FALLEN SERIES 3 ROMANCE/Warning SPG. Not suitable for 18 years old below. Matapos pagtangkaang gahasain si Hescikaye ng lalaking planong ipakasal sa kanya ng kanyang ama ay tumakas siya at lumipad patungong Manila. Nagtago siya sa likod ng maskarang basura para sa iba at nilalait ng karamihan. Ipinasok siya ng kanyang kaibigan bilang cook sa kumpanya ng mga Garland. Ang buong akala niya ay magiging maayos na ang kalagayan niya sa lugar na ito ngunit hindi pala. Dahil dito palang pala mag-uumpisa ang unang yugto ng kanyang buhay sa piling ng arogante niyang boss, si Mister Mclaren Lewis Garland. Hanggang kailan niya pagtitiisan ang masungit, mapang-api at mapanuya niyang Boss? At hanggang kailan niya maitatago at mapipigilan ang puso niyang nagsisimula nang umibig dito?
BETHA ORGANIZATIONS SERIES He is Liam Travis Grey Parker. An innocent man I made a puppet boyfriend to cover up my ego. Upang isangkalang sa sakit na idinulot sa akin ng ex-boyfriend kong si Howard Belmont who is also the boyfriend of the whole campus. Upang ipamukha sa kanya na hindi lang siya ang lalaki sa mundo! But I never thought that despite his innocent looks and innocence in everything, ay may itinatago pala siyang misteryosong katauhan. At kailanman ay hindi ko inasahang siya rin pala ang magdudulot sa akin ng walang hanggang sakit ng aking kalooban.
FALLEN SERIES 5 Mature content. Not suitable for readers 18 below. Isang simpleng babae lang si Lhevyrose Gonzales. Tindera ng mga sariwang gulay sa kanilang bayan sa probinsya ng Mindoro. Kuntento na sa buhay at hindi na naghahangad ng higit pa doon. Hanggang sa isang araw ay isang bakasyunistang nagmula sa Manila ang dumating sa kanilang bayan. Si Charlie Delavega, isang mayaman, makisig at napakagwapong nilalang sa paningin ni Lhevyrose. Kaagad siyang nahulog sa matatamis na ngiti nito at sa mga pambobola nito. Sinagip ni Charlie ang buhay niya mula sa mapagsamantalang tao. At bilang kapalit, kusa niyang ibinigay ang kanyang sarili sa binata ngunit pagkatapos ng lahat ay walang salitang iniwan siya nito dahil ang pinakaayaw sa lahat ni Charlie Delavega ay commitment. At ang hindi inaasahan ni Lhevyrose sa lahat ay nagbunga ang isang gabi nilang pagniniig. Maayos na sana niyang palalakihin ang kanyang sanggol sa simple nilang pamumuhay ngunit isang malubhang sakit ang dumapo dito at hindi makayang tustusan ng pamilya niya ang pagpapagamot. Paano niya hahanapin ang lalaking ayaw magpahanap? Paano niya ipaaalam dito na nagbunga ang isang gabi nilang pinagsaluhan? Magagawa bang tanggapin ni Charlie ang bata gayong wala sa bukabolaryo nito ang salitang COMMITMENT.
His captivating but mysterious eyes. The elegance of his body. The agility of his every move. His mesmerizing and masculine scent. His lingering caresses on my body. His intoxicating kisses on my skin. I experience all that from him in the midst of darkness. A mysterious being hides in a shadow to fulfill a promise from the past. Isang madilim na nakaraan na siyang nagpabago sa takbo ng buhay naming lahat. Pero anuman ang gawin niyang pagtatago, makikilala at makikilala pa rin siya ng puso ko. The only man I've ever loved in my entire life.
Maian Rhavalez Heinrich and Cristine Joy Lanzar, dalawang babaeng naging biktima ng pang-aabuso at nabaon sa madilim na kahapon. Ngunit pilit ring hinahabol ng dalawang aninong hindi matahimik ang kunsensiya at pareho nilang puso na puno ng pagsisisi para sa dalawang babaeng kanilang minamahal. Hanggang kailan magdurusa ang bawat isa? Hanggang kailan sila malulugmok sa madilim na nakaraan at magtatago sa mga aninong 'di kayang maglantad ng tunay nilang katauhan.
DELTA ORGANIZATIONS SERIES Ang nais lang naman ni Selenah ay mapansin siya ng ultimate crush niyang walang iba kundi si Skipper Stienfield. Isang gwapo, makisig, masipag, matapang, matalino at mayamang binata. Lahat na yata ng katangiang hinahanap niya sa isang lalaki ay nasa kanya na. At hindi lingid sa binata ang malaki niyang pagkakagusto para dito. Ngunit matapos ang lahat ng pagpapakatanga na ginawa niya para mapansin lang siya nito ay kusa na rin siyang sumuko. To the point na kahit maging ang buhay niya ay muntik ng maganib ngunit hindi pa rin siya nito pinag-ukulan ng kahit kaunting pansin. Matapos ang pitong taong paninirahan niya sa America upang makalimutan ang binata ay muli siyang nagbalik ng Pilipinas para lang salubungin ng driver at bodyguard niyang walang iba kundi ang binata. Si Skipper Stienfield. Ano nga ba ang dahilan ng dating matalino, mayaman, at may adhikaing maging tagapaglingkod ng bansa na si Skipper Steinfield ay bumagsak bilang isang bodyguard ni Selenah Montgomery na ngayon ay isa ng modelo at mayroon ng ibang kasintahan. 🚫CONNECTED STORIES: ☆Mister Arrogant ☆The General's Grandson ☆The Dark Psycho Angel
My Innocent Boyfriend book 1 Action/Romance How did an innocent go wild after living in America for three years? How can he recognize the woman he loves when his whole memory is gone? Makakaya ba itong kilalanin ng puso kung mayroon ng ibang balakid at siyang pumalit dito habang sila ay magkalayo? Paano masasabayan ni Nikay ang lahat ng mga pagbabagong naganap sa pinakamamahal niyang lalaki ngayong may ibang babae na itong pinoprotektahan?
ALPHA ORGANIZATIONS SERIES Romance/Action/Thriller Cedric Jeong Parker, lumaking bihasa sa pakikipaglaban sa iba't ibang uri ng mga hayop sa kagubatan dahil ito ang siyang ipinamulat sa kanya ng kanyang sariling lolo na isang Heneral upang maging isang pinuno ng isang lihim na organisasyong pupuksa sa lahat ng krimen sa bansa. Iba't ibang uri ng kagat ng hayop sa kanyang katawan ang kanyang tinamo sa murang edad pa lamang. Iba't ibang klase ng pangil ng hayop ang bumaon sa kanyang laman bago maging isang perpektong mandirigma. Ngunit kung sa tingin ng iba ay isa siyang malakas at matapang na agent ng Alpha Organization na siyang pinamumunuan niya, sa puso at isipan niya ay nag-uumpisa na siyang manghina at mawasak. At ang tanging kinakapitan na lang ay ang nag-iisang babaeng nagbibigay ng lakas sa kanya upang patuloy na lumaban. Ngunit hanggang kailan? Hanggang kailan patuloy na lalaban ang pusong nagmamahal kung ang nagdadala nito ay unti-unti ng kinakain ng bagsik ng rabbies ng mga hayop sa kagubatan?
DELTA SERIES- ᴛʜᴇ ᴛʜɪʀᴅ ᴏʀɢᴀɴɪᴢᴀᴛɪᴏɴs. Action/Romance They laid me down on a metal table. They tied my hands and feet. Some scientists are around me. Long jigs are now in their hands. Hindi mapangalanang sakit ang tumimo sa aking kaibuturan. Tilamsik ng aking mga dugong bumuhos sa aking katawan. I cried so hard. My vision became blurred. Isinusumpa ko ang lahat ng mga taong naririto. Isinusumpa ko ang ginawa nilang pagputol sa aking kanang kamay at kanang binti! Isinusumpa ko ang dahilan ng lahat ng ito! But everything suddenly changed. Dahil sa aking mga bakal na braso at binti, I have saved many people and one of them is the only person who made my heart beat fast. But will he accept someone like me? Siya na ba ang bubuo sa mga kakulangan sa aking pagkatao. Kahit ang ilang parte sa aking katawan ay isa ng.......ROBOT.
ALPHA ORGANIZATIONS SERIES Action/Romance Siya si Zhujhen Cail Torres Marcial, isang tahimik, simpleng babae, butihin at mapagmahal na anak. Tahimik na nag-aaral sa isang school sa Bulacan hanggang sa isang araw ay dumating ang dalawang lalaking may iisang mukha at siyang nagpabago sa tahimik niyang buhay. Isang biktima at isang traydor. Sino ang tunay na may sala? Sino ang tunay na isinisigaw ng puso?
FALLEN SERIES 1 ROMANCE Hindi akalain ni Alliyah Villiantez na ganito pala kasarap ang pakiramdam ng unang pag-ibig. Pakiramdam niya ay idinuduyan siya sa alapaap lalo na at isang prinsesa ang turing sa kanya ng lalaking hindi niya inakalang papansin at magmamahal sa kanya. Isang simpleng saleslady lamang si Alliyah Rein Villiantez sa isang Department Store at ang mapansin ng anak ng may-ari nito ay isang malaking regalo para sa kanya at isang makabagong karanasan lalo na at ito pa lamang ang kauna-unahang beses niyang umibig.
FALLEN SERIES 2 ROMANCE Warning|R-18 This story contains scenes that aren't suitable for young readers. Yanlee Mcfadden, a 24 year old georgeous, handsome, hotter and one of the most sexier chief executive officer of Mcfadden Corporation. Binatang pihikan sa babae kahit na halos isubo na ng kababatang si Jessica ang sarili niya para dito ay hindi pa rin ito mapansin ng binata. Until one day, isang pulubi at palaboy na babae sa kalye ang kanyang natagpuan. Iniligtas niya ito mula sa rumaragasang truck ngunit imbes na magpasalamat ang babae sa kanya ay tila natakot pa ito at tumakbo papalayo. A few weeks later, it looked like destiny really meant for them to meet again. 'Di sinasadya ay nabundol ito ng dinadala niyang kotse habang tumatakbo ang pulubi sa gitna ng kalye. Marungis at nangangamoy na ito. Isinugod niya ito sa Hospital, matapos ay iniuwi sa kanyang condo, pinatira, binihisan at pinakain ngunit lingid ito sa kaalaman ng dalaga dahil sa hindi niya malamang dahilan ay malaki ang takot nito sa mga kalalakihan. Nangangatal, umiiyak at mas malimit kausapin ang sarili lalong-lalo na ang buwan. May mga bagay rin itong ginagawa na hindi namamalayan ng dalaga katulad ng pagtalon mula sa napakataas na gusali. Paano niya magagawang magpakita sa dalaga? Paano niya magagawang lapitan ito? At paano niya mapapaamo gayong sa tingin niya ay nakaranas ito ng pang-aabuso mula sa mga kalalakihan. At ngayon ay nararamdaman niyang unti-unti na siyang nahuhulog dito.
The Dark Psycho Angel Book 1 Action/Romance Sa pagkamatay ng lola ni Angelica Leyland Parker ay kasama niyang ibinaon sa hukay ang lahat ng ala-ala at masasakit na nangyari sa kanya sa lugar na ito, kasama ang lalaking una niyang minahal sa mahabang panahon. Tahimik niyang nilisan ang Pilipinas, kasama ang kanyang mga kapatid na si Liam Travis Grey Parker at Cedric Jeong Parker. Ipinangako niya sa kanyang sarili na kahit kailan ay hinding-hindi na siya masasaktan ng sinuman. Matapos ang tatlong taon nilang pananatili sa America kasama ng kanyang mga kapatid, ngayon ay muli silang nagbabalik ng Pilipinas upang sundan ang grupo ng mga taong nakatakas mula sa isa sa mga bilangguan sa America upang sugpuin ang mga ito. Ngunit hindi niya inaasahan ang taong unang sasalubong sa kanyang paningin. Si Nick Jonas Delavega, habang hinahaplos ang may kalakihan ng tiyan ng babaeng dating mahigpit niyang katunggali sa puso nito, si Caithy Torres Marcial. Ngunit ni kaunting ugoy sa kanyang puso ay wala siyang naramdaman para sa kanyang nasaksihan. Pakiramdam niya ay sinaksakan ng isang drum na anesthesia ang puso niya dahil sa sobrang kamanhiran nito. Ngunit hanggang kailan tatagal ang epekto nito ngayong sa ilang gabi nilang pagniniig ay mabubuo ang munting buhay na magpapalambot sa puso ng sinuman.
Romance/SPG-R18+ ALPHA and DELTA ORGANIZATIONS SERIES 'Even if you kiss the ground, you can do nothing. Ang mawala ka na sa buhay ko ang kaisa-isang nais ko.' Ilan lang 'yan sa mga salitang tumatak sa isipan ni Empress Hardy mula kay Geoffrey Fairford, ang lalaking nagligtas ng buhay niya noong sila ay sumabak sa matinding trial sa Baguio. At dahil sa pagsama-sama niya at sa pangungulit sa binata ay hindi niya inakalang siya ang magiging dahilan ng pagkamatay ng girlfriend nito at pagkabulag ng binata. At upang mabayaran niya ang ginawang pagliligtas nito noon sa kanya, maging ang pagkasawi ng girlfriend nito at pagkabulag ng binata ay hahayaan niyang ipasa dito ang sarili niyang paningin, makamit lang ang pagpapatawad nito. 'I don't like him but I owe him my life so now I have to pay him.'