Nag-iisang anak si Valentino Clemente na CEO ng isang kilalang kompanya. Hiling ng kaniyang ama na mabigyan siya ng apo bago man lang pumanaw dahil bilang na lang kaniyang kaarawan. Simula nang pumasok sa trabaho si Valentino ay nawalan siya ng oras sa pag-ibig. Madalas iniisip ng kaniyang ama na baka bakla ito ngunit ang hindi niya alam ay dakilang babaero si Valentino no’ng wala pa siya sa kompanya. Nang malaman ito ni Don Mariano ay kaagad na naglabas ng anunsyo sa telebisyon na may pamagat na “The Billionaire’s Last Heir” Nakasaad sa anunsyo na kung sinong babae ang inanakan ni Valentino ay mabibigyan ng mana ang bata. Sagot na nila ang pagpapa-DNA Test ngunit sa haba ng pila ay tila malabong may mag-positive. Hanggang sa nakilala ni Valentino ang bagong sekretarya niyang si Dahlia. At hindi niya maintindihan kung bakit unti-unti siyang nahuhulog dito. TEASER: “Sir Valentino, you have to check this out. Your father made an announcement on television about something,” wika ng secretary niya saka pinindut ang remote ng TV. Napaupo si Valentino sa sofa nang marinig niya ang anunsyo. “The Billionaire’s Last Heir? What is he up to?” tanong nito sa kaniyang sarili dahil hindi niya naabutan ang buong pahayag. Lumapit sa kaniya si Secretary Joan at saka nagsalita. “Hinahanap ni Don Mariano kung sinong babae ang naanakan mo, Sir Valentino,” sagot nito na halatang pinipigilan ang tawa. 2021 © Ziellanes. All rights reserved.
Handang-handa na si Sam na makita muli ang nobyo niya na si Renzo Tan sa pagbisita niya sa Maynila. Susurpresahin niya sana ito para sa nalalapit nilang unang anibersaryo at excited na rin niyang sabihin na nagdadalang tao siya. Subalit tila nabago ang ihip ng panahon nang makita niya ito sa engagement party kasama si Laurel Dela Cruz— ang tagapagmana ng isa sa pinakamayamang kumpanya ng Pilipinas. “Kailanman hindi kita minahal, Sam. Isa akong casanova ng Maynila at pakakasalan ko si Laurel dahil sa kumpanya namin.” Pagkalipas ng limang taon ay matugumpay na naging fashion designer si Sam. She decided it was payback time. But her revenge went wrong. 2021 © Ziellanes. All right reserved. Daily update since March 2021
Trending sa buong bansa ang fake news na gawa ng isang baguhang reporter na si Jana Abrenica ang pagpapakasal umano ni Cassandra “Cassy” Taleon na sikat na model sa isang matipunong CEO. Hindi nagsalita si Cassy tungkol sa isyu kaya lalong umugong ang balita. Paano nga ba aayusin ito kung siya mismo ay walang nobyo? Nag-krus ang landas nila ni Dylan Almodovar na isang aspiring model. Kinumpara ni Cassy ang litratong nakita niya sa article at di siya nagkamali na iyon ang ginamit ni Jana. Naisip ni Cassy gawing fake husband si Dylan at tapusin ang relasyon. Pero hanggang saan hahantong ang isang relasyong nabuo bunga ng isang fake news kung sila mismo ay nahuhulog na sa isa’t isa—at gusto ng totohanin ang inumpisahang pagkukunwari? 2021 © Ziellanes. All rights reserved.
STRIKE ME RIGHT DUO BOOK 1 Tila sumiklab ang puso ni Savanna sa galit nang malaman niya na ang sikat na Dating App na PerfectSwipe ang sumira sa relasyon niya kay Gerald. Ang tanging gustong gawin ni Savanna ay ipamukha sa mga tao na walang magandang maidudulot ang Dating App kaya gumawa siya ng bad review at pinost sa social media. Naging trending ang review na iyon hanggang sa umabot ang balita kay Aldrich Benitz—CEO ng NorthE Tech at app developer ng PerfectSwipe. But then, Savanna secretly created an account until she matched a hot gorgeous man on PerfectSwipe. Masayang kausap niya ito hanggang sa malamang CEO ng NorthE Tech pala ang naka-match niya. Paano kung isang pagkakamali pala ang inaakalang true love ni Savanna? 2021 © Ziellanes. All rights reserved.
Sa di inaasahang pangyayari ay napunta si Alyana sa Kaharian ng Maharlika, ang kabilang daigdig ng Pilipinas. Lahat ng wala sa kaniya sa realidad ay nakuha na niya sa mundo ng pantasya. Ngunit sa kabila ng mala-fairytale na buhay ni Alyana ay kailangan niyang makuha ang loob ni Prinsipe Isagani at pakasalan ito sa loob lamang ng anim na buwan upang makabalik siya sa mundo niya. Ngunit sa isang kondisyon, hindi niya maaaring mahalin ito. Paano kung nahulog ang loob niya sa prinsipe? Mas pipiliin ba niyang isakripisyo ang buhay para sa pag-ibig? 2020 © Ziellanes. All rights reserved.
Zhaina wants to unravel the mystery behind her brother's death. Fortunately, she accidentally discovered the missing identity of her brother when she met Jimson-a member of a crime syndicate. "Parang jigsaw puzzle, kailangan mabuo para makita mo kung ano ang tunay na nangyari. There's no perfect picture if one piece of puzzle is missing"-Charles Emerson as he said to Francheska Zhaina Yoshida at Miyuri Park Hotel's Murder Case
Muling nabuhay ang puso ni Bethany nang makita niya muli si William—ang lalaking long time crush niya since high school. Ngunit sa kasamaang palad ay tinakda siyang ikasal sa lalaking hindi niya kilala nang dahil sa kompanya. Pinilit niyang tumakas sa kasal at pinakiusapan ang kambal niyang si Bridget na tumayo bilang bride. Sa di inaasahang pangyayari ay bigla niya na lang napagtanto ang imahe ni William sa altar sa araw mismo ng kasal. Nabawi man ni Bethany ang kasunduang ‘yon, ngunit biglang nagbago ang takbo ng buhay niya dahil sa kakaibang ugali na pinakita ng kapatid niyang si Bridget. Naging gahaman ito sa pera, minaltrato siya at inangkin lahat ng manang pinagkaloob ng kaniyang mga magulang bago ito namayapa. Sa kabila ng hirap na dinanas ni Bethany ay handa siyang maghiganti laban sa kapatid niya. Ngunit sa pagkakataong iyon, isang malaking rebelasyon ang nalaman niya tungkol dito na mas lalong nagpaunlak sa kaniyang parusahan iyon.
#RiseFromTheAshes #KingFromNobody "Comments for Bonus! Click this book and leave your ideas and suggestions to get a chance to win 200 bonus." Matapos matalo si Heron sa Mythic Battle of the Lords ay natungo siya sa gubat, dahil do’n ay nakita niya si Miya—Goddess of the Moon—at masayang naglaban sila hanggang sa makagawa ng malalim na butas ito sa lupa. Nang usisain niya ang butas ay bigla na lamang may lumitaw na bituin sa harap niya. Laking gulat niyang mapagtanto ang kapareho niyang mukha sa kabilang mundo na ang tawag dito ay Planet Earth. Hinigop siya ng bituin hanggang sa sumanib siya sa katawan ng kawangis niyang si Jiyeon Park—ang CEO ng Formula Solutions. Nakaramdam ng kakaibang lakas at kapangyarihan si Jiyeon na hindi kayang gawin ng isang ordinaryong tao. Humiwalay sa katawan si Heron upang ipakilala niya ang tinatawag na parallel universe. Sinubukan ni Heron na bumalik sa Planet Zeta ngunit hindi niya magawa hanggang sa nagpakita sa kaniya ang Anghel Gabriel—God Zeus’ messenger. Pinaliwanag ng anghel ang nangyaring pagwasak ni Hades sa Planet Zeta at kung paano nitong gustong wasakin ang Planet Earth. Pinili si Heron bilang tagapagligtas ng parallel universe laban kay Hades. Dahil hindi kampante si Heron na labanan ang Hari ng Kamatayan ay humingi siya ng tulong kay God Zeus sa pamamagitan ng anghel ngunit walang magawa ito dahil sa kasunduan ni God Zeus kay Hades na huwag mangialam upang di puksain ang mga bihag nito. Paano ng aba matatalo ni Heron ang kalaban kung mas malakas ito kumpara sa kaniya?
STRIKE ME RIGHT DUO BOOK 2 Matapos makuha ang lisensya ni Nathania “Thania” Rivera bilang Software Engineer sa Amerika ay napilitan itong umuwi ng Pinas dahil sa malubhang sakit ng dad niya. Iniiwasan niya kasi ang masasayang alaala nila ni Ismael, anim na taon na ang nakalipas. Kinuha si Thania bilang Sofware Engineer ng InTech Solutions—ang kompanya na gumawa ng SweetMatch na isa sa kilalang Dating App ng bansa. Simula nang pumasok siya sa kompanya ay gumawa ng sariling account si Thania at sinubukan ito. Accidentally niya naka-match ang isang mysteryosong lalaki na animo’y ni isang picture sa account nito ay wala. Hindi inaasahan ni Thania na mahulog ang loob niya sa lalaking iyon, hanggang sa bigla niya na lang nalaman na si Ismael Alvarez—CEO at app developer ng InTech Solutions ang kausap nito. 2021© Ziellanes. All rights reserved.
This is the sequel of Taming The Ex. Hindi makapaniwala si Isabella na hindi niya tunay na ama ang isang sikat na fashion designer na si Christopher Moore. She can’t blame her mom dahil sa past relationship nito, pero hindi maiiwasan ng dalaga isipin ang tunay niyang ama. After reading her mother’s diary, she decided to find her father. Pero habang ginagawa niya ‘yon ay may isang lalaking humahadlang sa kanya, si Blake Williams—the bully and her mortal enemy. Kinatatakutan ng lahat si Blake. Walang gustong kumalaban sa kanya except Isabella. Habang tumatagal ay hindi namalayan ng dalawa na nahuhulog na sila sa isa’t isa. Blake promised to help Isabella find her father. Dumating ang araw na bigla na lang umiwas si Blake kay Isabella dahil sa natuklasan nito. Paano nga niya iibigin ang dalaga kung kadugo niya ito?
Pandemic. Ito ang dahilan kung bakit pinasok ni Chaya ang mundo ng freelancing. Nurse siya na sana ay nasa ospital at sinisilbihan ang mga pasyenteng naapektuhan ng pandemya. Mas pinili niyang manatili sa bahay dahil sa kaniyang amang may prostate cancer, kaya naisipan niyang maghanap ng trabaho na hawak ang oras at work from home-based lang. Sinubukan niyang mag-data entry, social media manager, chat support, call center, content writer hanggang sa matanggap siya bilang virtual assistant ng isang guwapo at matipunong CEO na si Easton Caldwell—Filipino-Canadian. Para na siyang secretary ng CEO pero virtual lang. Maayos sana ang trabaho niya kung hindi lang demanding at antipatiko si Easton. Nanghihinayang din kasi si Chaya sa malaking sahod niya kaya nagtiis siya ng isang taon. Nang magdesisyon si Chaya na mag-resign ay hindi siya pinayagan ni Easton, binigyan siya ng malaking offer at tinanggap niya ito para sa pamilya. Pero paano kung habang tumatagal ay nahuhulog na ang loob niya dito? Paano niya mapipigilan ito lalo na kung uuwi ng Pilipinas si Easton at magkita sila ng personal?
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.