Si July ay isang tagong bakla at nagkataong ang roommate niya na si Jerome ay guwapo, macho, at nahulog ang kanyang loob. Ngunit si Jerome ay isang homophobic, bully, at galit sa mga bakla... Igi-give up kaya ni July ang kanyang nararamadaman? O ipursige niya ito sa kabila ng maaaring malaman ni Jerome na ang kanyang roommate ay katulad din pala sa mga binu-bully niyang estudyanteng bakla?
Pitong taong gulang lang si Alvin nang maging malapit siya sa kinakapatid na si Andrei na labing-limang taong gulang. Para kay Alvin, ang kuya Andrei niya ay isang hero, best friend, tatay, kaharutan, kalaro, barkada, kakampi, tagapagtanggol; ang nag-iisang taong nand'yan para sa kanya... Ngunit naghiwalay ang kanilang landas. Nagpunta ng Maynila ang pamilya ni Andrei upang doon hanapin ang kanilang suwerte. Bago umalis, isang lihim ang iniwan ni Andrei kay Alvin; isang lihim na siyang sisira sa buhay ni Alvin. Ano ang lihim na ito? Bakit masisira ang buhay ni Alvin dahil sa lihim na dito? Iingatan kaya ni Alvin ang lihim base sa ipinangako niya sa kanyang Kuya Andrei? At babalikan kaya ni Andrei ang kanyang mahal na bunso? Munting Lihim...
Naghanap ng dorm habang nag-aaral. Nakahanap ng "room-for-work" scheme kung saan ang may-ari ng apartment ay isang arogante at antipatikong lalaking tamad gawin ang kanyang trabaho sa opisina at ipinapagawa na lamang ito sa kanya kapalit ng pagtira niya sa kanyang apratment. Si Jimmy ang estudyante. Nainis, nabuwesit. Ngunit kailangan niyang gawin upang makatipid at maipagpatuloy ang semester. At imbes na mainis, ibinuhos niya ang galit sa pagpapaganda sa apartment. Hanggang sa nakita niya ang weakness ni Ezie. Nainlove nang lihim ngunit ang masaklap ay nalaman niyang ikakasal na pala si Ezie. Napagdesisyunan niyang umalis sa apartment at ihinto na lang ang pag-aaral. Hahanapin kaya siya ni Ezie?
Kabaligtaran halos ang lahat ng bagay sa kanila. Mahirap si Timmy, mayaman si John; sa bukid lumaki si Timmy, sa malaking syudad naman si John; responsable at matalino sa klase si Timmy, si John naman ay easy-go-lucky; law-abiding si Timmy, basagulero naman si John. Mistulang isang anghel at isang demonyo ang pinagtagpo. Enter si tadhana. Pinaglaruan ang buhay nila...
Isang estudyanteng spoiled brat at walang sinasanto. Inilipat ng kanyang mommy eskuwelahan sa isang sectarian na eskuwelahan sa probinsya dahil wala nang pag-asa pang magbago sa syudad. Na-meet niya ang isang batang professor ng Sociology. Matalino ngunit palaban. Napansin ng professor ang pagka-arogante ng bagong dayong estudyante at na-challenge siya rito. Ang estudyante naman ay tinangkang i-blackmail ang professor upang maging sunod-sunuran ito sa kanya. Si Carl Miller ang estudyante. Si Sir James ang professor. Sino kaya sa kanila ang magtagumpay?
Hiwalay ang mga magulang ni Bugoy. Ipinagpalit ang kanyang inay sa isang bakla. Simula nang pagkabata ay ang hindi pa niya nakikita ang kanyang itay. Nang namatay ang kanyang inay, inihabilin siya sa kapitbahay nilang si Renan na kuya-kuyahan niya. Ngunit may tagubilin ang kanyang inay sa kanya: huwag siyang maging bakla dahil isang bakla ang sumira sa relasyon niya sa kanyang itay at sa kanyang buhay. Ngunit nain-love si Bugoy kay Renan. Sino ang susundin niya? Ang idinikta ng kanyang puso? O ang tagubiliin ng kanyang inay? Nalaman din niya na ang taong umagaw ng kanyang ama mula sa kanyang inay ay isang kapamilya. Maipaghiganti kaya niya ang kanyang inay? Kilalanin kaya siyang anak ng kanyang ama?
Paano kung lihim mong mahal ang best friend mo at dahil hindi mo alam kung paano ito ipaalam sa kanya, idinaan mo ang lahat sa santong paspasan - nilasing atsaka nilapastangan? At paano kung ikaw ang best friend na inabuso? Matatanggap mo pa ba ang ginawa sa iyo ng best friend mo? Tol... I Love You.
Si Jason ay labing-anim na taong gulang at nasa fisrt year college. Matalino, anak mayaman, at ang turing niya sa kanyang sarili at straight na lalaki. Nang sumali siya sa volleyball team at nameet niya si Romwel, ang playboy at tinaguriang "Crush ng Bayan" na team captain, doon na siya nagtanong sa kanyang sekswalidad. Naging close si Romwel sa mga magulang ni Jason dahil sa pag-aalaga nito sa kanilang anak. Nang naulila na si Romwel, inampon siya ng pamilya ni Jason at naging legal na Iglesias. Dito nagsimula ang problema ni Jason. Mahal niya si Romwel. Paano malalampasan ni Jason itong dilemma sa kanyang buhay at pag-ibig?
Si Enzo at may paka-aloof at mahiyain. Kulang sa confidence sa sarili at may inferiority complex. Mas gusto pa niyang magbabad sa internet at makihalubilo sa virtual na mundo. Isang araw ay nakachat niya sa internet ang isang guwapong lalaki, si Zach. At na inlove siya rito. Ang siste ay gustong magkipag video chat ni Zach. Ang ginawa niya, kinumbinsi niya si Erwin, ang kanyang kuyang guwapo na siyang makikipag-chat kay Zach. At upang hindi malaman ng kuya niya na lalaki ang ka-chat niya, ang camera ay nakatutok sa kuya niya samantalang ang monitor ay sa kay Enzo nakaharap. Paano masustain ni Enzo ang pagkukunwaring ito? Ano ang magiging reaksyon ng kuya niyang si Erwin kapag nalaman niyang lalaki pala ang humahanga sa kapogian niya?
Bader is an Arab, good looking 21 year old English trainee. He an enterprising, easy-go-lucky guy unafraid of everything. He is just new to the company and upon enrolling under the training program, immediately became close to Mike, the trainer. One day, Bader confessed to Mike that he had a feeling for him. Will Mike accepts Bader's advances?
Is it possible for a man to fall in love at the same time to both sexes? Sam had a huge crush on his Psychology professor, Ms. Cathy. He tried to court her and made her fall in love with him. Since they were on a teacher-student status which is prohibited, they kept their relations secret. But one night, something happened between him and his best friend Geoff. In that incident, he realized that he loved his best friend too. Since both of them can't accept to be stereotyped as "gay", they also kept their relation secret. One day, Ms. Cathy got pregnant. Sam was torn between his two lovers. And he needed to choose only one. Who will Sam choose?
Nagmahal ng best friend. Nilapastangan ang best friend nang nalasing. Nagalit si Best friend. Ipinakilala ni best friend ang kanyang girlfriend. Nasaktan, pumasok ng seminaryo. Nang malapit na maging pari, umamin si best friend na may naramdaman din sa kanya. Hinikayat siyang huwag nang bumalik sa seminaryo at magsama na lang silang dalawa... Papayag kaya siya?
Miko suffered from autophobia, or fear of abandonment. It started when he was young and his pet dog died. When he was a teenager, his parents also left him. When the person whom he considered as the only one left in this world who loved him - his stepmom - was planning to get married and be with the man she loved, Miko knew he had to do something...
Isinara ko na ang puso ko para kay Prime. Hindi ko na rin inaasahang babalik pa ang pagiging magkaibigan namin. Nagkamali ako. Bagamat nanghinig ako ng patawad ngunit hindi niya tinanggap. Matitiis ko na hindi niya suklian ang aking pagmamahal huwag lang sanang maputol ang maganda naming samahan bilang magkaibigan. Tuloy ang buhay. Pinilit kong burahin sa akin gisip ang mga masasayang ala-ala ko sa kanya. Isang araw, nag-umpukan sina Prime at kanyang mga barkada. Narinig kong nagkuwentuhan sila. " Pare... naranasan mo na bang magkaroon ng kaibigang bakla?" "Ako pare, marami. Marami naman kasi tayong classmates na bakla, di ba?" ang sagot ng isa. "Ok naman silang kaibigan pare, wala naman akong problema..." ang sambit din ng isa. "E, naranasan niyo na ba na sa gitna ng iyong kalasingan, ginapang kayo?" "Nangyari sa iyo iyan?" "Oo pare. Putsa... Kung hindi lang ako lasing noon, binugbog ko na iyon!" "Kung sa akin nangyari iyon, pare, Okay lang. Walang mawawala sa akin, eh," ang sagot naman ng isa. "Pero pare... bad trip iyan. Lalo na kung ang baklang iyon ay pilit na nagpakalalaki at naturigan pang best friend mo!" ang sagot ni Prime na nakatingin siya sa akin! "Waaaahhh! Parang kilala ko! Best friend mo ba kamo?" "Oo pare. Best friend... Noon iyon, pare. Ngayon, hindi na!" Palihim na lang akong tumayo at nilisan ang lugar upang hindi ko na marinig pa ang kanilang pagtatawanan.
Ako si Tob. Isinulat ko ang kuwento kong ito dahil sa labis na pagmamahal ko sa isang tao... si Meg. Hindi pangkaraniwang insidente ang naging tulay upang mag-krus ang landas namin ni Meg. Kasama ko noon ang aking girlfriend na si Weng, tinungo namin ang aming jewelry shop. Nabuo na kasi sa aking isip na pakakasalan ko na siya at doon ko gagawin ang pag-propose sa kanya. Maganda si Weng. Matangkad, makinis ang balat, anak mayaman at higit sa lahat, mabait. Sabi nga nila, perfect match daw kami; ang lahat ay nasa amin na. Kumbaga, made in heaven. Walang kaalam-alam si Weng na sa lugar na iyon ay magaganap ang isa sa pinakamemorableng pangyayari sa aming buhay. Wala ring ibang taong nakaalam sa aking plano maliban sa driver ng bus na siya kong inarkila. Ang alam lang ni Weng ay may ireregalo akong singsing sa aking ninang at ninong para sa nalalapit nilang silver wedding anniversary at siya ang gusto kong pumili. Pagdating namin sa shop, ibinigay ko kay Weng ang limang pares ng singsing na sadyang ipina-custom-made ko upang pagpipilian niya. Namangha si Weng sa ganda ng mga singsing. At nang nakapili na, lihim na akong nag-misscall sa bus driver. Lumantad ang malaking tarpaulin sa gilid ng bus, may nakasulat, "Weng... I've made the most important decision. I will marry you. –Tob". Bumusina nang napakalakas ang driver. Nang lumingon si Weng sa bus, nanlaki ang kanyang mga mata sa matinding pagkagulat. Lumuhod ako sa harap ni Weng sabay abot sa kanya sa singsing na napili, "Weng, will you marry me?" Nagsigawan ang aming mga tindera. Nagpalakpakan. Kinilig. "Yes!" ang sagot niya. Isinuot ko sa kanyang daliri ang singsing. At ang pares noon ay ibinigay ko sa kanya upang siya naman ang magsukbit nito sa aking daliri. Ngunit naputol ang masayang eksenang iyon nang biglang sumulpot ang isang lalaking naka-bonnet. Hinablot niya sa leeg si Weng sabay deklara ng "Hold-up ito!!! Ilabas ang pera!!!"
"Alam mo, Jerry, nung una kitang mapansin dun sa pagtitinda mo ng soybeans, parang ang supla-sulado mo. Gusto sana kitang kaibiganin e, kaso umiiwas ka kapag tinitingnan ko. Parang ang sarap mong sipain talaga," ang biro ko. "Nahihiya kasi ako e, 'sensya ka na." "Pero..." ang may pag-aalinlangan kong tanong, "Gusto mo rin ba sana akong kaibiganin?" "Sana... kaso 'di ko alam paano, e. Mukha ka kasing salbahe," ang sabi niyang nakangiti. "'Di biro lang, alam kong mabait ka. Mabuti na lang at nabundol ko iyong asukal nyo. Dahil kung hindi, hindi pa sana tayo magkakakilala hanggang ngayon." Mukhang na-guilty naman ako sa sinabi niyang iyon kaya naisip kong ibunyag na sa kanya ang totoo. "OK... May aaminin ako. A-alam mo bang sinadya ko talagang ibundol ang sarili ko sa iyo at ilaglag iyong dala kong asukal?" "Ano?" Tanong niyang halatang nabigla. "Bakit mo naman ginawa iyon?" "Para takutin ka... Joke! Hindi... para magkaroon ako ng dahilan upang makausap ka at maging kaibigan." Tumawa sya ng malakas. "Talaga? Dahil... alam mo, may aaminin din ako sa yo," ang sagot niyang tiningnan ang reaksyon ko. "Sinadya ko rin namang dumaan sa harap mo e... para mapansin mo ako at mag 'Hi!' ka sa akin. Pero nang makita kong tumalikod ka at kinuha iyong asukal mula sa estante, sinadya ko na lang na magpabundol!" "Hah? Langya ka, pinahirapan mo pa ako? At sinayang mo pa ang isang kilong asukal!" ang sagot kong nagulat din. "Sa mala-anghel na mukha na yan... may pagka-salbahe pala! Akala ko ay ako lang ang salbahe!" Sabay kaming nagtawanan. "Yan ang akala mo!" "Alam mo bang ino-obserbahan din kita sa pwesto mo?" ang paglihis ko sa usapan. "Oo naman!" At pag ganyang napansin kitang tinitigan ako, sinasabi ko na lang sa sarili na 'Ano na naman kaya ang tinitingin-tingin ng loko na to? Siguro naiinggit o naiinsecure sa kapogian ko?'" Nahinto siya sandali. "At bakit mo pala ako inoobserbahan, aber? May crush ka sa akin, ano?" "Sikretttt!"
"Lalaban ka!? Ha?! Magsusumbong ka?! Kanino ka magsumbong?! Ha? Ha??? Kung magaling ka sa klase, kung sikat ka sa klase, sa labas ng klase, kami ang sikat!!! Huwag kang magmayabang, tarantado! Huwag mong ipangalandrakang magaling ka dahil nakakapag-init ka ng dugo! Tangina mo!!!" ang sigaw ni Carlo habang nakatihaya na ako sa damuhan at patuloy niyang tinatadyakan ang aking tagiliran. Natisod kasi ako at natumba gawa nang pagharang ng paa sa aking daanan sa isa sa mga barkada niya. Nagkalat ang aking mga libro at gamit sa lupa habang nagtatawanan ang kanyang mga barkadang nakapaligid sa akin. May ilang estudyanteng nakakita sa ginawa nila. Ngunit wala rin silang maitutulong dahil notorious ang grupo ni Carlo sa pagiging pasaway sa eskuwelahan. At wala akong laban. Nag-iisa lang ako. Ayaw ko ng gulo. Wala akong nagawa kundi ang hintayin na tantanan nila ako. Nang huminto na sila at umalis, saka ako tumayo, pinulot ang aking mga gamit, pinagpag ang dumi na dumikit sa puti kong unipormeng polo shirt na parang wala lang nangyari, itinuloy ang paglalakad. Ganyan si Carlo. Isang bully. At isa iyan sa mga eksena ng kanyang pambubully sa akin. At siguro nga, totoo ang sinasabi nila na kaya raw tumatapang ang mga bully ay dahil ang mga binu-bully ay hindi lumalaban. At totoo sa akin iyan. Mas ayaw ko kasing dadami ang bugbog sa aking katawan dahil kung gaganti ako, lalo pa nila akong pagdiskitahan at hindi lulubayan hanggang sa tuluyang masira ang aking pag-aaral. Kung mangyari iyan, ako pa rin ang talo sa bandang huli. Iyan ang pag-iisip ko.
Ako ang nagtanim sa puno ng akasyang iyon. Mahilig kasi ako sa kahoy. At kahit sa aking mga isinusulat na kuwento, minsan ginagawa kong simbolismo ito sa buhay at pag-ibig. Sabi ng manghuhula, ang kahoy daw ay may malaking papel sa aking tagumpay at pagkabigo. Syempre tinawanan ko lang ito. Ano naman ang kinalaman sa kahoy sa aking tagumpay. Kung baha, land slide at global warming siguro ang pag-uusapan, malaki talaga ang papel ng kahoy. Pero sa buhay ko? Hmmm. "Mukha ba akong mother earth?" sa loob-loob ko lang. Dahil nag-iisa si Marjun na nagpapahinga doon, parang may nagtulak sa akin na lapitan siya. At iyon ang ginawa ko. Seryosong napako ang tingin niya sa akin noong napansin niyang lumihis ako patungo sa direksyon ng cottage imbes na sa direksyon ng gate kung saan sana dapat akong pumasok. Bakas sa mukha niya ang pag-alangan, marahil inisip na baka paalisin ko siya, o pagsabihang bawal ang mag-estambay doon. Nakatitig lang siya sa mukha ko habang palapit nang palapit ako sa kanya.