -SPG

read
307.8K
bc

My Stranger Husband

read
7.2M
bc

My Possessive Boss (R18+ COMPLETED)

read
5.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook