Naranasan mo na bang magkagusto sa taong pinaka-ayaw mo? Naranasan mo na bang ma-inlove sa taong kabaligtaran ng ugali mo? O isang tao na walang pakialam sa mundo O kaya naman isang tao na minahal mo dahil sa ugali niyang kakaiba Naranasan mo na rin bang magmahal sa isang tao na hindi lang ugali ang binago sayo kung 'di buong pagkatao mo. At higit sa lahat isang tao na hindi mo aakalain na mamahalin mo kahit pa may hahadlang sa pagmamahalan niyo. -- "Hindi ko kayang ibigay ang buong mundo, pero kaya kong ibigay sayo buong puso at pagkatao ko. Mahalin mo man ako pabalik o hindi, hayaan mo lang akong mahalin ka kahit walang kapalit." Mga salitang nagpahinto sandali sa tibok ng puso niya, Mga salitang gumulat sa kaniya. Hindi makapaniwalang maririnig niya iyon sa ganitong setwasyon. Masarap sana sa pakiramdam niya ang marinig iyon pero tila nauubusan na siya ng lakas para sagutin ang mga iyon. "I'll promise, No one will hurt you will hurt you again without my permission."
Umpisa pa lang ay sakit na ng ulo ang hatid ni Choleen. Kaya nga siya dinala ng tiyahin niya sa Mansion ng mga Morris para ipasok bilang katulong. Dahil ayon sa tiyahin nito ay wala na talagang balak bumalik pa sa pag-aaral si Choleen. Mula pagkabata nito ay ang tiyahin niyang si Martha na ang tumayong magulang kay Choleen. Mula ng maaga itong naulila sa magulang. Hindi na nagawang mag-asawa ni Aling Martha dahil sapat na sa kaniya ang alagaan si Choleen ang kaso hindi niya ito natutukan ng maayos dahil sa trabaho niya bilang katulog. At nang mabalitaan nitong nakipagbasag ulo sa kabilang bayan ay nagdesisyon itong isama si Choleen sa mansion at ipasok bilang katulog. Buong akala ni Choleen ay makakasama niya ang tiyahin niya pero ang nangyare ay dinala siya ni Archer ang anak ni Madamme Violet na magiging amo niya, Sinama siya nito sa Miera Grande isa sa pagmamay-aring resort ng mga Morris. Doon nagsimulang magbago ang buhay ni Choleen.Akala niya ang pagiging katulog ay taga-linis, taga-luto at taga-laba lang ang ginagawa ang hindi niya inaasahan ay pahihirapan siya ni Archer. Nalaman kasi nito na pasaway at laging suki sa barangay nila itong si Choleen tuwing may gulong nangyayare. Doon niya naranasan na hindi lahat ng taong nakakasalamuha mo ay kaya kang makisamahan ng maayos. Hindi lahat ng makakasalamuha mo ay gan’on din ang tingin sayo kung paano mo sila e-trato. At habang nasa Miera Grande siya ay unti-unti niyang makikilala ang ugaling meron si Archer at madidiskubre nila sa isa’t-isa ang lihim na kahit kailan ay hindi nila pwedeng itago.Isang sekreto na magpapabago ng buhay nilang dalawa.
Dahil sa kagustuhan ng tita niya na makuha ang nakakarapat sa kaniya. Pinilit si Demiree na ipasok sa Helveria University para doon ipagpatuloy ang naudlot niyang pag-aaral. Buong akala niya ay natauhan lang ang tyahin niya kaya pinag-aral siya ulit neto. Ngunit nang nasa Helveria na siya doon niya natuklasan ang lahat. Nalaman niya lahat ng sekreto tungkol sa pamilya niya at ang totoong nangyare sa magulang niya kung bakit siya neto iniwan sa pangangalaga ng tyahin niya. Nakatagpo siya ng mga bagong kaibigan. Nakilala niya ng iba't-ibang uri ng tao at ugali ng mga ito. Natuto siyang mas pahalagahan ang sarili at mga taong nagbigay din ng halaga sa kaniya. Natuto siyang lumaban at huwag basta umasa sa tulong ng iba. Natutong magmahal, at ipaglaban ang taong mahal niya kahit ikapahamak niya pa. Samahan natin si Demiree sa journey niya sa loob ng Helveria University.
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.